Chapter 49

Third Person's POV

Isang buwan na ang lumipas matapos no’ng binyag at pasko. ‘Yong New Year wala rin namang maganda. Si Aser natutulog lang kasama mga anak niya tapos si Zid nakikipag-inuman sa mga lalaki.

January 24 at may lima na araw nalang para sa 2nd month birthday ng kambal. Kaya sa loob ng limang bakasyon na 'yon nag lakwatsa sila Asereath, Elzid, Tomi at Zord sa Cebu.

Iniwan ng mag-asawa ang kanilang anak sa pamilya ni Zid dahil alam ni Aser na hindi makakapunta doon si Toni. At kapag pumunta man din yon doon, nandon naman si Skud kaya, no worries.

Sa panig ng apat na nasa lupa na ng Queen City of the South...

“Nasa’n ba tayo?” tanong ni Elzid kay Aser.

“Plaza Independencia,” she murmured. She remembers the time na kapag may practice sila sa paaralan, dito sila magpa-practice at kada uwi niya may pawis talaga siyang dala dahil hindi siya nagpapaalam sa mga magulang niya dahil alam na rin naman niya na hindi siya papayagan. Advance kaya mag isip si Aser.

“Ano naman ang gagawin natin dito?” tanong ni Zord.

“Wala, tara na punta na tayo sa Basilica Del Sto. Niño Church,” wika niya at nauna ng maglakad palabas doon sa parke.

“Malapit lang ba ‘yan dito?” tanong naman ni Elzid.

Tumango si Aser at hinintay na mag green light ang red light. Ang dalawa ay sunod-sunuran kay Aser, siyempre hindi kaya nila kabisado ang Cebu.

Limang minuto ang lumipas at nakatayo na sila sa entrance ng simbahan.

“Ang ganda,” saad ni Elzid at Zord habang tinitingnan ang paligid.

“Hindi ba kayo naka punta rito?” taas kilay'ng tanong ni Tomi sa dalawa. Sumagot naman si Elzid.

“I came here for business.”

“Never have I ever,” giit ni Zord na napakamot nalang sa ulo.

“That's... new.” Tumawa si Tomi.

Nang nakapasok na sila sa simbahan, may matandang babae na lumapit sa kanila. May dala siyang maraming kandila at ang suot niya sa ibabaw ay dilaw tapos sa baba naman ay pula.

“'Ga, magpa-sinug mo?” tanong ng matanda gamit ang lengguwahe nila. Lumapit si Aser sa matanda at nakipag-usap.

“Dili lang, 'nay, nibisita rami diri puhon nalang,'nay, magpasinug mi,” Ngumiti si Aser sa matanda at yung matanda ngumiti din. Yung dalawa litong-lito dahil hindi nila alam ang pinagsasabi ni Aser at nong matanda.

Agad lumapit sina Elzid, Zord at Tomi kay Aser. Unang nagtanong si Elzid.

“Aser baby, anong yung si—nug?” takang tanong niya.

Bumuntong hininga si Aser at pinalapit niya si Elzid at Zord. Alam na ni Tomi ang sinug kaya patingin-tingin nalang siya sa paligid.

“Kita niyo ‘yung ibang matanda na nakadamit kagaya niya?” Turo ni Aser sa mga matanda na nasa entrance door ng simbahan do’n.

Tumango naman ang dalawa.

“Sumasayaw?” they ask in unison.

“Sinasamba nila ang batang hesus.” Tumingin ulit si Aser sa mga matatanda sa may entrance at nagsalita. “Halimbawa, naka-pasa ka sa exam niyo tapos magpapa-sinug ka na nagpapasalamat ka. ‘Yon, basta 'yon,” nahirapan siyang mag explain.

“Ah, oo, sige, basta ‘yon na ‘yon,” natatawang saad ni Zid.

“Nasa’ng banda ba yong Magellan's Cross?” tanong ni Zord.

