Chapter 36

Asereath's POV

Paligoy-ligoy ako ngayon dito sa mansion ng Zoroa habang hawak-hawak ko ang tiyan na mukhang puputok na.

Tiningnan ko lang ang disenyo sa mansion. Spider, Bat, Spider Web at putol na ulo ang disenyo. Today was Halloween and sa pagkakaalam ko magse-celebrate ang mga kilala nila rito.

Wala si Zid kasi inutusan kong bumili ng masustansiyang pagkain. Na out of stock kasi kami rito. And si daddy-ama niya nasa trabaho naman. So, in short, ako at ang mga maid lang ang nandito. ‘Yung mga trabahante naman nasa baba.

This mansion is hella big, mas malaki pa sa amin. I think? Nah, mas malaki pa siguro sa amin.

I stopped for a moment kasi pumatid na naman ang anak ko. I smiled.

"You kid," wika ko at hinaplos ang tiyan.

Bigla nalang naman akong napaiktad ng bumukas ng napakalakas ang pintoan.

I saw someone's silhouette.

"Oh, my, my..."

Kumunot ang noo ko. Inihanda ko na ang sarili ko.

Bigla naman akong nanigas nang may tao sa likod ko. Fuck! I didn't sense it. Mabuti nalang at mabilis ang reflexes ko. Agad akong lumayo do’n at tumitig sa?

Ka edad lang ata ng mama ko?

"Ohh, myy!" Tili nito at agad na yumakap sa akin.

I groaned in pain.

"Sino ka?" Tinitigan ko siya ng maigi. She looks familiar. I think I've seen her somewhere.

"Oh my, that dimwit," I heard the woman in front of me whispered habang hinihilot ang sentido.

"Ma'am Aser-" hindi natapos ‘yung babae na lumapit sa akin at agad siyang tumingin sa babae na nasa harap ko. She looks shocked, "-My, My Lady," then she bowed.

Kumunot na talaga ng kumunot ang noo ko.

Ngumiti lang ang babae na nasa harap ko at bumalik ang tingin sa akin.

"Are you my son's, wife?"

Son's? Oh, shit!

"Ahh-sa tingin ko po."

Punyeta mama niya 'to! Kaya pala pamilyar sa 'kin.

"Oh my, oh my, oh myyyy," tili ng mama ni Zid at agad siyang humawak sa tiyan ko. "Kick sweetie! Feel granny," at mukhang naintindihan ‘yon ng anak ko at pumatid din. Tumili na naman ang mama ni Zid. Bagay talaga silang dalawa ng mama ko.

"You are?" ngiting tanong niya sa akin.

Hindi ko puwedeng sabihin ang buong pangalan ko. Napakagat labi nalang ako. Bahala na si Batman mamatay basta hindi ko sasabihin ang buong pangalan ko.

"Ase-"

Salamat naman.

"Aser, baby!" saad ng isang matipunong lalaki. Na alam ko na kung sino.

Tumalikod ako at tumingin sa kaniya. Tumakbo siya palapit sa akin at yumakap ng mahigpit! Hinalikan niya rin ako sa leeg kaya napaiktad na naman ako.

"Sorry, I'm la-Mama!" Malalaking matang sabi niya. Bigla naman siyang namutla. What the heck?

"K. Where's your dad?" taas kilay'ng tanong nito.

"Job?"

"K."

Nakita ko namang lumunok si Zid na para bang isang pakwan ang kinain niya. Tss.

"I'll go upstairs."

Naiwan naman kaming dalawa na nakatulala. Her mom's presence is so dangerous.

"I love you," bulong niya sa akin. I smirked.

Napahikab ako at pumunta na sa kuwarto namin ni Zid. Naghahanda ako ngayon para sa gabi. ‘Di ba may bisita kami? Halloween's party daw.

Humiga na ako at natulog. Ipinikit ko ang aking mga mata nang may naramdaman akong humalik sa leeg ko.

Binuksan ko ang aking mga mata at napasimangot kay Zid.

"What the fuck," irap ko.

"’Wag kang mag mura," aniya. Hinalikan ang noo ko papunta sa tungki ng ilong ko. Hahalikan niya sana ang labi ko ng hinarangan ko ‘yon gamit ang kamay ko.

Ayaw kong halikan niya ako na hindi ang tunay na ako. Gusto kong halikan niya ako bilang si Asereath hindi bilang si Aser.

"Tss."

Pumikit na ako at isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib niyang matitipuno.

Silence filled the air. Baka siguro tulog na siya.

"Aser baby?"

"Hmm?"

"Anong pangalan ang gusto mo sa anak natin?" ani nito.

"Secret."

"Tss, fine," aniya at hinalikan ang ulo ko at humilik na.

Third Person's POV

Abalang-abala ang lahat na alagad ng Zoroa dahil sa paparating na event dito sa kanilang bahay.

Mga delikadong tao ang pumupunta at alam nila agad ‘yon kaya ang sekyuridad nila ay mas mahigpit pa kaysa sa yakap ni Elzid kay Aser.

Ang ilaw ng tahanan naman ay abalang-abala sa pagluluto habang hinihintay ang kaniyang mapagmahal at mamamatay tao na asawa.

"Miss!" sitsit niya do’n sa isang katulong nila na dumaan.

"Yes. My lady?"

"Sa’n anak ko?"

Bago sumagot ang babae ay nagisip muna ito.

"Mukhang nasa silid niya po, My lady," sagot ng katulong.

"Pakipuntaha-Nah, ako nalang," pagkasabi niya do’n pinagpagan niya ang sarili at tinawag ang mayordoma na ito na ang tatapos sa kaniyang niluto.

