Chapter 42
Third Person's POV
Naglalaban ang lahat ng angkan ng pamilyang Romano maliban pala kay Asereath na nasa madilim na parte ng event hall. Naghihintay lamang siya sa tamang oras para sumugod.
“Did you see your targets?” wika ni Ace habang naghihintay sa sagot ng kaniyang mga kapatid through earpiece.
“Not yet.” R.
“Yes, I do.” Agoeath.
“Kill them already,” utos ni Ace at sumagot naman ang kaniyang dalawang kapatid ng 'oo'.
Papasok na sana siya sa isang bahagi ng silid nang may humarang sa kaniyang limang lalaki.
He sighed.
Kaagad na sumugod ang limang lalaki sa kaniya kaya napaatras siya. Nang palapit na ang mga ito kaagad siyang yumuko at binunot ang dalawang baril sa gilid ng kaniyang dalawang paa at kaagad niyang binaril ang limang lalaki habang nakayuko. Bumagsak ang limang lalaki sa sahig na duguan. Tumayo siya at inihipan ang dulo ng baril.
“I don't have time for you, weaklings,” wika ni Acereath at mabilis na tumakbo sa papaandar na elevator.
Nang nasa loob siya ng elevator, akala niya siya lamang ang nando’n kaso nakita niya ang isang babae na takot na takot sa kaniya. Tiningnan niya iyon nang may pumasok sa kaniyang isip.
“Where's the room of one of the founders of this event?” matigas niyang tanong.
Napapitlag naman ang babae at natameme ng makita niya ang pulang mata ni Ace.
“A-An—” hindi na siya nakapagsalita pa at naiwan lamang nakaturo sa ika-19 na button sa elevator. Tumingin doon si Ace at ngumiti. Tiningnan niya muli ang babae at pinatulog gamit sa pagtira sa batok.
Ilang segundo at nakalabas na siya sa elevator at dumiretso sa room. Mabuti at nag-iisa lamang ‘yon. Hindi siya nagdalawang-isip na buksan ang pinto pero ni isa wala siyang nakitang tao. Sinuri niya ng buong kapaligiran at binasa ang pangalan na nasa lamesa.
“Nasan siya!” sigaw niya.
Pumunta siya sa may balcony at tiningnan ang ibaba at ang langit nang may marinig siya sa itaas o rooftop.
“Shit! He's escaping,” sabi niya at mabilis na tumakbo papunta sa rooftop. Hinawakan niya ang earpiece at nagsalita, “target locked. Rooftop. Kayo na ang bahala sa inyo,” aniya at mabilis pa sa kidlat kung tumakbo.
Sa panig naman ni Agoeath…
Takbo ng takbo ang target ni Agoeath at kaya sa sobrang inis niya binunot niya ang dessert eagle na baril na galing sa kompaniya ni Elzid. Ayaw niya namang pumatay dahil masasayang lamang ang bala ng kaniyang baril kaso ayaw tumigil ng mga punyetang tinatarget siya para makatakas ang walang hiyang ka-lider ng Octupussy. Gustohin niya naman sanang karatehin, e, ayaw niyang maduguan ang kaniyang damit.
Sunod na sunod ang mga putok na pinapakawalan niya at sunod na sunod namang tumumba ang mga pasaway na target siya.
May bumaril sa kaniya galing sa likod. Tiningnan niya ‘yon at mas dumomble ang sumusunod sa kaniya. Ayaw niyang sayangin ang mga bala kaya kinuha niya ang bomba at hinagis do’n. Napatigil ang mga tao do’n at naghihintay itong pumutok. Pero hindi ito pumutok.
Nginisian niya ito at tumakbo. Akmang tatakbo ang mga hayop nang pinitik ni Agoeath ang kaniyang daliri. May malakas na sumabog at nahulog sila sa butas na gawa ng pagsabog.
“Serves you right,” aniya.
Takbo siya ng takbo at tira din ng tira. Muntikan na niyang naabutan ang target niya nang may ilang tao na naman ang sumalakay sa kaniya.
