Chapter 38 Together Again

SAVANA'S POV

Maaga akong nagising sa kadahilanang may daily morning inspection dito sa building. Ako ay nataranta ng makitang mahimbing paring natutulog si Altair sa aking tabi.

Bago ko pa man ito magising ng tuloyan ay bumukas ang pintoan ng kwartong aking tinutuloyan at doon ay tumambad si Ms. Quiiniy na nanlalaki ang mga matang naka tingin sa lalaking aking katabi.

"A-ahm Ms. Quiiniy magpapaliwanag ako" nauutal kong turan habang pilit paring ginigising si Altair na aking katabi.

"I'm sorry mukhang naka abala ako, please don't tell him na nakita ko kayo sa ganitong sitwasyon bye!" Aligagang turan nito at pabalag na isinara ang pinto dahilan para mapabangon ng wala sa oras si Altair.

"What's that noise?" Tanong ni Altaor habang nag kukusot ng mata.

"W-wala!" Natataranta kong sagot dito.

"I see" ani ni Altair at muli akong niyakap ng mahigpit. "Cuddle, moya koroleva" dugtong pa nito na agad ko namang tinalima.

Marahan kong hinihimas ang buhok nito habang marahang umaawit.

"moya koroleva?" Ani ni Altair habang naka pikit.

"Hmmm?" Ani ko.

"I have a wonderful dream, wanna know what it is?" Ani nitong muli ngunit sa pagkakataong ito ay kung saan saan na napapadpad ang malalaki't malilikot nitong kamay.

Tinapik ko iyon at saka siya inismiran.

"Ano iyon?" Tanong ko.

"You said that you love me" ani nito at ngumiti pa.

"I did say that" ani ko dahilan para ito ay mapabangon at gulat na gulat akong tiningnan.

"R-really?!" Gulat na bulalas nito dahilan para ako ay mapatawa ng malakas.

"Oum nga! Ayaw pang maniwala" ani ko. "Wait i have a proof" dagdag ko pa at inilabas ang aking selpon.

Agad akong nagtungo sa videos at agad kong clinick ang video ni Altair na nahimatay. Nakita ko ang pagbalatay ng hiya sa mukha ni Altair ng matapos niyang panoorin ang video at napabuhaglit naman ako ng tawa nang dahil don.

"Ang laugh trip mo Altair, lagi ka na lang nahihimatay" ani ko hawang walang humpay na tumatawa.

"My matushka will surely laugh at me, i'm such a softie when it's about you" ani ni Altair habang titig na titig sa akin. "I can't believe that you love me too" malambing nitong turan dahilan para mapangiti ako.

"Hindi ka naman mahirap mahalin. Nakakairita ka lang talaga lalo na kapag grabe ka makabagod kahit wala naman 'tayong' dalawa." Panunuya ko dito dahilan para bumagsak ang magkabilaang balikat nito.

"moya koroleva! You're so mean to me" ungot nito na parang bata dahilan para ako ay mapahalakhak.

Grabe, naging happy pill ko na talaga si Altair baka sa susunod nito ay mapamental na ako kakatawa't mapagkamalan akong baliw.

Hihirit pa sana si Altair ng bigla muling bumukas ang pinto ng silid na aking inuukupa kaya automatiko akong binalot ni Altair sa kumot at niyakap ng mahigpit.

"ALTAIR HONEY WHAT DID YOU DO TO YOUR COUSIN'S FACE?!" sigaw ng taong nasa pinto at pamilyar ang boses na iyon sa akin.

"WHAT THE FUCK?! MATUSHKA?!" pasigaw na turan ni Altair dahilan para ako ay matuod.

Tandang tanda ko ang Matushka na iyan, dahil nakausap at sinabi sa akin ni Altair ang ibig sabihin niyan noon nasa palengke kami and don't tell me nanay ni Altair ang nasa pinto? Jusko Savana nakakahiya ka!

"ARE YOU CURSING ME DICKHEAD?! AND WHO'S THAT WOMAN AH?! SABI KO CHASE SAVANA AND YET HERE YOU ARE WITH--ARGH!" sigaw muli ni Tita Ailera.

