Special Chapter
THIRD PERSON POV
NAPUNO ng malakas na sigaw ni Savana ang apat na sulok ng mansyon ng mga Coldwell. Lahat ng taong naroroon lalong lalo na si Altair ay nag papanic, paano ba naman kasi ay pumutok na ang panubigan ni Savana.
"TANGINA MO ALTAIR ANONG ITINA-TAYO TAYO MO DIYAN?! TUMAWAG KA NG AMBULANSYA HAYOP!" sigaw ni Savana ng dahil sa sakit na kaniyang nararamdaman.
Natauhan naman si Altair ng dahil sa pagsigaw ng kaniyang asawa, dagli niyang kinuha ang kaniyang selpon at imbes ka hospital ang tawagan nito ay bumbero ang kaniyang na i-dail.
"HELLO MANGANGANAK NA ANG ASAWA KO!" sigaw ni Altair sa kabilang linya.
"Tangina mo Coldwell bumbero 'to hindi 'to hospital, but anyway congrats wag ka sanang mahihimatay" ani ng pamilyar na tinig sa kabilang linya at kilalang kilala ni Altair kung sino iyon. Iyon ay walang iba kundi ang kaibigan niyang si Parallax na hindi man lang sumipot noong kasal niya.
"What should i do?!" Natatarantang tanong ni Altair sa kaniyang kaibigan.
"Kumalma ka at tumawag ka sa ospital tanga! Ibababa ko na ang tawag, tatawagin ko ang iba" ani nitong muli at pinatay na ang tawag.
Agad na lumapit si Altair sa kaniyang asawa na ngayon ay namimilipit na sa sakit na nadarama.
"M-masakit?" Tanong ni Altair na may halong pag-aalala at pangamba.
"SA PALAGAY MO BA HINDI?! AH?! TANGINA MO!" muling sigaw ni Savana at sa pagkakataong ito ay hila hila na nito ang may kahabaang buhok ng asawa.
"O-ouch moya koroleva masakit!" Atungal ni Altair ng dahil sa pag gawang pag sabunot sa kaniya ni Savana.
"MAS MASAKIT ANG NARARAMDAMAN KO GAGO!" sigaw ulit ni Savana at napa ngiwi naman si Altair ng dahil sa walang humpay nitong pag mumura parehas na sila ni Ziggy.
Sa kabilang dako naman ay hindi alam ng mag-asawang Coldwell ang gagawin nila sa panganay nilang anak, hindi nga nila alam kung sino ang aalahanin mamaya kung ang daughter-in-law ba nila na si Savana na manganganak o ang anak nilang paniguradong mawawalan na naman ng malay.
Magkaka anak na lang ito lahat lahat nahihimatay parin.
"Kuya ready na po ang kotse!" Ani ni Alrein na nasa bungad ng pintoan ng kanilang mansyon habang pawis na pawis at hingal na hingal.
Agad namang pinangko ni Altair ang kaniyang asawa at maingat ngunit nag mamadali niya itong isinakay sa naka hand ang sasakyan.
"A-ako na ang mag mamaneho" nauutal na turan ni Altair.
"Ako na Kuya, doon ka sa tabi ni Ate Savana kailangan ka niya" ani naman ni Alistair at inagaw ang susi ng kotse sa kanilang service driver.
Nang makitang okay na ang lahat at naka pwesto na ng maayos si Savana ay agad nitong pinaharorot ang kotseng sinasakyan nila.
Puro sigaw at daing ni Savana ang nariring sa kotse at kahit hindi sila ang buntis ay ramdam nila ang sakit na nararamdaman nito.
Pagkaraan ng kinse minutos na pagmamaneho ay narating na nila ang ospital na pag mamay-ari ng isa nilang kamag-anak. Pagka baba nila ng saskyan ay may nakahanda na agad na stretcher kaya agad na isinakay doon ni Altair si Savana na namimilipit parin sa sakit.
"TANGINA MO ALTAIR!" sigaw ni Savana habang mahigpit na nakahawak sa kamay ng namumutla niyang asawa.
"I-i'm s-sorry moya koroleva, hindi ko naman alam na ganito kasakit" ani ni Altair na naiiyak na.
Agad silang dinalohan ng naka assign na ob-gyn para sa panganganak ni Savana at bago ang lahat sinigurado muna ni Altair na babae ang magpapa-anak sa asawa niya at iyon ay si Doctora Meraiah.
"Doc magiging okay lang naman ang asawa ko diba?" Tanong ni Altair kay Doctora Meraiah.
"Yes Sir, pero mukhang ikaw ho ang hindi magiging okay" lintaya nito at ginawaran pa ng ngiti si Altair bago chineck si Savana.
"O-okay lang ako Doc, malakas ako" ani ni Altair at alanganin pang ngumiti.
