Special Chapter 1

SAVANA'S POV

Nagising ako ng dahil sa ingay at bulong bulongan sa paligid ko at ang una kong hinanap sa aking pag gising ay ang anak ko.

"A-ang baby ko?" Ani ko kahit nahihirapang magsalita.

"Savana ija, gising kana pala" linataya ni Mama Ailera habang naka ngiti ng malawak.

"M-mama, ang baby ko po?" Muling tanong ko.

"Hayon hawak hawak ng Papa Hugh mo" ani nito at inabotan ako ng isang basong tubig na agad ko rin namang tinanggap at ininom.

"Si Altair po?" Tanong kong muli.

"Ayon walang malay, nasa kabilang silid kasama sila Hugo" natatawang ani nito kaya napatawa na rin ako.

Inaasahan ko na ang reaksyon na iyon mula sa asawa ko.

"Sana hindi namana ni baby ang mannerism ng papa niyang baliw" ani ko na ikina tawa naman ni Mama Ailera.

"Sana nga ija, mahirap na't baka mapagkamalang bakla ang apo ko" ani nito.

Naka ngiting pinagmamasdan ko si Papa Hugh na hawak hawak ang anak namin ni Altair ng makita nitong nakamasid ako ay agad itong nag tungo sa akin at marahang inabot si baby na agad ko rin namang tinanggap.

Automatikong tumulo ang luha sa aking mga mata ng makita ang magaganda nitong asul na mga mata. Manang mana ito sa ama niya, at halos ata lahat ng parte ng mukha nito ay kay Altair nakuha.

"Ang unfair" biglang turan ko dahilan para mapatawa si Mama Ailera.

"Iyan din ang sinabi ko noong ipinanganak sila Altair at Alistair kaya nga kami naka tatalo kasi gusto kong may kamukha ako" natatawang turan ni Mama Ailera.

"Bakit kailangang si Altair ang kamukha Mama? Ako ang nag hirap tapos argh" frustrated kong turan habang naka titig sa mukha ng anak ko.

"Okay lang iyan ija, gawa na lang ulit kayo" natatawang turan ni Mama Ailera na siyang ikinapula ng mukha ko.

"Mama naman!" Ani ko.

"Naku ija hindi pwedeng isa lang ang apo ko, itong si Alistair mukhang wala akong pag-asa dito" ani ni Tita at dinuro si Alistair na nagbabalat ng mansanas.

"Ako na naman ang nakita mo matushka " naka busangot nitong turan.

"Alangan namang ako kuya" ani naman Alrein na naka ngiting naka titig kay baby.

"Anong ikaw?! Manahimik ka dyan dahil tatanda ka ng dalaga" ani ni Alistair na may masamang timpla sa mukha.

Napa ingos naman si Alrein ng dahil sa sinabi nito at naglalambing na niyakap si Papa Hugh.

"Papa, Kuya Alistair is so mean" naka ngusong turan ni Alrein sa kaniyang ama.

"You're kuya Alistair is right, Alrein. Bawal kang magka boyfriend" ani ni Papa Hugh dahilan para manlumo si Alrein.

Natatawa namang niyakap ni Mama Ailera ang kaniyang bunsong anak at sinamaan ng tingin ang kaniyang mag ama.

"Hayaan mo sila Alrein, ganyan talaga pag matatanda na at saka nag bibiro lang ang mga 'yan" ani ni Mama Ailera habang tumatawa na siya ring aking ikinatawa.

"We're not joking Ailera /Matushka!" Sabay na sigaw nila Papa Hugh at Alistair dahilan para mapaiyak ang aking anak.

Sabay sabay kaming napatingin sa aking munting Altair at kalaunan ay napatawa. Agad namang umalis sila Papa Hugh At Alistair sa silid at ang tanging naiiwan na lamang ay ako, si Mama Ailera at si Alrein.

Agad kong ibinaba ang aking hospital gown dahilan para malantad ang aking dibdib. Hindi ako nahihiya sa kadahilanang babae naman ang mga ito at obligasyon ko bilang isang ina ang pakainin ang anak ko.

Agad kong pinadede ang munting Altair ng buhay ko habang marahan kong hinihinamas ang itim na itim ngunit kulot nitong buhok.

"Jusko anak buhok lang ang nakuha mo" ani ko habang patuloy parin sa paghimas ng buhok nito.

"Ang cute niya po Ate Savana" wika ni Alrein habang kinukuhanan ng litrato ang munti kong Altair.

"I agree anak, kamukhang kamukha niya rin ang kuya mo noong baby siya" ani ni Mama Ailera habang nag niningning ang mga mata.

"Paniguradong marami 'yang paiiyaking babae Ate" ani muli ni Alrein at hinawakan ang munting kamay nito.

"Naku hindi ako papayag, dapat stick to one lang siya kagaya ng papa niya" turan ko naman.

"You're right Savana, you should rise him as responsible man" ani ni Mama Ailera kaya tumango ako.

