Chapter 18

Pagkapasok sa loob ng kuwarto ay galit na binalinag ni Brett ang mga gamit na makita niya.

"How could you do this to me!" Nasapo niya ang mukha at napa-iyak siya sa galit.

Sa loob ng tatlong taon ay inakala niyang patay na ang babaeng dapat ay asawa na niya ngayon, na kasama ito sa sasakyan na nahulog sa bangin. Pero hindi pala iyon totoo.

Buhay na buhay ito at masayang namumuhay kasama ng isang lalaki na nagngangalang Louie De Vera. Kilala niya ang lalaking ito, school mate nila ni Carol noon sa kolehiyo.

Naikuyom ni Brett ang kamao. Nilinlang lang siya ni Carol, pineke lang nito ang pagkamatay nito. Kaya ba hindi ito sumipot sa kasal nila ay dahil sa lalaking iyon? Pero bakit pinaabot nito ng ganoon katagal kung mahal nito ang lalaking iyon?

"Fuck!" Binalingan ni Brett ang dingding at pinagsusuntok iyon. Halos tumuklap ang balat sa kamao niya sa ginawa.

Si Rico ang nagsabi na buhay si Carol. Nakita daw nito ang babae sa isang Coffee shop kasama ang isang lalaki.

"Bakit mo ito ginawa sa amin ni Paolo, Carol... how dare you do this to us!" puyos ng galit ang kalooban ni Brett para kay Carol.

Hindi niya matanggap ang ginawa nitong pag-iwan sa kaniya dahil lang sa lalaking iyon. Sa galit ni Brett ay umalis siya ng mansiyon at pumunta sa mga magulang ni Carol. Gusto niyang sabihin sa mga ito ang tungkol sa babaeng hindi niya inakala na sasaktan siya ng ganito ka sakit. Gusto niyang sabihin na buhay ang anak nila, at ginawa lang silang tanga lahat.

"Brett, what brought you here, Hijo?" salubong sa kaniya ng ina ni Carol na si Caren. "Where's Paolo?"

Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Brett sa gusto niyang sabihin sa Ginang na nagluluto sa kusina nito.

"Oh, Hijo, narito ka pala. Halika ka mag-kape tayo." saad naman ni Anton. Ama ni Carol.

Umiling si Brett. Bakas sa mukha niya ang matinding frustrations.

"I came here to say... Carol is alive and she's with a-another guy." mabigat ang tinig na sabi ni Brett. Nakuyom niya muli ang kamao.

But to his surprise, parang hindi man lang nagulat ang mga magulang ni Carol sa sinabi niya. Nagkatinginan lang ang mga ito at naging mailap pa ang mga mata sa kaniya.

Lalong bumigat ang dibdib ni Brett. Parang may mali, parang alam na ng mga ito na buhay ang anak.

"D-Don't tell me na..."

"Brett, anak, let us talk–" wika ni Caren. Itinaas ni Brett ang palad at iwinasiwas bilang pagpigil sa sasabihin ng Ginang.

"W-What do you m-mean? All these years a-alam niyong buhay siya?" parang may bikig sa lalamunan ni Brett. Parang hirap siyang huminga. Napailing-iling siya. "No... no... no. You fooled me all these years?!" tumaas na ang boses niya at namula na rin ang mukha sa galit.

"Brett, we want my daughter's happiness that's why we agree—"

"Fuck you all! Fuck you for fooling me and my son all these fucking years!"

Wala na. Nawala na ang respeto niya sa mga magulang ng babaeng minahal niya. Niloko siya, nilinlang at sinaktan kaya deserve nilang lahat ang malutong niyang mura.

Natahimik ang dalawang matanda habang si Brett ay napayuko at parang sasabog sa sobrang galit na nararamdaman niya.

