Chapter 17
Nagising si Anna dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa puson niya. Naramdaman niya rin na parang may mainit na hiningang tumatama sa pagkababae niya. Nang imulat niya ang mga mata para tingnan iyon, ay gano'n na lang ang paglaki ng mga mata niya nang makita ang amo na nakasubsob ang mukha sa pagkababae niya.
Gusto niya sanang tumili pero hindi niya magawa. Mahimbing na natutulog si Brett at mukhang naghihilik pa.
"Diyos ko... ano itong napasok ko?" mahinang bulong niya sa sarili. Tinangka niyang alisin ang ulo ng amo sa hita niya pero lalo lamang itong sumiksik roon. Namula ang buo niyang mukha at pigil niya ang malakas na paghinga dahil sa pagtambol ng dibdib niya.
Bakit sa dinami-rami ng puwedeng puwestuhan ay doon pa talaga ang naisip nito? Naalala ni Anna ang asawa ng amo niya, hindi kaya ganito si Brett sa asawa nito? Sa isiping iyon ay taranta niyang inalis ang ulo ng amo na nakasubsob sa hita niya at mabilis na lumundag pababa ng kama.
"What the fuck, Anna?!" gulat at tila naalimpungatan na reklamo ni Brett. Nakagat ni Anna ang pang-ibabang labi habang nakatingin sa namumulang mukha ng amo. "Come back here, Anna! Sinira mo ang pagtulog ko!" inis pa nitong litanya habang masama ang tingin sa kaniya.
Samantalang hindi naman niya malaman ang isasagot rito.
"Uhm... baba na po ako Sir... i-ready ko na po ang almusal ni Paolo. M-may pasok siya–" nagulat siya nang hampasin ni Brett ang kama. Halatang naputol talaga ang mahimbing nitong pagtulog.
"It's fucking four a. m in the morning, Anna! And god... It's saturday! Now, come back here!" halos magdabog si Brett sa higaan nito.
Mabilis naman nilingon ni Anna ang wall clock. At tama nga ang sinabi ng amo niya. Alas kuwatro pa lang ng umaga at araw nga ng sabado ngayon kaya walang pasok.
Binalingan niya muli si Brett pero laking gulat niya ng nasa harapan niya na ito ngayon. Bigla siya nitong binuhat at hinagis sa kama.
"Brett!"
"Ngayon, patulugin mo ako dahil sinira mo ang mahimbing na pagtulog ko." utos nito sa kaniya na siyang ikinatanga niya.
"P-paano?"
Nanlaki na lang ang mga mata ni Anna nang muling mahiga si Brett sa puson niya at isinubsob ang mukha sa pagkababae niya.
Dahil doon ay hindi na siya nakatulog ng maayos. Nang magising siya ay pasado alas otso na ng umaga.
Napabalikwas siya ng bangon at kaagad na lumabas sa silid ng amo. Wala na si Brett sa tabi niya, malamang nasa baba na ito ngayon.
Pagkatapos niyang maligo ay kaagad niyang sinuot ang uniform niya at bumaba na rin. Naabutan niya sa hapag ang mag-ama at nag-aalmusal. Napabaling ang tingin ng mga ito sa kaniya. Kapagkuwan ay si Paolo ang unang tumawag sa kaniya.
"Ate Anna, upo na po sa tabi ko." anang bata. Nahihiya naman siyang lumapit sa tabi ni Paolo.
"P-pasensya na po Sir kung ngayon lang ako." hinging paumanhin niya sa amo na tahimik sa isang tabi.
Kasalanan mo naman kung bakit ako napuyat! Dagdag pa niya sa isipan.
Tiningnan naman siya nito at nakita niya ang pagsilay ng ngiti sa labi nito.
"Sit and eat. Pagkatapos mong kumain ay magpalit ka ng damit. May pupuntahan tayo." anito.
Naupo naman si Anna at nagsimulang kumain. Katulad ng sinabi ng amo niya ay nagpalit nga siya ng damit pagkatapos silang mag-agahan.
Pagkababa niya ay naghihintay na ang dalawa sa sasakyan sa labas. Nakasalubong pa niya si Bebang nang palabas siya ng bahay. Nginitian niya ito at binati, hindi niya aakalain na ngingiti rin ito pabalik sa kaniya.
"Mag-ingat kayo, Anna." bilin pa ni Bebang.
"O-opo." aniya.