Muli kong inangat ang aking hospital gown ng makitang nakatulog na ang munting anghel ko.

"Ano naman ang name niya ate?" Tanong ni Alrein at tumango tango naman si Mama Ailera sa sinabi nito.

"Ano nga ba ang pangalan ng Anak natin moya koroleva" ani ng boses na pamilyar na pamilyar sa akin kaya agad ko itong binalingan ng tingin.

"Altair..." Turan ko at ngumiti.

"moya koroleva, how are you?" Tanong nito sa akin at hinagkan ang aking noo.

"I'm okay, how about you? Balita ko nahimatay kana naman?" Natatawang tuya ko dito.

"moya koroleva! I'm not" singhal nito.

"Naku Savana wag kang maniwala diyan, may video kami" turan naman ni Hugo na bagong dating kaya napatawa ako.

"May video pala e wala kang ligtas" ani ko.

"Hey! It's you!" Ani ulit ng isang tinig kaya tiningnan ko kung sino ito at doon bumungad sa akin ang mukha ng lalaking nakasagotan ko sa cruise ship.

"Yes it's me" masungit kong turan.

"Magka kilala kayo?" Tanong ni Altair habang naka kunot noo.

"Hindi" sabay na turan namin nong lalaki.

"Then, What?" Taas kilay na tanong ni Altair.

Naku mukhang nagselos pa yata.

"I just met her once in Hugo's cruise ship" simpleng turan nito. "Anyway, i'm Parallax. Altair's friend" dugtong pa nito.

Mukha naman siyang mabait sadya lang sigurong masama ang timpla ko nong mga panahon 'yon.

"Hi, i'm Savana Isla-Coldwell, Altair's wife" naka ngiti kong turan at tanging tango lang ang naging sagot nito.

"moya koroleva kinikilig ako" bulong sa akin ni Altair habang hawak hawak ang munting kamay ng anak namin.

Natatawa ko siyang binalingan ng tingin at bumulong din. "Bakit?"

"Everytime you say your full name kinikilig ako" ani nito kaya napatawa ako ng malakas.

"Ano 'yan? Share nyo naman samin" ani ni Hugo dahilan para ako ay mapahinto at mapatikhim.

"Tangina ang chismoso mo" ani ni Ziggy at kinaltukan si Hugo.

"Ang sakit ah!" Singhal ni Hugo dito.

"Malamang tanga kaltok 'yon e bobo" ani muli ni Ziggy.

Napa sapo na lamang ako ng aking mukha ng nagsimula na naman silang mag-ingay.

Bumukas ang pinto ng kwartong aking tinutuluyan dahilan oara humupa ang kanilang mga bulongan at bangayan at doon tumambad sa amin si Doktora Meraiah.

"Ang iingay niyo na naman" masungit na ani ng Doctor.

"Sorry Doc" sabay sabay na turan ng mga lalaki sa loob ng aking silid.

Mabuti na lamang at malawak ang silid na ito kundi mag mumukha kaming sardinas.

"Hi Misis, kamusta ang pakiramdam mo?" Naka ngiting tanong sa akin ni Doc Meraiah.

"Okay naman po Doc, kunting kirot lang" sagot ko naman.

"Maigi iyan Misis, pahinga lang ang kailangan mo at wag muna papaka stress" ani nito at binalingan ang anghel na hawak ko. "May name na ba si baby?" Naka ngiting tanong nito.

"Yes po Doc" ani ko naman.

"What's his name, then?" Ani naman ng Doktora.

"Asmodeus Coldwell po" ani ko habang naka ngiti.

"Asmodeus Coldwell, kay gandang pangalan" turan nito at muling umalis.

Binalingan ko ng tingin ang aking asawang ngayon ay tahimik na humihikbi. Sinapo ko ang mukha nito at ginawaran ito ng isang mabilis na halik sa labi.

"Stop crying" lintaya ko.

"I can't moya koroleva, kahit anong pigil ko umaaplas talaga" sumisinghot singhot nitong lintaya.

"Tingnan mo Asmodeus oh, napaka iyakin ng Papa mo dinaig ka pa" natatawa kong lintaya.

"I'm not baby! Papa is strong" lintaya ni Altair at nag flex pa ng muscle.

"Wag kang maniwala sa Tatay mo baby Asmodeus, laging nahihimatay 'yan pag laki mo ipapanood ko sayo ang video" natatawang lintaya ni Hugo at dahil dakilang pikon at asar talo ang asawa ko tumayo ito at sinimulan ng habolin si Hugo.

Nakangiti ko itong pinagmamasdan habang hawak hawak ang munting anghel na bunga ng aming pag mamahalan.

Asmodeus Coldwell, nawa'y maging malusog ka't masaya sa iyong paglaki. Nandito lang kami ni Papa mo naka alalay sayo, hinding hindi ka namin pababayaan at mamahalin ka namin ng lubos.

Ikaw ang pinakamahalagang nangyari sa buhay ko.... Asmodeus.