Chapter 16
Nakaupo si Brett sa swivel chair niya sa loob ng library habang hawak ang baso na may laman na alak. Habang nasa gano'n siyang posisyon ay naalala niya si Carol. Ang babaeng mahal na mahal niya, na ina ni Paolo.
Miss na miss na niya si Carol. Ito lang ang babaeng minahal niya ng sobra. Simula kolehiyo sila ay magkaibigan na sila ni Carol, hanggang sa maging mag-nobyo sila. Wala siyang ibang minahal kundi si Carol lang. Kaya nga nabuntis niya ito ng maaga na hindi pa nila pareho natatapos ang kolehiyo.
Pero gayunpaman ay pinangako niya sa mga magulang ng dalaga na papakasalan niya ito. Pero kung kailan naman handa na ang lahat ay saka naman ito nawala nang ma-aksidente ito.
Aminado siyang nahirapan siyang alagaan noon ang tatlong taon gulang na anak nang mawala ang ina nito, pero wala siyang nagawa kundi ang ipagpatuloy ang buhay ng wala si Carol.
Paminsan-minsan ay sumusubok rin siyang tumikim ng ibang putahe, para maibsan ang pangungulila niya sa asawang namayapa na, pero hindi pa rin sapat. Kulang pa rin. Akala nga ng mga kaibigan niya ay hindi siya tinatablan ng tawag ng laman, ang hindi ng mga ito alam ay anumang oras kung gugustuhin niyang mag-kama ng babae ay nagagawa niya.
Napangisi si Brett sa naisip. Naisahan niya ang dalawang iyon na nagawa pang magpustahan.
"Idiots." bulong niya.
Napabalik siya sa iniisip kanina.
Tungkol sa pagkamatay ni Carol.
May ibang nagsasabi na may foul play sa nangyari sa dalaga, na hindi basta-basta mahuhulog ang kotse nito sa bangin kung hindi talaga sinadya. Malayo kasi ang kalsada sa bangin kaya mapapaisip ka kung paanong nahulog ang kotseng iyon.
Isa sa mga hindi sang ayon sa nangyaring aksidente ay ang kaibigan niyang si Rico. Naniniwala ito na may foul play ngang nangyari. Nang una ay hindi siya naniwala, pero kalaunan ay unti-unti siyang napapaisip.
Una, walang bangkay ni Carol ang natagpuan sa kotseng sumabog.
Pangalawa, wala ni anumang proweba na naroon nga ang babae ng mangyari ang aksidenteng iyon. Walang bakas.
Kaya kahit sino ay mapapaisip kung talaga bang naroon nga si Carol sa kotseng iyon dahil wala naman silang nakita na bangkay sa paligid, maliban lang sa kuwentas nitong suot na niregalo pa niya nang birthday nito.
Napailing-iling si Brett. Kung wala nga roon si Carol, saan naman ito nagpunta? Hindi siya naniniwala na kaya siya nitong iwanan, mahal siya nito at hindi magagawang saktan, sigurado siya roon.
Napahawak siya sa sentido, kapagkuwan ay dinala ang baso sa bibig niya upang inomin ang laman no'n. Pagkalapag niya ng baso sa ibabaw ng lamesa ay kinuha niya ang remote control at binuksan ang tv screen.
Napangiti siya sabay napailing habang pinapanood ang kuha ng CCTV sa playhouse ni Paolo. Naglalaro ito ng habul-habulan kasama si Anna.
Ang babaeng ubod ng hinhin pero madaldal.
"Damn..." sambit niya nang maalala ang dalaga na suot ang kulay puti na dress kanina.
Sobrang perpekto para sa kaniya ang pagkahubog ng katawan nito. Mula sa may kalakihan nitong hinaharap, pababa sa maliit nitong bewang, at sa pang-upo nito na kay sarap paluin dahil sa pagkatambok niyon.
Sa isiping iyon ay napalunok si Brett. Parang bigla siyang nauhaw kaya naman sunod-sunod niyang nilagok ang alak sa mismong bote nito.
Sa tuwing mapapasulyap siya sa dalaga ay hindi niya maiwasang hindi mahumaling dito. Lalo na nang maangkin niya ito at siya ang maka-una, ay hindi na ito mawala sa isipan niya, at palagi niyang napapanaginipan sa gabi na magkasama silang dalawa at umiindayong sa katawan ng bawat isa. Gustong-gusto niya itong angkinin ulit, sa marami pang beses, pero pinigilan niya ang sarili.
Ayaw niyang umalis ito ng mansiyon, ayaw niyang iwanan nito si Paolo. Ngayon lang siya naging panatag muli nang dumating si Anna sa buhay nila ni Paolo. Nakikita rin kasi niya na panatag si Paolo sa dalaga kaya gano'n na rin siya.
Katulad na lang ngayon habang pinapanood niya ang dalawa mula sa tv screen. Para itong mag-ina na naglalambing sa isa't isa. Magkayakap na nakahiga sa sahig.
Muli ay napangiti si Brett. Inubos niya ang laman ng bote at pagkatapos niyon ay lumabas siya ng library.
...
"At doon nagtatapos ang kuwento nina Cinderella at ang prinsipe." nakangiting wika ni Anna. Binalingan niya si Paolo na nakahiga rin sa tabi niya. Napangiti siya nang makitang natutulog na pala ito. Gusto kasi nito na magbasa siya ng mga fairytale stories, kaya naman ganito palagi ang ginagawa niya. At sakto naman na pagkatapos niyang basahin ang isang story ay tulog na ito. Katulad na lang ngayon.
"Ang daya naman ng guwapong ito." Tumagilid siya ng higa kay Paolo at hinalikan ito sa noo.