“Parami kayo ng parami.” She gritted her teeth.
Binalik niya sa bulsa ang dessert eagle at kinuha ang dalawang matutulis na kutsilyo at bawat takbo niya walang leeg ang hindi inaagusan ng dugo.
At nang wala nang humahabol sa kaniya tumakbo siya sa kaniyang target at pinatay ang dalawang bantay nito. Naiwan naman ang ka-lider ng octupussy.
“Hello, Mr. Who the fuck are you,” wika niya. Hihiwain niya sana ang leeg nito ng naunahan siya nitong patirin.
Bumunot ng dalawang baril ang ka-lider at agad na pinaputukan si Agoeath pero dahil mabilis ang kaniyang reflexes mabilis din siyang nakaiwas, para nga siyang papel na lumalagayway dahil sa hangin.
“Looks like this will be tough,” she murmured.
“Sino ka,” sigaw ng ka-lider. “Isa ka ba sa traydor na Glorius Mafia!?” ani nito.
Tumawa lamang si Agoeath bilang sagot.
“Sumago—” hindi na narinig ni Agoeath ang susunod na sasabihin nito nang may nagsalita sa earpiece niya.
“This is Aser, ‘wag niyong kalimutang itanong kung nasaan nakatago ang ulo ng Octupussy,” wika nito.
“Roger,” they all said in unison.
Sa panig naman ni R…
“Buwiset na mga tauhan ‘to, ayaw maubos,” aniya habang pinapatiran ng malakas ang limang kaaway hanggang sa natumba ito. Ang mga tauhan na lamang ang kaniyang pinapatay sapagkat napatay na niya ang target niya. Akala niya na matatagalan siyang patayin ito ngunit mahina pala 'yon. Nakadepende lang pala sa pumuprotekta.
Pero nakalimutan niyang tanungin kung nasaan ang ulo ng mga ito.
Kaya sa bawat harap niya sa kaniyang mga kaaway ay tinatanong niya pero ang sagot ng mga ito ay panlalait lamang. At dahil maliit lamang ang pasensiya niya pinapatay niya ‘yon.
Nasa ikalawang palapag siya at tumalon siya patungo sa baba. Nagkakagulo pa rin, makikita mo na ang mga ordinaryong tao ay patay na, may iba namang nakatakas at umiiyak at pinoprotektahan.
Nakangisi siya dahil hindi niya inaasahan na mas malala pa pala sa kaniyang inaakala ang mangyayari.
“Stop smiling like an idiot, brother of mine.”
“Aser, nandiya’n ka pa rin ba?” Ace.
“Yeah.”
“Bunso, wait a minute kapeng mainit, ah,” ani ni R.
Oo, lamang ang sagot ng kaniyang kapatid. Pumasok si R sa liblib na lugar ng event hall at walang ingay na naglalakad. Nang nasa dulo na siya bigla siyang napatigil nang may narinig siyang nagsasalita.
“Gawa ba ito ng boss?” ani ng isa.
“Mukhang hindi, hindi nga niya alam na may event pala,” wika rin ng isa habang ina-assemble ang baril niyang silencer.
“Nasa’n ba siya ngayon?” Tanong ng isa.
“Nice timing,” saad ni R sa isipan niya. Sumandal muna siya sa pader at hinintay ang sagot no’ng isa. Nang malaman niya kung nasaan, kaagad siyang napangiti. Lumabas din siya sa lungga at gamit ang baril ng isang lalaki na nasa sahig binaril niya ang dalawa.
“The victory is near.”
Sa panig naman ng mag-asawang Romano.
“Honey! I. said. move,” galit na wika ng ilaw ng Romano sa haligi ng Romano.
“Honey, I'm just protecting you,” salita pabalik ng kanilang ama.
Umirap lamang ang ina nila at pinagpatuloy ang pumatay ng tao.
These two combinations are unstoppable. Kahit na may edad na sila, wala paring kupas ang kanilang galing.
