Chapter 43
Elzid's POV
It's been 6 hours since I called my baby Aser. Here I am still investigating who she is, and I couldn't get one information about her. My boy Ane stopped crying while my girl Avie was still sleeping peacefully. Until some dork came inside, rushing towards my room, making my boy jolt up and cry.
“Zord!” I shout.
“Men! Did you hear the news or read it?” he asked between his breath.
I narrowed my eyes at him.
“BOW. Now search it on the BOW,” he said.
I was about to search when I almost forgot about my boy.
“Ikaw nang gumawa. Gagawan ko pa ng gatas ang anak ko,” singhal ko sa kaniya.
Mabuti nalang at mabilis kong na Alt+Tab ang windows bago pa siya gumamit. Hindi niya kasi alam na ini-imbestigahan ko ang asawa ko. That's a good thing na hindi niya alam. Tsismoso kasi ‘yan at hindi titigil ng hindi nalalaman ang totoo. Ni minsan nga hindi siya tumitigil sa pagtatanong sa akin kung ano ‘yung pakiramdam na ama na ako.
At ‘di ko talaga akalain na mas mahirap pa pala sa akala ko ang pagiging isang ama. ‘Yung tipong nakatulog ka na, magigising ka nalang sa hiyaw ng anak mo. But still they made us happy. Stress reliever.
Gumawa na ako ng gatas para sa anak ko. I shake it up first before letting my boy drink it up. I put it beside the table kung nasaan ando’n ang kuna nila. Dahan-dahan kong kinuha si Ane sa kuna kahit na nguwa siya ng nguwa. Umupo ako sa kama ko at kinuha ang gatas. Pinadede ko siya at may kasama pang pa-hele.
“Look at this, men!” ani ng kutong-lupa sa akin. Tumingin naman ako doon. “Halika rito!”
Hindi niya ba nakikita na may ginagawa ako?
“Ayaw ko nga, baka ‘pag tumayo ako lulusot ang anak ko at mahuhulog sa sahig. Patay ako kay Aser nito ano!” I hissed, “dalhin mo nalang kaya 'yang laptop dito.”
I see the dorks eyes rolled up.
That fucking shithead.
Sarap itapon sa building. Lumapit naman siya sa akin at pinakita ang laptop. Binigay ko muna sa kaniya ang gatas at siya ang nagpadede kay Ane.
“Ohh, ang cute.”
“Hey, Heyy! Zord he—” hindi ko natapos ang sasabihin ko nang nakita ko na siya na ang dumedede sa gatas ng anak ko. “What the he—are you doing!” sigaw ko.
“Nam-imgit kasim— ako,” sabi niya pagkatapos niyang ubusin ang gatas. “Ang sarap pala nito ‘no. Pag timpla mo nga ako,” he grinned. Then a thick nerve come out in my head. I’m totally fucking pissed right now.
Talagang itatapon ko 'yang biberon na ‘yan! Baka magka rabbies pa ang anak ko. Tss.
Inilagay ko pabalik sa kuna ang anak ko nang dahan-dahan no’ng hindi na siya umiiyak. Pagkatapos no’n ay agad kong nilapitan ang gago kong kaibigang-kutong-lupa.
Lumapit ako sa kaniya and I stranggled him up.
“Earlier you barged in making my boy cry and now! You drank his milk! Papatayin na talaga kita!” wika kong hinigpitan ang leeg niya. Nagpupumiglas siya pero sa bawat pagpupumiglas niya dumidiin ang pagkahawak ko sa leeg niya.
“E—Erk,” he mumbled. Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay at tinuro ang laptop ko na may bagong notifications about what's happening in the event. Agad ko naman siyang binitawan.
“Akala ko, katapusan ko na,” I heard him whisper under his breath. He scratched up his neck at lumapit siya sa akin.
“Now you learn,” I told him as I tap some keys in the laptop to see more news.
He smirked. “I know you won't let me die. Let's see—” aniya habang nag-iisip, “Pang ika-limang daan muna akong muntikang pinatay pero heto, buhay pa rin,” ngumisi siya.
I cringed. “Of course, you won’t die easily, masama kang damo, ugok.”
And we both end up laughing behind.
“This is serious, right?” Tumingin siya sa akin, malamang naghihintay sa aking sagot.
“Ewan ko. They're out of my business. So, wala akong paki diya’n,” chill kung saad.
“Akin na nga 'yan.” Agaw niya sa akin sa laptop ko at binigyan niya ako ng isang masamang tingin. “Hindi mo ata nakita.”
Kumunot ang noo ko. “Ang alin?”
Tumingin siya sa akin at tumaas ang gilid ng kaniyang labi. He's totally mocking me.
“Wala ka namang pake, ‘di baaaaa?” He said making fun of the last word he uttered.
I gave him my expressionless face that he really hates when we're both still young.
“Well, never mind that,” ani niya habang sinasara ang laptop ko. I watched him closely. Ano na naman kaya ang gagawin nito?
Tumayo siya at lumapit sa may pinto pero bago pa siya lumabas tumingin muna siya sa akin at sa loob ng labin-limang segundo nagsalita siya.
“Sa— ‘wag na nga lang,” pambibitin niya sabay ngumisi at mabilis na tumakbo kagaya ng baby Ferarri ko. Naiwan namang nakabukas ang pinto.
