Chapter 34 Wonder

SAVANA'S POV

Puno ng pagkamangha kong inilibot ang aking tingin sa loob ng cruise ship na aming sinasakyan. Hindi ako nakaramdam ng pagsisisi sa naging aking desisyon, kung naging duwag ako ay malabong ma-e-experience kong maka sakay sa ganito kagandang ship at nakita ko na ito sa telebisyon. Ang cruise ship na ito ay isa sa mga pinaka sikat at pinaka mahal na cruise ship sa buong mundo.

Mabuti na lang talaga't pina-iral ko ang aking utak, hindi ang aking puso.

Napahawak ako sa aking dibdib ng bahagya itong kumirot. Sariwa parin ang sugat sa aking puso dulot ng ginawa ni Altair.

Ayoko na siyang pag-usapan, lalo lang akong nasasaktan. Oras na para palayain ko ang aking sarili mula sa taong wala naman akong kasiguradohan kung babalik ba o hindi.

Kumaripas ako ng takbo pabalik sa silid na nakalaan para sa aming tatlo ng maramdaman ko ang bahagyang pag gewang ng cruise ship na aming sinasakyan, mukhang may bagyo pa yata. May balat ata ako sa pwet dahil ang malas ko sa lahat ng bagay.

"Saan ka galing?" Tanong sa akin ni Avelea na may facial mask sa mukha.

"Diyan lang sa labas nagpapa hangin" lintaya ko at naupo sa tabi nito.

"Ang ganda dito 'no?" Turam muli ni Avelea kaya ako ay tumango bilang pag sangayon.

"Oo nga e" ani ko naman at naglagay rin ng facial mask sa aking mukha.

"Naku masanay na kayo, hindi lang ito ang masaskyan niyo. Makaka sakay rin kayo ng eroplano lalo na kapag may break, may free tour sa ibang bansa na umaabot ng isang linggo" lintaya naman ni Charise na ikina tili namin ni Avelea.

Sino ba namang hindi titili sa free tour? Gaano ba kayaman ang may ari ng club na pinag t-trabahoan ni Charise at free lang ang lahat? Huwag naman sanang sindikato.

"Alam ko ang mukha na iyan, Savana. Huwag kang mag alala hindi sindikato ang boss ko" ani ni Charise kaya kumalma ako.

"Nakita mo na ba ang boss mo?" Tanong naman ni Avelea na aking ikina-tango.

"Hindi pa" turan ni Charise dahilan para malaglag ako mula sa aking kinauupoan.

Tiningnan ko siya habang nanlalaki ang mga mata pero ang gaga ay tumawa lang at iniwanan kaming dalawa ni Avelea.

"Aba gago 'yon ah?" Palatak ni Avelea na aking ikina tawa.

"Huwag kang maniwala doon paniguradong nakita na niya ang boss niya, ang tagal na kaya nyang nag t-trabaho don" ani ko naman at nag hilamos na.

"Sabagay may point ka" ani naman ni Avelea at humalakhak pa.

May saltik talaga itong kaibigan ko.

Isang katok mula sa pinto ang nagpatigil sa harotan namin ni Avelea, kunot noo naman kaming nag tungo doon at agad itong binuksan at doon tumambad sa amin ang driver ng van.

"Hello" bati nito.

"Hello din" bati namin pabalik ni Avelea.

"Ako nga pala si Loui at pinapasundo kayo sa akin ni Charise" ani nito at hindi nakaligtas sa aking paningin ang bahagyang pag ningning ng mga mata nito ng sinambit ang pangalan ni Charise.

Napangisi naman ako ng dahil don.

"Crush mo si Charise 'no?" Walang preno kong tanong na ikina-pula nito kaya sabay kaming napatawa ni Avelea.

Tama nga ako, ang haba naman ng hair ng kaibigan kong iyon.

"H-hindi!" Nauutal na turan ni Loui.

"Ahh, baka naman kasi mahal mo" segunda pa ni Avelea at nag apir pa kaming dalawa habang tumatawa ngunit kami ay napahinto ng makita si Charise na masama ang tingin sa amin.

Nasa likod na pala ito ni Loui at ngayon ko lang namalayan.

"Ano sa palagay nyo ang ginagawa nyo?" Taas kilay nitong tanong sa amin dahilan para mapayuko kaming dalawa ni Avelea.

"Si Avelea ang nagsimula" turan ko at ngumisi ng bahagya.

"Oo, ako nga..." Ani ni Avelea at bigla itong napaayos ng tayo at kunurot ako sa tagiliran kaya ako napa ngiwi. "Anong ako?! Ikaw 'yon!" Dugtong pa nito.

"Mag tigil kayong dalawa!" Singhal sa amin ni Charise kaya muli kaming napayuko.

Nakakatakot.

"Sorry na" sabay naming sambit ni Avelea.

"Loui, talk." Mariing turan ni Charise.

"They're just teasing me, iyon lang" ani naman ni Loui kaya napa ingos kami ni Avelea.

Sumbongero.

"Anong sinabi sayo ng dalawa?" Muling tanong ni Charise kay Loui.

