Chapter 46

Elzid's POV

"Aser, baby? Nasaan ka?" giliw kong saad habang pinapaypayan ang mga anak ko na natutulog.

Tiningnan ko ng mabuti ang lugar, well maganda siya. Ilang minuto na rin akong palakad-lakad at sinusubaybayan ang mga magagandang tanawin dito.

Isa sa paborito ko ay ‘yung painting ng isang babae at lalaki na kinasal. May lahi ang dalawa-lahing magaganda at guwapo.

Tumigil muna ako sa pagtingin-tingin ng mga painting at umupo sa may gilid. Pinaypayan ko muna ang sarili ko-siyempre baka mapano na ang guwapo kong mukha at siyempre pinaypayan ko ang mga anak ko. Sayang kaya no kung papangit sila.

I heard footsteps na papunta sa may gawi ko. Kumunot ang noo ko at inihanda ko ang sarili kung baka sakali hindi si Aser baby ang lumabas. At sakto naman ako na hindi siya ang lumabas.

Pero hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Blatess?" Napanga-nga ako.

Oo! Siya nga si Blatess. That pose that mask, that-that chain.

Tumayo ako at sinundan siya. Habang papalapit ako sa kaniya, siya naman ay lumalayo.

Pa hard to get.

Nakita kong pumasok siya sa isang kuwarto sa may dulo at pumasok rin naman ako. Tsismoso kaya ako. Nagtataka na rin ako kung nasa’n si Aser baby.

Pagkapasok ko may humila sa akin at pinahiga ako sa kama. ‘Yung stroller ng kambal ko lumayo. Babangon sana ako para kunin sila pero may tumalon sa akin kaya napahiga ulit ako.

Si Blatess! Walang hiya nasa ibabaw ko siya at naka-upo siya sa j-junior ko. Pinagpawisan akong lumunok. Bigla na rin namang tumigas si junior. Nasa ibabaw ko siya at ang kamay niya ay lumalakbay kahit saan. Sa may dibdib ko papunta sa abs at papunta sa shorts ko.

Oh, fucking holy shit.

Dyusmiyo marimar. Magkakasala ako nito kay Aser baby! Pero bakit parang gusto ko rin? Dahil ba siya si Blatess?

Hindi ko naramdaman na natanggal na niya pala ang suot kong pang-ibaba at yung boxer nalang ang naiwan.

Ay shet.

She teased me first. May pa slide-slide pa siyang ginagawa sa ano ko! kaya ‘yun mas tumigas lalo.

Punyetaaa!

Napahawak ako sa kumot. Walang hiya para na akong baklang timang dito! Ano na! Patay talaga ako nito kay Aser baby!

Pero? Hindi naman niya malalaman diba? Nandito na si Blatess? Kaya ano pang hinihintay ko? Sunggab na!

Ay hindi! Bobo ka Elzid! Ano’ng sunggab!? I am faithful to my Aser baby!

Narinig kong umiyak ang mga anak ko. Shit! Ramdam na ramdam ko ang kamay ni Blatess na huhubarin na ang boxer ko. Pero bago pa niya mahubad ang boxer ko. Napunta na ako sa sahig.

"Aray!" tumama ang likod ko sa sahig at dahil sa lakas ng pagkabagsak ko mukhang matatagalan pa ako nitong makatayo.

Lalong lumakas ang iyak ng mga anak ko. Binalewala ko muna at hinanap ko kung sinong walang hiyang ‘yon ang pumatid sa akin papunta sa sahig. May nahagilap ako at PUTANG INA.

"Blatess na naman!" nahihilo na ako. Dalawang Blatess ang nakikita ng dalawang mata ko. Oh? Namamalik mata lang ako. Kinusot ko ang mata ko at dalawa pa rin ang nakikita ko? Hindi kaya nababaliw na ako?

Tumayo ang Blatess na muntikan ng kunin ang pagka birhen ko at ‘yung bagong dating na Blatess ay lumapit sa isa. Sinakal niya ito gamit ang isang kamay niya at itinaas niya. Pilit na humihinga ang isa pero hindi niya pa rin binibitawan. Binalibag ni bagong dating na Blatess si Blatess sa isang pader at Oh! Ang lakas no’n.

Lumapit sa akin si bagong dating na Blatess at tinadyakan niya ako. Limang tadyak ang nakuha ko galing sa kaniya.

Hindi na ako nagprotesta pa. Nakita kong nilapitan ni Bagong dating na Blatess ang mga anak ko kaya agad akong napatayo.

"’W-Wag," I begged.

Tiningnan niya ako na walang emosyon sa mata.

Asereath's POV

Galit na galit kong binalibag si Zid sa sahig bago pa man mahubad ni pekeng ako ang boxer niya.

Punyeta! Ako lang! Ako lang ang dapat huhubad niyan.

Pagkatapos kong ibalibag si Zid sa sahig lumapit ako sa pekeng ako at sinakal siya ng sobrang higpit. At dahil gusto ko pang ma entertain, binalibag ko nalang muna siya sa pader nang napakalakas. Lumapit ako kay Zid at pinagtadyakan siya. Tadyak dahil papatol siya sa pekeng ako, tadyak dahil pinabayaan niya ang anak namin.

Iniwan ko muna siya saglit at lumapit ako kung nasaan nando’n ang stroller ng anak ko. Lumapit ako sa kanila at nakita kong pasinghot-singhot nalang sila sa ilong nila.

Putang inang Zid! Pinaiyak ang anak namin.

