Epilogue

THIRD PERSON POV

Napuno ng bulong bulongan ang buong simbahan ng makitang kanina pa hindi mapakali ang groom sa harapan.

"Calm down!" Sigaw ni Alistair sa kaniyang kuya na si Altair na pabalik balik parin sa kakalakad.

Tumatawa naman ng malakas ang katabi nitong si Roux habang kinukuhanan ng video si Altair na ani mo ay malapit ng umiyak.

"Are you a fucking gay, Coldwell?" Tanong naman no Ziggy na katabi ni Roux.

Sumama naman ang timpla ng mga naroon ng dahil sa walang humpay nitong pag mura kahit nasa loob ng simbahan.

"Alam mo Ziggy buti hindi ka natutusta" ani ni Hugo kay Ziggy at tinapik pa ang balikat nito.

"The fuck? Why?" Tanong ni Ziggy habang naka kunot ng noo.

"Panay ka mura sa simbahan daig mo pa ang demonyo" turan muli ni Hugo at nginisihan ito nagsitawanan naman ang ibang bisitang naka rinig ng banat nito.

"Do you think it's fucking funny?!" Galit na singhal ni Ziggy kaya nagsitahimik ang mga naroroon.

"Pag pasensyahan niyo na po ang kaibigan ko, may regla ho siya ngayon" pag hingi ni Roux jg paumanhin habang tumatawa.

SA KABILANG dako naman ay malawak ang ngiti ng ina ni Altair na si Ailera, sa wakas ay ikakasal na ang panganay na anak niya ang akala niya ay tatanda na itong binata. Mabuti na lamang ay dumating si Savana na magiging asawa nito ilang saglit na lang.

Marahan at paulit ulit niyang niyugyog ang balikat ni Savana na hanggang ngayon ay mahimbing paring natutulog sa likurang upoan ng kotse ni Roux.

"Savana honey wake up" malambing na turan ni Ailera ang mama ni Altair habang inaalog parin ang balikat ni Savana.

"Hmm?" Ungol ni Savana habang paunti-unting idinidilat ang kaniyang mga mata.

"Hi honey" bungad na bati ni Ailera dito.

Napaayos naman agad ng upo ang dalagang si Savana ng dahil sa kaniyang nasilayan.

"Mama Ailera kayo po pala" ani ni Savana at ngumiti ng malapad.

Medyo nahihilo pa siya pero kaya naman.

"Hi honey, you good?" Tanong nito kaya tumango naman ang dalagang si Savana bilang tugon.

"Opo, nasaan po ba tayo?" Tanong muli ni Savana at inilibot ang kaniyang tingin.

"In front of a church" turan naman ng Mama Ailera niya.

Bumalatay naman ang gulat sa mukha ni Savana sabay sabing.

"Po? Simbahan? Ano pong ginagawa natin dito?" Sunod sunod na tanong ni Savana at bakas sa mukha nito ang pagkalito at pagkabigla.

"It's your wedding day ija, ano ka ba?" Ani ng Mama Ailera niya at bahagyang tumawa napatigil naman ito sa pagtawa ng makitang mas lalong nagulohan si Savana.

"We-wedding d-day po?" Maang na tanong ni Savana kaya napakamot ng noo si Mama Ailera.

"Oppss my bad, hindi mo nga pala alam kasi surprise 'yon ng gago kong anak" mahaba nitong lintaya at sinapo ang mukha ni Savana. "Listen to me honey, my son is into you kaya minadali niya na dahil siya ay naninigurado. Mahal mo naman ang anak ko diba?" Dugtong pa nito dahilan para mapatango ng paulit-ulit si Savana.

"O-opo, mahal ko po ang anak niyo" turan ni Savana.

"Good, then papakasalan mo siya diba?" Tanong muli ni Mama Ailera kay Savana at kagaya ng una tumango ulit ito ng paulit-ulit bilang sagot na siyang ikina-tili naman ng ginang.

