Chapter 35 He’s Back

SAVANA'S POV

Tatlong taon.

Tatlong taon na ang nakakaraan magbuhat ng naging isa akong stripper. Noong una ang naiilang ako sa klase ng trabahong meron ako pero nang dahil sa trabahong ito ay pagraduate na ako sa kursong napili ko. So far wala pa namang nambabastos sa akin at tama nga sila Charise at Quiiniy, safe kaming mga stripper sa club na ito.

Tatlong taon ko na rin na master ang pagpepeke ng emosyon, ekspresyon gayon din ng boses. So far wala pa namang nakaka kilala sa tunay na pagkatao ko at tatlong taon na rin ang nakakaraan mag buhat ng iwanan ko ng lalaking iyon.

Agad kong iwinaksi sa aking isipan ang imahe niyang namumuo.

Ano 'yon Savana hindi parin moved on?

Napa-ikot na lamang ako ng aking mga mata at muling tiningnan ang aking sarili sa harap ng salamin. Ang mukha ko ay punong puno ng kolorete, ang labi ko ay pulang pula rin at ang suot kong bunny outfit ay nag niningning.

It looks cute on me at paniguradong magugustohan rin ito ng manonood sa akin.

Agad akong tumayo ng narinig kong tinawag na ang aking pangalan. Agad kong dinampot ang kulay ginto kong maskara at agad ko itong isinuot sa aking mukha.

It's time to go and work for some penny.

Pagka tungtong na pagka tungtong ko sa stage ay sinalubong agad ako ng nakakabinging hiyawan ng mga lalaking naroroon. Nadirinig ko rin ang pag sigaw nila sa aking stripper name. Kasabay ng pag tugtog ng musika ay ang pag galaw ng aking katawan. Marahan kong iginiling ang aking bewang habang may naka plastar na nakaka-akit na ngiti sa labi.

"Summer you're so hot!"

"Magkano ka sa isang gabi, Summer?!"

"Igiling mo pa Summer!"

"You have a cute little boobs Summer!"

Ilan lamang iyan sa mga sigawang aking naririnig at patuloy parin sa pagsayaw. Naramdaman kong may nakamasid sa akin ngunit hindi ko na lamang iyon binigyan ng pansin, sana'y na ako sa mga ganong klase ng tingin.

"Strip! Strip! Strip!"

Iyan ang naririnig kong sigaw sa paligid. Kasabay ng kanilang pag sigaw ay ang dahan dahan kong paghubad habang marahan paring umiindayog ang aking bewang.

Sumilay ang kakaibang ngisi sa aking labi ng makita ang pagnanasa sa kanilang mga mata. Naka bra't panty na lang ako, ito ay kulay ginto at lace pa.

I continued dancing sexily whilr biting my lower lip. One male audience ang lumapit sa kinaroroonan ko at inipitan ng pera ang aking suot na boots at marahan pang hinimas nito ang aking binti.

Well, sanay na naman ako doon but this time it feels so weird ng dahil sa matang nakatitig parin sa akin. Pasimple kong binalingan ang kanina pang nakamasid sa akin and my jaw dropped when i see him there standing and seriously watching my every move.

I saw him walk towards me and my heart skipped a beat when out eyes met. Nagtagis ang baggang nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Aalis na sana ako dahil tapos na ang aking pagsasayaw ng bigla itong sumampa sa intablado at galit nitong hinapit ang bewang ko na siyang aking ikina-singhap.

"B-bitawan mo ako" nauutal kong saad habang pilit na kumakawala mula sa mapang aking hawak nito.

"I knew it." Mariing turan nito habang titig na titig parin sa'kin.

"Pare umalis ka dyan!" Sigaw ng kung sino man mula sa mga nanonood na sinundan pa ng atungal ng iba. Pero ang lalaking nasa harapan ko ay para bang walang naririnig.

Nakita ko ang pag akyat ni Ms. Quiiniy sa intablado at lumapit ito sa kinaroroonan namin ngayon ni Altair... Oo, si Altair ang lalaking kanina pa naka masid sa akin at ngayon ay halos hindi na ako pakawalan.

"Sir maaari nyo po bang bitawan si Summer?" Turan ni Ms. Quiiniy dahilan para humarap dito si Altair, kitang kita ko ang pag balatay ng gulat sa mukha ng aming manager at ang bahagya rin nitong pag yukod habang naka tingin kay Altair. "I-ikaw ho pala" dugtong pa ni Ms. Quiiniy.

"Yeah. It's me and tell me where the fuck your boss is." Mariing turan ni Altair at isinuot sa akin ang denim jacket nito na nagmukhang bistida ng dahil sa liit ko.

"H-hindi ko po alam" nauutal na turan ni Ms. Quiiniy at binalingan ako ng tingin. May pag tatanong sa mga mata nito kaya ngumiti na lamang ako at bahagyang umiling.