Tumikhim si Loui ay sinabing. "A-ahm, c-crush daw kita" nauutal na turan ni Loui at muntik na kaming mapahalakhak ni Avelea ng dahil doon.

Nautal pa nga.

"Oh bakit? Totoo naman ah?" Ani ni Charise dahilan para mapa-angat kami ng ulo ni Avelea at doon nakita namin si Loui na halos kasing pula na ng kamatis.

"Wow ah! Diyan na nga kayo" ani ni Loui at iniwanan na kaming tatlo.

Nagkatinginan pa kami at sabay sabay na natawa ng malakas.

Agad akong huminto at sunod sunod na sinundot ang tagiliran nito at sunod sunod naman itong napa-igtad ng dahil don.

"Ikaw ah, may Loui kana pala uyyyy~" pang aasar ko dito.

Inismiran ako nito at inikotan ng mata.

"Tigilan mo ako Savana!" Singhal nito pero hindi ko iyon pinansin at patuloy parin sa pang-aasar dito.

"Isa!" Ani ni Charise na nanggigigil na.

"Dalawa, tatlo!" Pamimilosopo ko dito at ngumisi pa.

"What if may bago ni si Altair" biglang turan nito na siyang ikina-tahimik ko.

Para akong binuhosan ng malamig na tubig ng dahil sa sinabi nito. Ang mga ala-alang pilit kong nilimot ay bumabalik na naman sa aking utak.

Lumayo ako sa mga ito at nagpadala na lamang sa aking mga paa kung saang lupalop man ako nito ipunta. Nahinto ako sa top deck ng cruise ship na aming sinasakyan, hindi ko rin alam kung paano ako nakatating dito ngunit ako ay napakalma ng magandang tanawin na aking nakikita.

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa aking mukha, niyakap ko ang aking sarili at tumingala.

"Mag gagabi na pala..." Turan ko habang naka tingin sa langit.

Napakapit ako sa railing ng cruise ship at mahinang umawit.

Feel ko mag drama ngayon, at saka isa pa feeling ko ako si Rose ng titanic at ang kulang na lang ay si Jack.

"Miss, magpapakamatay ka ba?" Ani ng tinig sa aking likuran na siyang aking ikina-igtad.

Hawak hawak ko ang aking dibdib at humarap ako dito habang nanlilisik ang mga mata.

"Ikaw papatay sa'kin e!" Singhal ko dito.

"Excuse me?" Turan nito habang nakataas ang kilay.

"Makakadaan ka na" pamimilosopo ko pa.

"Do you know who i am?" Tanong nito sa akin.

"Hindi. At wala akong balak na kilalanin ka" ani ko at tinalikuran ito.

Nakakairita, masaya na sana ako kaso may umepal pang damuho. Bakit kaya ang daming epal sa mundo?

Pagkabalik ko sa aming silid ay sumalubong sa akin ang naka ngusong sina Charise at Avelea. Tiningnan ko ang mga ito at pinaningkitan ng mata.

"Bakit?" Taas kilay kong tanong.

"Hindi namin nakita si Parallax" sabay nilang tugon.

"Parallax who?" Kunot noo kong tanong.

"Girl taga bundok ka ba? Si Parallax! Iyong hot hunk fire fighter!!" Singhal ni Charise at nag paypay pa ng mukha.

"Oh anong gagawin ko sa kaniya?" Ani ko at naupo sa kama.

"Wala!" Ani naman ni Avelea.

"Oh, wala naman pala e" turan ko at kinain ang cookies na nasa ibabaw ng bedside table.

"E ikaw, bakit ka na naman naka busangot? At sorry nga pala kanina" ani ni Charise at niyakap ako.

Sinuklian ko naman ang yakap nito at nginitian ito ng matamis. "Wala iyon" ani ko at uminom ng tubig. "May epal kasi sa upper deck, gwapo sana kaso panget ng ugali" dugtong ko pa dahilan para lumapit ng husto sa akin ang dalawa.

Iba talaga ang epekto ng salitang "gwapo" sa dalawang kaibigan ko.

"Anong itsura?" Sabay nilang tanong.

"Ano nga ba? Hmmm..." Ani ko at pilit na inaalala ang itsura ng lalaking nakasagotan ko kanina.

"Ano girl? Bilis!!!" Pangungulit ni Charise.

Napabuntong hininga naman ako at sinabing.

"Mukha siyang tao" seryosong turan ko na ikina-bagsak ng mga panga nito.

"SAVANA NGA!" atungal nila Charise at Avelea na siyang aking ikina-tawa.

"Kalma kalma, ito na nga e" ani ko at tumikhim. "Hmm, matangkad, itim na itim ang buhok tapos hazel ang kulay ng mga mata" dugtong ko pa.

Nagkatinginan naman ang dalawa at sabay na tumili.

"Gaga ka si Parallax nga iyon!" Ani ni Charise at inalog alog ako.

"Sana lahat, Savana!!!" Ani naman ni Avelea at nag paypay pa ng mukha.

Hindi ko na lamang pinansin ang mga ito at nahiga na sa kama. Kailangan ko ng energy bukas, at dapat maganda rin ako sa harapan ng manager namin para sa gayon ay mapili ako agad, at sana talaga walang height requirements.

