Chapter 45
Asereath's POV
"Tss. Ang layo pa ng bahay. Punyeta naman."
Agad kong pinaharurot nang malakas ang ducati na pati ang mga babae na nasa gilid ng kalsada nakita na ang panty dahil naka-saya lamang sila. Tinatangay ng hangin kaya mas malakas pa sa boses ni Tomi ang sigaw nilang nakakarindi.
"Oh myy—kyaaa!"
"Pisti."
"Camera! Kumuha kayo ng camera."
"Bastos!!"
Umirap na lamang ako. Tumingin ako sa daan nang biglang nag-vibrate ang kaliwa kong bulsa. Kinuha ko ang cellphone at nakita ko ang number ni Tomi. Sinagot ko ‘yon at inipit sa helmet ko.
"Oh, ano?" madalian kong saad.
"Hindi ba puwedeng, Hello? Tsk," saad niya ng napakalakas.
"Ano ba? Ba't ka ba napatawag?" sabi ko habang iniilagan ang mga pangit na kotse.
"’Yung laptop mo nag wa-warning tone."
Ang laptop ko? Bakit naman? Baka may na sense na delikado. Sino naman? Oh, fucking right. Si Skud! Kaya pala hindi ko nakita sa mansion.
"Tomi, open it for me," utos ko pero may narinig akong malanding boses na sinundan ng bagsak sa sahig. "Tomi? Nasa’n ka ba?"
"Oh, nasa condo niyo," sagot nito habang narinig kong tumitipa.
"Sino ‘yung bumagsak?"
"Oh, it's Zord, pinatulog ko muna," cool niyang saad na para bang walang mali.
"Ano’ng ginagawa ninyo diya’n?" tanong ko. May nabuo namang imahinasyon sa isip ko. Kumawala ang nakakalokong ngisi ko, "oh, nevermind, alam ko na."
"It's not what you fucking think!" sigaw niya.
"Okay. So? Anong nakita mo diya’n?"
"Isang lumang bahay. Teka, ba't parang nasa itaas ‘to? Si Skud ba 'to?
"For sure, so, ano?"
"Wala, palinga-linga lang siya. Teka nga, ba't nandito si Elzid?"
Oh, damn. Mabuti at nando’n si Skud.
"Keep an eye on Skud."
Pinaharurot ko ulit ang Ducati patungo kung saan nando’n ang condo namin ni Zid. If ‘yung pekeng ako mag ko-costume na ala-ako then! Ako rin. Papahuli pa ba ako. Nice timing din naman na ‘yung damit ko bilang Blatess ay nando’n lamang sa condo. Muntik ko pang makalimutan.
No’ng narating ko na ang condo agad akong tumakbo kong nasaan si Tomi at no'ng pagpasok ko nakita ko nalang na buhat-buhat niya si Zord at inihiga sa kama.
"H-Hey! I-It’s not what you t-think!" Pamumula niya. Wala naman akong iniisip.
"Pinagsasabi mo? Wala akong iniisip, loko." Umirap ako.
Madalian kong hinanap ang damit ko at nang nakita ko na mabilis akong pumunta sa banyo at nagbihis. Hindi ko pa muna nilagay ang silicon mask sa mukha ko. I wanted to bring my chains, but I want to use the cards.
"Tomi, help me to get through Skud, okay?" sabi ko sa kaniya at nilagay ang earpiece sa kanan kong tainga. She only nodded in response.
"Is something wrong?" Dahil tamad akong sagutin siya kinuha ko nalang ang liham at pinapabasa sa kaniya. "Sige! Patayin mo na!" aniya at pinalayas na ako.
No’ng nasa ducati na ako, narinig kong nagsalita siya.
"Okay, straight and then turn left." Tiningnan ko ang direction ng sinabi niya.
"Shortcut?" I heard her saying yes.
Sinimulan ko nang paandarin ang Ducati at mabilis na lumayo sa condominium. ‘Yung ducati malapit ng mahalikan ang lupa dahil sa pagdadrive ko. Ilang minuto pa nga lang ang lumipas may nakasunod na sa akin. Mga pulis!
"Na naman!"
"Wanted Asereath," halakhak ng kutong-lupa.
I groaned.
"Shit. Tulungan mo na nga ako, punyeta," gigil kong saad. ‘Yung kuto naman humahalakhak nang napakalakas at sa kalaunan nabilaukan.
"Eeek-t-turn left," sabi niya. Lumiko naman ako n’ng pagkatapos kong lumiko no’ng una so bali pangalawang liko ko na ito.
"W-Wait, rayt naman tapos streyt ka lang," ubo niya ulit. Nabilaukan na naman siya.
Tumingin ako sa side mirror at nakita kong nakasunod pa rin sila.
"Streyt ka lang," sabi ni Tomi.
Nag straight naman ako pero nakita ko isang malaking haligi lamang.
"Ano bang pinaggagawa mo!" singhal ko.
"Basta humarurot ka lang," kalmado niyang saad, "may ideya ako," pahabol niyang sabi at narinig kong pumalakpak siya.
"Siguraduhin mo lang talaga."
Malapit na ako sa haligi.
"DRIFT!!" sigaw no’ng kutong-lupa na akala mo bang hindi ko maririnig. Nag drift naman ako. Mga hanggang lima at mabilis kong pinaharurot ang ducati at hinarap ang mga pulis—full speed ahead at ng malapit na ako sa kanila pinatalon ko ang ducati patungo sa likod ng kotse. I used my weight para tumalon ang motor at saka narin ako.
Nag-break muna ako at tiningnan ang mga pulis-nginisian at sinaluduhan ko sila.
"Ok na?"
"Okay'ng okay na," puno ng sarkasmo kong sagot.
