Chapter 37

Asereath's POV

Dalawang linggo na ang lumipas simula no’ng pagbabalik ni ‘Blatess kuno’ and I'm fucking eyeing the one who’s the leader of it. Thanks to Tomi at naging madali ang paghahanap ko sa punyetang iyon.

Akalain mong gagamitin niya ang pangalan ko para lang maging kilala siya sa mundo ko.

What she knows will be the death of her.

She's a she. Obvious naman. Kawawang babae, hindi alam kung sino ang kinakalaban niya.

Heh!

Manganganak muna ako bago ko tapusin ang lahat, bago ako magsimula ng magandang buhay kasama ang pamilya ko.

Nga pala nandito ako ngayon sa loob ng mansiyon ng pamilya ko.

"Ano na ang gagawin mo?" Tanong ni Ate.

Tulala lamang akong nag-iisip para sa plano ko at ang lumabas? Isang buntong-hininga lang.

"Dapat manganak ka muna bunso," saad ng isa kong Kuya.

"Oo naman, ayaw kong ipahamak ang anak ko. Anong klaseng ina ang ipapahamak ang anak niya?" sagot ko at ang dalawa kong kapatid ay mabilisang tiningnan ang ina namin. Our eldest brother just faced palmed at ang ama naman naming ay tumatawa lamang.

Well, pambihira kasi mama namin. Buti nakakapit ng maigi ang ate ko. Nakipaglaban habang buntis kay ate. Tsk Tsk. Ayun naka isang libong kirot si mama sa lola namin.

"Kailan ka ba manganganak?" aniya ng bagot kong mama.

"Next week? I think?"

Patango-tango siya.

"Oh, by the way, Octupussy's are moving again, one by one," saad ng panganay namin habang pinapakita ang laptop niya na puno ng mga detalye tungkol sa Octupussy.

"Ready?"

Nagkatinginan ang lahat at tumango maliban sa akin. Alam ko na ang plano nila kaso kailangan ko pang manganak. So, patience is needed.

"Pero mas mabuti siguro kong sabay tayong lahat? ‘Di ba?" Tanong ko para maging matiwasay na agad ang lahat.

Tinaasan lamang nila ako ng kilay. Tumayo ang papa ko at lumapit sa akin.

"Mas mabuti na ubusin namin ang mga galamay at ikaw na ang bahala sa huli. Dalawa lang ang misyon mo, Octupussy and you," paliwanag niya.

Tama nga naman. Octupussy at ang walang kuwentang babae na nagpapanggap na ako.

Kalauna'y umuwi ako sa bahay ng mga Zoroa, nagpahatid ako kay Tomi baka pa’no na. Baka malaman nilang lahat ang tinatago ko, maliban kay mama—ni Zid.

Papasok pa lamang ako sa gate nang nakatingin na sa akin si Zid ng masama at lalong-lalo na si Skud!

Naging mag partner-in-crime na ang dalawa. Tumingin ako sa kaniyang mata at mabilisang ngumiti.

"Where. have. you. been," may halong galit ang tono. Nagbuntong-hininga ako.

"Tomi's."

"Without my permission! Alam mo bang napa–praning na ako baka ano na ang nangyari sa 'yo! Baka na slide ka o baka manganak ka tapos wala pa ako sa tabi mo para saluhin ka! You made me worried sick!" sigaw niya sa akin at mabilisan akong niyakap.

It feels warm.

Bumitiw siya at hinawakan ang magkabila kong pisngi at hinalikan niya ako sa leeg. Kinuha niya ang kamay ko at pumasok na kami sa loob.

"Dahan-dahan lang," sabi niya ng paakyat na kami sa veranda nila.

Mahigpit niya akong hinawakan at hindi siya kailanman bumibitiw sa kamay ko baka mahulog daw ako sa hagdan.

Umupo kaming dalawa sa silya at si Skud ay nasa railings. Nag-uusap kami tungkol sa kompaniya niyang sobrang sikat na. Do’n na kasi bumibili ang pamilya ko. Maimpluwensiya talaga kami. Tss.