Nakaramdam naman ako ng kasiyahan ng dahil sa sinabi nito. Hanggang ngayon pala ay natatandaan parin nito ang pangalan ko.

"Matushka low down your voice hindi lang tayo ang tao dito" mahinahong ani ni Altair habang mahigpit paring naka yakap sa akin.

"I don't care! Let go of that girl and apologize to your cousin!" Sigaw nitong muli kay Altair na siyang ikina-ingos naman nito kaya marahan kong kinurot ang braso nito dahilan para mapabaling ang tingin nito sa akin.

"Isa!" Bilang ni Tita Ailera.

"Kasalanan niya 'yon matushka, he hide Savana from me!" Ani ni Altair na parang bata.

"It's not his fault, ikaw ang may kasalanan kasi tanga ka! I didn't raise you to be an irresponsible man Altair. Kapag talaga hindi si Savana ang naging asawa mo kalimutan mo ng nanay mo ako!" Mahabang lintaya ni Tita Ailera at kasunod nito ay iba pang mga yabag.

"Tetushka (auntie), nandito ka na pala hindi mo naman po kami hinintay hindi pa ho ako tapos magsalita e" ani ni isang boses na pamilyar din sa akin.

"I don't have time to listen to you Hugo, kailangan kong sermonan itong pinsan mo nang dahil sa ginawa niya sayo! Ano na lang ang sasabihin sa'kin ng yumaong mama mo? Baka multohin ako non ng dahil sa ginawa ng anak ko sayo" mahabang lintaya ni Tita Ailera dahilan para mapatawa si Hugo.

"You're imagination is so wide tetushka" ani ni Hugo habang tumatawa. "you mentioned Savana earlier tetushka, who is she?" Maang na tanong ni Hugo.

"Oww Savana? She's my daughter-in-law, she's kind and she looks like a doll" ani ni Tita Ailera dahilan para mamula ang aking magkabilaang pisngi.

Kinikilig ako.

"Matushka calm down" ani ng isang tinig na hinid sa akin pamilyar.

"You shut up Alistair! Savana will be your sister-in-law, move your ass and get your brother! He needs to chase Savana before it's too late" mahabang linta ni Tita Ailera sa kay Alistair daw na brother daw ni Altair.

Wait what? May kapatid si Altair? Oh well.

"Stop yelling matushka" ani muli ng nag ngangalang Alistair.

"Why are you'll calming me down?! Can't you see your older brother hugging a woman in the middle of the bed? Instead of chasing my daughter-in-law?! I will surely sue you all including you Hugo kapag hindi naging si Savana ang asawa ng anak ko!" Aunt Ailera Said dahilan para mapatawa sila Altair, Hugo at Alistair na mukhang alam na ako ang kasama ng kuya niya.

"Why are you laughing at me?!" Galit na sigaw ni Tita Ailera sa tatlong binatang kanina lamang ay tumatawa.

"He's with Savana all this time tetushka" turan ni Hugo dahilan para mas yakapin ako ni Altair ng mahigpit.

"Don't stare at her damn you!" Galit na turan ni Altair.

"I'm not staring geezz" ani naman ni Hugo.

"Wait what? He's with Savana all this time? So that means the girl in the bed with him is Savana?" Ani ni Tita Ailera kaya inilabas ko ang kamay ko mula sa kumot at bahagyang kumaway dito nakita ko naman ang pagbalatay ng gulat sa mga mata nito at ang muling pag buhaglit ng tawa nila Hugo.

"Iyan ang napapala ng hindi nakikinig" ani ng isang malalim na tinig kaya binalingan ko ito ng tingin and my jaw when i saw Altair's older version there standing.

"Hugh! No kisses for you, bad husband." Turan ni Tita Ailera at nagtungo sa kinaroroonan namin ni Altair.

Agad nitong itinulak si Altair dahilan para malaglag ito sa kamang aming kinahihigaan. Agad akong niyakap ni Tita Ailera at nagtutumili ito na parang teenager.

"Oh my god! Oh my god! It's really you!!!" Ani ni Tita Ailera at sinapo ang aking mukha at pinakatitigan akong maigi.

"H-hi po?" Alanganin kong bati dito dahilan para muli itong mapatili.