"Oh my god! I'm so happy!!!!" Tili nito at niyakap ng mahigpit si Savana.

"Matushka, gising na ba si Ate Savana?" Turan ng isang boses babae dahilan para mapabaling doon ang atensyon ni Savana, at doon ay tumambad sa kaniya ang babaeng kamukhang kamukha ni Mama Ailera niya.

"Alrein nandito kana pala" masayang ani ni Mama Ailera at sinalubong ng yakap ang tinawag niyang Alrein at base sa pagkakatanda ni Savana ay ito ang bunsong kapatid ni Altair.

"Yes, matushka. I'm with grandma po, kagabi pa kami nakauwi sa hotel lang po kami nag stay para surprise" ani ni Alrein habang naka ngiti.

Bumaling ang tingin nito kay Savana at malawak na ngumiti.

"Hi po Ate, i'm Alrein po bunsong kapatid nila kuya Altair at kuya Alistair ang pretty mo naman po" turan nito habang naka ngiti dahilan para mapangiti rin ng malapad si Savana.

"Hi Alrein, ang ganda mo rin" turan naman ni Savana.

"Oww here po pala ate" ani ni Alrein at inabot kay Savana ang fresh white bouquet of roses na agad niya ring tinanggap.

"Thank you" turan ni Savana at ginawaran ng malawak na ngiti si Alrein.

"Always welcome po Ate, we will wait for you inside the church. Huwag mo lang pong tagalan ah? Malapit na pong umiyak si kuya" natatawang ani ni Alrein at umalis na.

Sina Savana at Mama Ailera na lamang ang natitira sa sasakyan. Marahang inilagay ni Mama Ailera ang belo sa ulo ni Savana at nginitian si Savana ng malapad.

"Done, you're all set honey. Ang pretty naman ng bride na 'yan" ani ni Mama Ailera habang mahinang humihikbi.

Nagsimula na ring magtubig ang mata ni Savana ng dahil sa sobrang kasiyahan at kabang kaniyang nadarama.

"Thank you Mama" ani ni Savana at niyakap ang ginang na agad naman nitong sinuklian.

"So paano? Uuna na ako ah? When you hear the words 'here comes the bride' that's the cue that you will going to enter. I am so happy for both of you and my son" ani ni Mama Ailera at hinagkan si Savana sa pisngi bago tuloyang umalis.

Puno ng kaba at kasiyahan ang puso ni Savana, sa tanang buhay niya ay ngayon niya lang ito naranasan.

'Ganito pala ang feeling ng ikakasal' ani ni Savana sa kaniyang Sarili habang nakatanaw sa labas ng kotseng kaniyang sinasakyan.

Isang katok mula sa bintana ng kotse ang nagpabalik sa kaniyang ulirat agad niya itong binuksan at doon tumambad sa kaniya ang mga mukha ng kaniyang mga kaibigan.

"Charise! Avelea!" Gulat na may halong sayang sigaw ni Savana.

"Savana gurl! Ikakasal kana" turan ni Charise habang hawak hawak ang kamay ni Savana.

"Oo nga e, hindi ko rin 'to inaasahan" turan naman ni Savana.

"Surprise wedding pala ang peg ni Altair, iba talaga ang tama niya sayo" turan naman ni Avelea habang nakatitig kay Savana.

"P-panong nandito kayo? Alam nyo?" Sunod sunod na tanong ni Savana.

"Well gurl, kami lang naman ang kinuhang decorator ni Hubby mo. Malaki fee kaya we grab the opportunity saka madaming papang dini!" Ani ni Charise na parang kiti kiti.

"Isusumbong kita kay Loui!" Ani naman ni Savana dahilan para mapa-ismid si Charise.

"Eww~ Loui who? Wala akong kilalang Loui" ani ni Charise at umalis na.

