Chapter 19
Naging masaya ang pagsasama nina Anna at Brett sa mansiyon. Sa gabi ay magkatabi natutulog sina Anna at Brett dahil na rin iyon sa kagustuhan ng binata, at walang magagawa si Anna doon lalo't nagustuhan niya rin ang idea ni Brett.
Ang pag-iiba ng trato ni Brett sa dalaga ay napansin ng lahat sa loob ng mansiyon. Mayroong natuwa sa pagmamabutihan ng dalawa, mayroon rin naman na hindi, at iyon ay si Bebang.
Iniisip kasi ni Bebang na pera lang ang habol ni Anna kay Brett, pero hindi rin nito naitatanggi sa sarili na mabuting tao si Anna.
Si Brett naman ay pinaplano kung paano bawiin si Carol sa lalaki nito. Gagawin niya iyon hindi para sa kaniya kundi para kay Paolo, dahil iyon ang tanging hiling ng anak nito. Ngunit habang hindi pa nakakabalik si Carol sa mansiyon ay itinutok muna ni Brett ang atensyon kay Paolo at kay Anna. Masaya si Brett sa pagdating ni Anna sa buhay nila ng anak niya, mahalaga ang dalaga para sa kaniya, at nang sabihin niya kay Anna na huwag silang iwan ni Paolo ay totoo iyon.
Ayaw niya itong umalis dahil may puwang na ito sa puso niya.
Nagising na lang si Brett isang umaga na hinahanap-hanap niya ang amoy ni Anna, iyon ang rason kung bakit gusto niya itong katabi matulog. Pero iyon ay hindi pa alam ni Paolo. Walang kaalam-alam ang bata na nagtatabi sila matulog ni Anna, pero ang mga kasambahay ay alam ng mga ito.
Masaya rin si Brett nang aminin sa kaniya ni Anna na mahal siya nito. Isa iyon sa rason kung bakit biglang nagbago ang pakitungo niya sa dalaga.
Isang umaga ay masaya silang nag-aalmusal. Siya, si Anna at Paolo. They look like a family.
Gusto ni Brett na ganito sila palagi, pero alam niyang magbabago ang lahat kapag bumalik na si Carol sa mansiyon. At ang iniisip niya sa lahat ay si Anna. Alam niyang masasaktan ito, pero ayaw niya itong umalis.
Napabaling si Brett kay Anna. Nakangiti ito habang sinusubuan si Paolo. Matagal niya itong pinagmasdan hanggang sa mapansin siya nitong tumitingin rito.
"May problema ba?" tanong ng dalaga kay Brett.
"Nothing. Just finish your food." saad niya.
Hindi na masungit si Brett kay Anna. Maayos na palagi ang pagkausap niya sa dalaga.
"Daddy, Ate Anna is beautiful, right?" napangiti si Brett sa tanong sa kaniya ni Paolo.
"Yeah," Si Anna naman ngayon na namumula ang pisngi ang binalingan niya. "Beautiful." sambit niya habang titig na titig kay Anna.
Pumalakpak naman si Paolo sa isinagot ng ama nito.
"Bolero." mahinang turan ng dalaga na narinig naman ni Brett.
"Totoo naman." pangiti-ngiting sabi niya.
Nang matapos sila sa pag-aalmusal ay tumulong si Brett sa pagliligpit ng kanilang pinagkainan, hanggang sa paghuhugas ng pinggan.
"Ang sipag mo naman. Dapat ako na ang gumagawa niyan kasi trabaho ko iyan e." komento ni Anna. Siya ang nagpupunas ng pinggan habang si Brett naman ang nagsasabon.
"It's okay. Ako na, stay ka lang diyan." saad ni Brett na ikinanguso ni Anna. Napansin naman ito ni Brett kaya tinanong niya ang dalaga. "Why? May problema ba?"
Bumuntonghininga si Anna.
"Baka kasi ano ang isipin ng mga tao dito sa atin. Napapansin na kasi nila na nag-iba ang pakitungo mo sa akin, lalo na si Aling Bebang."
Napailing si Brett kapagkuwan ay tinapos niya ang paghuhugas ng pinggan bago hinarap si Anna.
"Iyan lang ba ang problem mo?" tumango naman ito. Hinawakan niya sa palad si Anna at hinila palabas ng kusina. Wala naman itong reklamo habang nagpapatangay sa kaniya.
Lumabas sila ng bahay at pumunta sa hardin kung saan naroon ang mga katulong at nag-uusap-usap. Nang makita sila ay tumigil ang mga ito sa pagsasalita.
"Okay, everyone. I want to ask something," napaupo ng tuwid ang mga kasambahay habang si Anna ay hindi mapakali. Inaagaw niya ang palad niya na hawak ni Brett, pero mahigpit nito iyong hinawakan.
"May problema ba tayo rito sa bahay? O sa amin ni Anna? Gusto ko na ngayon palang ay sabihin niyo na, dahil ayaw kong makakarinig na may sinasabi kayong hindi maganda laban sa kaniya kapag nakatalikod siya." seryusong tanong ni Brett sa mga ito.
Saglit na hindi naka-imik ang mga kasambahay, si Anna naman ay nahihiya na napatingin sa mga ito. Kalaunan ay si Bebang ang unang nagsalita.
"Wala naman po, Sir. Medyo nanibago lang po kami sa mga nakikita namin. Pero wala po iyon, Sir. Pasensya na po kayo." wika ni Bebang.