"Okay ho Sir, Sinabi mo e" ani ng Doctor at binalingan ang ibang nurse na kasama nito. "Ready the OR, malapit na siyang manganak" utos nito na agad namang sinunod ng mga nurse na naroroon.
Pilit namang pinapakalma ni Altair ang kaniyang Asawa kahit na sa pakagay niya ay hindi naman tumatalab ay go parin siya.
Makaraan ang ilang sandali ay muling bumalik ang isang nurse upang sabihin na nakahanda na ang OR, agad na ipinasok ng mga ito sa OR si Savana at kahit anong pilit niyang pag pasok ay hindi niya magawa. Kaya heto siya ngayon nanlalantang nag-aantay sa waiting area kasama ang kaniyang buong pamilya.
"Calm down son, baka mamaya mahimatay kana naman" turan ng ina ni Altair na si Ailera.
"Matushka hindi ako mahihimatay" sagot ni Altair na tila siguradong sigurado na.
"Huwag kang maniniwala diyan Tita, mahihimatay ulit 'yan" ani ng isang tinig kaya agad itong binalingan ni Altair ng tingin at doon tumambad sa kaniya ang kaniyang apat na kaibigan na bagong dating.
"Shut up Hugo!" Singhal ni Altair sa kaniyang pinsang si Hugo kaya nagtaas naman ito ng magkabilaang kamay tanda ng pagsuko.
"We're ready to catch you man" turan naman ni Parallax na humihithit ng sigarilyo.
"Diba bawal 'yan Kuya Parallax?" Ani ni Alrein kaya agad na itinapon ni Parallax ang kaniyang sigarilyo.
"Oppss, my bad" ani ni Parallax at umakto na para bang walang nangyari.
"You fucking stink Klontz!" Sigaw ni Ziggy kay Parallax at sinuntok ito sa braso.
"What the fuck Ziggy?!" Singhal naman ni Parallax.
"Keep quite! Itong mga batang 'to nasa hospital kayo aba!" Sermon ni Mama Ailera dahilan para matahimik ang mga ito.
Sila Altair, Alistair, Hugo, Roux , Ziggy at Parallax ay kapwang nakaupo sa sahig ng ospital at nag lalaro ng snake and ladder na dala ni Parallax galing pang fire station.
"Oh gago kain!" Natatawang ani ni Hugo.
"Tangina you trick me!" Sigaw naman ni Ziggy.
"Baba na gago!" Ani naman ni Roux.
"Tangina nagdayaan pa!" Lintaya naman ni Parallax.
"Mga ulol ganito kasi 'yan!" Ani naman ni Alistair.
"Ang iingay niyo mga bobo!" Singhal naman ni Altair sa mga ito.
"SHH ANG IINGAY NYO!" Sigaw ng boses babae kaya napabaling ang tingin nila dito.
Agad silang napatayo ng makitang Doctor iyon ni Savana.
"Doc kamusta ang asawa ko?!" Tanong ni Altair dito.
"First of all, paki pulot ng kalat nyo" ani nito na agad naman nilang sinunod. "And to answer your question oo, okay lang ang asawa mo" ani nito kaya napahinga ng maluwag si Altair.
"Kamusta ang aming apo, doc?" Tanong ni Mama Ailera.
"What's the gender doc?" Tanong ni Papa Hugh.
"Doc biglain mo ng mahimatay si Altair!" Natatawang turan ni Hugo sa Doctor kaya sinamaan ito ng tingin ni Altair.
"Shut up Hugo!" Singhal ni Altair dito.
"Ang gugulo nyo" turan ng Doctor dahilan para mapatahimik ang mga ito.
"Sorry Doc" sabay sabay na sambit ng mga lalaking naroroon.
Bumaling ang tingin ng Doctor kay Altair ang sinabing. "Congratulation Mr. Altair Coldwell, it's a healthy baby boy!" Masayang turan ng Doctor.
Agad namang napakapit ng mahigpit si Altair sa kaniyang katabi ng dahil sa sinabi ng Doktora.
"Fuck! Fuck! Fuck!" Paulit ulit na turan ni Altair habang mariing naka pikit at dumadaloy ang luha sa mga mata.
"Shit! Altair kalma!" Sigaw ni Roux na umaalalay kay Altair.
"I have a boy! A fucking boy!" Bulalas ni Altair at nagsusumigaw pa.
Napuno naman ng kasiyahan at kagalakan ang bawat taong naroon at sa inaasahang pagkakataon ay nawalan na naman ng malay si Altair sa gitna ng napaka importanteng okasyon.
Hindi makapaniwalang tiningnan nila Roux ang kanilang kaibigang walang malay pagkalaon ay sabay sabay nilang inilabas ang kanilang telepono at kinuhanan ito ng litrato.
"Ano po ang ipapangalan namin sa bata?" Muling tanong ng Doctor.
Nakangiting umiling naman ang nanay ni Altair na si Ailera at sinabing.
"Mamaya na kapag gising na ang mag-asawa"