Chapter 39
Third Person's POV
Ang tatlong magkakaibigan na sina Elzid, Zord at Tomi ay nasa labas kung saan nando’n ang anak nina Elzid at Aser. Isang oras silang naghihintay kay Dra. Alejandro para alamin kung may masama bang nangyari sa mga mata ng mga bata.
Si Tomi ay kampante lamang dahil alam niya naman ang totoo pero kalauna'y naging mabalisa siya no’ng maalala niya ang sinabi ni Elzid sa kanilang dalawa ni Zord.
“Bakit? Isang mata lang ang pula?” tanong ni Tomi sa kaniyang isipan.
“Men? Gusto mo bang umiyak?” Tapik ni Zord sa balikat ni Elzid, “iyak lang, nandito lang ako.”
Sininghalan lamang siya ni Elzid at tumawa lamang siya.
“Arte,” tawang-tawa niyang saad.
Ilang minuto na rin ang lumipas ng lumabas na ang Dra.
“At last,” Elzid sighed in relief.
Si Tomi naman na nakaupo ay tumayo na at handa na siyang makinig sa sasabihin ng Dra. upang i–chika kay Aser mamaya.
“So?” banat ni Elzid.
Tutok na tutok ang tatlo sa Dra. kaya medyo napangiwi ito at nagdadalawang isip kung sasabihin ba niya.
“Well…”
“Well, what!!” singhal ni Elzid. Pinakalma naman kaagad siya ni Zord.
“I’m sorry. Well, wala namang masama sa mga bata. ‘Yung mata nila ay normal naman.” Tsineck ng doktora ang papel na dala niya, “Yes, ang mga mata nila ay normal. So, wala na kayong dapat ikabahala. Baka may kadugo kayong pula ang mata, perhaps?”
Naningkit ang mga mata ni Elzid.
"Wala naman kaming kadugo na pula ang mata same as Aser my baby," saad ni Zid sa kaniyang isipan, “Wala naman kaming kadugo na pula ang mata, same as Aser, wala” aniya at tumingin kay Tomi, “Right Tomi?”
Mabilis ang tibok ng puso ni Tomi sa sinabi ni Elzid sa kaniya. Hindi niya alam kong iiling ba siya o tatango kaso mas mabuti sigurong si Aser nalang ang magsabi ng totoo. Kaya tumango nalang siya.
“Puwede niyo nang makita ang mga bata. By the way, nasa nursery room sila.” Bago pa man tumalikod ang Dra. tumingin ulit ito kay Elzid, “Oh, and sign up the birth certificate,” wika nito at binigay ang isang papel.
Kinuha naman agad ‘yon ni Elzid at naglakad na patungo sa nursery room. Nag-angat siya ng tingin nang may malakas na hangin ang dumapo sa balat niya.
“Ano 'yon?” takang tanong niya. Titingin na ulit sana siya sa papel nang nakita niya si Zord na kumakaway sa kaniya na nasa pintoan ng nursery room.
“Putang ina, siya pala ‘yon!” Kaya mas mabilis pa sa kidlat nauna siyang pumasok kaysa kay Zord.
“Tang ina tumabi ka! Bwisit!” saad niya ng mahina baka marinig ng mga anak niya.
“Ikaw tumabi! Ako nauna!”
“E, anak ko 'yan!”
“Paki ko! Tito ako!”
“Asawa ko nagluwal niyan, ulol!”
“Bff ng mahal ko ang ina niyan!”
“Oh, tapos!?”
“Pak—Ahh!”
“Aray!”
Pinatid lang naman ni Tomi ang dalawa kaya napasubsob sila sa lupa. Ang mga bata tuloy napaiktad kaya ayun! umiyak.
“Mga gago!” asik ni Tomi sa dalawa.
Nguwa ng nguwa ang mga bata kaya nilapitan ‘yon ni Tomi. Ang dalawang tukmol naman ay nagpagpag ng sarili.
“They look like Aser! Mini Ase—” napatigil siya at tinitigan ang mga bata, “M—Mini devils, I mean,” at lumunok.
Iyak pa rin ng iyak ang mga bata kaya pinatahan ni Elzid ‘yon. Mabuti naman at tumahan na.
“Hi babies! Ako pala ang papa ninyo,” ngiting aso ni Elzid.
“May pangalan na kayo sa mga anak niyo?” tanong ni Tomi.
“Oo, sa lalaki muna, alam mo na… akala kasi namin lalaki lang anak namin may babae pala,” sagot ni Elzid.
