Chapter 44

Asereath's POV

“W—What the fuck are you d-doing here…” sabi ko habang nakatingin sa lalaki na nakaupo.

He smiled at me.

“Lolo…”

“First greeting with a cuss. Well, how did it go?” I bet he's referring about the event.

I literally need to know what's going on. I closed my eyes for a moment and was thinking about what's happening.

“W-What really is happening here?” I ask him nonchalantly.

“You see—” I cut him off.

“Why are you here? Why's this place looks familiar? Why does the information lead to you? And why the he—I mean why are you smiling? Lo? Care to explain?” I hissed.

“Apo, calm down, calm down. Take it easy,” he said while rubbing his head. “Why am I here? Of course, this is where I work.”

“Work? But didn't you give to papa your business?” I cocked up my eyebrows at him.

“Totally not, second, this place looks familiar to you right?”

Tumango ako.

“Ang blueprint ng bahay na 'to ay pareha sa blueprint ng mansion ko,” he said while clasping his hands.

“The information, why does it lead to you?”

“Ako nga kasi 'yong boss.” Tumayo siya at lumapit sa may ref niya. Ngayon ko lang nahalata na may ref pala. Kumuha siya ng isang chuckie at tinapon niya papunta sa 'kin.  Of course, kinuha ko rin 'yon. Sayang ano.

“Why are you grinning like a dog?” Tanong ko sa kaniya habang sumisipsip ng Chuckie.

“May plan is now complete.”

Tumigil ako sa pagsipsip at tiningnan siya habang nakakunot ang noo ko.

“You plan… all of this?”

Ngumiti siya at tumango.

Hindi ko pa rin ma-digest na plano niya 'tong lahat. Hinilot ko ang sentido ko at sumipsip ng chuckie.

“You know about the party?” Ako.

“Hmm.”

“So, ikaw pala ang nag-imbita sa amin?”

“Oo, peke nga 'yong invitation card. Hindi lang halata.”

I gulped.

“Ginawa mo ba 'yon, Lo, dahil gusto naming patayin ang oOctupussy?”

“Hindi niyo naman talaga papatayin ang octupussy kung hindi kayo ginalaw nila. Ginalaw kayo no’n ‘di ba? Ako ‘yung nag-utos sa kanila.”

Nganga ako. “Bakit?”

“Plano kasi nilang kunin ang trono ko. Dahil daw matanda na ako. Kaya ayun inutos ko sa Larco na galawin kayo, e, nag traydor tapos na ospital ka pa. Alam mo bang ilang beses akong nagdasal na sana walang mangyaring masama sa 'yo.”

I gritted my teeth. Kung hindi dahil kay lolo wala pa sana akong anak ngayon. Tsk. Pero nagpapasalamat din ako dahil nakita ko ang karapat-dapat sa 'kin.

“Kailan ka pa naging boss nila?”

“When I made this.”

My jaw dropped.

“I made this when I was eighteen. I merge my father and mother's underworld business at such age.”

Ang bata. Tinitigan ko siya ng maigi na para bang nagsasabi na 'ituloy mo pa ang kwento'.

“I met your Lola and impregnate her,” tawa niya.

“Huh!?”

“Bigla nalang kasi mawawala kaya, binuntis ko. She's 22 that time and I'm 23” Tumawa na naman din siya, “and we live happily ever after.”

Napangiwi ako. Kawawa naman pala nang lola ko. Napailing-iling ako.

“Of course, I was just kidding. I didn’t impregnate her, we made love.”

Magsasalita na sana ako nang may nagsalita sa earpiece ko.

“Ano? Napatay mo na ba?” Ace.

“Guess who's the boss?” walang gana kong tanong.

“Wala ngang nakakaalam ‘di ba?” Puno ng sarkasmo ang pagtatanong ni Kuya R.

Sinabi ko sa kanilang lahat ang balita at pagkatapos no’n nag-usap kami ni lolo sa mga iba pang dahilan. Ngayon na-digest ko na talaga ang mga pangyayari.