"Tell me where the fuck he is. Or else." Turan ni Altair na may halong pag babanta.

Magsasalita na sana si Quiiniy ng biglang sumulpot sa likod nito si Hugo habang may malawak na ngiti at ako ay lubos na nagugulohan.

"Ano iyon pinsan?" Naka ngiting tanong ni Hugo kay Altair na ngayon ay mas madilim na ang ekspresyon nito sa mukha.

"Ano ang ginagawa ni Savana dito?" Seryosong tanong ni Altair kay Hugo dahilan para mapabaling ang tingin nito sa akin.

Bumalatay naman sa asul nitong mga mata ang gulat at napatutop pa ito ng kaniyang bibig.

"Hindi ko rin alam" ani ni Hugo at nag tago sa likod ni Ms. Quiiniy.

"Really?" Malamig na tanong ni Altait at sinubsob ako sa kaniyang dibdib.

"Oo nga pinsan! Kakauwi ko lang rin kagaya mo" aligagang turan ni Hugo.

Naramdaman ko ang bahagya kong pag lutang dahilan para mapakapit ako sa leeg ni Altair.

"Just make sure Hugo dahil kong hindi kalimutan mo ng magka dugo tayo. I will surely ruin you and beat your ass off" seryosong turan ni Altair at nagsimula ng lakad.

Napuno ng katahimikan ang loob ng club ng dahil sa nangyaring kumosyon.

"Wait man!" Sigaw ni Hugo.

"What do you need?" Walang ganang turan ni Altair.

"Savana is still my club stripper so let go of her" ani muli ni Hugo na siyang aking pinagpa salamat.

Ibinaba ako ni Altair at nanglaki ang aking mga mata ng walang pasabi nitong sinuntok si Hugo sa mukha. Hindi lang isa, dalawa kundi tatlong beses niya itong ginawa.

Lahat ng naroroon sa loob ng ay napasinghap ng dahil sa ginawa nito kabilang na ako. Nanginginig ako sa takot at nanlalambot ang aking mga binti ng dahil sa dilim ng awra ni Altair but i gather up myself at lumapit kay Altair. Hinawakan ko ito sa braso at pilit itong pinapatigil.

"Altair tama na" turan ko.

Kunting kunti na lang ay iiyak na ako.

"No! moya koroleva. I am going to kill this bastard cousin of mine." Seryoso nitong saad.

Tumayo akong muli at napailing. Mukhang hindi naman ito makikinig kaya aalis na lamang ako.

Naglakad ako papalabas ng club hanggang sa makarating ako sa parking lot.

Uuwi na lang siguro ako. Hindi ko rin alam kung may trabaho pa akong babalikan pagka tapos ng nangyari dito.

"Wait up Savana!" Sigaw ng kung sino man sa likoran ko at base sa boses nito ay si Altair iyon kaya mas binilisan ko ang aking paglalakad at ako ay napasinghap ng may humablot sa aking braso dahilan para ako ay mapatigil at mapaharap sa may gawa nito.

"moya koroleva..." Malambing nitong turan at inalis ang maskarang suot ko.

Agad akong nag iwas ng tingin dito at tumikhim.

"Anong kailangan mo?" Walang gana kong tanong.

"Look at me please?" Lintaya ni Altair at sinapo ang aking mukha.

"Anong kailangan mo?" Muli kong tanong.

"I miss you." Turan naman nito na aking ikina-ingos.

I miss you ampota.

"Yeah then? Pigs can fly" walang gana kong sabi.

"Don't you miss me?" Tanong nito dahilan para ako ay mapatawa.

"Wow naman Altair parang walang nangyari ah?" Ani ko habang nag pipigil ng hikbi. "Parang hindi mo ako iniwan ng tatlong taon ah? na tanging nota lang ang iniwan tapos ni minsan hindi ka man lang nagparamdam. Tapos ngayon bigla ka na lang susulpot at manununtok, paano kung wala na akong trabaho kinabukasan? Huh? Paano? Pwede bang hayaan mo na lang ako? Just pretend that you didn't see me here stripping just for some fucking penny" ani ko habang lumuluha.

Kita ko ang awa at sakit sa mga mata nito kaya napatawa ako ng pagak.

"Hindi ko kailangan ng awa mo. Bitawan mo ako" turan ko.

"No. I won't ever let you go moya koroleva. I did come back kaso lang wala kana doon" turan naman nito.

"Sinungaling ka. Hindi mo ako hinanap, ang tagal kong nag hintay Altair. Ang tagal" ani ko at buong lakas ko itong itinulak.

Agad akong kumaripas ng takbo at pumara ng taxi at doon ay tahimik na umiyak.

Bakit ngayon lang siya nagpakita? Bakit ngayon pa kung kailan ang dumi dumi ko na?

I do still love him but hindi na kami pwede, bayaran ako at madumi.