Chapter 24

Natutulog si Anna nang bigla niyang maramdaman ang isang mabibining halik sa kaniyang leeg. Nakikiliti siya sa paraan ng paghalik nito, umungol siya sa isiping panaginip lamang iyon. Ngunit napalakas ang pag-ungol niya nang maramdaman na ang nipple na niya ang hinahalikan ng kung sino man.

Kaagad nagmulat ng mga mata si Anna upang alamin kung sino ang salarin, at ang kaniyang nakita ay walang iba kundi si Brett. Nakadagan sa ibabaw niya ang binata at sinususo isang utong niya.

Sa hindi malamang kadahilanan. ay napahawak si Anna sa buhok ng binata upang lalo pa itong isubsob sa kaniyang dibdib.

"Hmmm..." ungol niya habang nakakapit sa buhok ng binata. Saglit binitawan ni Brett ang kaniyang utong at tiningnan siya sa mga mata. Nakita ni Anna ang nag-a-alab na damdamin ng binata sa mga mata nito.

"You like it?" tanong nito sa kaniya. Wala sa loob na napatango si Anna.

Ngumiti si Brett at muling ipinagpatuloy ang ginagawa.

Ang isang utong niya ay nasa bibig nito, habang ang isa ay minamasahe nito.

At nang magsawa si Brett ay unti-unti itong bumaba, hanggang sa marating nito ang gitnang bahagi ng hita niya.

Napasinghap si Anna at nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil sa kiliting dulot ng hininga ni Brett na tumatama sa pagkababae niya.

Nang simulan nitong halikan ang maselang parte na iyon ay nanlambot ang mga tuhod ni Anna.

"Ohh!" malakas na ungol ni Anna nang sundan pa iyon ni Brett ng dalawang daliri.

Halos tumirik ang mga mata niya sa kakaibang sarap na dulot niyon, hanggang sa manginig ang buong katawan niya ng marating ang kakaibang sarap.

Hinihingal siyang napatitig sa binata na ngayon ay pinoposisyon na ang kahabaan sa basa niyang pagkababae.

"Anna... don't leave us." anito.

Napatango si Anna at kasunod niyon ay ang sunod-sunod na paglabas-masok ni Brett sa loob niya.

Hindi na mabilang ni Anna kung ilang beses siyang inangkin ni Brett, hindi rin niya alam kung ilang oras sila sa pakikiniig. Namalayan na lang ni Anna ang orasan ng lumabas na ng silid niya si Brett, at naiwan siyang nakakumot na lang. Doon na niya naisip na tingnan ang orasan, at pasado alas dos na ng umaga.

Bumangon si Anna at tinungo ang banyo para maligo. At habang nagsasabon ng katawan ay naalala niya ang mainit na pinagsaluhan nila ng binata kanina lang. Gusto sana niyang makatabi ito sa pagtulog, pero hindi na siya nakapagsalita ng bumangon ito matapos siyang kumutan at tinungo ang pinto palabas.

Nasaktan siya sa inakto ni Brett, parang ang dating niyon sa kaniya ay ginamit lang siya pagkatapos ay iniwan.

Bumalik sa higaan si Anna at pinilit na matulog, pero ayaw siyang dalawin ng antok. Kaya ang ginawa niya ay kahit na madilim pa ay bumaba siya at dumiretso sa kusina. Nagtimpla siya ng kape at balak niyang sa hardin iyon dalhin nang makasalubong niya sa pasilyo ng kusina si Carol.

Ang babae ay nakasuot lamang ng roba at nakapusod ang buhok. Nang makita siya nito ay nagulat pa ito.

"Oh, Anna, what are doing here? Masyado pang maaga ah." wika nito na medyo nabalisa pa. Nangunot ang noo ni Anna sa inakto nito. Hindi naman siya nito sinungitan pero kapansin-pansin ang pagkabalisa nito.

"Ah, Ma'am hindi po kasi ako makatulog kaya naisipan kong magkape na lang." nahihiya niyang pahayag rito.

"Gano'n ba? Can I join you?"

"Po?" gulat na ulit ni Anna sa tanong ni Carol.

"Kako, puwede ba akong magkape rin kasama mo? Mukhang sa hardin ang punta mo e, kaya isama mo na rin ako." saad nito. Pumasok ito sa kusina at kaagad nagtimpla ng sariling kape.

Habang si Anna ay nakatitig lang sa amo. Hinintay niya ito hanggang sa matapos magtimpla ng kape si Carol.