"You all lied to Paolo. How could you sleep peacefully at night while my son longing for his mother? Paano niyo nagawang lokohin ang sarili niyong apo? Kaligayahan lang ni Carol ang inisip niyo? What about my son? Wala ba kayong pakialam sa mararamdaman niya? Fuck you all..." Pagkasabi niyon ay tumalikod na si Brett at iniwan ang dalawang matanda na hindi na nakasagot pa.

Pagkapasok niya sa loob ng sasakyan niya ay napapahampas siya sa manibela.

"Fuck... fuck!" naihilamos niya ang palad sa mukha.

Paano niya ngayon sasabihin kay Paolo na buhay ang nanay nito at kasama pala ang ibang lalaki? Parang sasabog na ang utak ni Brett sa dami ng iniisip. Nagdesisyon siyang dumiretso sa isang Bar at doon ay nilasing niya nang nilasing ang sarili hanggang sa hindi na niya kaya.

...

"Sleep na, Paolo." ani ni Anna sa bata na kanina pa pabaling-baling sa higaan nito. Hinahanap kasi nito si Brett. Nagtampo si Paolo dahil ang akala nito kanina ay pupunta sila sa Zoo, pero hindi naman natuloy dahil sa biglang pagbabago ng mood ng amo niya.

Napabuntonghininga si Anna. Baka nagkaproblema lang si Brett kaya umalis ito kanina at hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi.

"Ate Anna, wala pa rin ba si Dad?"

"Wala pa e. Matulog ka na, gisingin kita kapag narito na siya." aniya. Pero biro niya lang iyon. Hindi na niya ito gigisingin kapag nakauwi na ang ama nito, mapuputol lang kasi ang pagtulog nito. Tumango naman si Paolo saka pinikit na ang mga mata.

Nang maramdaman ni Anna na malalim na ang paghinga nito ay saka lang siya lumabas sa silid ng bata. Dahil hindi siya makatulog na wala pa ang amo ay balak niya munang magpahangin sa labas. Ngunit hindi pa man siya nakakalabas ng entrada ng mansiyon nang bumukas iyon at inuluwal niyon ang lasing na lasing niyang amo habang hirap itong buhatin ni Rico.

"Anna, help me. Ang bigat ng loko." reklamo ni Rico. Nataranta naman siyang lumapit sa mga ito. Tinulungan niya si Rico sa pag-agapay kay Brett para maiakyat ito sa kuwarto nito. Muntikan pang magkamali sa paghakbang sa baitang ng hagdan si Anna, mabuti na lang at naagapan siya ni Rico. Hinawakan nito ang bewang niya kaya hindi siya nadulas.

"F-Fuck y-you, Ric. D-don't h-hold her s-skin idiot. S-She's mine." sambit ni Brett.

Namula ang pisngi ni Anna sa tinuran ni Brett. Nahihiya siyang napayuko.

"Gago. Lasing ka na nga nakuha mo pang sabihin iyan." saad ni Rico na napapailing.

Dinala nila si Brett sa kuwarto nito. Nang makahiga na ang lasing na lasing na binata ay nagpaalam na rin si Rico na aalis.

"Ikaw na ang bahala sa kaniya, Anna. Marami siyang nainom kaya I guess, kailangan mo siyang punasan ng sa gano'n ay mahimasmasan siya." bilin ni Rico bago ito umalis.

Kumuha naman kaagad ng bimbo si Anna at maaligamgam na tubig. Nilapitan niya si Brett at walang anu-anong tinanggal ang pang itaas na damit nito.

"Shit..." sambit niya nang makita ang hubad na katawan ng binata. Ang lapad ng dibdib nito at matitipuno. Hindi niya maiwasang haplusin iyon.

Kapagkuwan ay napailing siya. Kinuha niya ang bimpo at sinimulan na punasan ang mukha ng binata, pababa sa leeg nito, hanggang sa dibdib nito.

"Hmmm..." narinig niyang ungol ni Brett.

