Chapter 38

Third Person's POV

Mabilis na nagsi-trabaho ang mga doctor at nurse ng mga Zoroa sa loob ng delivery room. Pinasok na si Aser sa loob pero hindi siya bumitiw sa kamay ni Zid.

“Zid... I need you damn here!” sigaw niya. Halata na ang sakit sa mukha niya.

Bawal talaga pumasok kahit sino man, kaso nang hindi pinapasok si Zid mabilis na hinablot ni Aser ang kamay ni Zid kaya't napapasok siya.

“ZIDDDDDD!!” Hingal na saad ni Aser.

“Ser, total nakapasok kayo magsuot kayo nito.” Binigyan siya ng isang nurse ng isang green na lab gown.

Kaagad niya ‘tong isinuot at mabilisang pumunta sa gawi kung nasaan nakaratay ang mahal niya.

“Ire pa Mrs. Zoroa!” ani ni Dra. Alejandro.

Umire naman ng napakalakas si Aser pero hindi pa rin nagpapakita ang ulo ng bata.

Hinahaplos ni Zid ang mga kamay ni Aser at hinahalikan niya ang noo nito. He whispered to Aser some soothing words.

Pero agad iyong natigil ng sobrang higpit ang paghawak ni Aser sa kamay niya.

“Puta! Mukhang mababali ang mga buto ko!” sigaw ni Elzid sa isip niya.

“Ire pa!”

“AHHHHHHH! HOOOOOO!” Huminga ng malalim si Aser at, “PUUTANG INAAAAAAAAA!” sigaw niya, sabay hampas sa isang lamesa na nasa kanan niya.

“Baby, kaya mo 'yan! Talagang kayang-kaya mo 'yan!” pangchicheer ni Elzid, “Kaya mo 'yan! Nakaya mo nga iyong barrett ko,” aniya.

Rinding-rindi na si Aser sa pag-iire niya kaya't ginawa niya pa rin ang lahat, binuhos ang lahat na lakas.

10 oras na ang lumipas bago nagpakita ang ulo ng bata.

“Mrs. Zoroa! Ire pa! Malapit na!” saad ng Dra. na kitang-kita na talaga ang pawis.

“S-Sige pa b-baby!” hingal na saad ni Elzid sapagkat sobrang sakit na nang kamay niya.

“PUNYETAAAAANG PUTAAA AAHHH!”

At doon na talaga lumabas ang bata.

Tumingin si Aser sa pinaghirapan niya at nakangiti niya itong tinitigan.

“It's a healthy baby boy!” saad ng Dra. habang kinarga ang bata na umiiyak nang napakalakas.

“You did it, baby! You fucking did it,” at hinalikan ni Elzid si Aser sa noo.

“Anea—ahhhhhhhh!” Napahiyaw siya sa sakit.

“Anong nangyari sayo? Baby!?” takot na tanong ni Elzid.

“AHHHH! Ang sakit! Mukhang may lalabas!” huminto si Aser, “na namannnn! AHHHHHH,” hiyaw na naman niya.

“ANONG NANGYAYARI SA KANIYA DOCTORA!”

Kaagad tinitigan ng doctora ang labasan ng bata nang may nakita siya.

Kaagad niya ibinigay ang anak na lalaki ni Elzid sa nurse upang linisan at kaagad niyang inasikaso si Aser.

“There's another baby coming out,” saad niya.

Naguguluhan si Elzid sa sinabi niya at lalong-lalo na si Aser.

“Pa’no!? E, ‘di ba!” bumuga siya ng hangin, “isa lang naman anak ko! Hindi naman kambal!” aniya at umire ng napakalakas.

At do’n na tuluyang lumabas ang bata.

Umiiyak ito at sinuri ng doctora kung may diperensiya iyon, kaso wala.

“It’s a healthy baby girl!” saad niya.

“Pa’no nangyari ‘yon?” tanong ni Aser na nanghihina na.

“Pa’no?”

Bago sumagot ang doktora. Binigay niya muna ito sa isa pang nurse upang linisan din. Tinanggal niya muna ang kaniyang operating gloves at tinapon sa basurahan.

“Baka hindi ‘yon nakita sa ultrasound. Maybe your baby boy is hiding her behind,” paliwanag niya.

“As if…” mahinang saad ni Aser, “he's protecting her?” tanong niya at mabilis na sumarado ang mga talukap niya.

Tumango naman ang doktora.

“Protecting?” Elzid murmured, “Oh, boy,” ngumiti siya, “Bakit natutulog si Aser!?” nagpapanic niyang sabi.

“Don't worry, she's okay. Mukhang pagod lang pagpahingahin mo muna.”

Tumango lamang si Elzid bilang tugon.

Ang unang nurse na nagdala kay Aneath ay bumalik sa loob at binigay niya ang bata kay Elzid.

Mabilisan rin namang kinuha ni Elzid ang bata nang dahan-dahan at umupo siya sa upuan baka ma-slide ang bata sa mga bisig niya.

He smiled when he looked through his son's.

Tumutulo ang kaniyang mga luha—tears of joy! Hindi niya alam na mas sobra pa pala ang pakiramdam mo kaysa nuon nasa tiyan palang ang anak niya kaysa nasa labas na at nayayakap muna.

“Hi baby, ako nga pala ang papa mo,” uutal-utal niyang saad.

At mukhang narinig ‘yon ng bata kaya't ngumisi ito. Natuwa si Elzid pero agad ding natigilan ng bumukas ang mga mata ng kaniyang anak at nakita niya ang ‘di niya inaasahan.

Ang kanang mata ay itim, habang ang isa ay pula—purong pula.

Napatulala siya. “Pa’no nangyari? ‘yon?”

Agad niyang tinawag ang doktora na inaasikaso si Aser. Nang natapos na ang doktora ay agad siya nitong nilapitan.

