Chapter 33 New
SAVANA'S POV
Dumating na nga ang araw na naka takda. Agad akong nag impake at dinala ang larawan ng aking mga magulang. Balak ko na ring ibenta itong bahay tutal mukhang hindi na rin naman na ako makaka balik dito. Sa Maynila na lang ako mamumuhay, mag aaral at bubuo ng pamilya.
Ang bahay na ito ay maraming ala-ala ngunit kailangan ko na itong pakawalan para maka laya. Bubuo na lang ulit ako ng mga bagong ala-ala kasama ang mga bago kong makikilala saka kahit naman ibenta ko ito ay mananatili ang mga ala-alang iyon sa aking puso at paniguradong maiintindihan naman ako ng aking mga magulang.
Pagka tapos kong mag impake ay agad akong lumabas ng aking bahay at sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko ito. Agad kong pinunasan ang luhang lumandas sa aking mga pisngi at mapait na napa ngiti. Oras na para harapin ang katotohanan. Oras na para sumugal para sa aking kinabukasan.
Maraming nalungkot sa ginawa kong desisyon na lumisan, kahit si Guryo ay umiyak ng malamang aalis na ako ng tuloyan. Pinilit kong huwag umiyak pero hindi ko nag wagi. Kahit na ganon sila sa akin ay may espisyal silang lugar sa puso ko.
Dinaanan ko si Avelea na ngayon ay may magang mata. Pilit ko mang pigilan ang aking sarili na huwag matawa ay may kumawala parin talaga.
"Bakit ka tumatawa?" Sumisinghot singhot na na tanong sa akin ni Avelea.
Tumikhim ako at huminga ng malalim at sinabing.
"Pa'no ba naman kasi, pulang pula at magang maga ang mga mata mo" turan ko at dinuro pa ang mata nito.
"Maganda parin naman ako kahit maga mata ko" ani pa ni Avelea at nag peace sign pose pa.
Napailing na lamang ako ng dahil sa kalokohan nito. Sabay kaming huminto sa tapat ng bahay ni Charise at wala pang ilang minuto ay lumabas ito at kagaya ng reaksyon ko pinag tawanan rin nito ang magang mata ni Avelea.
"Tanginang mata iyan maga!" Natatawang turan ni Charise at hinampas hampas pa ang braso ni Avelea na siyang ikina busangot nito.
"Mapanakit ka Charise" ani ni Avelea habang naka nguso.
Huminto naman si Charise at kinalma ang kaniyang sarili bago kami hinarap muli.
"Pinal na ba ang desisyon nyo?" Tanong ni Charise at sabay naman kaming tumango ni Avelea bing tugon.
"Oo, final na wala ng atrasan 'to" seryosong turan ko.
"Paano si Altair?" Tanong ni Charise ka siyang ikinasama ng timpla ko.
"Maaari bang huwag na natin pag-usapan ang taong wala? At saka isa pa, wala siyang kinalaman sa desisyon ko. Una pa lang gusto ko ng pasokin ang trabaho mo dahil gusto kong umangat sa buhay at makapag tapos" mahaba kong lintaya na siyang ikina buntong hininga nito.
"Pero pano kung bumalik siya?" Tanong muli ni Charise.
Tiningnan ko siya ng walang buhay at ngumiti ng mapait. "Huli na ang lahat, buo na ang desisyon ko" ani ko at nauna ng sumakay sa van na mag sisilbing service namin papuntang Maynila.
Sabi ni Charise ay libre iyon at walang bayad kaya mas lalo akong na inganyo na magtraho. Pagkaraan ng ilang sigundo ay pumasok na rin sa van sila Avelea at Charise. Nginitian ko sila ng bahagya at umidlip, tutal matagal naman ang byahe kaya matutulog na muna ako.
---
CHARISE'S POV
Taimtim kong pinagmamasdan ang mahimbing na natutulog na si Savana, mukhang sumama ang loob nito ng dahil sa sinabi ko.
Hindi ko naman iyon sinadadya, ako ay naninigurado lamang na buo ang desisyon nito at saka alam kong mahal nito si Altair na kailan niya lang nakilala. Iba talaga pag pinana ni kupido, wala kang takas kahit na ano pa ang gawin mo.
