Chapter 39 Kidnap
SAVANA'S POV
Nag stay kami ni Altair sa family house nila sa loob ng isang linggo sa kadahilanang ayaw akong pakawalan ni Mama Ailera. Sa totoo niyan ay katabi ko itong matulog sa kama at si Altair naman ay hindi ko alam kung nasaan na.
Ni anino ni Altair at Papa Hugh ay hindi ko nakikita tanging si Alistair lang ang nandirito sa bahay gayon din ang iba pang mga kasambahay. Ang sabi sa akin ni Mama Ailera ay isa raw traveller si Alistair at ngayon lang daw ito nagtagal sa kanilang bahay at ang masasabi ko lang ay maganda talaga ang lahi nila. Si Alistair ang mayroong magkaibang uri ng mata ngunit sa kondisyon niyang iyon ay hindi man lang nabawasan ang kagwapohang taglay niya, sa totoo niyan ay mas gwumapo pa siya.
"Mama Ailera, si Altair po?" Tanong ko kay Mama na kasalukoyang sinusuklayan ang buhok ko.
"I don't know honey. Don't mind him he's with your Papa Hugh" ani nito habang patuloy parin sa kaniyang ginagawa.
"Nasaan po kaya sila?" Tanong kong muli.
"In a golf yard i guess? Nag b-bonding lang ang dalawang iyon matagal rin kasi silang hindi magkita" ani ni Mama Ailera at ginawaran ako ng isang napaka lawak na ngiti.
Ang ganda talaga nito at mabait pa, hindi na ako magtataka pa kung bakit siya nagustohan at minahal ni Papa Hugh at panigurado ring marami itong kaagaw dito.
"Dalawa lang po ba ang anak niyo Mama?" Tanong ko.
"Hmm i have three childrens, Altair the oldest, next is Alistair the middle child and the last is my one and only daughter Alrein but she's not with us nandon siya sa lola niya" ani ni Mama Ailera at ngumiti. "You're all set" dugtong pa nito kaya muli kong tiningnan ang aking sariling repleksyon sa salamin.
Napatutop ako ng aking bibig ng makita ang aking repleksyon, napaka ganda ko ngayon simple lang ang aking make up at ang ganda rin ng pagkaka-ayos ng aking buhok mayroon rin ako maliit na tiara sa ulo.
Muli kong binalingan ng tingin si Mama Ailera at niyakap ito sa bewang ng napaka higpit.
"Maraming Salamat po Mama" ani ko.
"You're always welcome honey, you look like a princess" masaya nitong lintaya na siyang aking ikina-ngiti.
"Talaga po?" Tanong kong muli.
"Yes, kaya nga hindi na ako nagtataka pa kung bakit patay na patay sayo ang anak kong si Altair. Akalain mo iyon wala pa pala kayong label pero ipinakilala kana sa amin" Mama Ailera said while chuckling na siyang ikinapula ng aking magkabilaang pisngi.
"Masyado hong mabilis ang anak niyo, Mama" lintaya ko.
"Manang mana sa Tatay niya" ani ni Mama Ailera at tumawa kaya tumawa na rin ako.
"Dinaan ka rin po ba sa santong paspasan?" Natatawang tanong ko kay Mama Ailera.
"Yes honey at namalayan ko na lang na buntis ako at si Altair na nga iyon" ani nito habang may malawak na ngiti sa labi.
"Saan po kayo nagkakilala?" Muli kong tanong.
"In the club but you see we still ended up with each other kahit na maraming naging balakid sa aming pagmamahalan" ani ni Mama Ailera at habang sinasabi niya ang mga salitang ito ay kitang kita ko ang ningning sa kaniyang mga mata.
"Sana ganon rin po kami ni Altair" bulalas ko dahilan para ako ay tingnan nito at nginitian ng malapad.
"No worries ija, masyadong baliw sayo ang anak kong iyon" ani nito at tumawa pa. "So, May laman na ba?"
"MAMA!" Tili ko dahilan para ito ay mapatawa na naman ng malakas.
Napasapo na lamang ako ng aking mukha ng dahil sa sinabi ni Mama Ailera. Laman? Wala pa naman siguro.
"GET OUT OF OUR HOUSE!" sigaw ni Alistair dahilan para kami ay magkatinginan ni Mama Ailera at nagkukumahog na bumaba at nag tungo sa sala.
At doon nadatnan namin si Alistair na dinudumog nila Hugo, Roux at ang lalaking hindi ko kilala.
"Daig mo pa ang multo Alistair, pasulpot sulpot ka lang" lintaya ni Roux habang ginugulo ang buhok ni Alistair.
"You're so fucking right Roux" ani noong lalaking hindi ko kilala at ako ay napangiwi ng dahil sa malutong nitong pag mura.
"Hindi ka parin nagbabago Ziggy, boy mura ka parin" naka ngising turan ni Alistair dito.
So Ziggy pala ang pangalan nito? Paniguradong hindi kami magkakasundo.
"At bakit kayo nandirito aber? At talagang nakapang americano pa kayo" taas kilay na tanong ni Mama Ailera dahilan para mapabaling ang tingin ng mga ito sa aming gawi.
"Tita!" Sabay sabay na sigaw ng mga ito at lumapit sa aking gawi.