Perks of being the ‘Deadly Couple’ before.
“Ay pasensiya na,” sabi ng ina nila habang tinitigan ang babae na sinaksak niya.
“A-Aray.”
“’Yan kasi ang mapapala niyo. Nagtatanong ng mahinahon, sasagutin ng sarkasmo,” bumuntong-hininga ang ina nila.
Pinatiran niya ang babae at tuluyan na itong nawalan ng hininga. Nagkatinginan ang mag-asawa at ngumiti ng nakapalambing.
“That’s why I never stop falling in love with you,” mahinahong wika ng ama nila.
“Sus!” saad ng kanilang ina habang may ngiti sa labi.
Ilang minuto pa rin silang nakikipag-away at ni isa sa kanilang pinapatay wala silang nakukuhang matinong sagot.
May sagot na 'Ang ganda mo', 'Mahal' at iba pa na ikinagagalit ng kanilang ama. Dahil daw siya lamang ang magsasabi no’n.
Naiwang nakatayo ang ina nila habang kinokontak ang kaniyang mga anak. Naka back-up naman ang kaniyang mahal.
“Mga anak?” tawag niya rito.
“Yes/What/Not now!” They said in unison.
“Ano? May nakuha na ba kayo?” tanong niya at pinatiran ang lalaking akmang tatayo.
“Malapit na, kunting kirot nalang sa singit ng mga ‘to, makakamit na natin ang gusto natin,” sagot ni Agoeath habang hingal na hingal.
“Oh, okay,” napakunot ang noo ng ina nila nang may marinig siyang kakaibang ingay. “Anong ingay ‘yan?”
“This is Ace. Nasa may rooftop ako, nagpapahangin.” Naiwan namang nakanganga ang ina at ama nila.
“Anong sabi mo!” sigaw ng ama nila.
“Napatay ko lahat, e, nakalimutan kong tanungin. Tsk. It's now up to you guys,” chill nitong saad.
“Family of mine. Alam ko na kung nasaan ang ulo nila,” narinig nilang wika ni R.
Nagkatinginan ang mag-asawa at maiging nakikinig sa anak nila.
“Aser? You heard him, right? Now go! Bilisan mo. R, Goeth, ma at saka pa, lets meet at the rendezvous,” sabi ni Ace.
Sabay naman silang lahat sumagot ng oo.
“Guess we're done for now,” wika ng ama nila.
Tumango naman ang ermats nila. Inilahad ng lalaki ang kaniyang kamay sa babae at magkahawak-kamay silang lumusong sa nag-aalong patay na tao palabas sa event hall.
Asereath's POV
Now I know where you are hiding. It’s time for you to slide.
Pagkalabas ko sa hall agad akong pumunta sa parking lot at kumuha ng isang bike. At dahil ayaw ko ng pangit na bike kinuha ko yong magara. D U C A T I. Wala naman sa akin ang susi pero isa akong burglar no’ng bata pa ako sa bahay para lang makakuha ng pera sa bodega. At alam ko na kung paano ito paandarin dahil palagi kong kinukuha ang ducati ni papa na walang susi, ginagamit ko lamang ang talento ko sa pagiging burglar.
Nasa may intersection na ako at kahit na red ang light diretso pa rin ako. Nang nasa may gitna na ako may mabilis na sasakyan sa kanan ko. Napatingin ako do’n at kaagad kong hinawakan ang brake ng bike. Napatayo ang motor ko na parang isang kabayong nag-wa-wild. Nakagano’n ako at paikot ng paikot sa isang puwesto hanggang sa tumigil, pero nong tumigil ako sa pag-ikot mabilis kong pinaharurot ang motor habang may mga pulis na nakasunod sa akin. Kaya pumasok ako sa mga masisikip na lugar hanggang sa nawala na sila sa likod ko.
Malapit na. Malapit na malapit nang matapos ang gagawin ko.
Kaya…
“Sa amin ang huling tawa.”