Bahala na si batman.

KINABUKASAN ay sinalubong kami ng isang babaeng sa palagay ko ay 5'6 ang height, maganda ito at may salamin sa mata. Agad itong kumapit sa amin at niyakap nito si Charise.

"Welcome back, Cha" turan nito at pinakawalan na muka sa pagkaka yakap si Charise.

"Thank you manager" ani naman ni Charise kaya nagkatinginan kami ni Avelea.

So ito pala ang magiging manager namin, mabuti na lang at babae ito at mukha ring mabait.

"Ano ka ba Cha, sabing Quiiniy na lang e" ani nito at pabiro pang hinampas si Charise sa braso.

Tumikhim naman ako dahilan para mapabaling ang tingin nito sa amin. Gumuhit ang pagkalito ang pagkamangha sa mukha nito habang titig na titig sa akin.

"Kapatid mo?" Tanong nito kay Charise.

"Hindi Quiiniy, sila iyong sinasabi kong mag aapply bilang stripper sa club" turan naman ni Charise.

"Ahh, okay." Ani ni Quiiniy at binalingan ako ng tingin. "Hindi kana naman bata diba?" Tanong nito kaya agad naman akong tumango.

"Then good, pwede na kayong mag start bukas ng gabi. Charise already explained to me your situation kaya huwag kang mag-alala, safe ka sa club ms?" Mahabang turan nito habang naka lahad amg kamay.

"Savana--Savana Isla" turan ko at tinanggap ang naka lahad na kamay nito.

"Ako naman si Avelea" turan naman ni Avelea at nakipag kamay kat Quiiniy.

"Let's all talk to my office, but for now pahinga muna kayo sa assigned condo sa inyo and then at eight o'clock in the evening make sure na makaka punta kayo sa office ko kung hindi ay tatanggalin ko kaagad kayo." Mahaba nitong lintaya at sabay naman kaming napatango ni Avelea ng dahil doon.

"Good, si Charise na ang bahala sa inyo. Don't be late okay? Bye!" Ani nitong muli at iniwanan na kaming tatlo.

Hinarap ko si Charise dahil medyo nagugulohan ako. "Ano ang tinutukoy ni Ms. Quiiniy na condo?" Tanong ko.

"Oh, hindi ko ba nasabi? Kada isang stripper ay mayroong sariling condo for free galing kay boss kaya bawal tanggihan and it's just dew blocks away. Kaya ano pa ang inaantay nyo? Arat na ng makapag paginga. Mahirap ng maging late" magabang lintaya ni Charise at nag lakad na kaya agad namin siyang sinundan ni Avelea.

Pagkaraan ng ilang minutong paglakad ay huminto kami sa isang building na may sampung palapag. Nakaka lilyo itong tingnan pero hindi maipagkakailang maganda ito.

Agad kaming inasekaso ng attendant roon at ibinigay sa amin ang susi ng aming silid. Agad naman namin iyong tinanggap ni Avelea at agad na nag tungo sa aming silid at umidlip.

Pagtungtong ng alas otso ng gabi ay agad kaming nag gayak at nagtungo sa opisina ni Ms. Quiiniy, malawak ang opisina nito at maganda ang pagkaka desinyo at halata ring mamahalin ang mga mwebles na naroroon.

"Hi po Ms. Quiiniy" sabay naming bati ni Avelea dito.

"Hello, Quiiniy na lang." Ani nito at ginawaran kami ng ngiti. "Maaari na kayong mag hubad" dugtong pa nito kata napa tingin kami kay Charise na katabi nito na kanina pa kami chini-cheer.

Dahan dahan kong hinubad ang suot kong dilaw na damit at fitted jeans, ang natitirang saplot na lamang sa aking katawan ay ang terno kong kulay lilang panty at bra. Pulang pula ang aking mukha ng dahil sa pag titig nitong ginagawa.

Nakita ko ang pag tango tango nito at muli kaming nginitian.

"Now move your waist sexily" utos nitong muli na siyang aming sinunod.

Mabuti na lamang at malambot ang aking katawan.

Pumalakpak naman si Quiiniy at tumili at dinamba kami ni Avelea ng yakap.

"Oh my god! You're all good" turan ni Quiiniy at humiwalay na sa amin.

Ngumiti naman ako ng alanganin dito at napakamot pa ng ulo.

"S-salamat" turan ko at isinuot na ang mga damit kong aking hinubad.

"Then i'll give you two a code name kagaya kay Charise" turan nito at dinuro pa si Charise.

"Ano ang code name niya Ms?" Tanong ni Avelea dito.

"Charise is known as Race and she wore yellow mask on her face" masayang lintaya ni Quiiniy. "And you Avelea will be light and you will wear a blue mask" dugtong nito at inabot kay Avelea ang kulay asul na maskara na agad naman nitong tinanggap.

Bumaling ito ng tingin sa akin at nginitian ako ng malawak. "And you, Savana my dear will be Summer and you will wear the golden mask" turan nito at inabot sa akin ang kulay gintong maskara na agad ko rin namang tinanggap.

Summer.

That's my stripper name.