“Gusto kong makita ang mga apo ko.”

“Yeah, sure.”

At nagsidatingan ang pamilya ko.

Elzid's POV

Nakahiga ako sa kama habang ang pinakamagandang nilalang na anak ko na si Avie ay nakahiga sa may dibdib ko. Nahalata ko kasi na gusto niyang ganyanin siya. Nakahawak naman ako sa baywang niya baka mahulog siya. Pinikpik ko ang puwetan niya para makatulog siya. Si Ane naman na ang pinakagwapo sa mundo ay natutulog sa tabi ko. Isang linggo na ang lumipas simula no’ng event na madugo at malapit na ang pasko. Three days ago, bumisita ang mahal ko. Ayon nagpalambing ako kaya heto ilang pasa ang nakuha ng mukha ko. Gano’n kasi maglambing ang mahal ko. ‘Yung bubugbugin ka. HAHAHAHA.

Naramdaman kong gumalaw ng konti ang baby girl ko. Nag-aadjust lang pala. Mukhang sarap na sarap siya sa tulog. ‘Yung iyakin kong anak, mabuti at ang himbing ng tulog.

Walang oras na wala ako sa tabi nila. Palagi ko silang binabantayan at ako na nga rin 'yong nagpapa-diaper nila pero ‘pag pinaliguan ko sila humihingi ako ng tulong sa mama ko. Minsan pag matutulog ako ininilagay ko sila sa tabi ko. Hindi rin naman sila mahuhulog sa kama kasi sa gilid noon isang pader na, tapos ako yung nasa walang pader nagbabantay para ‘di sila mahuhulog.

Ang pinakapaborito ko sa kanila talaga ay ‘yung binubuksan nila ang kanilang mga mata. Ang ganda kasi. May nakita naman akong heterochromia kaso blue and green, e, ang mga anak ko red and black. ‘Di ba ang galing ko palang gumawa ng bata. Tsk. Ang sperm ko lang pala. Tsk tsk tsk. Pero sa susunod na mabubuntis si Aser ‘yung akin na talaga. BWAHAHAHAHAHAHA.

Nasa gano’n pa rin akong posisyon nang may kumatok sa pinto. Tumingin ako do’n at nagtanong ng…

“Sino 'yan, hoy?” sigaw ko. Mabuti at sobrang tulog mantika ang mga anak ko.

“’Wag mo 'kong i-hoy-hoy diya’n! Mama mo 'to” sigaw pabalik ng mama ko. Lumunok naman ako. Dahan-dahan akong tumayo habang hinahawakan ng kanan kong kamay ang ulo ni Avie at ang kaliwa naman ay nasa likod ng katawan niya. Nang makatayo na ako dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama sa gilid ng kambal niya.

“Diya’n muna kayo, baby, ah,” I cooed.

Pumunta ako sa may pintoan at binuksan ‘yon. Nakita ko naman ang galit na mukha ng mama ko. I took one step backwards.

“Here.”

Tumingin ako sa sobre na binigay niya sa akin at tiningnan ‘yon. Kumunot ang noo ko at isinara ang pinto pagkatapos magpaalam ng aking mama.

Binuksan ko ang maliit na sobre at may isang tiklop na bondpaper. Kinuha ko at binuksan ‘yon.

Elzid,

Magkita tayo dito sa ********** may surpresa ako. Dalhin mo na rin ang kambal. Ngayon din. 

Mahal mo,

Asereath

Hmm. That's strange. Ang strange nag pakasulat nito. Pero galing pa rin to kay baby kaya go ako!

Napatigil ako sa pagde-daydream nang narinig kong umiyak si Baby Avie. Agad akong pumunta sa gilid nila at napatawa ako. Kaya naman pala umiiyak ang anak ko kasi yung kaliwang kamay niya napunta sa bibig ni Ane and then Ane chewed her fragile hands.

