Chapter 40

Asereath's POV

Pinagsasabi ng unggoy na ‘to? May pa ‘you're not, you're not’ pang nalalaman, e, alam ko namang mahalaga ako nito. Pakipot ang puta.

“Pinagsasabi mo? Ako pa rin ‘to!” mumuntong-hininga ako, “iba nga lang ang mukha.”

Nakita ko na umigting ang kaniyang panga.

Damn.

“Kung ikaw pa rin ‘yan bakit sa halos anim na buwan nating pagsasama, bakit hindi mo sinabi sa akin na nakatago ka pala sa isang maskara!” singhal niya. Umirap naman ako.

Tigas ng ulo! Ayaw umintindi.

“Kasi hindi pwede!” singhal ko rin sa kaniya pabalik. Si Skud palinga-linga sa aming dalawa.

“Bakit ha!”  galit niyang saad sa ‘kin habang lumalapit. Hindi naman ako natinag.

“Kasi delikado!”

“Enlighten me!”

Kinuyom ko ang mga kamao ko. Gusto ko na siyang suntukin, buti at napigilan ko ang pagsuntok.

“Gusto mo talagang malaman!?” singhal ko at dinuduro siya.

Tumango siya.

“Kapag tinanggal ko ang maskara ko nasa delikadong buhay na ang mga anak natin!”

“At bakit naman delikado? Hindi ka naman masamang tao.”

Yun na nga eh.

“Kapag sinabi ko sayo ang totoo, baka iwan mo ako,” mahina kong saad.

“Ano bang katotohanan 'yan? Sabihin mo sa akin. At saka ba't naman kita iiwan?” hinaplos niya ng maigi ang mukha ko.

Ang bilis naman humupa ng galit nito.

“Hinahabol ako ng mga sindikato,” at nasabi ko na. Tumigil siya sa paghaplos sa aking pisngi at tiningnan ako ng maigi.

“A-Anong pinagsasabi mo?” Takang tanong niya.

“Zid… kung mamamatay tao ka,” ani ko.

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya.

“Pinagsasabi mo?” tanong niya sa akin.

“Kilala kita Zid, ako… ako ‘yung hindi mo kilala”

“Paano?”

“Ikaw at ako ay kagaya lamang.” Tumingin ako sa mga mata niya. “Kung mamatay tao ka, ako rin…” at bumaba ang tingin ko sa sahig.

“W—What the fuck do you mean?”

“I'm… paano ko ba ito sasabihin,” mahina kong saad, “May dugo ako… ng isang… Romano,” at doon ako tumingin sa kaniya. Nanlaki ulit ng maigi ang mata niya.

“Romano?” ani nito.

Tumango ako.

“Kaya ako nagmamaskara dahil delikado na ang buhay ko, simula't sapul.” 

“I-I don't know what to say.”

“Mas delikado ang buhay ko, kaysa sa ‘yo,” sabi ko, “pero hindi mo ako pinapabayaan.”

“Prove to me, kung tunay ka ngang isang Romano, prove it to me,” sabi niya.

Bumuntong-hininga ulit ako at dahan-dahang tinitigan ng maigi ang kaniyang mata at nagsalita na.

“Naalala mo ba 'yong, pumunta tayo sa kompanya mo?” tanong ko, tumango siya, “gusto ko na ang mga baril. Nabuhat ko ang napakabigat mong barrett. At muntik ko nang mabali ang leeg ng anak ng Glorious Mafia. At magaling akong humawak ng mga baraha,” paliwanag ko, “at nakita mo ba ang tingin ng mga Romano sa 'kin noong nasa gender reveal party tayo? Nahalata mo ba na sa bawat okasyon ando’n sila? Kasi anak nila ako.”

“That explains everything,” he sighed, it took him minutes to reply at me, “kaya pala kampante ka sa mukha ng anak natin. Kaya pala hindi ka nasasaktan sa mga pinagsasabi ng tao sa ‘yo. At kaya pala hindi ka natakot no’ng kinidnap ka at lalong-lalo na, hindi ka natinag sa mga mata ni Don Leonardo na siyang lolo mo,” napatawa siya at tumango ako.

