Chapter 15

Kahit gustuhin man na umalis ni Anna sa mansiyon ay hindi niya magawa dahil sa naging usapan nila ni Brett nang isang araw. Kaya si Anna, ay pinagpatuloy na lang ang trabaho bilang nanny ni Paolo.

"Anna," napalingon si Anna kay Bebang. Kasalukuyan siyang naghahanda ng almusal ng alaga niya dahil papasok sila ngayon sa School.

"Po?" ani niya.

Napansin ni Anna ang reaksyon sa mukha ni Bebang na para bang may gusto itong sabihin na hindi masabi.

"May sasabihin po ba kayo, Aling Bebang?" untag pa niya sa matanda.

Tumikhim si Bebang at napabuntonghininga pagkatapos.

"Pasensya ka na kung hindi naging maayos ang pakitungo ko sayo simula ng dumating ka dito sa mansiyon. Pero alam ko naman na mabait kang bata at hindi ka katulad ng mga naging nanny ni Paolo na imbes trabaho ang atupagin ay inuna pang landiin ang amo." Napalunok si Anna sa sinabi ni Bebang.

Hindi ba't gano'n rin ang ginawa niya? Hinayaan niyang may mangyari sa kanila ng amo niya? In short, lumandi rin siya. Nahihiyang napayuko si Anna.

Matapos iyon sabihin ni Bebang ay umalis rin ito samantalang siya ay naiwan na hiyang-hiya sa sarili. Nahihiya siya sa mga taong kasama niya rito sa mansiyon dahil wala siyang pinagkaiba sa mga nanny na tinutukoy ng mga ito.

Hanggang sa makarating sila ni Paolo sa eskwelahan nito ay nanatiling lutang si Anna.

Nakaupo siya sa isang stool na nasa waiting area habang hinihintay na matapos ang klase ni Paolo nang biglang may tumabi sa upuan niya.

Napabaling siya rito at gano'n na lang ang gulat niya nang halos gahibla na lang ang lapit ng mukha niya sa mukha ni Mr. David.

"Hi, beautiful."

"S-Sir David–" nalulon ni Anna ang sasabihin nang bigla siyang halikan ng lalaki.

Sa gulat niya ay hindi kaagad siya nakahuma. Nanigas siya sa kinauupuan at nanlaki ang mga mata. At lalo pang dumoble ang gulat niya nang biglang may humila kay Mr. David at kasunod niyon at tumilapon ito sa sahig.

"Damn you, Anna!" galit na wika ni Brett sabay hablot sa braso niya. Hinila siya nito palayo sa lugar at kinaladkad pasakay sa kotse nito.

Sa bilis ng mga pangyayari ay tila nawala ang espiritu ni Anna sa katawan. Nanatili siyang lutang at nakatingin lang sa kawalan.

"Fuck! Gano'n ba katindi ang epekto ng halik niya para mawala ka sa sarili mo at hindi mo marinig ang sinasabi ko?!" wala sa sariling napatingin si Anna kay Brett. Hindi maipinta ang pagmumukha nito sa sobrang galit.

Nang hindi pa rin makasagot si Anna ay niyugyog na ni Brett ang balikan nito.

"Anna, wake up!"

"S-Sir?"

"Fuck it!" Biglang hinablot ni Brett ang likod ng ulo ni Anna at mapangahas itong hinalikan sa mga labi.

Nang bitawan nito ang bibig niya ay nahabol niya ang paghinga.

"Okay na ba, Anna? Ano ang mas masarap. Halik ko o halik niya?" seryusong tanong ni Brett na titig na titig sa mga mata niya.

Napatango si Anna na parang wala sa sarili. Kapagkuwan ay bumuka ang bibig nito para magsalita.

"Halik mo–"

"Good, Anna." anito ni Brett.

Maya-maya pa ay lumabas ito ng kotse at bumalik sa loob ng eskwelahan. Pagkalabas nito ay dala na nito si Paolo, habang may pulis naman na papasok sa loob. Nangunot ang noo ni Anna nang makita na dala na ng mga pulis si David palabas ng eskwelahan.

"He was going to pay what he deserved for stolen what I already owned, Anna. And don't you ever try to stop me." banta ni Brett sa kaniya sa ma-awtoridad na tono.

"H-huh? Bakit po kailangan na ikulong siya? Halik lang naman po—"

"Halik na dapat ay akin lang, Anna! He has no right to own your lips that I aready owned, Anna. You're mine and mine alone, only!"

"Walang sayo, Sir! Walang kay David! At lalong hindi mo ako pagmamay-ari!" biglang nasabi ni Anna na pasigaw.

Hindi na siya nakatiis dahil sa samu't saring emosyon na nararamdaman niya. Iyong ginawa ni David ay ikinagulat niya iyon ng sobra dahil hindi niya aakalain na hahalikan siya ng lalaki na hindi naman niya kaanu-ano at lalong hindi lubusang kilala. Ni hindi nga sila close na dalawa.