"Tingnan mo ang babaeng 'yon oh!" Ani ni Avelea habang nakasunod ang tingin kay Charise. "Oh siya, mauuna na kami sa loob, congrats Savana tama nga akong magkakatuloyan kayong dalawa" dugtong nito at umalis na rin.

'HERE COMES THE BRIDE!'

Iyan na ang cue na inaantay ni Savana, agad siyang lumabas sa kotse at pumunta sa tapat ng simbahan. Humugot muna ito ng isang malalim na hininga bago nagsimulang maglakad.

"It's dead end for me, but i am happy because Altair is in the other side waiting for me."

---

ALTAIR'S POV

'HERE COME THE BRIDE'

Nang narinig ko ang mga salitang iyan ay para akong natuod at binuhosan ng malamig na tubig. Kasabay ng tugtog na aking pinili ay ang paglakad ni Savana papalapit sa Altar.

Ang mga ala-ala naming dala kung paano ang lahat sa amin ay nagsimula ay dumaloy sa aking isipan na para bang isang telenobela.

Parang kailan lang noong nagpapa pansin ako dito at binaril ko ang sarili ko. Unang beses kong naramdaman ang pag-ibig at ito narin ang huli ngunit sa iisa lamang na babae at iyon ay walang iba kundi si Savama Isla na magiging Coldwell na.

I'm a sucker for true love kagaya ng sa mga magulang ko at heto ako ngayon nasa harap ng altar habang inaantay ang babaeng magiging katuwang ko sa panghabang buhay.

"Anak gumalaw ka" bulong ng aking Ama na nasa aking gilid dahilan para mapabuhaglit ng tawa ang aking mga kaibigan.

"Patay na ata Tito, hindi na humihinga" gatong naman ni Hugo kaya simamaan ko ito ng tingin.

"Kalma Altair, si Savana lang 'yan." Ani naman ni Roux kaya tumango ako.

Tama si Savana nga lang 'yan, ang babaeng mahal na mahal ko at ang aking papakasalan.

"Hey dickhead Altair look at me" ani ni Ziggy kaya napabaling amg tingin ko dito.

"What?" Kunot noo kong tanong.

"What if Savana ran away?" Ani nito habang naka ngisi.

Bigla namang gumuho ang aking mundo ng dahil sa sinabi nito. Amg binti ko ay nanglalambot at muling tiningnan ang espasyo sa pagitan namin ni Savana.

Malayo pa ito... makaka takbo pa siya kung kaniyang gugustohin ito...

"Ziggy!" Sabay sabay ka sigaw nila Roux, Hugo, Alistair, Mama at Papa.

"What? Malay niyo tama ako diba? Biglang tumakbo si Savana dahil na realize niya na pinikot lang siya nitong si potanginang Altair" ani muli ni Ziggy habang naka ngiti.

Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at tinakbo ang pagitan namin ni Savana. Narinig ko pa ang pag sigaw nila pero wala akong pakealam. Ayokong umalis at iwanan ako ni Savana.

Nakita ko ang pag balatay ng gulat sa magandang mata ng reyna ko ng dahil sa aking ginawa.

"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ni Savana sa akin.

"Sinusundo kita" ani ko naman.

"Huh? Bakit?" Maang nitong tanong.

"Ziggy said that you'll run away" mahinang turan ko at yumuko.

"Silly" ani ni Savana at marahang kinurot ang aking pisngi dahilan para ako ay mapaayos ng tayo. "Hindi kita iiwan baliw, bumalik kana don" dugtong pa nito.

Parang bata naman akong paulit ulit na umiling at inilingkis ang kamay nito sa braso ko.

Sabay kaming naglakad papunta ng altar at kitang kita rin ng mga mata ko kung paano ako pagtawanan ng mga kaibigan kong gago.

"Tingnan mo Ziggy ang ginawa mo, na trauma si Altair sayo" natatawang turan ni Hugo kaya inismiran ko ito.