Nginitian ko siya.

“I’m sorry kung dali-dalian kitang hinusgahan ng hindi pinapakinggan ang side mo,” ani nito at niyakap ako ng mahigpit.

Niyakap ko din siya ng mahigpit. Bumitiw siya sa akin at ngumiti. Dahan-dahan niya akong tinitigan na para bang pini-picture-ran ako sa mukha niya. Dahan-dahang bumaba ang mga mata niya hanggang sa napatitig siya sa labi ko.

Lapit siya ng lapit sa akin at palayo naman ako ng palayo sa kaniya. Pero nang wala na akong aatrasan pa, tumigil na ako. Palapit pa rin siya ng palapit at no’ng ilang dangkal nalang ang kulang ng mga labi namin. Agad akong napaupo sa sahig para iwasan siya.

“What the f—” he tsked.

“Bawal 'yo—”

Agad akong napatingin sa bumukas ng pinto.

“There you are! Bilisan niyo nga at bumalik na kayo sa nursery. Iyak ng iyak ang mga anak ninyo! Hindi namin alam paano patigilin,” saad ni Tomi.

“Ano bang ginawa niyo?”

“Zord did some faces para tumigil ang mga bata kaso umiyak lalo,” pasimangot na saad nito.

Napatawa na lamang ako at si Zid.

“Tomi… hindi pa sila literal na makakita,” sabi ko.

“Huh?” tanong niya.

“Ewan ko sa 'yo,” I tsk-ed, nagpahuli ako at tumabi kong nasaan si Zid.

Kinuha niya ang kanan kong kamay at pinagsiklop niya ang kamay niya sa kamay ko. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti ng labis.

He mouthed the words that I always hear from him.

At dahil ito talaga ang isinisigaw ng puso ko na sabihin ko rin sa kaniya.

“I love you, too,” I mouthed and winked at him. His jaw dropped.

“I didn't hear you. I mean louder. Ah-I mean yeah! Louder… please,” hee begged as he looked at me.

“I love you, too.”

“Oh, damn shit!” 

Napahalakhak ako. Nasa loob na kami ng nursery room at nakita naming tatlo na stress na stress na si Zord sa mga bata. Pinapaypayan pa nga niya ang sarili niya.

“Men! Ayaw ko na! Ayaw ko na maging tito nila!” Nakasimangot na saad nito.

“Oh, why? Sabik na sabik ka pa naman maging Tito,” salita ni Zid na hinila ako palapit sa mga anak namin.

“Titigas ng ulo! Kagaya mo! TIGAS NG ULO! Ayaw tumahimik”

“Sino ba naman ang tatahimik kong ang mukha mo ang makikita nila.”

Tumawa kami at siyempre maliban kay Zord na nakabusangot ang mukha.

Kinarga ko si Avieath ang babae naming anak at kinarga ni Zid ang lalaki naming anak na si Aneath. Umupo kaming dalawa at nakipaglaro sa kani-kanilang mga daliri.

No words can really express how happy I am. At sa nakikita ko si Zid din. At dahil sa sobrang saya ko hindi na nakayanan ng Eye-Tech na nasa mata ko ang init.

Napaiyak ako ng bumukas ang mata ni Avie(Eyvi) ang isa niyang mata namana sa akin at ang isa namana sa tatay niya. Pulang-pulang ang iskarlata niyang mata at ang isa ay itim na itim.

“Hey ba't ka umiiya—” napatigil si Zid sa sasabihin niya ng tumingin siya sa akin. “Namamalik mata lang ba ako? Ulit?” tanong nito sa akin.

“What?” masayang saad ko, “umiyak ako dahil masaya ako,” naka ngiti kong saad.

“Your… eyes,” saad ni Zid habang tinuturo ang mata ko, “Your eyes are like our child's… eyes.”

Tumingin ako sa kaniya at mabilis akong tumingin kay Tomi. Napasinghap siya.