"Matushka you're so loud" reklamo ni Alistair kaya sinamaan siya ng tingin ni Tita Ailera.

"Let go of my moya koroleva, matushka!" Atungal ni Altair na ngayon ay nakatayo na sa aming harapan habang nakatapis ng unan.

"Huh? Who you? Why should i obey you?" Taas kilay nitong lintaya kay Altair.

"Ailera! Stop teasing your son" turan naman ng tatay nila Altair at Alistair na si Tito Hugh.

Oo, nakiki tito ako.

"Who you too? Talk to my hand" ani muli ni Tita Ailera at inismiran ang mga ito.

Bumagsak naman ang balikat ng tatlong lalaking naroroon habang si Hugo naman ay nagpipigil ng tawa.

"Ikaw ba talaga si Savana? Mas maganda ka sa personal" ani ni Tita Ailera dahilan para mamulang muli ang aking magkabilaang pisngi.

"S-salamat po" ani ko.

"I suspect that you and my son already did 'it' so when is the wedding?" Walang preno nitong turan.

"P-po?" Nauutal kong lintaya dito.

"Huwag ka ng mahiya, magkaka apo na ba ako? I'm so excited~" ani ni Tita Ailera at inalog alog pa ang magkabilaang balikat ko.

"Help" i mouthed kaya agad naman akong dinaluhan nila Tito Hugh at Altair.

Agarang binuhat ni Tito Hugh na parang sako si Tita Ailera at walang lingon lingong nilisan nito ang aking silid.

"We will wait at our house Kuya, freshin' up you two. It's nice to meet you Ate Savana" ani ni Alistair at umalis na rin kasabay si Hugo.

Nagkatinginan kami ni Altair at sabay napa palatak ng tawa.

"You have a weird family" i said while still laughing.

"Indeed i have and soon you'll be part of it." Ani ni Altair at pinagko ay patungong banyo.

Agad kaming naligo at nag gayak dahil kami ay tutungo sa kanilang bahay.

Pagkaraan ng ilang oras ay nakarating na nga kami sa bahay nila Altair. Malaki ito, mas malaki pa doon sa bahay bahayan ni Altair.

Agad na bumaba si Altair sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto kaya agad akong lumabas at kumapit sa nakalahad na braso nito.

"Kinakabahan ako" lintaya ko habang naglalakad kami papasok.

"Calm down, moya koroleva. They wont eat you" ani ni Altair at pinatakan ako ng isanh mabilis na halik sa labi.

Hindi na nag abala pang mag doorbell si Altair at tuloy tuloy lang na pumasok sa bahay. Ako ay napanganga sa kadahilanang halos ng mwebles doon ay kumiminang at unang tingin pa lang ay matutukoy mong mamahalin na. Gaano ba kayaman ang pamilya ng lalaking katabi ko ngayon?

"Matushka we're here!" Sigaw ni Altair at kasunod niyon ay ang mga yabag na nagmumula sa ika-dalawang palapag dahilan para mapabaling ako dito ng tingin.

And there i saw Tita Ailera, with Tito Hugh and Alistair. They all look stunning and gorgeous at the same time. Mukha silang superstars.

"Welcome to our simple adobe, Savana" masayang lintaya ni Tita Ailera at sinalubong ako ng yakap na siyang agad ko rin namang sinuklian.

"Maraming salamat po" lintaya ko at humiwalay rin agad dito.

"I am Hugh Coldwell, Altair's Father and your soon to ba father too so call me papa. Say it" lintaya ni Tito Hugh--este Papa.

"P-Papa" nauutal kong turan na siyang ikinalawak ng ngiti ni Papa Hugh.

"Hugh! You're so unfair!" Atungal ni Tita Ailera. "Call me Mama too, Savana!" Dugtong pa nito na agad ko rin namang sinunod na siyang ikinatili nito pero agad rin naman itong nahinto ng tinakpan ni Papa Hugh ang bibig nito.

"Good, i do really like you for my son." Ani nito at tinapik ang aking balikat. "This bastard right here is also my son, he's Alistair at kakauwi lang niyan" dagdag pa ni Papa Hugh at idinuro si Alistair na wala man lang kaemo-emosyon sa mukha.