"Shut up!" Singhal ko dahilan para mas lalo itong mapahalakhak. "Father oh!" Sumbong ko sa pari dahilan para magsi tahimik ang mga ito.

"Mga ijo, huwag masyadong magulo" turan ng pari sa mga kaibigan ko dahilan para maging maamong tupa ang mga gago.

"Magsi upo ang lahat" turan ng pari na agad namang sinunod ng lahat ngunit kami ni Savana ay nananatiling naka tayo.

"Nandito tayong lahat ngayon sa loob ng simbahan upang masaksihan ang pag-iisang dibdib nina Mr. Altair Coldwell at Ms. Savana Isla kung mayroon mang tumututol sa kasalang ito ay maaaring magtaas ng kamay..." Turan muli ng pari kaya ipinalibot ko ang tingin sa loob ng simbahan at sinamaan ko ng tingin si Hugo ng umaamba itong mag taas ng kamay.

"WALA PONG TUMUTUTOL FATHER! MAHAL NAMIN BUHAY NAMIN!" sigaw ni Hugo na sinang-ayonan naman ng ibang naroroon.

"Kung wala ay simulan na natin ang seremonya. Ikaw babae tinatanggap mo ba si lalaki bilang iyong kabiyak at iyong asawa?" Tanong ng pari kay Savana at kinakabahang binalingan ko naman ito ng tingin.

"I do." Ani ni Savana habang lumuluha ng dahil sa saya. Ang binti ko ay nanlalambot ng dahil sa tinuran nito pero nanatili akong kalmado sa kadahilanang baka mahimatay na naman ako and the worst is sa araw pa ng kasal ko.

"Ikaw lalaki tinatanggap mo ba si babae bilang iyong kabiyak at iyong asawa?" Tanong muli ng pari.

"I do father, i do!" Ani ko at nanginginig pa na umani naman ng tawanan mula sa mga naroroon.

"By the power vested in me by God and man, I pronounce you wife and husband. What God has joined together, let no man put asunder. You may now kiss the bride." Muling lintaya ng pari.

Nanginginig kong itinaas ang belo sa mukha ni Savana at lumuluha kong sinapo ang maganda nitong mukha.

"At last, you're mine" ani ko habang mahinang humihikbi.

"Oum" ani naman ni Savana na kagaya ko ay umiiyak na rin.

"Kiss! Kiss! Kiss!"

Sigaw ng mga naroroon, muli kong binalingan si Father at muling bumalik ang aking tingin sa aking asawa. Masuyo at mainit kong inagkin ang labi nito.

Kung ito man ay panaginip ayaw ko ng magising.

"YA lyublyu tebya, moya koroleva" turan ko ng naghiwalay ang aming mga labi.

Nginitian ako nito ng malapad at sinambit ang mga salitang nagpabuwal sa akin mula sa aking kinatatayoan.

"I love you too, my king."

That's the last word i heard before i lost my consciousness.

Damn!

----

SAVANA'S POV

Napatili na lamang ako at napatawa ng malakas ng makitang nahimatay na naman ang aking asawa.

Agad kaming dinaluhan nila Mama Ailera at Papa Hugh gayon din ng mga kaibigan ni Altair na walang humpay sa kakatawa.

Kinuhanan pa ng mga ito ng video ang asawa kong walang malay.

Asawa.

Sa wakas kami ni Altair ay iisa na.

Dumating siya sa buhay ko ng hindi inaasahan, pinaglaroan kami ng tadhana pero iisa parin ang aming kinahantongan at iyon ay sa harapan ng altar at sa mata ng Diyos.

"Picture tayo dali habang walang malay si Altair!" Ani ni Mama Ailera habang tumatawa.

Natatawang tumabi ako sa asawa kong wala paring malay at pinaka titigan ang mukha nito.

Falling for you wasn't falling at all.

It was walking into a house.

And suddenly knowing you're home.

I love you Altair Coldwell, and i didn't regret loving you.