Sa kabilang dako naman ay tiningnan ko si Avelea na kagaya ni Savana ay tulog na rin, hindi ko parin mapigilang matawa ng dahil sa mga mata nitong magang maga. Kung totoosin ay hindi naman nito kailangang mag trabaho at sumama sa aming dalawa ni Savana dahil maayos naman ang buhay nito at ang papa nito ay may kaya pero heto siya ngayon kasama namin papuntang maynila.
"Sino iyan Charise Bagong salta?" Tanong ng assigned driver ng van na si Loui.
Tiningnan ko naman siya at bahagyang tumango. "Oo, sila ay mga kaibigan ko" turan ko.
"Alam ba nila kung anong klaseng trabaho ang papasokan nila?" Tanong nitong muli at bakas sa boses nito ang pag aalala.
"Oo naman, ipinaliwanag ko sa kanila kung anong klaseng trabaho ang meron ako at saka isa pa, safe naman sa club at lahat ay private" turan ko naman at tinext si si Quiiniy ang assigned manager sa Fetish Club.
Si Quiiniy ay ang pinagkakatiwalaan ng boss namin na kahit ako ay hindi ko pa nalakikita pero ang sabi sa amin ni Ms. Quiiniy ay nasa loob lamang ito ng club at nag mamasid. Mabait din daw ito kaya huwag daw kaming mag-alala.
At totoo nga, sa tagal kong nag t-trabaho sa club ay ni minsan ay hindi pa ako napahamak. Ang siguridad namin ay super secure dahil kada stripper ay mayroong assigned shadow guard, at mahigpit na ipinag babawal sa club ang pamimilit ng stripper at ang sahod na matatanggap mo ay triple pa sa sagod ng mga regular na nag t-trabaho, hindi pa kasama ang tip dyan at incentives mo. Ang pinaka mataas na perang natanggap ko mula sa club ay umaabot ng mahigit isang milyon sa isang linggo, at lahat ng kita ko ay itinatago ko sa isang personal na dahilan na kahit mga magulang ko ay hindi alam.
"Umidlip kana muna Charise, malayo layo pa tayo" lintaya ni Loui habang nag mamaneho.
"Ano ka ba Loui, sanay na ako" turan ko pa at bahagyang hinampas ito sa braso.
"Oo na, oo na" natatawang ani nito at bahagya akong tiningnan.
Si Loui ay ang aking masugid na manliligaw, may itsura ito at mabait ang kaso lamang ay wala pa iyon sa aking isip.
"Baka ma-kasohan at ma-DSWD tayo niyan Charise" ani ni Loui na siyang ikina-kunot ko ng noo.
"Huh?" Maang kong tanong dito.
"Bata iyan diba? Iyang nasa gilid mo" ani nito at napatawa na lamang ako ng malakas ng marealize na si Savana ang tinutukoy nito.
"Naku Loui, hindi na iyan bata kung gising lang iyan paniguradong naka tanggap kana ng isang malutong na sampal" lintaya ko at inayos ang puwesto ni Savana.
"Mukha siyang bata, pasensya naman" ani muli ni Loui habang marahang nag mamaneho papasok sa isang malaking barko.
Agad kong ginising sila Savana at naka tanggap pa ako ng isang sipa mula kay Avelea, jusko naman talaga.
"Nasaan tayo?" Tanong ni Savana habang nag kukusot ng mata.
Ang cuteeee mukha talaga siyang bata.
"Nasa cruise ship tayo na pag mamay-ari rin ng boss ko" ani ko naman at ginaya sila papalabas ng van.
Kitang kita ko ang pagkamangha sa mga mata ng aking mga kaibigan hindi naman talaga maipagkakailang napaka ganda ng cruise na kanilang sinasakyan. Agad kaming dinaluhan ng isang cruise attendant at inihatid kami nito sa aming magiging silid.
"Oh siya, kumain na muna tayo at magpahinga. Bukas pa tayo makakapunta ng maynila" ani ko sa mga ito at agad na nag tungo sa banyo para gawin ang ritwal ko.
Sana ay maging maayos lang ang lahat at walang magbabago sa samahan naming tatlo.
At saka maghilom na ang sugat sa puso ng kaibigan kong si Savana.