“Doon.” Turo ni Aser sa may exit sa dulo.

At nauna nang tumakbo sina Elzid at Zord. Nagkatinginan sina Aser at Tomi at napabuntong-hininga nalang silang dalawa. Nakita nang dalawa na picture ng picture ang dalawang ugok.

“Hayaan na nga lang natin sila.” Tomi.

Tatlong minuto na ang lumipas at explore pa rin sila ng explore sa loob ng simbahan. Minsan nagdadasal din sila. At sa huli kumaway sila sa Sto. Niño na nasa loob, na nagpapahiwatig na uuwi na.

“Aser, baby, ‘yong pigura na nando’n ‘yon ba ‘yung Sto. Niño na binigay ni Magellan?” tanong ni Elzid habang palabas sila sa simbahan. Bawat hakbang niya lahat ng mga Cebuana tumitingin.

“Hindi ‘yon orig,” simpleng saad ni Aser.

“Ha? E, nasa’n?” sabay na tanong ni Zord at Elzid.

“’Di ko alam, basta ang alam ko ipapalabas lang nila ang orig ‘pag Sinulog na,” she explained.

“Sinulog!” giliw na saad ni Zord.

“Mamaya na tayo mag-usap. Nagugutom na ako,” wika ni Aser nang nakalabas na sila sa simbahan. Paglabas nila sa main entrance may nakita agad silang restaurant.

“Mag chow—”

“I prefer Jollibee,” seryosong saad ni Aser habang nakatingin kay Zord. He gulped.

“Aser baby, may chowking naman ba't pa tayo magdya-jollibee?” takhang tanong ni Elzid.

“’Wag ka ng makipagtalo Elzid, ‘pag Jollibee na sinabi niya, Jollibee na talaga,” wika ni Tomi at nauna ng pumunta sa may Jollibee.

Ilang hakbang lang naman galing sa chowking ang jollibee.

Nag-order na silang lahat sa jollibee at habang kumakain sila, nag-uusap din sila.

“Aser dami mo atang alam sa Cebu, ah,” saad ni Zord habang nginunguya ang paa ng manok.

“I grew up here, dumbass,” sagot niya.

Hilaw namang ngumiti si Zord.

“So, dito ka rin nag-aaral?” Zid.

“Oo, tapos no’ng natapos na ako sa pag-aaral kinuha na ako ng lolo ko sa Manila.”

Napatango ang dalawa.

“E, ikaw, hunny bunch sugar pie, Tomi? Dito ka rin ba lumaki?” pabebeng tanong ni Zord kay Tomi na nasa tabi niya umiinom ng soft drinks.

“Hindi, lumaki ako sa Luzon tapos no’ng highschool na ako, dito na kami tumira,” aniya.

“Sa’ng lugar ang paborito mo rito sa Cebu City?” Zord.

“Tisa.”

“Tisa? Ano ‘yan?”

“Lugar nga,” bagot na saad ni Aser.

“Paborito mo rin ba ‘yang Tisa na yan, Aser baby?”

Tumango si Aser.

“Oo, paborito ko ‘yung Tisa, lalo na yong Siomai at Tuslob-buwa nila.”

“Tus—lob? Bu—wa?” litong tanong ng dalawa.

“In english, Dip n' Bubbles,” paliwanag ni Tomi, “yung utak ng baboy niluluto sa kawali tapos yung puso'(kanin) mo ididip mo do’n msarap ‘yon,” Tomi said as she licked her lips.

“’Yung siomai din do’n.” Daydream ni Aser.

“Aser, baby, tumutulo laway mo,” saad ni Elzid at agad niya ‘yong pinahiran gamit ang tissue ng Jollibee.

Nag thumbs up lang si Aser.

“Aser? Aside sa Tisa na paborito mo? May paborito ka pa ba?” tanong ni Zord.

“Paborito ko bahay namin.”

“Huh?”

“Bahay nga namin.” She rolled her eyes.