Nakita ni Anna ang paghigpit ng hawak ni Brett sa manibela. Umigting rin ang panga nito at naningkit ang mga mata. Akmang sasagot pa ito nang biglang magsalita ang bata sa backseat na nakalimutan na nilang kasama pala nila.

"A-Ate Anna, Daddy, why are you fighting? Why did you two shouting each other?" anang bata na malaki ang pagtataka.

Natigilan ang dalawa at natahimik. Pero kalaunan ay si Brett ang unang nagpahayag kay Paolo.

"Nag-uusap lang kami anak. Sige, uuwi na tayo." saad ni Brett.

Pinaandar nito ang sasakyan at hindi nagtagal ay binabagtas na nila ang daan pauwi.

Pero nagulat pa si Anna nang umiba ang direksyon na tinatahak nila. Tumigil ang sasakyan sa tapat ng Mall.

"Wow! Kakain ba tayo rito, Dad?" masayang tanong ni Paolo kay Brett.

"Yes, son." tipid na sagot ni Brett. Bumaba ito ng sasakyan at pinagbuksan ang anak. Samantalang si Anna ay naiwan sa loob.

"Hindi man lang ako pinagbuksan!" inis niyang bulong. Kusa na lang niyang binuksan ang pinto ng kotse at sumunod sa likuran ng mga nito.

Pumasok silang tatlo sa isang kainan na alam ni Anna na kung siya lang ay hindi niya ma-afford. Mamahalin iyon at nakakabutas-bulsa.

Nahihiya pa siyang naupo habang tinitignan ang menu sa ibabaw ng mesa. Si Brett naman ay hawak na rin ang menu at sa tingin niya ay pumipili na ng o-order-in.

"How about you, Anna? Walang menu diyan sa hangin kundi nasa ibabaw ng mesa." sarkastikmong untag ni Brett kay Anna.

Nahihiyang napatingin si Anna kay Brett. Wala naman kasi siyang kilalang pagkain sa french resto na ito.

"Ah, Sir?" aniya.

"What?"

"I-Ikaw na lang po ang um-order ng para sa akin. Wala kasi akong alam sa mga pagkain dito." nahihiya niyang sabi sa amo.

Bumuntonghininga si Brett saka napailing.

"Okay." anito.

Tinawag nito ang waiter at binigay ang o-order-in na pagkain.

Habang hinihintay ang pagdating ng pagkain ay tahimik lang sa isang tabi si Anna, habang si Paolo at Brett ay magkatabi at nag-uusap.

Maya-maya pa ay bumaling ang tingin ng bata sa kaniya.

"Ate Anna, may boyfriend ka po ba?" nakangiting tanong ni Paolo.

"H-ha? Ah... wala. Wala akong nobyo." nahihiyang tugon ni Anna na siyang ikinalapad ng ngiti ni Paolo.

Kinuha ni Anna ang tubig sa ibabaw ng lamesa at ininom dahil bigla siyang nauhaw sa klase ng tingin ni Brett sa kaniya.

"Talaga? Mabuti naman po. Alam mo ba, Ate Anna, bagay kayo ni Dad."

Muntikan pang mabulunan ng tubig si Anna sa sinabi ng bata. Paubo-ubo siyang binalik sa ibabaw ng lamesa ang baso.

"Here," napatingin siya sa panyo na inabot ni Brett.

Nahihiya man ay kinuha na lang niya iyon para punasan ang bibig.

"Salamat, Sir." sambit niya.

Dumating ang pagkain at nagsimula na silang kumain na tatlo. Sarap na sarap si Anna sa pagkain na in-order sa kaniya ni Brett. Parang saglit niyang nakalimutan ang paligid dahil sa kinakain niya, nang biglang magsalita si Paolo.

"Dad, may sauce sa gilid ng labi ni Ate Anna. Can you wipe it po?" anang bata na siyang ikinatigil ni Anna sa pagnguya.

"Sure." anito naman ni Brett at walang pag-alinlangan na dinala ang dulo ng daliri sa gilid ng labi ni Anna upang punasan iyon.

Natigilan naman si Anna at parang biglang nagkabuhol-buhol ang laman loob niya. Bumilis ang tibok ng puso niya at namula ang pisngi dahil sa ginawa ng amo.

"Ang kalat mong kumain, Anna." anito pagkatapos ibaba ang kamay.

"P-pasensya na po..." aniya na pilit inaayos ang pananalita.

Pagkatapos nilang kumain sa french resto ay umikot pa sila sa loob ng Mall. Namili sila ng mga gamit ni Paolo sa school at kung ano pa. Hanggang sa madaanan nila ang lady's section.

"Get inside, Anna." utos ni Brett sa dalaga. Gusto kasing bilhan ni Brett ng bagong damit ang dalaga dahil napansin niya na mukhang kaonti lang ang damit nito.

Napatigil sa paghakbang si Anna at napatingin sa amo.