"Okay lang. Hindi ko naman hawak ang mga isipan niyo. Pero ito lang ang gusto kong sabihin sa inyo. Huwag niyong babastusin si Anna, she's kind alam niyo iyan." saad ni Brett na ikinatango ng mga kasambahay.
Pagkatapos iyon sabihin ay hinila ni Brett si Anna pabalik sa loob ng mansiyon.
At pinaupo ito sa sofa.
"Bakit mo iyon sinabi? Nakakahiya." sambit ni Anna. Baka kasi isipin ng mga iyon na masyado siyang papansin. Nakagat ni Anna ang hintuturo niya sa isiping iyon.
"What's the matter by that? Maigi nga iyon para matigil na sila sa kaka-chismis tungkol sayo. Saka, Anna gusto ko lang na huwag mo na silang pansinin kung ano man ang sabihin nila. Just focus on me and kay Paolo. Hayaan mo na sila. Just go with the flow." pahayag ni Brett at hinawi ang daliri ng dalaga sa bibig nito, at pinalitan iyon ng labi niya. Hinalikan niya ang dalaga.
Gumanti rin naman ang dalaga sa maalab na halik ng binata. Ngunit naghiwalay sila nang biglang dumating si Paolo. Mabilis silang lumayo sa isa't isa.
"I saw you Dad, kissing Ate Anna. What is that mean? Bakit mo po siya hinalikan?"
Nataranta si Anna samantalang napakamot naman sa batok si Brett. Gusto ni Brett na ipaliwanag sa anak kung bakit niya nahalikan si Anna. Sasabihin niya rito na nadulas siya at tumama ang nguso niya sa labi ng dalaga.
"Paolo, I—" Ngunit naputol ang sasabihin ni Brett nang maunahan siya ni Anna.
"Kinagat ng bubuyog ang nguso ko, Paolo kaya sinipsip ni Sir para makuha ang lason!" dire-diretsong pahayag ni Anna. Hindi nga nito malaman kung bakit iyon ang naisip niyang irason.
"Huh?" nakakunot ang noo na sambit ni Paolo. Lumapit ito ng malapitan kay Anna at sinuri ang nguso ng Yaya nito. "Bakit hindi maga?" anang bata.
Mabilis nag-isip ng isasagot si Anna. "Kuwan... ano kasi... nakuha na ni Sir ang lason kaya hindi na namaga, oo!" pahayag pa ni Anna.
Si Brett ay napapailing sa isang tabi at hindi maiwasang matawa sa itsura ng dalaga. Namumula kasi ang buong mukha nito.
Mabuti na lang at hindi na nagtanong pa si Paolo. Nagkibit-balikat na lang ito at naupo sa tabi ng ama.
"Dad?" anang bata sa ama.
"Yes, son?"
"Dad, I want to go to Disneyland. Puwede po ba?"
Walang pag-alinlangan naman na tumango si Brett. Si Anna ay tahimik lang sa isang tabi at nanonood ng palabas sa tv.
Kung tingnan sila ni Bebang na nakatayo sa pasilyo ng sala ay para silang isang pamilya. Napangiti na lang si Bebang.
"Sure."
"Talaga po?" Tumango si Brett. Yehey!" tuwang-tuwa na wika ni Paolo. Niyakap nito ang ama.
"But, aayusin ko muna ang mga iiwan ko sa opisina, okay? Magbabakasyon tayo sa Disneyland after that." saad ni Brett.
Si Anna ay hindi maiwasang malungkot. Panigurado kasi na maiiwan siya. Mami-miss niya ang dalawa kapag nagkataon.
"With Ate Anna, Dad?" Mabilis na napabaling si Anna kay Brett. Kinabahan siya bigla sa itinanong ni Paolo.
"Paolo, okay lang ako dito." ani niya.
"What do you mean, Anna? Hindi ka sasama sa amin?" salubong ang kilay na tanong ni Brett sa dalaga.
"Ah, e..." hindi matapos-tapos ni Anna ang sasabihin. Hindi naman kasi sinabi ni Brett na sumama siya.
Mukhang nahulaan naman ni Brett ang naging reaksyon ng dalaga. "Of course, sasama ka Anna. Hindi ka puwedeng maiwan." anito.
"Talaga?" nagliwanag ang mukha ni Anna. Akala niya kasi talaga ay maiiwan siya.
"Yes, Ate Anna. Tatlo tayo ni Dad ang aalis! Yes!" natutuwa na sambit ni Paolo.
Malapad ang naging ngiti ni Anna.
Ngunit naputol ang pagmo-moment nila nang mag-ring ang telepono. Tumayo si Brett at siya ang sumagot niyon.
Ang kaninang ngiti sa mga labi ni Brett ay unti-unting nawala nang sabihin sa kaniya ni Rico kung saan matatagpuan si Carol. Nakuyom niya ang kamao at umigting ang mga panga niya.
Panahon na para pagbayaran ni Carol ang ginawa nito sa kanila ni Paolo. Babawiin niya ito sa lalaki nito at ibabalik kung saan ito nararapat. Para kay Paolo, para sa pamilyang pinapangarap ng kaniyang anak.
Ang buo sila.
Pero saka na niya haharapin ang babae kapag nakabalik na sila galing ng Disneyland. Sa ngayon ay mahalaga muna sa kaniya na tukoy na nila kung saan nakatira si Carol.
Sa pagbalik nila galing sa bakasyon ay saka na niya sasabihin kay Paolo ang tungkol sa ina nito. At kailangan na rin niyang ihanda ang sarili dahil alam niyang masasaktan niya ang damdamin ni Anna.