“Ano naman ang pangalan ng lalaki?” Tanong ni Zord habang natutuwang kinatitigan ang mga bata na mahihimbing na ang tulog.
“The boy would be Aneath Drazen,” sabi ni Elzid, “ako lang muna ang mag papangalan sa second name ng baby girl ko. Si Aser na bahala sa first name.”
“Ang that would be?”
“Drazel…” ngiti niya.
“Bakit mga 'DRA'?” takang tanong ni Zord.
“From the word Dragon? Para malakas!”
“Corny. Tss.”
“No need na, si Aser pa? Kinakatakutan na 'yang anak mo. Pangalan pa lang alam na,” saad ni Tomi habang pinipisil ang pisngi ng mga bata.
“Don't do that!” asik ni Elzid. Inirapan lamang siya ni Tomi.
“Ang kyut! Mana sa Tito,” ani Zord.
“Kapal. Ako ama n’yan kung hindi mo alam.”
Nagbuntong-hininga na lamang si Tomi dahil sa kikitid ng mga utak ng dalawa. Utak tuko.
“Asan ba ang room ni Aser? Pupuntahan ko siya.”
Sinabihan ni Elzid si Tomi kung sa’n naroroon ang room ni Aser. Si Tomi muna ang pinapabantay niya kay Aser dahil siya ang magbabantay sa mga anak niya.
Elzid's POV
“She's back.” Zord.
Tumingin ako sa kaniya at tinaas ang kilay ko.
“Who?” takang tanong ko. Pinahawak ko ang middle finger ko sa kamay ng anak ko at agad namang pumulupot ang kamay nilang maliliit.
“Blatess.”
Napatigil ako sa ginagawa ko at tiningnan siya.
“Yeah, I heard it.”
“Ano na ang plano mo? May Blatess ka pa may Aser na at may dalawa pang bubwit,” ani ni Zord habang umupo sa bakanting upuan.
“Since no’ng pumasok na sa buhay ko si Aser. Nalimutan ko nang may minahal pala ako. Isang babae na hindi ko naman kilala,” paklang ngiti ko.
“So? Kay Aser ka na?” ngiting aso ni Zord.
Tumango lamang ako sa gago.
“Gagawin mo bang assassin ang mga anak mo?” seryosong tanong ni Zord na nagpatingala sa akin tungo sa mukha niyang alikabok.
Hindi ko alam ang sagot. Kailangan ko munang sabihin kay Aser kong sino talaga ako. Kung ano ang takbo ng buhay ko.
Imbis na sagutin ko ang tanong ni Zord. Nagkibit-balikat na lamang ako.
“You decide, magtataka ka nalang bukas paggising mo malalaki na ‘yang mga anak mo.”
I know.
Third Person's POV
Madaling araw na at ang dalawang magkaibigan ay nakatulog sa loob ng nursery room.
Si Tomi naman ay nasa gilid ng natutulog na Aser. Sinabihan na ni Tomi si Elzid kanina na bawal muna siyang pumasok sa loob.
Nagising si Tomi at tiningnan kung anong oras na.
6:39 am. Nag-inat siya at lumapit kay Aser.
“Tatanggalin muna natin ‘yang silicone mask mo ha? Siguro naiinitan ka na diya’n,” aniya.
Kaya't tinanggal niya ang silicone mask ni Aser at inilagay sa gilid niya. Kumuha siya ng ilang wipes at pinahiran ang mukha ni Aser.
Sa loob ng siyam na buwan ngayon niya lang ulit nakita ang magandang mukha nito. Matangos na ilong, perpektong kilay at iskarlata na labi, at mahahabang pilik–mata.
Pinaypayan niya si Aser at ang sarili rin niya.
Ilang minuto ang lumipas nang nakita niyang gumalaw ang mga daliri ni Aser. Napatayo siya at plano niya sanang tawagin ang mga nurse kaso mukhang hindi na kailangan kasi mabilis namang gumagaling ang isang Romano.
“Aser!” sabi niya. Nakita niyang nag-inat muna si Aser bago buksan ang mga talukap ng kaniyang mga mata.
Pagbukas ni Aser sa kaniyang talukap kaagad napunta ang tingin niya kay Tomi na nakangisi.
“Kakagising ko lang… mukha mo na agad… p—puta,” wika ni Aser na nagpangiti kay Tomi.
Madaliang niyakap ni Tomi si Aser ng mahigpit.
“A-Aray,” ngiwi niyang saad. Bumitiw din naman si Tomi at kaagad nagtanong si Aser kung nasaan ang kaniyang mga anak.
