Chapter 48

Third Person's POV

Puno ng dekorasyon ang bahay ng pamilyang Romano dahil desperas na ng pasko ngayon, at saka ngayon din ang binyag ng kambal. Nando’n din ang pamilyang Zoroa. Dahil din kasi sa gusto ni Aser na sa pamamahay ng Romano sila magsi-celebrate kaya ‘yun.

Hindi nakadalo ang lolo't lola nila dahil na stuck up sila dahil may bagyo kasi sa ibang bansa. Kaya si Zid nakakaginhawa ng maayos. ‘Di pa siya ready ma-meet lolo ni Aser. In short takot siya. HAHAHA.

‘Yung palaging maingay na bahay mas lalong umingay. Dahil na rin sa bunganga ng mama nina Aser at Zid.

Si Aser ay nasa gilid pinapa-breastfeeding si Avie, dahil iyak ng iyak so ibig sabihin no’n gutom or may tae sa diaper. Si Ane naman ay nasa kamay nina Zord at Tomi na nilalaro ang bata. Si Zid ay nasa tabi ni Aser na pinapaypayan silang dalawa habang ang mukha ay nakatingin sa kalawakan. Blinakmail kasi ni Aser na kapag titingin siya patay siya.

“Busog na ata siya,” Aser murmured at saka tinigil na ang pagpapadede kay Avie. Inayos niya ang kaniyang sarili at pinahiran ang gatas na nasa bibig ni Avie.

Tumigil si Elzid at pinaypayan ang sarili. Dahil siguro hindi niya nakita ang gusto niyang makita.

Ever since na malaman ni Elzid kung sino si Aser mukha siya naging linta at palaging nakayakap kay Aser. Kaya minsan binabatukan siya.

“Kunin mo 'yan at lintik ka sa akin bukas na bukas,” seryosong saad ni Aser nang makita niya si Toni na kumukuha ng isang chuckie niya.

Agad napatingin si Toni kay Aser at nahiyang tumango. Agad namang to the rescue si Ace.

“Get one, don't worry about my sister” Sabi niya at panandaliang sinamaan niya ng tingin si Aser.

“Bakit ba nandito ‘yang babaeng 'yan?” wika ni Aser sa isip at samang-samang nakatingin kay Ace.

Lumapit si Tomi kay Elzid at binigay niya si Ane.

“Aser? Sigurado ka bang kami lang yung magiging ninong at ninang nila?” Tanong ni Tomi habang nilalaro na naman si Avie na nasa bisig ni Zord.

“Oo, naman.”

“Ba't kami lang?” Naguguluhang tanong ni Zord kay Aser.

“Ayaw ko ng madami kasi ‘pag pasko tatakbo, e,” panimula niya, “e, kasi kahit na tumakbo kayo, makikita ko pa rin kayo.” She smirked.

Tomi and Zord both gulped and smiled.

“Bro Ace, Bro R, and Sis Agoeath tapos si Tomi at si Zord?” Tumaas ang kilay ni Elzid nang sinabi niya iyon, “Ba't ‘di mo sinali syota ng kuya mo?” Tumingin si Elzid kay Aser.

Aser then sighed.

“I don't want to.”

Aser and Tomi then locked eyes. Para bang nag-uusap sila. At kalaunan nagsitanguan ang dalawa.

Napakunot naman ang noo ni Elzid tsaka si Zord.

“Magbihis na nga kayo! Malapit na alas sais,” sigaw ng mama ni Aser.

Ang binyag kasi magaganap sa gabi ng alas sais sa isang simbahan na nirentahan pa nila para exclusive lang sa kanila.

Isang oras ang lumipas nang matapos silang magbihis lahat. Si Aser ay naka jeans na itim at yung itaas niya ay naka white long sleeve lang. At imbis na mag sandals, e, naka rubber shoes pa. Si Zord naka polo na white at itim na slacks. ‘Yung bonggang-bongga talaga ay si Tomi na naka punyetang dress na hanggang sa tuhod at saka si Zord na bonggang-bongga.

“Oh, sis? Ba’t ang bongga mo yata?” Tanong ni Toni kay Tomi. Ngumiti lamang si Tomi at lumapit kay Aser na bitbit si Avie na naka dress na puti na may halong itim at pula.

“Anggg kyuutt,” gigil niyang saad.

“Siyempre, nagmana sa 'kin,” ambog na sabi ni Elzid na agad namang tumahimik dahil na rin kay Aser.

Biglang napatigil si Aser nang makita niyang bitbit na ni Toni si Ane na pinabitbit niya galing kay Ace.

Nandilim ang paningin niya.

“Ugh.”

Agad niyang binigay si Avie kay Zid at mabilis na lumapit kay Toni.

“Give me my boy.”

Pero hindi nakinig si Toni at hine-hele pa rin si Ane.

Pumula bigla ang mata ni Aser. Hindi naman natinag si Toni.

“Give. me. my. b—” hindi siya pinatapos ni Toni ng tinalikuran siya nito at hinarap ang Kuya niya.

Her blood boils.

Kaya no'ng tumalikod si Toni, agad niyang hinablot ito sa damit nito sa may likod kaya muntikan ng matumba ito. Agad kinuha ni Aser si Ane at tiningnan niya ng masama si Toni.

“Tss.”

“Aser! What are you doing? Why won't you let my girl carry your boy!” He roared.

Toni just bit her lips. While Aser just calm herself down.