Napakamot nalang tuloy sa buhok niya si Zord. Habang si Tomi at Elzid naman ay tawang-tawa.

Sa loob ng apat na araw na pamamasyal nila sa Cebu. Walang araw na hindi sila masaya. Na explore nila ‘yung paaralan nila Aser at Tomi at lalo na ang mga best delicacies sa Cebu.

Napuntahan rin nila ‘yung Tisa at nakakain sila ng Siomai at no’ng Tuslob Buwa. Si Zord na sobrang OA ayaw kumain ng Tuslob Buwa kaya ‘yun hotdog lang ‘yung kinain niya.

Si Tomi naman tawang-tawa. Si Aser at Zid ‘yun para bang hindi pa sila nakakain ng limang taon. Bumili rin sila ng halo-halo sa Tisa and isa lang ang masasabi nila.

One of a kind.

Sa isang araw pumunta sila sa Carcar at kumain ng kumain ng Lechon at pumunta rin sila sa Sibonga kung saan nando’n ang isang parang palasyo na kung tatawagin ay Simala.

Tapos nag-explore sila sa Oslob at nakikipaglaro sa mga butanding. Tapos si Zord nakasabit lang sa kahoy ng bangka dahil takot ang gago.

Pumunta rin sila sa Osmeña peak at iba pa.

Natapos ang apat na araw nilang masaya. Kaya nandito na sila sa airport at hinihintay ang flight nila pabalik sa lupa kung saan nando’n ang pamilya nila.

Nang tinawag na ang flight nila agad silang pumasok sa eroplano. Silang apat ni isa walang binitbit, iniwan nalang nila ang kanilang gamit sa bahay nila Aser sa Cebu. Kahit ni pasalubong wala silang dinala. ‘Yung dala lang nila ang masasayang ala-ala na ginawa nila sa Cebu.

‘Yun ang araw na hinding-hinding makakalimutan ni Aser. Once in a blue moon lang kasi makakaramdam si Aser ng saya. So, that's why she treasures those memories.

“Aser, ‘yung lolo't lola mo pupunta sa kaarawan ng kambal bukas?” Pagkasabi no’n ni Tomi agad nanigas si Elzid.

Hindi pa kasi siya handa na mameet ang lolo ni Aser.

“As well as Esmeralda?”

Napatango lamang si Aser.

“Dapat lang talaga sila pupunta dahil ‘pag hindi magtatampo na talaga ako,” she said as she crossed her arms.

“Oh, men! Ba’t naninigas ka diya’n?” takhang tanong ni Zord.

Imbis na sumagot si Elzid ngumiti na lamang siya at pinapahiran ang butil ng pawis na bumababa sa pisngi niya.

“Calm your tits, Zid, he won't bite,” ani ni Aser habang tawang-tawa.

“Natatakot ka?” humahalakhak si Zord. Si Tomi naman napangisi.

“’Wag kang maniwala kay, Aser. Nangangagat ‘yung lolo niya nako ka talaga Elzid,” pananakot naman ni Tomi.

Napatingin naman si Zord kay Tomi.

“Seryoso?” takot na sabi niya. Utong-uto ‘yung gago.

Humahalakhak nalang si Tomi sa kagaguhan ng dalawa.

“Tss. Matalik na magkaibigan nga,” saad ni Aser.

Dahil na rin sa sobrang pagod ni Aser, she leaned on Elzid's shoulder at natulog na.

Ilang oras din ang biyahe patungo pabalik sa Manila. ‘Yung sobrang ingay na Zord at Tomi ayun natutulog.

Naiwan lamang si Elzid na hindi natutulog dahil nag-iisip siya sa mangyayari bukas kapag na-meet niya ang lolo ni Aser.

“Calm down, bud, kaya mo 'to,” sabi niya sa sarili.

Tiningnan niya ang mukha ni Aser at ngumiti.

It made him calm down a little bit.