“Nasa nursery room,” saad ni Tomi.
Bumangon si Aser at pinigilan siya ni Tomi kaso malakas si Aser. Wala nang nagawa si Tomi.
“Pupunta ako do’n.”
“Aser! Hindi puwede pagaling ka muna.”
“I’m not Asereath for nothing, Tomi, remember that.”
Tumayo si Aser at mabilisang tinanggal ang IV na nakasabit at nakatusok sa kamay niya. Napabuntong-hininga na lamang si Tomi sa kagagahan ng kaniyang kaibigan.
Nakalabas na si Aser sa loob at kaagad na bumilis ang tibok ng puso ni Tomi.
“Oh shit!”
Kaagad siyang lumabas sa pinto at mabilis na hinanap si Aser.
“Lagot ako nito! Kasalanan ko 'to!”
Mabilis pa sa segundo nang tumakbo siya patungo sa silid kung nasaan ando’n ang mga bata. Pero ang naabutan niya ang nagtatakang Elzid at Zord.
“Sino… ka?” takang tanong ni Elzid sa babae na nasa pintoan.
“Pinagsasabi mo oy?” taas kilay'ng tanong ni Aser. “Ako ‘to si Aser,” singhal ni Aser kay Elzid.
“Pinagsasabi mo babae! Hindi ikaw si Aser,” singhal din pabalik ni Elzid.
“Ano bang nangyayari sa 'yo Zid! Ako nga 'to” sigaw niya.
Mukhang magsisigawan na lamang sila rito.
Narinig ni Aser ang iyak ng kaniyang mga anak kaya mabilisan niya itong nilapitan. Pero bago pa niya mahawakan ang mga bata hinarangan na siya ni Elzid.
“Ano ba Zid!”
“T—Teka? Ikaw ba talaga ‘yan A—Aser?” Turo ni Zord kay Aser.
“Ano bang nangyayari sa inyo? Mukha kayong nalintikan ng kidlat at hindi niyo na ako kilala. Bakit si Tomi nakilala ako?” seryosong saad niya.
“P—Pero bakit ang… ang ganda mo? Nagparetoke ka ba?” tanong ni Zord.
Takang-taka namang napatitig si Aser kay Zord.
“Pinagsasab—” Natigilan siya nang may nahagilap siya sa salamin. Dahan-dahan siyang tumingin do’n at nanlaki ang kaniyang mga mata.
“Oh, shit,” bulalas niya.
Nanatiling naestatwa si Aser sa kaniyang kinatatayuan kaya agad siyang nilapitan ni Tomi.
“Aser…” mahinang tawag nito.
Bumalik ulit sa wisyo si Aser.
“I'm sorry, tinanggal ko ‘yung silicone mask mo baka kasi naiinatan ka kaso no’ng nagising ka, kaagad ka ring lumabas at huli na para malaman mo, sorry talaga,” pagpahingi ng umanhin ni Tomi.
Bumuntong–hininga na lamang si Aser at tumingin kay Elzid.
“Elzid…” lalapit na sana siya rito nang bigla itong lumabas sa pinto.
Bigla na lamang kumirot ang puso niya.
“Ikaw ba talaga 'yan? Shitey ang ganda mo! Kaya pala guwapo at maganda ang inaanak ko,” masayang wika ni Zord. “Pero ba—”
Hindi natapos ni Zord ang kaniyang sasabihin nang pinatigil siya ni Tomi.
“Sign this,” saad ni Tomi habang binibigyan ng isang papel si Aser.
Kinuha agad iyon ni Aser at tinignan.
Aneath Drazen Zoroa
Sinulatan niya ng pangalan ang babae niyang anak.
Avieath Drazel Zoroa
Pagkatapos fill-out-an ni Aser ang papel, binigay niya iyon kay Tomi.
“Go. Go after him,” ani nito.
Bago pa siya lumabas ay hinalikan niya muna sa noo ang kaniyang mga anak at mabilisang hinanap si Elzid.
Ilang minuto rin siyang palakad-lakad hanggang sa napunta siya sa balkonahe. Nakita niya do’n si Elzid habang nasa gilid nito si Skud.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Elzid na hindi nakatingin sa kaniya.
“Zid,” ani niya sa kaniyang isip.
“Umalis ka na,” pangtataboy ni Elzid kay Aser.
“Pe—”
Pero bago pa siya makapagbigkas ng isang salita, inunahan na siya ni Elzid at ang mga salitang ‘yon ay parang isang palaso na tumatarak sa puso niya.
“You're not the Aser I know, and the Aser I love anymore.”