"Tara." Hinawakan ni Carol ang braso ni Anna at hinila ito. Nagpahila na lang din si Anna hanggang sa makarating sila sa hardin.

Medyo madilim pa ang paligid dahil mag-a-alas kuwatro palang ng umaga.

Naupo sila sa isang upuan roon at tahimik na nagsimsim kape.

Dahil madaling araw palang ay malamig pa ang simoy ng hangin.

"So, Anna, ilang taon ka na?" napaangat ng tingin si Anna nang magtanong si Carol.

"Twenty-four, Ma'am."

Tumango-tango si Carol. "Matanda ako sayo ng six years."

Napaisip naman si Anna kung para saan ang tanong ng amo niya. Pero natutuwa rin siya dahil hindi na siya nito sinusungitan.

"Single?" tanong pa nito.

"Opo."

Hinigop muna ni Anna ang kape niya dahil pakiramdam niya ay natutuyot na ang lalamunan niya.

"Ikaw, Anna. Hindi mo ba ako tatanongin kung bakit buhay ako samantalang ang pagkakaalam ng lahat ay namatay ako sa isang aksidente?" seryusong tanong ni Carol kay Anna.

Hindi nakasagot si Anna. Nanatiling tikom ang bibig niya.

"Hindi mo ba ako tatanongin kung bakit hindi ko sinipot si Brett sa araw ng kasal namin?" dagdag na tanong pa ni Carol. Mababakas sa tono ng dalaga ang kaseryusuhan sa tanong nito.

"W-Wala po ako sa lugar para magtanong ng ganiyan, Ma'am." pagsagot ni Anna.

Napatingin si Anna sa babae nang ilapag nito ang kape sa ibabaw ng lamesa, kapagkuwan ay tumayo ito at tumingin sa kawalan.

"Mabuti ka pa at hindi mo iyon naisipan itanong sa akin. Samantang iyong iba diyan ay halos magkandarapa mabigyan ko lang statement kung bakit pineke ko ang pagkamatay ko." Humarap ito sa kaniya at gano'n na lang ang awa na naramdaman ni Anna para sa babaeng amo nang makitang tumutulo na ang mga luha sa kulay brown nitong mga mata.

"All these years ay napagod ako sa kakatago, Anna. All I want is to be happy with the man I loved... pero kahit na nagpakalayo-layo na kami ay hindi pa rin ako matahimik. Hindi pa rin ako masaya. Hindi ako free kung saan ko man gustong pumunta. I'm tired of hiding, Anna. Kaya mabuti na rin at may nakatuklas na buhay ako, atleast now ay unti-unti kong haharapin ang mga tinalikuran ko noon. Especially, Brett and Paolo." Tahimik lang si Anna habang nakikinig sa mahabang litanya ni Carol.

Noon niya lang nalaman na iniwan pala nito si Brett dahil sumama ito sa ibang lalaki. Pero wala siya sa lugar para husgahan ito.

"Huhusgahan mo rin ba ako, Anna?"

"Wala po ako sa lugar para husgahan ka, Ma'am." nakangiti na tugon ni Anna.

Ngumiti rin sa kaniya si Carol. Muli itong naupo sa silya at sinimsim ang kape.

"You know, Anna, you're beautiful pero sa tingin ko ay kulang ka lang sa ayos. Gusto mo bang sumama sa akin mamaya?" kapagkuwan ay wika ni Carol.

Alanganin naman na sumagot si Anna. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang umayos ang trato nito sa kaniya.

"S-Saan po pupunta, Ma'am?"

"Sa salon. Sama ka sa akin para na rin makalabas ako. Hindi kasi ako basta-basta makakalabas dito kung ako lang. Mahigpit si Brett sa akin." malungkot nitong sagot.

Nangunot ang noo ni Anna sa tinuran nito. "B-Bakit ako, Ma'am? Puwede niyo naman po isama si Sir." Nang maisipan ni Anna ang naging tanong niya sa amo ay napahingi siya ng sorry. "Pasensya na po sa sinabi ko."

"It's okay. Ikaw ang gusto kong isama para payagan ako ni Brett. Kaya pumayag ka na." saad ni Carol. Walang nagawa si Anna kundi ang tumango na lang.

Palaisipan pa rin sa kaniya kung bakit siya talaga ang gusto nitong isama.

Katulad ng sinabi ni Carol ay pumayag nga si Brett na lumabas sila kasama si Paolo.