May kung anong hangin ang dumaan sa loob ng mansiyon dahil halos lahat ng kasamahan niya ay nakangiti na ngayon sa kaniya. Napailing na lang si Anna at tinungo ang kotse.
Nang makaupo siya sa tabi ni Brett ay hindi niya maiwasang hindi magtanong rito.
"Saan po tayo pupunta, Brett?" ani niya. Ang bilin kasi nito ay huwag itong tawagin na Sir kapag silang dalawa lang kaya naman sa pangalan niya ito tinawag.
"Drop the po, Anna." naka-ismid na sabi nito. "We're going to Agne's Batchoyan."
"Talaga po?!"
"Yes, and please don't shout."
"Sorry po." napangiti ng malapad si Anna. Plano niya talagang bisitahin sina Aling Agnes at Gina sa susunod na day-off niya. Hindi niya akalain na mapapaaga ang pagbisita niya sa mga ito dahil sa amo niya.
Simula sa biyahe hanggang sa makarating sila sa San Pedro ay hindi na naalis ang ngiti sa mga labi ni Anna.
"We're here." anunsiyo ni Brett. Nauna itong bumaba sa kotse at pinagbuksan siya. Kasunod ay kinuha nito si Paolo sa backseat.
Namangha si Anna sa malaking gusali na nasa harapan niya ngayon. May ribbon sa labas no'n tanda na hindi pa nagbubukas ang gusali na ito at mukhang ngayon palang iyon magbubukas. Maraming tao ang nasa labas niyon.
"Anna!" nag-awtomatikong napatingin si Anna sa tumawag sa kaniya.
"Gina? Gina!" aniya sabay takbo upang salubungin ng yakap ang kaibigan. "Oh, kumusta ka na? Si Aling Agnes nasaan?" tanong niya. Napansin niya na bihis na bihis ito.
"Nandito ako, Anna." ani ni Aling Agnes sa likuran niya. Pagkaharap niya rito ay napangiti siya. Katulad ni Gina ay nakabihis rin ito.
"Ngayon na magbubukas ang Agne's Batchoyan, Anna." wika ni Aling Agnes. Nanlaki ang mga mata ni Anna. Napabaling siya sa malaking gusali at noon niya lang nabasa ang pangalan na nakalagay roon.
"Hala, congrats po, Aling Agnes!" naluluha niyang nayakap ang matanda. Masaya kasi siya na natupad na ang pangarap nito.
Nang may tumikhim ay naghiwalay sila ni Aling Agnes.
"Can we start?" anito ni Brett.
"Sure, hijo. Salamat talaga ng marami ha." wika ni Aling Agnes. Tumango lang naman si Brett.
Si Brett ang nag-cut ng ribbon. Saka nalang naisip ni Anna na kaya pala siya dinala rito ng amo ay dahil ngayong araw magbubukas ang Restaurant. Na-sorpresa siya, at dahil sa sobrang saya na nadarama niya ngayon ay nayakap niya ang amo sa harapan ng maraming tao. Huli na para maisip niya ang ginawa dahil gumanti na rin ng yakap si Brett sa kaniya.
"Oy, mukhang may something kayo ni Sir ah." bulong ni Gina sabay siko sa kaniya.
Kaagad namula ang pisngi niya sa tinuran ng kaibigan.
"At may payakap-yakap pang nalalaman ha." segunda naman ni September na hindi niya alam kung saan nanggaling dahil bigla nalang lumitaw.
Nakita niyang sumama ang mukha ni Gina sa pagdating ng lalaki. Kaagad itong umiwas sa lalaki nang maupo si September sa gitna nila. Marami silang customer ngayon. Nakaupo sila sa isang set ng mesa habang katabi ni Anna si Paolo at Gina. Pero pumagitna sa kanila ni Gina si September. Si Brett naman ay nag-uusap ito kasama si Aling Agnes.
"Masaya lang ako para kay Aling Agnes." pagdadahilan ni Anna.
"Dapat si Aling Agnes ang niyakap mo!" sabay na sabi nina Gina at Sept. Nakagat ni Anna ang pang-ibabang labi.
"Wala namang malisya iyon." ani niya.
Tatawa-tawa naman si Sept sa sinabi niya.
"Huwag kang mag-alala, Anna. Wala namang magagalit." wika ni Sept na ikinakunot ng noo niya.
Anong walang magagalit e, may asawa iyong tao. Bulong niya sa isipan.