Mahal niya ang batang ito, at hindi niya ito kayang iwan kaya hangga't kaya niyang pagsilbihan ito ay gagawin niya makasama lang ito. Kahit mahirap sa kalooban niya na may nagawa siyang kasalanan dito ay nilalaban niya para kay Paolo. Nasa gano'n siyang posisyon nang may mapansin siya.
Nangunot pa ang noo ni Anna nang maramdaman na parang may nahiga sa tabi niya. Naramdaman niya ang hininga na tumatama sa batok niya. Bigla siyang inabot ng kaba. Wala sa sariling napabaling siya rito, ngunit gano'n na lang ang pagkagulat niya nang isang hibla na lang ang layo ng mukha niya kay Brett. Literal na napigil niya ang paghinga at nanlaki pa ang mga mata.
"Hi, Anna." ani ng binata.
"S-Sir–" Bigla siya nitong hinalikan sa mga labi dahilan upang mapatigil siya sa pagsasalita. Nalasahan ni Anna ang alak sa bibig ng amo, alam niyang lasing ito kaya naman tinulak niya ito.
"S-Sir, lasing po kayo." ani niya. Pinikit lang ni Brett ang mga mata nito at hindi kumibo.
Bumangon si Anna at muling tinignan si Brett. Mukhang lasing nga ito at tulog na rin dahil hindi na gumagalaw.
"Ipapasok ko lang po si Paolo sa silid niya." paalam niya rito kahit na tulog na ito.
Binuhat ni Anna si Paolo at dinala sa silid nito. Kinumutan niya ang bata at hinalikan sa noo bago ito iwan. Papasok na lang sana siya sa silid niya nang maalala ang amo. Lasing ito at sa sa sahig pa nakahiga. Baka lamigin ito mamaya. Napabuntonghininga si Anna. Nagpasya na lang siyang balikan ito upang gisingin.
Pagkababa niya ay gano'n pa rin ang posisyon ni Brett. Mukhang tulog na tulog na ito. Nilapitan niya ito at marahang tinapik sa braso.
"Sir, gising po. Huwag po kayo matulog dito at baka magkapulmonya po kayo." Ngunit hindi ito gumagalaw.
Napakamot sa batok si Anna. Hindi niya naman puwedeng pabayaan ang amo na dito matulog sa labas ng play house ni Paolo. Nagpasya siyang akayin na lang ito at tulungan na makarating sa silid nito.
"Ang bigat mo pa naman, Sir. May lahi yata kayong kapre–" bulong niya habang pilit na pinapabangon ang amo. Ngunit sa kabigatan nito ay napabuwal siya at bumagsak sa ibabaw nito.
Kasabay ng pagbagsak niya ay siyang pagpulupot ng mga braso sa bewang niya. Mahigpit iyon at hindi siya makawala.
"S-Sir? G-gising ka?" gulat ang rumihestro sa mukha niya. Akala niya kasi ay tulog ito. Nakita ni Anna ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Brett. Lalo siyang kinabahan.
"Gising na gising, Anna." Bigla itong bumangon habang nakasampa siya rito. Hawak nito ngayon ang pang-upo niya habang patayo ito.
"I-Ibaba niyo po ako, Sir!" protesta ni Anna.
"Mamaya. Sa silid ko." anang binata na patuloy siyang binubuhat patungo sa hagdan.
"Huh? Bakit po doon?" tarantang tanong ni Anna. Ngunit wala siyang sagot na natanggap mula kay Brett.
Nang makarating sila sa silid ng binata ay binaba siya nito sa kama at kaagad na sinampahan.
"Sir!"
"Just Brett, Anna." anito at sinibasib siya ng halik sa leeg.
Napaungol si Anna. Parang nawalan siya ng lakas na itulak ang amo at paalisin ito sa ibabaw niya.
"Anna." Tumigil sa paghahalik si Brett at pinagmasdan siya.
Kahit hindi nakikita ni Anna ang sarili ngayon ay alam niyang pulang-pula ang mukha niya. Napapalunok siya at hindi makatingin ng diretso sa mga mapupungay na mga mata ni Brett.
"Look at me, Anna." sabi ni Brett.
Napasunod naman siya sa sinabi nito.
Umangat ang palad nito upang halpusin ang pisngi niya. Naipikit ni Anna ang mga mata habang dinadama ang palad ng amo.
"I want you to sleep beside me." demanding na utos ni Brett. Napamulat ng mga si Anna.
"N-Ngayon?" sambit niya.
"Yeah. At kung puwede na gabi-gabi ay gawin mo." Natigilan siya sa sinabi ni Brett. Ngunit mas lalo siyang natigilan nang halikan siya nito sa noo. "Goodnight, Anna." anito at umalis na mula sa pagkadagan sa kaniya.
Nahiga ito patagilid at nakaharap sa kaniya habang nakapikit na ang mga mata nito.
Naiwang nakatingin sa kisame si Anna. Hindi puwedeng dito siya matulog, baka dumating ang asawa nito at maabutan sila.
Sunod-sunod siyang napabuga ng hangin. Binalingan niya si Brett, mukhang tulog na ito. Baka lasing lang talaga ito kaya kung anu-ano ang nasasabi. Dahan-dahan siyang bumangon, pero natigilan siya nang marinig na nagsalita si Brett habang nakapikit ang mga mata.
"Huwag mo ng subukan lumabas ng silid na ito, Anna, kung ayaw mong angkinin kita ulit." anito.
At napasinghap pa si Anna nang idantay ni Brett ang isang mahabang bias nito sa may puson niya, at ang isang braso ay pinulupot sa bewang niya.
Para siyang baboy ngayon na nilingkisan ng sawa. Walang kawala.