Naglakad na siya patungo sa kuwarto ng kaniyang anak. Pagkaapak niya sa itaas agad siyang pumunta sa dulo kung saan nando’n ang kuwarto ni Elzid at mabilisang pinatid ang pinto no’n at lumipad ‘yon patungo sa mukha ni Elzid. Mabuti naman at wala si Aser do’n.

Pagkarinig ni Aser na parang may sumabog agad siyang lumabas sa banyo at nakita ang isang ginang na pinagpagan ang sarili.

"Still my boy," irap ng ina ni Elzid at lumapit ito patungo sa binata at sinampal ng napakalakas ang puwet nito kaya agad na napa bangon ang binata.

"Aser ba-Ma!" singhap niya. Napakamot tuloy siya sa kaniyang ulo, "What?"

Lumapit si Aser sa kinaroroonan ni Elzid na may dalang ngiting nang-aasar.

"Get down now!" singhal ng ina nito. Agad namang tumayo si Elzid na agad namang sinamaan ng tingin si Aser.

Tumingin ang ina ni Elzid kay Aser.

"And you! Young Lady, follow me," ngiting aniya ng kaniyang ina. Tumango lamang si Aser habang nandoon pa rin ang ngiti na nakakaloko.

Napakamot nalang sa ulo si Elzid at pumunta na sa banyo.

Sa panig naman ng dalawang babae…

"Umm-"

"Mama, call me mama," ngiti ng ginang.

"Ehem, mama-saan tayo pupunta?" Walang galang na tanong ni Aser.

"I"ll dress you up."

Napunta ang dalawa sa isang dressing room at pinaupo ng ginang ang buntis na si Aser.

Ilang minuto ang lumipas na pabalik-balik ang tingin ni Aser sa ginang at sa mga make-up na dinadala nito. At siguradong alam na ni Aser saan hahantong ‘yon. Pero mabilis na ikinagitla niya ang sinabi nito.

"Take off your... silicone mask," seryosong tanong nito. Agad siyang tumingin sa mga mata ng ginang sa salamin. Lumunok siya.

"Paano niya nalaman?" Tanong ni Aser sa kaniyang isip.

Matitigas na tingin ang ipinukol nilang dalawa. Apoy ang makikita mo sa mga mata ni Aser at sa ginang naman ay kuryente.

"How do I know?" Tanong ng ina ni Elzid at umupo sa gilid ni Aser. "When I hug you, I saw something. Is it a brand or what?" Ngiti ng ginang.

"What do you mean?" matigas na tanong ni Aser.

Lumapit ang ina ni Elzid kay Aser at may ibinulong.

"What I mean is... your presence is like the Romano's," aniya.

Napatitig siya ng maigi sa mga mata ng ginang. Nagdaan ang ilang minuto napahalakhak ang ginang at pinapalo ang balikat ni Aser dahil sa sakit ng tiyan.

"Don't worry, I won't tell anyone. Just between you and me-Oh! And my grandchild," ngiti niya at nagsimula ng bihisan si Aser.

Hindi ginalaw ng ginang ang silicone mask ni Aser kundi hinayaan niya lamang. Habang ginagawa ng ginang ang buhok ni Aser nagsalita ito.

"’Di ko akalain na maiinlab ang anak ko sa 'yo, may ginawa ka 'no?" sabi ng ginang habang inii-sprayhan ang buhok ni Aser na may halong Silver Dust.

"Tss. Why would I?" Pabalang na aniya ni Aser.

"I know it’s not on his vocabulary to fall in love with an ugly woman."

"Dunno."

"I bet you turn him on."

"How?" Tumingin si Aser sa ginang na nagtatanong.

"Your beautiful dangerous aura that is inside you," zabi ng ginang habang inilagay ang sombrerong pang bruha sa ulo ni Aser. "And you, being the boss, or... someone is pulling him to fall for you," saad ng ginang at agad na pinatayo si Aser.

Binigyan ng isang walis si Aser at sa dulo noon ay may tinatagong Scythe. It looks cool, but deep inside its fucking deadly than Aser.

"Bagay talaga sayo maging bruha. ‘Di na kailangan mag make-up," tawa ng ginang at hinigit ng dahan-dahan si Aser papunta sa hall.

Lumapit naman si Elzid kay Aser at hinalikan niya na naman ito sa leeg at lumevel sa tiyan upang halikan ang kanilang anak.

Umupo sila sa malaking lamesa kung saan labing-dalawa na tao ang nagkasya. Sila nalang ang hinihintay at pagkaupo ni Aser lahat ng mga pares na mata ay napapunta sa kaniya.

Aser smirks when she saw some familiar faces. Especially the one who made their father.

Don Leonardo Romano.

She looked intently to his grandfather’s eyes, and she gave him her infamous smile that everyone wants to see, but sad to fucking say she only seldom let them see.

Kung saan-saan umabot ang storya nila at puro ito tungkol sa mga naglalakihang mga kompanya nila. Siyempre nangunguna ang lolo niya at sumunod ang papa ni Elzid. Pero sa kadaldalan ng isang bisita, naging aktibo ang kaniyang tainga.

"I heard Blatess is back. Or should I say, Black Priestess is back and..." hindi natapos ng lalaki ng agad na tumikhim ang ama ni Elzid at mabilisang iniba ang storya.

Agad namang napatingin ang kanyang lolo at nagtatanong kung bumalik ba siya. Matigas niya itong tinitigan at umiling na nagsasabi na hindi siya.

Bakit naman siya, kung palaging nando’n siya sa mga bisig ni Elzid.

"Who the fucking fuck... are you?" aniya ni Aser sa isip at ikinuyom ang kaniyang kamay.