“Pabitin ang gago.” I face palmed.
Asereath's POV
Dalawang oras na ang nakalipas mula no’ng nagkapatayan sa event. Dalawang oras na rin akong nagbiya-biyahe patungo sa kung nasaan ang target kong boss nila.
“Aser? Still going there?” Boses ng ate ko.
“Yeah, can you cope with me? Can you try to face these police? They're getting in my way.” I told them.
“Police?”
“Oo, kanina pa ako hinabol-habol nila. Wala na akong oras para sumali sa laro nila. Goodluck!” sabi ko at nag full speed na.
Shit.
Ang mga pulis na nando’n lamang sa likuran ko, nasa gilid na. Holy shit. Nang may nakita akong isang eskinita sa kanan agad akong nag break at ang mga pulis ay napalayo na sa akin.
Wala na akong oras maglaro sa kanila. Nang nakita kong dead end na, agad akong tumalon patungo sa lupa. Nag-parkour ako at umakyat ako sa itaas. So, bale ngayon nasa rooftop na ako. Tumigil muna ako at tiningnan kung malapit na ba ako. At malapit na talaga. Nakita kong natigilan ang mga pulis. Mukhang hindi sila papasok do’n dahil alam nilang bawal kaya napangiti ako. Takbo, talon ang gawa ko hanggang sa narating ko ang naglalakihang gate. At dahil mataas ang gate at nasa taas din ako. Tinalon ko nalang ang gate at umakyat na para bang isang pusang magnanakaw.
I landed softly at the ground. Pero nakakapagtaka sapagkat wala akong nakitang kahit ni isang guwardiya na nagpa-patrol. Is this a joke?
Dahan-dahan akong pumasok at nang pagpasok ko, agad akong namangha. The furnitures looks familiar at kung sa’n sila inilalagay sa bahay, sobrang pamilyar sa akin. Ang mga paintings na nakasabit sa dingding, pamilyar din sa akin.
Hindi pa naman ako nakapunta dito pero pamilyar na agad sa akin ang lugar.
Pumunta ako do’n sa kusina na para bang alam ko na ang pasikot dito.
“What the fuck?” I mumbled while scratching the back of my neck.
Even the table looks familiar. It looks likes it was a duplicate of something I saw before. Even the freezer looks fucking familiar.
Nah, siguro ‘yung kusina lang ata pamilyar sa akin.
Kaya umakyat ako sa ikalawang palapag at dumaan sa isang kwarto na para bang alam ko na ang mga pasikot. Kumunot ang noo ko dahil no’ng pumasok ako sa kuwarto pamilyar na pamilyar sa akin.
Shit. Parang nakita ko na ang kwarto na 'to, e. Hindi ko lang talaga ma pinpoint kung saan. Pumunta ako sa balcony no’ng kwarto at nakita ko ang buong paligid.
Walang hiya! Nakita ko na talaga to, e.
KUNOT NA KUNOT NA TALAGA ANG NOO KO.
Lumabas ulit ako habang takang-taka ang mukha.
Una, walang guard na nagbabantay. Pangalawa, pamilyar sa akin lahat. Tatlo, walang tao ni isa akong nakita.
Teka nga ba, baka nagsisinungaling lamang ang lalaki kung saan nakuha niya ang information.
“Bunso? Nandiya’n ka na ba?” Dinig ko mula sa earpiece.
“Oo, pero kataka-taka, e. Walang tao at saka sobrang pamilyar ng lugar na 'to. Kuya, baka nagsisinungaling lamang ‘yung nagsabi n'on?”
“No, Aser, it's true,” Kuya Ace.
“Fine.”
Naglakad-lakad pa rin ako at inihanda ang sarili sa anong mangyayari.
Is this a trap?
Bawat kuwarto na madadaanan ko binibuksan ko ‘yon at dudang-duda na ako. Nalibot ko na ang loob ng 2nd floor at napunta ako sa may dulo. Tumingin ako sa gilid no’n nang may nakita akong hagdanan.
Aakyat na sana ako do’n nang may nakita akong karatula.
'Keep Out'
Hanggang sa 'yong keep out pamilyar sa akin. At dahil hindi ako sumusunod sa kahit ano mang batas o kasunuran 'yan, lalabag at lalabag pa rin ako.
Kaya inakyat ko ang ikatlong palapag. Pagkakita ko sa buong palapag, it sent down shivers through my body. I felt this feeling long way ago. Inilibot ko ang aking paningin do’n at napagtanto ko na nag-iisa lamang ang kuwarto do’n.
Dahan-dahan akong lumapit at tiningnan ang sign na nando’n sa pinto ng kuwarto.
Napakunot ang noo ko.
'Boss'
Ayun ang nakasulat. Pati 'yon pamilyar sa akin. ‘Yung katawan ko ay kumilos na para bang ginagawa ko na 'to dati. Pinatiran ko lang naman ang pinto at pumasok ako.
Pero agad akong naestatwa no’ng pamilyar sa akin ang lalaking nakatalikod na nakaupo sa swivel chair niya at pati ang awra niya ay pamilyar sa akin.
Dahan-dahan siyang umikot upang makita ako. At hindi ako makapaniwala kung sino ang nakikita ko.
“W—What the fuck are you d-doing here…”