“Aser?” tanong ni Zord.

Mabilis akong tumungo at pumikit. Pagkatapos ay tumingin ulit ako kay Tomi at nag thumbs up lamang siya sa akin. I sighed in relief.

“Namamalik mata ka lang… Zid,” tumingin ako kay Zord, “at ikaw rin.”

“Well… if you say so,” sabi ni Zid.

Elzid's POV

I’m sorry baby, I fucking need to know the truth. Kung ayaw mong sabihin sa akin, its fine. Pero gagawin ko ang lahat malaman lang ang katotohanan.

“Aser, why don't you call your family?” saad ni Tomi habang binigay ang phone niya.

“Nagdadalawang-isip ako. ‘Yung mama ko kasi… alam mo na,” napakamot siya sa ulo niya.

Hindi ko na sila tiningnan pa at tinuon ko na ang pansin ko sa anak ko na mahimbing ang tulog. Dinuyan ko siya sa mga bisig ko at hinalikan sa noo. Tumayo ako at tinawag si Aser.

“Tara, let's go down to the living room,” wika ko. Napatango siya at maingat siyang tumayo. Tumayo na rin sina Zord at Tomi at inaalayan kaming dalawa.

Nang nasa baba na kami mabilis pa sa kidlat na lumapit ang mama ko at tinignan ang apo niya. Malaking ngiti ang kumawala sa mga labi nito.

“Oh my, oh my! Anak kamukhang-kamukha mo siya no’ng bata ka pa,” naiiyak niyang saad. “Feeling ko bumata ulit ako.”

“Feeling mo lang 'yan, Tss,” saad ng kakarating kong ama. Pinandilatan lamang siya ni mama. Napatingin si mama kay Aser.

“I see. Lumabas ka na sa lungga mo,” ngumiti si mama at hinalikan si Aser sa pisngi. Nagalit ako do’n. Kahit mama ko siya wala siyang karapatan para halikan ang mahal ko, kahit sa pisngi lang.

Isinantabi ko muna ang galit at tinanong si mama.

“What do you mean, ma?” tanong ko habang binigay kay papa ng dahan-dahan ang anak kong si Aneath Drazen.

“I knew already who she was.”

Tumaas ang isa kong kilay.

“Then why didn't you tell me?” pasigaw kong tanong.

“Where's the thrill?” umirap siya sa akin habang kinuha ang baby girl ko na karga ni Aser.

Napailing-iling na lamang ako.

Oh, and tinawagan ni Aser ang pamilya niya kahit labag sa loob. No’ng dumating nga ang pamilya niya, ‘yung tahimik naming mansion naging maingay dahil sa mama niya na isip bata kung mag-isip. Yung lolo niya na nakaka-intimidate wala dahil busy daw ito. Sa susunod na bisita nalang daw ito sasama at maging handa daw ako kung sakali. Nakakatakot daw ito kung kumilatis.

What can you say? Boss pa siya ng mga boss.

And kawawa nga ang mahal ko ilang kurot na ang natanggap niya sa singit dahil sa kaniyang ina. Bakit daw kasi hindi niya agad tinawagan ito, ayun nagalit.

Yung Kuya niya naman na suki ng kompanya ko ang sama ng tingin sa akin pero nawala ‘yon ng kinirot din siya sa singit ng mama nila.

Ang saya ng pamilya nila lalo na't sinabi ng papa nila at ng papa ko na matalik silang kaibigan. Magkatropa daw sila noong college.

Well, mukhang nakatadhana na kami ni Aser no’n pa.

Lumapit ako sa gilid ni Aser habang nakabusangot ang mukha nito. Dahil siguro sa anak namin na pinagpasahan-pasahan na.

“Huwag ka nang magalit. Ngayon lang 'yan. Bukas na bukas sa atin na ang anak natin,” paliwanag ko at hinalikan siya sa leeg.

Humilig siya sa balikat ko at yumakap sa bewang habang pinagtitignan ang masasayang mukha ng pamilyang…

Romano at Zoroa