"H-hi" bati ko dito at tanging tango lamang ang laging sagot nito.

Iginaya ako ni Altair papaupo sa kulay puti't mabalahibo nilang sofa at feeling ko tuloy ay nasa isa akong telenobela.

"So, kailan ang kasal?" Masayang tanong ni Mama Ailera.

Nagkatinginan naman kami ni Altair ng dahil sa sinabi nito.

"Ahm we don't have a label po" lintaya ko dahilan para mapasinghap sila Mama Ailera, Papa Hugh at Alistair.

"For real?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Alistair kaya ako ay napatango.

Natatawa naman nitong binalingan ng tingin ang Kuya niyang si Altair at tinaasan pa ito ng gitang daliri dahilan para makatanggap siya ng palo mula kay Mama Ailera.

"You're mean Alistair!" Ani ni Mama Ailera habang nagpipigil din ng tawa. "Look at your brother, iiyak na" dugtong pa nito habang naka nguso kay Altair.

"Matushka you're so mean!" Atungal ni Altair at nagsusumiksik sa aking leeg.

"Don't be such a baby, Altair. Matanda kana tapos wala parin kayong label, my god!" Lintaya ni Mama Ailera at napasapo pa ng mukha.

"moya koroleva, look she's bullying me" ani ni Altair sa akin at nag paawa pa.

Pinisil ko na lamang ang magkabilaang pisngi nito at sinabing. "Tama naman sila"

"moya koroleva! You too?!" Hindi makapaniwalang turan ni Altair at lumayo sa akin.

"What? Tama naman sila e, wala naman talaga tayong label" ani kong muli at idiniin ang dalitang 'label'

"Then let's put a label!" Ani nito.

At ako ay napatutop ng aking bibig ng ito at lumuhod at inilabas ang isang maliit na pulang box at halos ako at napaiyak ng binuksan niya iyon at tumambad sa akin ang isang singsing na may malaking dyamante sa gitna at mayroon rin itong koronang desinyo.

"Nasa akin na ang singsing na ito tatlong taon na ang nakakaraan, naalala mo ba ang nakasaad sa sulat na may sasabihin ako sayo pagbalik ko?" Ani nito kaya tumango ako. "Ito na iyon Savana, the first time i laid my eyes on you i knew you where the one. I did some crazy stuffs para mapansin mo ako and i succeed" pagpapatuloy nito.

"Savana Isla, my moya koroleva will you take me into your life once again as your husband?" Ani nito habang may nagbabadyang luha sa mga mata. "Will you marry me?" Dugtong nito na siyang ikinatigil ng pag-ikot ng aking mundo.

Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nagulat ng ganito. Hindi ko naman inaasahang to the max label ang ilalagay nito.

Am i ready to be a wife? Am i ready to take Altair in my life?

"moya koroleva answer me, kabang kaba na ako dito" ani ni Altair habang nakaluhod parin.

Tiningnan ko siyang muli at gayon din ang maliit na box na hawak nito at tumango ako ng paulit ulit habang umiiyak na rin ng hindi ko namamalayan.

"Yes! I will marry you" sagot ko habang humihikbi.

Nanginginig naman na tumayo si Altair at isinuot sa aking palasingsingan ang singsing, nakarinig naman ako ng palakpakan sa paligid at doon ko napagtantong kasama nga pala namin ang pamilya niya..

"Congratulations!" Bati ni Papa Hugh at Alistair kaya ginawaran ko sila ng ngiti.

Habang si Mama Ailera naman ay tahimik na humihikbi at nagpapaypay ng sarili habang paulit ulit na sinasabi ang katagang "I'm gonna faint".

"You will marry right?" Tanong muli ni Altair kaya tumango ako at sinapo ang mukha nito.

"Oo naman, mahal kita e" turan ko.

At dahil inaasahan ko na ang susunod ka mangyayari ay agad kong inilabas ang selpon ko at inilagay sa video.

Napuno ng sigawan ang paligid ng tuloyan ng nawalan ng malay si Altair at kasunod niyon ay ang malakas na lagabog at doon nakita ko rin si Mama Ailera na walang malay.

Mukhang alam ko na kung saan nagmana ang aking mapapangasawa.