I wiped their tears away. Dinala ko ang stroller papunta kay Zid. Kinwelyuhan ko siya.

"Bantayan mo kung ayaw mong mamatay ng maaga, buwisit ka!" Natulala siya sa mata ko. Oh, maybe, dahil pumupula ang mata ko.

Bubukas na sana ang bibig niya pero itinikop niya nalang ‘yon ulit.

Naramdaman kong nakatayo ang pekeng ako kaya mabilis kong tinalikuran si Zid. Habang papunta ako sa pekeng ako nagsalita ako.

"’Wag kang lalabas, dito ka lang, Elzid!"

Hinablot ko ang buhok ng pekeng ako. I dragged her down to the hallways at para do’n na kami mag-aaway.

"Let go of mey! You idiyet. ‘Di mo ba ako kilala? I’m Blatess you stupid ideyet!" angil niya. Tss. Ako? Gan’yan magsasalita? Hell no.

"Ako? ‘Di mo ba ako kilala?" Tumigil siya at tiningnan ako nang bigla siyang tumawa. "Anong nakakatawa?"

"So, you're also pretending to be Blatess. Oh, come on." Tumayo siya at pinagpagan ang damit niyang sobrang layo ng likes ko.

"Wala akong paki kung nag-prepretend ka bilang si Blatess basta ‘wag mo lang kunin sa akin si Elzid," wika niya at babalik ulit sa loob pero pinigilan ko siya.

"Dito ka lang."

"What ba!!"

Hinablot ko ulit ang buhok niya at binalibag siya sa harap ko.

"Nakakadalawa ka na, ah! Gusto mo ba ng away? Ha? Haa?" sigaw niya. I smirked. Siyempre naman. Gustong-gusto ko ng away.

She let her chain roll down to the floor and after a second, she sends it to me like a whip. Mabuti naman at napailag ako. Gano’n pa rin ang ginagawa niya at ako rin. Ilag lang ako ng ilag. Humahanap ng tiyempo na tanggalin ang maskara niya.

She caught me off guard. Kaya ito ‘yung kadena niya pumulupot sa kaliwang kamay ko. I rolled my eyes at kinuha ang isang baraha at isini-slice ko ang kadena gamit ang baraha.

"W-What the heck," she uttered.

I smiled behind the mask. The evil one.

Tumakbo ako papunta sa kaniya at nilagpasan siya.

"Are you scared? You even won't go near me." Tumawa siya.

Lumakad siya papunta sa akin pero napahiyaw siya.

"Ouch, aray!" wika niya.

Pinalibutan lang naman siya ng mga baraha ko. Hindi niya kasi naramdaman kanina no’ng tumakbo ako papunta sa kaniya na I already set her to a trap.

Lumapit ako sa kaniya at paikot ako ng paikot sa gawi niya. Dahan dahan kong kinuha ang isang card sa pocket ko. If inilabas ko ito, ‘yung mga baraha na nasa sahig babalik sa akin. My cards look like a magnet. Kaya tumakbo ako ng paikot sa gawi niya habang inilabas ang baraha. Hiyaw siya ng hiyaw dahil nadadaplisan siya sa mga baraha.

My cards were dancing and spitting out some bloods.

Malakas siyang napahiyaw mas malakas pa sa hiyaw ni Tomi. No’ng wala ng barahang dumadaplis sa kaniya she did her poise. She used her chains like a whip. Pero bago pa niya ako lalatiguhin tumalon ako sa gawi niya at nag back flip. Sakto namang pag back flip ko nahagip ng paa ko ang maskara niya kaya natanggal iyon.

Pagkakita ko sa mukha niya. Napataas ang kilay ko. I knew her. Siya yung babaeng nabalian ko ng leeg.

‘Yung babaeng taga Cursed or Glorious Mafia ba ‘yon? Basta yung nilalandi si Zid noong nag beach kami.

E, ‘di ba nabali ‘yung leeg niya?

Ngayon bumalik na sa orihinal.

"Mukhang bumalik sa dati ang leeg mong bali."

"H-How did you know, idiyet?" hingal niyang tanong, "who are you ba?"

"If I tell you," I paused, "A serious death will wait for you."

She gulped.

I smiled in victory. Tatapusin ko na ‘to. Wala ng saysay pa. Gusto ko ng umuwi kasama ang mga mahal ko.

Lumapit ako sa kaniya. Lumapit din siya sa akin. Akala niya siguro sasabihin ko. Of course, I won’t tell her. Gagamit ako ng ibang teknik para malaman niya kong sino ako.

Tumigil ako sa paglalakad at inihanda ang sarili ko. Mabilis kong itinaas ang paa ko at mas malakas pa kaysa noon ang pagpatid ko sa leeg niya. If I remember I didn’t give my all before. But now I did. 100% sure na akong mamamatay siya sa patid ko.

Pagkapatid ko napadpad siya sa gilid na may isang tubo na matinis. Ayun na barbecue siya. Sapul. Natusok ang puso niya.

I heard a crack. Baka ‘yung leeg niya ‘yon. Tiningnan ko siya hanggang sa malagutan siya ng hininga. Pero bago pa siya nalagutan nag pakyu muna siya sa akin.

"Tss."

Pinuntahan ko agad si Zid sa loob ng silid at nakita ko siyang nakikipaglaro sa anak namin. Nakuha ko ang atensiyon niya. Tumayo siya, inilagay niya sa likod ang anak namin, yung pinoprotektahan pose ganon.

At...

Nilapitan ko siya at sinakal.