Pinagpatuloy lang niya ang ginagawa hanggang sa bumukas ang mga mata ni Brett. Mapupungay iyon dala ng kalasingan. Nakikita niya rin na namumula iyon, siguro ay umiyak ito.

Pigil niya ang paghinga habang pinupunasan ito lalo't nakatitig ito sa kaniya.

"Anna."

Nag-awtomatikong napatitig siya sa mga mata ng binata. Seryuso itong nakatingin sa kaniya.

"Brett?" sambit niya sa mahinang boses.

"Don't leave us... kahit anong mangyari dito ka lang. Kahit na bumalik siya... dito ka lang. Huwag mo kaming iwanan ni Paolo."

Napakurap-kurap si Anna sa sinabi ni Brett. Ano ang ibig nitong sabihin? Sino ang babalik?

"H-Hindi ako aalis. Mahal ko si Paolo at hindi ko siya iiwan. A-At sa tingin ko ay m-mahal na rin kita, Brett." wika ni Anna sabay iwas ng tingin kay Brett. Hindi na niya napigil ang sarili kaya nasabi niya iyon.

Totoong mahal na niya ito at hindi nagsisinungaling ang puso niya. Nakita niyang mariin na naipikit ni Brett ang mga mata. Hindi ito tumugon. Ayos lang iyon sa kaniya, hindi naman siya nag-e-expect na mahalin rin siya nito. Pero ang sabihin nito na ayaw nitong umalis siya at iwanan ito ay masaya na siya.

"Anna... kailangan kita. Kaya huwag kang aalis dito kahit na anong mangyari." Muli siyang napaangat ng tingin nang magsalita ulit si Brett.

"H-Hindi naman ako aalis, Brett. Aalis lang ako kung... gusto mo." wika ni Anna.

"Good." Muling pinikit ni Brett ang mga mata niya at si Anna naman ay pinagpatuloy ang pagpunas sa binata. Pagkatapos niya itong punasan ay dinala niya ang bimpo sa lababo. Naghanap rin siya ng damit na ipapalit niya sa amo niya.

Isang shirt at boxer ang nakuha niya. Kailangan kasing mapalitan ang damit nito dahil amoy alak iyon.

Pagbalik niya sa higaan ni Brett ay nakapikit pa rin ang mga mata nito. Sa akalang tulog na ang binata ay nilapitan niya ito at akmang pasusuotan ng damit ng bigla nitong huliin ang braso niya at sa isang iglap ay nakadagan na ito sa kaniya ngayon.

"B-Brett..."

"Anna." nagkatitigan sila ng binata. Lumalim pareho ang paghinga nila. Hanggang sa bumaba sa mga labi niya ang titig ni Brett. "I want you right now Anna..." ani ni Brett na halata ang pagpigil sa sarili.

Napalunok si Anna. Alam niya ang ibig sabihin ni Brett. Nakahanda naman siyang ibigay ng paulit-ulit ang sarili sa binata. Ngayon pa na alam niyang wala naman pala itong asawa.

"S-sayo na ako, Brett. Sayo lang ako." walang pag-alinlangan na sabi niya. Nakita niyang napangiti ito.

"Yes, Anna. Akin ka lang." Hinalikan siya ni Brett at masuyo niya rin iyong tinanggap.

Hanggang sa si Brett na ang kusang naghubad sa mga damit nito at kasunod ay hinubaran siya.

Walang pagtututol na naramdaman si Anna. Hinayaan niyang angkinin siya ng paulit-ulit ni Brett. Wala naman itong sinabi sa kaniya kung ano siya para dito, hindi na siya nagtanong pa dahil sapat na para sa kaniya ang maramdaman na may damdamin rin ito para sa kaniya.

Action speaks louder than words ika nga.

At ayos na kay Anna na iparamdam sa kaniya ni Brett na kailangan siya nito, kahit na wala siyang kasiguraduhan kung hanggang kailan siya nito kailangan.