Epilogue

Lumipas ang ilang segundo, minuto, oras, araw, buwan at taon na masaya. Puno ng ligaya ang makikita mo sa mga ngiti ng bawat pamilya. Kahit na, lahat sila mga walang hiya.

Tahimik silang namumuhay, kahit na malapit na sila sa hukay. Basta may problemang hinaharap, pag-kakaisa ang nagaganap.

Humayo at nagparami, dahil alam nilang masaya ang madami. Nagsilang ng maraming assassin. Ayun! para bang gumuwa ng kanilang soccer team.

Masaya nga sila sa una, pero hindi nila alam na may bagong paparating na problema. Isang taong may tinatagong masamang ugali, at wala siyang paki kung may masasaktan man sa kaniyang lahi.

May biglang dumating, ‘yung matagal na nilang hinihintay. SIYA ang may dala ng tagumpay. Kaya, nagkaisa ang buong katropahan at ngayo'y nakamtan nila ang salitang... kasiyahan.

Then many years pass after T H A T...

"Avie! Let's play," wika ng isang bata na nagdi-dribble.

"Ano pala gina... gawa mo a... te?" takang tanong ng isang batang lalaki na naka-upo sa bola.

Hindi sumagot si Avie sa halip ay tinapos niya ang kaniyang ginagawa.

"I can do this!" ani ni Avie sa kaniyang isipan at ginawa ang kaniyang ginagawa na may palabas pa ng dila. Pawis na pawis siya at malapit na niyang mailagay ang huling piraso para makumpleto ang ginawa niya nang bigla siyang natumba at napa upo sa lupa. Lumipad sa kung saan ang kaniyang ginawa at wala siyang magawa kundi tingnan ‘yon.

"My... work," mahina niyang saad. Tumingin siya sa nagkasala. "Ane..."

"Oops, I'm sorry, sis."

Tumayo si Avie at pinagpagan ang sarili. Nakatingin siya sa kaniyang ginawa at napakuyom bigla ang kaniyang mga maliliit na kamao.

"Again sis... I'm so-" hindi na natapos ni Ane ang kaniyang sasabihin nang dumapo ang maliit na kamao ni Avie sa mukha niya.

"Ate, Kuya tama n-" napahiyaw ang kawawang bata, "ba't ako nasali," iyak nitong saad.

"Can't you understand, sis! I already said sorry!" sigaw ni Ane kay Avie at makikita mo na pumula ang isa niyang mata.

"Sorry is not enough!" pahangos niyang saad at malapit ng tumulo ang kaniyang luha. "Malapit na sana e!" pumula siya sa galit.

Ginulo niya ang mahaba niyang buhok at pinatid ang mga bato at natamaan si Ane lalo na 'yong kawawang batang lalaki.

"That's enough, sister. This is my fault, leave Zeus out of this," sabi ni Ane at tumayo. Tinulungan niya ring tumayo ang bata na kilala sa pangalang Zeus.

"Ane! This is the 10th time you ruined my work! My invention! And starting now," she paused, "you're getting into my nerves," malamig niyang saad. Binangga niya ang balikat ng kaniyang kapatid no’ng pumasok siya sa bahay nila.

At naiwan ang dalawang lalaki na nakatingin sa pintuan kung saan pumasok si Avie.

"Zeus, I'm sorry, nasali ka tuloy."

"Okay lang, Kuya." At pinagpagan ni Zeus ang kaniyang sarili ulit.

Sa loob ng bahay...

"And that's how the story of the Ugly Assassin and Light Prince ended," saad ni Aser habang naka tingin sa dalawa niyang anak na nasa sahig.

Makikita mo sa mukha nila ang hindi pagka intindi at alam ‘yon ni Aser kaya napangiti nalang siya.

"Now le-" tumigil siya sa pagsasalita nang pumasok ang panganay niyang babae at dumaan sa gitna ng dalawa niyang anak na nasa sahig. At natumba ang dalawang bata at umiyak ang mga ito.

Lumapit si Avie kay Aser at nagpalambing.

"Sweetie?"

Aser heard some sobs.

"Mama..." Avie paused at nagsumbong kay Aser. "Sinira na naman po ni Ane ang mga invention ko po!" hiyaw nito at niyakap ang baywang ng ina.

Aser sighed.

"Why can't you make another one then," sabi niya habang tinatap ang ulo ni Avie. Napatingin naman siya sa dalawa niyang anak na umiiyak sa sahig.

"Ayaw ko na po. Nawalan na po ako ng... gana po."

"Okay, you can tell me about your problems, but first you should make your brothers stop whining." At tinitigan ni Aser ang anak niya at pinahiran ang mga luha na tumutulo.

Tumango naman si Avie at lumakad sa kasalungat kung nasaan ang mga kapatid niya. Kumunot naman ang noo ni Aser.

"Where are you going?" tanong niya rito pero nakalakad na ito.