“Yes?”

“B—Bakit pula ang isang mata ng anak ko?”

“What do you mean?”

Bago pa man makapagsalita si Elzid ay dumating na ang isang nurse karga ang babae niyang anak. Pinakarga niya muna ang lalaki niyang anak sa doktora at mabilisang kinuha ang babae niyang anak.

Hinagkan niya ito ng hinagkan. Hindi niya akalain na kambal pala ang anak niya at pinoprotektahan ito ng kaniyang lalaking anak. Kaya nga't hindi nakita sa ultrasound kasi nga hinarangan ng lalaki niyang anak.

Napatigil din siya sa paghalik nang dahan-dahang bumukas din ang mga talukap nito at nakatutok sa kaniya ang isang kulay pula na mata na nasa kanan at ang isang kulay itim na mata sa kaliwa.

“Oo nga, bakit pula ang mga mata nila?” saad ng doktora at nag-iisip. “I think we should run some tests between the twins,” saad ng doktora.

Kaya't binigay ni Elzid ang kaniyang anak na babae sa doktora.

Ilang minuto ang lumipas. Inilipat si Aser sa isang private room.

Pumasok do’n si Elzid.

“Baby, you did it! I'm so proud of you!” sabay iyak niyang sabi, “Hindi ko rin aakalain na kambal pala ang anak natin.”

“I hope they're both fucking fine. The doctors by the way did run some test on them kasi… ‘yung mga mata nila may pula, no, I mean ‘yung isa nilang mata is literally pula.”

Sinabihan ni Elzid si Aser sa lahat na nangyari kahit na alam niyang tulog pa ‘to.

Tumayo si Elzid at napagpasyahan niyang tawagan ang kaibigan niya.

“Hello? Fucker? Are you there?”

“Oh, men! Ikaw pala? Oh, ba't napatawag ka? May kailangan ka? Gan’yan ka naman talaga palagi, e. Tatawag lang ‘pag may kailangan. Tse. Putang ina m—”

“Shut up! And you're a fucking Tito right now!” sabi niya habang diniinan ang huling salita.

“Oh, shut up t—wait what!?”

“You heard me! Tito ka na!”

“Nanganak na si Aser?” sigaw ni Zord. May narinig ding ibang boses si Elzid at narinig niya ang ilang kaluskos bago…

“NANGANAK NA SI ASER? HOY, ZOROA!” saad ng isang babaeng tinig.

Napahilot niya ang kaniyang sentido.

Here comes the wrath.

“Yes, you two should come here. I need you here, both of you, I need my best friend, so does my baby too,” mahinahon niyang saad.

“We're coming through buddy!” sigaw ni Zord.

“Sige, pupunta na kami diya’n,” ani ni Tomi at binaba na ang tawag.

Napabuntong hininga si Elzid at lumabas muna siya sa private room at pumunta sa balkonahe nila at nagpahangin.

Nakita niya si Skud do’n na nakatitig sa kaniya ng maigi.

“Hi buddy! Well? May kalaro kana,” he said as he pats Skud’s head.

Ngumuwa lamang si Skud at lumipad. Umikot-ikot lamang ito sa loob ng pamamahay ng Zoroa at lumanding lamang ito sa kaniyang balikat.

Tinanaw ni Elzid ang mapayapang langit. Then he pictures out inside his head. Him, Aser and their two little devils.

Masaya siyang nagiisip-isip.

Ilang minuto rin ang lumipas at gano’n pa rin siya. ‘Yung inisip niya nga ay isang dosena na raw ang anak nila ni Aser at do’n siya natuwa. Bubuuin daw niya iyong mga assassins.

Pero agad iyong nawala ng parang may tumama sa noo niya.

Kinuha niya ang nahulog sa sahig at isa ‘yong bato. Tiningnan niya ‘yon ng maigi at may nakaukit na ZCV. Ang pangit ng pagkasulat no’n parang dinaraan ng isang bagyo, napakalas na bagyo.

“Oh, dumating na pala ang Tito na gunggong.”

Tiningnan niya ang labas ng kanilang gate at nakita niya si Zord na nakakaway sa kaniya kasama ang Tomi na may hawak na baraha sa kamay.

“Mag kaibigan nga mahihilig sa baraha,” saad niya sa kaniyang isip at bumaba na siya sa kanilang bahay upang papasukin ang mga bagong dating na kaibigan.

“So? Kumusta ang guwapo kong inaanak? Ha? ha?” ngiting saad ni Zord.

“Kami ba ang unang makakita?” Tanong ni Tomi.

Tumango lamang si Elzid.

“May sasabihin rin ako sa inyong dalawa.”

“Ano!?” sabay saad ng dalawang kutong-lupa.

“’Wag kayong magugulat,” pahiwatig niya, “hindi lang pala lalaki ang anak namin, may babae rin kaming anak,” sabi niya.

Naiwang nakatulala ang dalawa. Jaw dropped.

“Pa’no?” tanong ni Zord.

“Nag ampon kayo? O may… anak kang iba!?” sigaw ni Tomi sabay tutok ng baraha kay Elzid.

“No! Of course not, wala, kambal, kambal ang anak naming,” maligayang saad ni Elzid.

“Kambal/Twins?”

Tumango siya.

“Gusto niyong makita?”

Agad namang napatango ang dalawa. Pumasok sila sa loob at pumunta na sa kinaroroonan ng mga anak niya. Mga anak nila ni Aser.

“Oh, bakit tayo nandito?” saad ni Zord.

“They run some tests on them,” sagot niya.

“Bakit naman?” Tomi.

“Yung mga mata kasi nila…”

“Bakit?” Kinakabahang tanong ni Tomi.

“My boy's other left eye is red, while my girl's right is also red…”