At dahil tinatamad ako sa usapan namin dahil wala naman talaga akong alam sa mga bagay-bagay kagaya ng kompanya at ibang ka ek-ekan dahil ang gusto ko pumatay ng tao. Literally ‘yung mga dapat na talagang mamatay. Piling tao kumbaga.

Kaya iniba ko ang pinag-usapan namin.

"Zid? Anong gusto mong ipangalan sa baby natin?" tanong ko, "total malapit na rin akong manganak," pahabol ko habang hinihimas ang tiyan na UMBOK NA UMBOK NA TALAGA.

"Natin?" natulala niyang saad, "ang sarap pakinggan," sabi niya sabay ngiti ng sobrang lapad.

Winawagayway ko ang kamay ko sa mukha niya pero ayaw pa rin. Kaya sinampal ko nalang, napalakas ata kasi natumba siya sa sahig.

"Ano ba!" sigaw ko.

Mukhang hindi siya nasaktan sapagkat palagi siyang nakangiti.

"Well baby, ikaw muna?" tanong niya at umupo na ulit sabay kuha sa kamay ko at pinaglalaruan niya.

May alam na akong pangalan at hindi talaga mawawala ang death. ‘Yun kasi sabi ng papa ko na dapat may death bawat pangalan ng mga anak naming magkakapatid, pero depende sa kanila. E, kaso... ako gusto ko. Para kinakatakutan. At ang gusto ko ay...

Aneath(Eynet hindi anit o init)

Kapag binully siya dahil sa pangalan niya, nako rest in peace talaga sa bully.

"Aneath in short, Ane(eyn)," saad ko.

"Anong klase pangalan 'yan, baby?" Taas kilay niyang tanong.

"’Wag kanang pumalag. May meaning ‘yung pangalan no’n," irap ko, "ikaw na bahala sa second name."

"Let's see. Hmm? How 'bout... Dracs?" Kumindat siya sa akin.

"Huh? Hindi naman ‘yan matino! Aneath Dracs? Ulol mo," pagalit kong saad. Parang 'init dracs?' sa bisaya!

"Draco?"

Iling.

"Duraco!"

Iling-iling! Iling!

"Drazic? Ay puta ang pangit. Teka... hmm," saad niya habang nag-iisip. ‘Yung hinlalaki niya nasa bibig niya at kinagat-kagat. Pft! "Ahhlam ko na! Drazen! Oo! Drazen!" proud niyang saad.

Drazen?

"Aneath Drazen Zoroa," saad ni Zid, "pangalan palang halata ng gwapo at astig!"

At kinakatakutan.

"It's settled then?"

Tumango lamang siya at pinaghahalikan ang mga kamay ko. Sa pangatlo niyang halik inipit ko na ang kamay ko sa bibig niya.

"Ahm... mmmaahahhy," ewan ko ba sa sinabi niya.

Hinawakan niya ang kamay ko na nasa bibig at sinubukan niya itong tanggalin kaso malakas ako.

Nanlalaki na ang kaniyang mata, dahil guro sa galit? HAHAHA.

Mabilisan kong binitawan ‘yon at bago pa man siya rumatrat sa 'kin (pagsalitaan) agad akong tumayo, kumandong at niyakap siya. Ayun! Natigilan.

Agad din naman akong tumayo baka hindi na ako makakaalis sa bisig niya.

"Matutulog na ako," ani ko at pumunta na sa kwarto namin ni Zid.

Magkatabi kaming natulog ni Zid at kampante na ako. Mahigit sa anim na buwan naming pagsasama bakit naman ako hindi magiging kampante? ‘Di ba? At 'saka...

Tomi's POV

Ang bruha kong tropa na si Aser ay may pinapagawa sa akin. Pinapagawa niya lang naman sa akin ang manmanan ang Blatess kuno.

At kapag malaman niyo talaga kung sino. Mapapa-what the hell talaga kayo!

Attention-seeker, spoiled brat kasi. Kala mo naman maganda.