Ilang minuto ang lumipas at bumalik si Avie na may dalang isang nutella at isang buong slice bread. Ipinatong niya ang nutella sa lamesa at kumuha siya ng dalawang sliced bread. Idinip niya iyon sa nutella at lumapit siya sa kapatid niya. Sinaksak niya sa bunganga ng kapatid niya ang sliced bread at ayon tumahimik ang dalawa. Pagkatapos niyang ginawa ‘yon, hinalikan niya sa pisngi ang kapatid while saying, "Sorry."

At lumapit siya sa piling ni Aser habang kumakain ng sliced bread with a hint of nutella.

"So, baby? What are your plans?" Aser asked, habang kumuha ng isang sliced bread at idinip sa nutella.

"Kung sisirain lang din naman po ni Ane ‘yung inimbento ko po, e, ‘di na po ako mag iimbento pa po." She pouted.

"Baby... you're already backing out." She touched her daughters’ cheeks. "Maybe your brother just wants you to have a memorable childhood day."

Avie look up and she was taken aback by her mom's smile.

"Maybe," she thought, "but still po!" She pouted, "I'm mad at him p-"

"Avie sis! Look I fixed this for you."

Tumingin naman si Avie sa gawi ni Ane na walang emosyon na makikita.

Ane smiled and walk through where his sister is at, "My apology." At binigay niya ang inimbento ni Avie. Binigay niya rin ang huling piraso para mabuo ‘yon ng tuluyan.

Agad rin naman iyong kinuha ni Avie at sabay irap. "Hmph." At pumasok siya sa kwarto niya.

Nagkatinginan ang mag-ina sabay kibit-balikat.

"Maaaaaaaamaaaa," aniya ng dalawang bulingit na bata na nasa sahig.

"Let's take a bath," ani ni Aser at pinatayo ang mga bata. "Including you, Ane," sabi niya bago pa makawala si Ane.

"I'm a grown up na po!" busangot nito.

"Oh, really?" she smirked. "Grown up? When you still pee on your bed," she whole heartedly laughed.

Then her son blushed. His one eye turned red.

Few hours later...

"Paaaaaaapaaaa!" sigaw ni Avie at lumundag sa gawi ng ama niya.

"Hi, darling!" Elzid then gave some sweet kisses to his child. "Ang kulit natin ngayon, ah?" tanong niya rito.

"Papa! Look! Look!" At pinakita ni Avie ang natapos niyang inembento. "I'm done!"

Kinuha ‘yon ni Elzid at naiwan lamang na naka bukas ang kaniyang bibig. Dahil hindi niya aakalain na sa murang edad ng anak niya may na imbento na ito.

And he's so damn fucking proud!

He tapped his daughters head and grinned. His killer smile peeks out.

"Papa!" Tawag ng guwapong lalaking anak niya.

"What's up!" They both high-fived. "I bet; you ruined your sister’s invention again?"

"Ah... ha... ha" At kinamot ni Ane ang ulo niya na para bang nahihiya.

"He did po! Pero po nag-sorry na po siya," Avie smiled. Pagkatapos ibigay ni Ane kanina ang imbento ni Avie na sinira niya na inayos niya rin naman, ang sunod na nangyari ayun! bati na sila.

"Good," Elzid smiled at mas lalong lumaki ang ngiti niya nong nakita niya ang quadruplets kasama ang reyna niya.

"My babies!" At patakbong lumapit sa kaniya ang quadruplets pero nauhan sila ni Skud. Ayon tumba sa sahig si Elzid at lahat ng nakakita ay tumawa lang.

All of them were focused on laughing at Elzid's butt when all of their family steps their foot inside. Ang rami! Yung mas maingay na bahay mas NAGING maingay pa.

Ang dalawang babae nilang anak ay nagpalambing sa mga lolo nila at ang mga lalaki ay nakikilaro sa iba pang pinsan nila.

Sa isang sulok makikita mo na nakaupo lamang sina Elzid at Aser habang naka tingin sa mga masasayang mukha.

Nakasandal si Elzid sa upuan at si Aser ay nakasandal sa dibdib ni Elzid. Tuwang-tuwa ang dalawa sa nakikita nila. At hindi sila makapaniwala na nangyari ang pinakagusto nilang mangyari.

"Gumawa kaya tayo ng isang soccer team," saad ni Elzid habang kumuha ng halik kay Aser.

"Hindi kaya ako malulusyang niyan?" tanong nito habang tumawatawa.

"Aser baby, I'm a sharpshooter!" Proud na saad ni Elzid. "Panganay nga kambal, tapos sa pangalawa quadruplets pa, pa'no pa kaya pag pangatlo na?" At humahalakhak siya ng malakas.

Umismid lamang si Aser sa kagagohan ng asawa niya.

"Sige na gawa tayo! Hehe," he pleaded.

"Mayro’n ako ngayon," she said nonchalantly.

At naiwang nanlulumo si Elzid.

"Tss. Fuck," he murmured.

Narinig iyon ni Aser at tumawa siya.

"Kidding." At hinila na niya si Elzid kung saan mararanasan nito ang langit.