Binalingan ni Anna si Paolo. Tahimik ito at nanonood ng tablet nito. Muli niyang tiningnan si Sept.
"Meron... ang asawa niya." mahinang sabi niya.
Sa gulat niya ay bigla na lang siyang patago na kinurot ni Gina.
"Gaga!" mariing sabi nito pero mahina lang iyon na hindi maririnig ng bata.
Napangiwi si Anna. At lumungkot na rin ang awra. Baka ang tingin sa kaniya ng tao ngayon ay malandi dahil sa ginawa niya kanina. Napabuntonghininga siya.
"Don't worry, Anna. Matagal ng patay ang asawa ni Brett kaya wala kang dapat na ikabahala."
Mabilis na naiangat ni Anna ang ulo mula sa pagkayuko dahil sa sinabi ni Sept.
Tama ba ang narinig niya?
"A-ano?" naguguluhan na sabi niya sa binata.
"Hindi mo pa ba alam? Tsk! Walang asawa si Brett. Nang araw na ikakasal na sana sila ni Carol ay naaksidente ito at namatay." lumungkot ang mukha ni Sept. Samantalang natigilan naman sila ni Gina pareho.
Iyon ba ang rason kung bakit sa tagal na niya sa mansiyon ay hindi niya pa ito nakikita?
Pero wala namang binanggit sa kaniya ang mga kasamahan niya, pati si Paolo never nitong binanggit na patay na pala ang nanay nito. Napabaling si Anna kay Paolo, at gano'n nalang ang gulat niya nang nakatingin na pala ito sa kaniya at umiiyak.
"Paolo–" Nagulat siya nang yakapin siya ng bata sa bewang at sinubsob ang mukha sa tiyan niya.
"Ate Anna, huwag mo akong iiwan ha." umiiyak na sabi nito.
"Hindi mangyayari iyon, Paolo. Tahan na." pag-aalo niya sa bata habang hinahaplos ito sa buhok.
"Para kayong mag-ina." komento ni Gina. "Wala naman palang asawa e, kaya gora na gurl!" dagdag pa nito sabay kindat sa likuran niya. Pinandilatan niya ito dahil sa mga pinagsasabi nito.
Nagulat pa si Anna nang magsalita si Brett.
"Anna, let's go. May pupuntahan pa tayo ngayon." wika ni Brett sa may likuran nila ni Paolo. Hindi alam ni Anna kung kanina pa ba naroon ang binata at narinig ang pag-uusap nila.
"Mamaya na, bro. Nag-uusap pa kami ni Anna e. Alam mo namang na-miss namin siya." nakangising saad ni Sept.
"Mind your own buisness, fucker." mahinang sabi ni Brett na narinig pa ni Anna. "Let's go." kinuha na nito si Paolo sa bisig niya at binuhat ang bata palabas ng Resto.
"Aalis na ako. Sa day-off ko na lang ulit ha–"
"Anna!" tawag ni Brett.
"Bye." aniya kina Gina at Sept. Nang makasalubong niya si Aling Agnes ay niyakap nalang niya ito bago nilisan ang lugar.
Nasa loob sila ng kotse at kasalukuyang nagmamaneho si Brett nang may tumawag sa cellphone nito.
"W-What?" narinig niyang sabi ni Brett. Halata ang gulat sa boses nito. Bigla nitong tinigil ang kotse sa isang tabi.
"W-What did you mean, Ric? S-she's alive? Fuck! Is that true?!" napakislot si Anna sa kinauupuan niya. Ramdam niya ang tensyon ngayon sa pagitan ni Brett at sa kausap nito sa kung ano man ang pinag-uusapan ng mga ito.
Maya-maya pa ay nahulog na lang bigla ang cellphone ni Brett. Nakatulala ito at sa kawalan nakatingin. Pinulot ni Anna ang cellphone nito at pinatong sa lap nito.
"O-okay ka lang ba?" kabado man ay nakuha niya itong tanongin. Binalingan siya ni Brett at nakita niya kung paano nalaglag ang luha sa gilid ng mga mata nito.
Nakaramdam ng awa si Anna para kay Brett. Gusto niya itong yakapin ngayon. Gusto niya itong tanongin kung ano ba ang problima nito pero nabitin sa ere ang sasabihin niya nang paandarin nito ang kotse ng mabilis.
Pagkadating nila sa mansiyon ay kinuha lang nito ang natutulog na bata sa backseat at mabilis na umakyat sa pangalawang palapag ng mansiyon.