Nagtitigan ang mag-kapatid ng masama pero agad ding napatigil ng pumagitna si Toni.

“No Ace, it's okay,” she calm Ace down.

Tumingin siya kay Aser at pekeng ngumiti.

“Don’t you... like me?” mahinang tanong niya.

Aser look at her wryly.

“Yes.” She replied straightly.

Napatungo naman si Toni.

Sa panig naman nina Zord at Tomi...

Siniko ni Zord si Tomi at nginuso si Toni. Na naghuhudyat na tingnan ang Ate niya.

“Comfort your sister.”

Napataas ang kilay ni Tomi. Bumuntong hininga siya at lumapit papunta sa gawi nina Aser at Toni.

Natuwa si Zord dahil daw ang bait ni Toni pero agad ding nawala ang ngiti niya ng imbis lumapit si Tomi sa ate niya, lumapit siya kay Aser.

“Wha—” napakamot nalang siya sa kaniyang ulo.

Asereath's POV

Punyeta. Simula palang hindi ko na siya gusto. My instincts tell me so. There's fishy about her. I don’t care if she's my best friend’s sister, but I don't like her. And maybe Tomi too. At mas lalong hindi ko siya gusto nang may malaman ako. Pero tumahimik nalang ako. E, sa hindi ko naman ‘yun problema, problema ‘yun ng Kuya ko.

Kaya nga tinawag ko siyang bulag.

Noon hindi naman ako pinapagalitan ng Kuya ko pero ngayong may masama akong ginawa sa babae niya ayun galit na agad siya.

Ewan ko ba kong anong nagustuhan niya dito. Matagal ko nang alam na may gusto siya sa ate ni Tomi, e, sa dakilang torpe noon kaya ngayon lang siya naka da-moves... sa maling panahon pa.

Simula noong palagi na nasa bahay namin si Toni palagi na rin kaming nagbabangayan ni Kuya. Sa aming magkakapatid ata ako lang ang hindi gusto si Toni. I don’t know about Kuya R and Ate Agoeath, I think wala silang pake ni Toni. They won't even talk to her nor go near her.

At dahil dakilang sipsip si Toni sa mama ko kaya ayun pinalo ako ng mama ko sa may puwet. Punyeta ginawa pa akong bata. Nakita kong ngumiti ng nakakaloko si Toni pero agad 'yong nawala ng nakita niya akong nakatingin sa kaniya.

At dahil wala akong tiwala kay Toni, agad kong kinilatis ang katawan ng anak ko baka may anong nando’n kagaya ng chips para may pang track o camera o anong pang kapunyetahan. At mabuti wala naman akong nakapa.

Sobrang sama ang tingin ko kay Toni habang papunta kami sa kotse namin.

Pumasok na ako sa kotse ni Zid bitbit ang stroller kung saan nando’n ang anak namin. Nang nakapasok na ako at si Zid agad niya akong tinanong.

“May galit ka ba sa ate ni Tomi?” inosente niyang tanong habang pinapaandar ang kotse.

Ilang segundo akong hindi sumagot.

“Dunno,” yon lang ang nasagot ko.

Habang papunta kami sa simbahan ‘yung utak ko nasa outer space. Hindi ko nga alam kong bakit ko ba iniisip ‘yon. Tss. Agad din akong napatigil sa kadramahan ko nang umiyak si Ane. Tiningnan ko siya, nakita ko lang naman na nginunguya ni Avie ang pisngi ni Ane. Napatawa ako.

I move Avie away from her brother. At doon tumigil sa pag-iyak si Ane.

Ilang minuto rin ang lumipas nang tumigil ang sasakyan. Think we're here.

Nagsilabasan na ang lahat at pumasok na sa simbahan.

Ginawa na nang pari ang ritwal sa pag bibinyag at blah blah blah. Pero may pagkakataon na gusto kong suntukin ang pari. Pano ba!!

Ginawa niyang parang bagay ang mga anak ko kaya ‘yun iyak ng iyak! Muntik ko nang sugurin ang pari mabuti nalang at pinigilan ako ni Kuya R at Zid. Sinabihan naman ako ni Ate Agoeath na gano’n daw talaga.

Lumapit din sa akin ang aking papa at tinawanan niya ako nang malakas.

“Pareha kayo ng mama mo nuon. Muntik ng sugurin ang pari,” humahalakhak siya. At dahil malakas pandinig ng mama ko ‘yun napahawak siya sa bunbunan niya.

I just rolled my eyes.

At ang sunod no’n ay ‘yung pamili piktyur. Siyempre di ko pinasali si Toni. Siya photographer namin.

“Toni, you join us,” saad ng Kuya Ace ko. Bigla namang napataas ang kilay ko.

Tss. E, di na ako sasali. May alibi rin naman ako. Sumasakit na labi ko sa kakangiti.

Kaya binigay ko kay mama si Avie na binigay din ng mama ko sa mama ni Zid.

“Where ‘ya goin’, Aser baby?” Hindi ko na sinagot si Zid pa at umupo sa may upuan do’n.

Masamang tingin na naman ang ginawad ng Kuya ko. I just rolled my eyes at him.

Ayun, selpe sila ng selpe habang wala ako. Bahala sila.

Pagkatapos nilang magselpe lumapit sa akin si Kuya Ace.

“You're really getting into my nerves,” seryoso niyang saad.

‘Yung sinabi niya pinalabas ko lang sa tainga.

At natapos ang binyag na hindi OA at pumasok ang pasko na sobrang saya...

Saya nga ba?