Maliban diya’n sa pinapagawa niya. Mayro’n pa!

Manmanan ko na rin daw ang galaw ng pinuno ng Octopussy o si Chrollo. Subalit wala naman akong nababalitaan or nareresearch na may ginagawa siya. Sa tingin ko ang pinagalaw niya lamang ay ang kaniyang mga galamay. Siguro tamad ito o may bonggang pasabog sa huli na kahit ang bulbul ko tatayo.

At may isa rin pala siyang pinamanmanan. Kilalang-kilala ko at kilala rin niya. Noong una nga, nagtaka ako kung bakit pati siya pinamanmanan niya sa akin. Well may baho pala siyang tinatago, kaya ito ako patay malisya kahit alam ko na. Sabi ni Aser para raw ‘yon sa kapakanan naming dalawa. So, lets change the topic!

Ito ako ngayon palagi ng nakangisi kasi malapit na manganak ang bruha kong matalik na kaibigan.

"Sugarplum,"

Tumindig ang mga balahibo ko nang narinig ko ‘yon sa likod ng aking tainga. Husky.

"Hmm?"

"’Di ka pa ba matutulog? Gabi na, ah," he yawned.

"Tatapusin ko lang 'to baka mapatay ako ni Aser."

"Sige, goodnight, Tom," sabay halik sa 'kin.

"Likewise, Zord," siyempre humalik din ako sa kaniya.

Nga pala, nililigawan niya ako at wala pa akong planong sagutin siya. Boang kasi. At tumipa-tipa ako hanggang sa nagbukang-liwayway.

Third Person's POV

Few weeks has passed.

Naging madugo ang buhay ni Zid sa piling ni Aser sa nagdaang mga araw kasi palagi itong humihingi ng pagkain na ang hirap hanapin. Mabuti nalang at mahal niya ‘yon. Gagawin niya ang lahat para sa mahal niya lalo na sa paparating na anak nila.

Palagi niyang pinapangiti si Aser kasi isa siyang uto-uto na naniniwala sa kasabihan ng lola niya nuon na kapag pinapangiti mo ang iyong kabiyak, ang bunga ninyong mag-iirog ay mas matindi pa kay Lakas at Adonis.

Today is November 28. Ten in the evening nang biglang pinatid ni Aser si Zid pero hindi siya nahulog sa kama.

"What?" Zid.

"Tabi, ang basa ng kama. Putakte umihi yata ako," paliwanag niya.

Tatayo na sana siya ng sumakit ang kaniyang balakang.

"Aw. aw. aw. Hoohh. Aray!" at mas lalong pumangit ang mukha niya.

"Baby? What happened!?" Naaligaga si Elzid.

"Ang sakit ng balakang at tiyan ko!"

"Wha-"

"Fuck! Mukhang hindi ako umihi. Mukhang panubigan ko iyon!" sigaw ni Aser dahil na rin sa sakit na nadama niya, "at... isa lang ibig sabihin no’n na..."

"Manganganak ka naa!?" sigaw ni Elzid. Napatango nalang si Aser habang hawak-hawak ang kaniyang tiyan na PUPUTOK NA TALAGA.

Mabilisang tinawagan ni Elzid ang kaniyang ina at ama.

"I'll carry you!" aniya pero hindi pumayag si Aser.

Ilang minuto ang lumipas pumasok ang ama at ina niya dala ang isang doctor na si Dra. Alejandro na siyang dahilan sa panganganak ni Aser.

Tinulungan ni Elzid si Aser na umupo sa wheelchair nang dahan-dahan at siya rin ang nagtutulak. At dahil hindi pwede na sa hagdan sila dumaan kaya't dumaan sila sa secret passage na elevator.

Pa–padyak-padyak si Elzid sa sahig habang ang kaniyang ina at ama ay natatawa na.

Lumapit si Elzid kay Aser at lumevel sa tiyan nito.

"Baby Ane, ‘wag mo namang pahirapan ang mama mo, oh," pakiusap niya.

Pagkatapos noon ay hinalikan niya si Aser sa noo.