Tanghali na rin sila umalis ng mansiyon. Nauna silang pumunta sa isang sikat na salon.

Inutusan ni Carol ang isang baklang parlolista na ayusan si Anna. Walang nagawa si Anna nang gupitan ang mahaba niyang buhok. Kinuluyan pa iyon at kinulot.

Nagpa-facial rin sila ni Carol at kung anu-ano pa. Hindi siya makatanggi sa babaeng amo dahil ayaw niyang magalit ito. Kaya naging sunod-sunuran siya sa utos nito. Pagkatapos ng lahat ay halos hindi na makilala ni Anna ang itsura.

Ang babaeng tinitingnan niya ngayon sa harapan ng salamin ay parang hindi na siya.

Blonde at kulot ang buhok na bumagay sa kaniya, nilagyan rin siya ng light make-up.

"Ang ganda mo po Ate Anna!" kantiyaw ni Paolo habang nakatitig ito sa kaniya.

"I told you, Anna. Maganda ka na, pero lalo pang gumanda." komento naman ni Carol.

"S-Salamat po, Ma'am." nahihiya niyang pasabi rito. Nanibago siya sa sarili. Ibang-iba kasi iyon sa itsura niya.

Pagkatapos nila sa salon ay dumaan sila sa isang Botique.

"You need to change your clothes, Anna."

"Bakit po?" hindi niya maiwasang itanong. Kanina pa siya naguguluhan kung para saan ba itong pag-aayos niya ngayon.

"Wala. Gusto ko lang magpalit ka." simpleng tugon ni Carol.

Katulad kanina ay walang nagawa si Anna nang palitan ni Carol ang damit niya. Isang spaggeti dress na kulay itim ang napili nitong ipalit sa suot niyang damit kanina.

Nang makalabas siya sa fitting room ay napasinghap si Carol nang makita siya.

"Gosh... Anna. Look at you. Ang sexy mo!" nangingiting nitong komento.

Si Anna ay napapangiti rin sa nakikitang repleksyon sa salamin. Kurbang-kurba kasi ang katawan niya sa suot na damit.

Binilhan pa siya ni Carol ng mga damit at iyon ay hindi niya rin natanggihan. Pagkalabas nila sa Botique ay nangunot pa ang noo ni Anna nang makita ang isang lalaki na naghihintay sa labas. Nang makita nito si Carol ay kaagad nitong niyakap ang babae.

Kinabahan si Anna sa nakita. Hindi kaya't ito ang lalaki ni Carol?

"Who are you?" napabaling ang atensyon ni Anna kay Paolo nang magsalita ito.

Si Carol naman ay nataranta ng maisip na kasama pala nito ang anak. Mabilis itong kumalas sa lalaki at nilapitan ang anak na puno ng katangonan ang mga mata.

"Baby, he is Tito Louie. Kaibigan ko siya." pakilala ni Carol sa lalaki. Lumapit ang lalaki kay Paolo at niyakap ang bata.

Nagulat si Anna sa nasaksihan, at gano'n rin si Paolo. Hindi kaagad nakahuma ang bata at nanatiling nakatingin lang sa lalaki.

Binalingan ni Anna si Carol, at doon ay nagtagpo ang kanilang mga tingin, dahil nakatingin rin si Anna sa dalaga.

"May problema ba, Anna?" tanong nito na ikinailing ni Anna.

Naging sunod-sunaran si Anna sa mga ito hanggang sa pumasok sila sa isang sikat na Restaurant.

At habang kumakain sila ay panay ang sulyap ni Anna sa lalaking kasama nila, at hindi niya maiwasang mapatingin rin kay Paolo.

Napansin ni Anna na may pagkakawig ang lalaki at si Paolo. At napansin niya rin na pareho ang kulay ng mga mata ng dalawa.

Sumagi sa isipan ni Anna si Brett. Kulay abo ang mga mata ni Brett samantalang asul naman ang kay Paolo.

Tiningnan ni Anna si Carol. Naisip niya na siguro dito minana ni Paolo ang mga mata nito dahil kulay asul ang mga mata ng babae.

Naipilig ni Anna ang ulo niya sa mga isiping iyon. Pinagpatuloy niya ang kinakain. Ngunit muli siyang natigilan ng may maalala siya kanina.

Kulay brown ang mga mata ni Carol. Ibig sabihin, contact lens ang gamit nito ngayon?