Nguwa ng nguwa ang anak ko at tawa ako ng tawa.

Loko 'tong si Ane ah. Halata na kong kanino nag mana.

Kinuha ko ng dahan-dahan ang kamay ni Avie sa bibig ni Ane at medyo mahina na ang kaniyang iyak. ‘Yung bibig naman ni Ane ngumunguya pa na para bang ando’n pa rin ang kamay ni Avie.

Ilang oras akong nagbihis at medyo guwapo na. Ay hindi. Guwapong-guwapo na talaga. Mwahahahaha. Nyeta guwapo ko talaga. Kaya inlab na inlab ang mahal ko, e. Ay shiyet!

Binihisan ko rin ang mga anak ko. Si Avie na nakadress na color black at red and ang anak kong gwapo binihisan ko na kagaya sa akin. Siyempre father like son. Tinawagan ko ang mama ko na papuntahin siya rito at pumunta naman siya. Kinuha niya si Avie at kinuha ko naman si Ane.

“Sa’n ka ba pupunta?” tanong ng mama ko habang nilalaro ang maliliit na kamay ni Avie.

“Secret, basta nando’n ang mahal ko.” Inirapan lang naman ako ng nanay ko.

Kinuha ko ang kotse ko at inilagay ang lalagyan ng anak ko sa may passenger seat at inilagay ko silang dalawa nang dahan-dahan do’n. Pagkatapos ay pumasok na ako sa driver's seat.

“Mag dahan-dahan kang mag drive. I know you're reckless,” sumbat ng mama ko. Nag salute lang ako sa kaniya.

Inandar ko na ang kotse ko at tiningnan ang mga anak ko na naglalaro sa tsupon nila.

“Let's go.”

At pinaharurot ko in a nice way ang kotse papunta kong nasaan ang mahal ko.

Third Person's POV

“Aalis na ako,” ani ni Aser na nakasakay na sa Ducati niya. Mabilis niyang pinaharurot ang kaniyang ducati papunta sa mansion ng mga Zoroa. Pinaharurot niya ‘yon nang dahan-dahan hindi kagaya no’ng huling linggo na ang bilis na pati ang attention ng lahat mapupunta sa ‘yo.

Nang nasa Zoroa's mansion na siya agad siyang pumasok do’n at hinanap si Elzid.

Nang hindi niya nakita ang loko pumunta siya sa Nursery's Room kaso wala pa rin. Nang akmang papasok siya sa kusina may tumawag sa kaniyang pangalan.

“Aser, honey, akala ko ba magkikita kayo ni Elzid?” saad ng mama ni Elzid. Nagtaka naman si Aser.

“Ano po’ng ibig niyong sabihin?”

“’Di ba may binigay ka kay Elzid, isang sobre?” taas kikay niyang tanong.

“Punyeta ni isa wala akong binigay na sobre. Tapos hindi ako ‘yung klase na magsosobre kong puwede namang i-text, gago,” sabi ni Aser sa isip niya.

Hindi siya nagpapahalata na nagtataka siya.

“Ah, oo nga pala, ma, nakalimutan ko. Sige po papasok muna ako sa kwarto ni Zid.”

Mabilis pa sa kidlat na tumakbo patungo sa kwarto ni Zid si Aser at nang pagpasok niya agad niyang hinanap ang buwisit na sobre.

Binasa niya iyon at agad na nandilim ang mukha niya. Ang awra niya rin mismo dumilim.

“Sinong peste naman ang gagawa nito, dinamay pati ang anak ko,” she hissed.

Tiniklop niya ang sobre at inilagay niya sa bulsa ng kaniyang pantalon. At dahil nagmamadali siya, tumalon nalang siya sa balkonahe patungo sa ducati niya.

“Mukhang alam ko na kung sino ang gagawa n'on,” inandar na niya ang ducati, “humanda ka, pekeng ako.”

At pinaharurot niya ang kaniyang Ducati kung nasaan ang pamilya niya.