"Hindi ako bingi, itong mga batang 'to talaga!" Ani ni Mama Ailera at gunulo ang mga buhok nito. "Ito nga pala si Savana, ang daughter-in-law ko" ani ni Mama Ailera at dinuro ako.
Hindi ko man lang nakitaan ng gulat ang mga mata nito ng dahil sa tinuran ni Mama Ailera.
"We know her Tita, lagi lang naman siyang bukang bibig ni Altair kapag kami ay nagkikita kita" turan ni Roux at nginitian ako kaya ginantihan ko rin siya ng ngiti.
"Roux is fucking right Tita" pag sangayon naman ni Ziggy na may halong mura.
"May nakapag sabi na ba sayo na ang sakit sa tainga ng walang humpay mong kakamura?" Ani ko dahilan para mapapalatak ng tawa sila Hugo.
"Burned" ani ni Hugo.
"Toasted" ani naman ni Alistair.
"Double dead" turan naman ni Roux.
"You don't fucking care" masungit na turan ni Ziggy.
"Hey! Don't talk to my daughter-in-law like that!" Singhal ni Mama Ailera at sinamaan ito ng tingin.
"I'm so fuck--sorry Tita" ani ni Ziggy.
"Whatever, so why are you all here? Oh wait kulang kayo ng isa" ani ni Mama Ailera.
"Parallax have an emergency Tita" turan ni Hugo.
Parallax? Sounds familiar.
"I see, so bakit kayo nandirito?" Muling tanong ni Mama Ailera sa mga ito.
"We are here to kidnap you" ani ni Roux at idinuro ako dahil para mangunot ang aking noo.
"Huh? Kidnap? Ako? Bakit?" Sunod sunod kong tanong sa mga ito.
"Napag utosan lang" ani ni Hugo.
"Walang potanginang personalan" dugtong naman ni Ziggy na siyang ikina-asim ng mukha ko.
"Stop cursing!" Singhal ko dito ngunit tanging irap lang ang natanggap ko dito.
"Am i included to that kidnap thingy?" Tanong ni Mama Ailera at tumango naman ang mga lalaking naroroon. "At kanino naman 'to ideya?" Dugtong pa ni Mama.
"You're husband and son" ani ni Alistair habang may kinakalikot sa selpon.
Namilog naman ang mata ni Mama Ailera at nagtakip pa ng bibig na ani mo ay may naalala.
"Is it about the surprise?" Ani ni Mama Ailera kaya tumangong muli ang nga lalaking naroroon. "Oh my god! I'm so happy!!" Singhal ni Mama Ailera.
"Ano pong nangyayari?" Tanong ko dito.
"Nothing honey, go sumama ka na sa kanila. Kay Alistair ako sasama" ani nito at sinapo ang aking mukha. "I'm so happy for you, honey" ani nito at ginawaran ako ng halik sa noo dahilan para ako ay mapangiti.
Kahit wala akong naiintindihan sa nangyayari ay nagpatiunod na lamang ako kila Hugo. Wala naman daw silang gagawing masama sa akin, kailangan lang talaga ng piring kaya hinayaan ko na lamang sila sa gusto nilang gawin.
Bago pa man ako tuloyang mawalan ng malay ay narinig ko pa ang boses ni Roux na sinambit ang pangalan ni Altair.
---
ROUX'S POV
Napakamot na lamang ako ng aking ulo ng dahil sa pinapagawa sa amin ni Altair. Mukhang wala na talaga sa matinong pag iisip ang kaibigan kong iyon, bakit hindi niya na lang dinaan sa maayos na proseso ang gusto pa ay kidnappin namin si Savana.
Agad kong kinuha ang aking selpon at agad na tinawagan si Altair.
"Altair" bungad ko.
"How is she? Hawak niyo na ba siya?" Tanong nito sa kabilang linya kaya binalingan ko ng tingin si Savana na ngayon ay naka higa na.
"Yep, calm your ass down papunta na kami" turan ko at agad na pinatay ang tawag.
"Altair is being weird" turan ni Hugo.
"Kagaya mo?" Panunuya ko dito kaya tinaasan ako nito ng gitnang daliri na siyang ikina-tawa naman ni Ziggy.
"Mas weird ka, akala mo ba hindi ko alam na you're eyeing your student?" Ani ni Hugo habang naka ngisi.
"Woah? The hell man?!" Turan naman ni Ziggy habang gulat ma gulat na naka tingin sa akin.
"What?!" Bulalas ko sa mga ito dahilan para muli itong mapatawa ng malakas.
Pagkaraan ng ilang oras kong pagmamaneho ay nakarating na kami sa simbahan.
Tama, simbahan.
Agad akong bumaba ng kotse at agad na nagtungo kay Altair na parang tuod na naka tayo sa may Altar.
"Hey man" bati ko dito dahilan para mapabaling ito sa aking ng tingin.
"Hey, mabuti't nandito na kayo malapit na akong maihi sa kaba" ani nito kaya ako ay napatawa.
"Ang lambot mo talaga Altair" turan ko at tinapik ito sa balikat.
At last ikakasal na rin ang baliw kong kaibigan, hindi ako nito tinantanan hangga't hindi ako pumapayag sa gusto nitong gawin.
Sana mag run way bride si Savana ng tuloyan ng mabaliw si Altair. What a ridiculous idea, should i kidnapped my kitty too?
Hmmm, we'll see..