Sunod na sunod kong sinunod ang mga pinagsasabi ni Tomi nang may napansin ako.
"Shortcut ba 'tong mga pinagsasabi mo? Ha!?" singhal ko na naman. Pinatigil ko muna ang motor at hinintay kong sumagot siya. Kasi kanina pa ako nagmomotor, e, hindi pa rin ako nakarating. Shortcut daw pero naging—bwisit.
"Oo! Ito ang mga nakikita ko rito sa laptop mo 'no!" singhal niya rin sa akin.
Alam ko na ang babaeng 'to. Paglalaruan ka pa muna bago ka seseryosohin. Kahit na alam niyang emergency to, paglalaruan ka pa rin. Kaya hinanda ko na ang sarili ko at ang pangblackmail niya.
"Look Tomi," I sing-sang the words.
"Hmm?"
"D'you want me to tell Zord about ‘it’?" sabi ko habang ine-emphasized ang huling salita.
"Oh, darling! No no no!" nara-rattle niyang saad.
"Then take me seriously!! Bullshit! You know me, sweety. I don't have patience," malalim kong saad.
Narinig ko siyang lumunok. Ang lakas naman no’n.
"Make your fucking shortcut more shortcut. Bahala na sa eskinita ako dadaan basta ang importante matatabihan ko ang mga anak ko at ang bwisit na mahal ko!" walang ginhawa kong saad. And my mouth just slipped. I facepalmed.
"Oh-'kay then," at naiimagine kong nakangiting aso ang kutong-lupa. "Turn rayt. Ayan nasa eskinita na 'yan."
At tama nga siya. Eskinita ang nadadaanan ko.
"Pagkalabas mo sa eskinita turn left."
Pagkalabas ko sa eskinita isang malaking highway ang nando’n. Para na tuloy akong nakikipaglaro sa mga sasakyan. Nang papaliko na ako—salamat sa tulong ng kuto—may nakita ako sa peripheral vision ko na may ilang kulay asul at pula sa side mirror ko.
"Don't tell me?" Na naman?" irita kong saad at mas binilisan pa ang pagmomotor.
"Lep."
"Rayt."
"Strit."
Sinunod ko lahat at no’ng pag straight ko nakita ko na naman ang isang haligi na may taas na 5 ft.
"Uunahan na kita. Hindi kita pinaglalaruan, kasi kapag isang talon mo lang diya’n, malapit ka na sa kanila"
Alam niya talaga kng anong iniisip ko. Tumingin ako sa likod at tiningnan ang mga pulis na nakabuntot sa akin.
"Wala ka nang kawala pa! Didiretso kana sa presinto dahil mukhang nakalimutan mo ang limit sa speed!"
Binawala ko ang sabi no’ng pulis at nag full speed ahead na. May nakita akong mga nag-iinuman do’n at saktong-sakto naman na malapit nakatapat ang lamesa sa haligi.
Binilisan ko pa nang maigi at pinatalon ang motor ko. Pagtalon ko nasa may lamesa ako, at habang nasa lamesa ako pinatalon ko na naman ulit ang motor.
It’s my famous move—Deadly Hop.
At lumanding ako ng walang galos sa kabila kung nasaan nakikita ko na ang malaking gate na may kaparehang pangalan sa liham.
"Goodluck and ikaw na ang bahala," sabi ni Tomi and she cut off.
Tiningnan ko ng maigi ang malaking gate at bumuntong-hininga na. Kinuha ko ang silicon mask na nakatago sa may dibdiban ko. Sinuot ko na iyon at kaagad kong kinuha ang isang whole deck ng baraha na bigay ni papa sa akin no’n.
"This may not be my main weapon, at least this can be my second weapon."
Nilalagyan ko ng isang baraha ang gitna ng mga daliri ko. Para na nga akong si wolverine kaso nasa likod ng palad niya nakalagay ‘yung sandata niyang ‘di ko alam anong tawag do’n.
Pinaandar ko na ang motor ko at pumasok sa gate. Nakakapagtaka dahil walang kahit ni isang guard o hindi man lang nakasara.
"Mukhang pinaghahandaan nga," wika ko.
Ikot ako ng ikot sa loob at bawat bahay ay tinitigilan ko at tinitignan ko kung nando’n ba sila. Sa huli nakita ko rin. Dahil na rin ng papalapit ako do’n, lumapit sa akin si Skud. Mukhang na sense niya ang aura ko. Ang aura ko ay ang aura basta Blatess ako.
Itinaas ko ang siko ko at pumatong ro’n si Skud. I tap his head at pumasok na ako do’n sa loob.
Pagkapasok ko ang dilim at sa dulo nakikita mong may ilaw. Aapak sana ako ng may palasong papalapit sa akin. Mabuti at malakas ang reflexes ko.
Nailagan ko ang bawat isa. Kinuha ko ang isa nang may nakita akong nakasulat. Lumukot ang mukha ko.
Die. Bitch.
"Wow! Siya ang pa ang may ganang sabihan ako ng bitch samantalang siya talaga ‘yon."
Mukhang nalaman na niyang nakarating ako. Salamat sa mga trap na pinaggagawa niya.
Habang papalapit ako sa dulo parami ng parami ang mga palaso at bawat palaso may lason. Natamaan ako ng isa at mabuti naman na immune na ako sa mga lason. Pero ang rami pa rin ng mga palaso. Hanggang sa nakarating ako sa dulo.
Pinasok ko ang liwanag at ang nakita ko ay... buwisit-BU-WI-SIT.
Mga painting.
Pinturang hindi kaaya-aya sa mga mata. Ang pinta lang naman ng mga painting na 'yon ay isang babae at lalaki na nagtatalik.
"Putang ina nga naman..." I sweat dropped.