Naisip ni Anna na siguro ibibili ng amo ang asawa nito. Sa isiping iyon ay may kung anong kumurot sa puso ni Anna.

Oo nga pala at may asawa ang amo niya. Pero nasaan ito? Bakit hindi niya pa rin nakikita? Napabuntonghininga na lang si Anna at iwinaksi sa isipan ang mga guni-guni na iyon.

"Okay po." sagot na lang niya kay Brett.

Nauna siyang pumasok sa loob ng lady's apparel at naupo sa isang couch habang si Brett ay patingin-tingin sa mga damit, at paminsan-minsa'y sumusulyap sa kaniya na nakakunot pa ang noo. Si Paolo naman ay nasa tabi ni Anna at nanood ng palabas sa hawak na tablet.

"Come here, Anna." tawag sa kaniya ni Brett kaya naman napatayo siya at lumapit rito.

"Bakit po?"

"Isukat mo," anito sabay bigay sa kaniya ng ilang pirasong damit na napili nito kanina, "sa loob." sabay turo nito sa fitting room.

"Po? Hala, bakit po?" maang na tanong ni Anna. Hindi naman siguro sila magkasukat ng katawan ng asawa nito kaya bakit siya ang magte-testing ng mga damit na ito?

"Ang dami mong sinasabi, Anna. Just do what I said." mariin na sabi ni Brett na salubong na ang mga kilay.

Walang nagawa si Anna kundi ang pumasok sa loob ng fitting room at isukat ang mga damit na napili ni Brett. Bawat sukat niya ng isang damit ay lumalabas siya para ipakita iyon sa amo. Habang ang amo niya ay panay ang paglunok habang nakatingin lang sa kaniya.

Napapangiti rin ang isang staff na babae habang tinutulungan si Anna na ayusin ang damit na nasuot.

"Bagay na bagay sa inyo, Ma'am! Lalo po kayong gumanda!" humahangang sabi ng babaeng staff. Napangiti na lang si Anna.

Hanggang sa isang white sleeveless dress ang damit na isinukat niya. Bakat na bakat ang hubog ng katawan niya sa damit na iyon. Dahil medyo may katangkaran siyang babae ay lalo pa iyong nagpabagay sa kaniya dahil sa mahahaba niyang biyas.

"Ang sexy!" kantiyaw pa ng staff nang lumabas sa fitting room si Anna.

Nang mabaling si Anna kay Brett ay nakita niyang nagningning ang mga mata nito, at napakagat ito sa pang-ibabang labi. Binalingan nito si Paolo na abala sa gadget na hawak at kapagkuwan ay nilapitan nito ang babaeng staff. May kung anong sinabi si Brett sa staff kaya umalis ito. At nang sila na lang ang naroon ay bigla na lamang lumapit si Brett kay Anna. Tinulak niya ito papasok sa loob ng fitting room at ni-lock ang pinto.

Nanlaki ang mga mata ni Anna sa ginawa ng amo. Akmang magsasalita pa siyang nang biglang sakopin ng labi ng binata ang nakaawang niyang bibig.

"Hmm!" ungol niya sa pagitan ng paghahalik ni Brett.

"Shit! Anna. You make me sick of your body." bulong ni Brett sa tenga niya kapagkuwan ay hinalikan ang leeg niya.

"S-Sir..."

Hinawakan ni Brett ang magkabilang bewang niya, hinaplos nito iyon habang nakatitig ito sa mga mata niya. Nakikita ni Anna ang pagnanasa sa mga mata ng amo at mukhang alam na niya kung saan sila papunta pero hindi niya ito pinipigilan. Hanggang sa ang paghaplos ni Brett sa bewang niya ay bumaba pa sa kaniyang hita. Napaungol si Anna at naipikit ang mga mata

Pumasok ang palad ni Brett sa ilalalim ng laylayan ng suot niyang dress at nakarating iyon sa panty niya.

"Anna... I want you now." anang binata sa malalim na boses.

"S-sir..." iyon lang ang nasabi ni Anna.

Hinawi ni Brett ang panty ni Anna at ipinasok ang daliri sa pagkababae nito at haplusin iyon. Muli ay napaungol si Anna. Nawala sa isipan niya na may asawa ang amo dahil nadadarang siya sa ginagawa ng amo niya.

"Ah!" ungol niya sabay kagat sa pang-ibabang labi nang ipasok ni Brett ang dalawang daliri sa loob niya. Muli siya nitong sinibasib ng halik habang panay sa paglabas-masok ang daliri nito.

Pinipigilan ni Anna ang sarili na hindi makalikha ng malakas na ungol dahil nasa labas lang si Paolo. Mabibigat ang hiningang pinakawalan niya habang mahigpit na nakakapit sa balikat ng amo at ito naman ay walang habas sa ginagawa sa pagkababae niya.

Malapit na lang at may sasabog na kay Anna. Pero natigilan sila ng sabay ni Brett nang marinig ang sunod-sunod na katok sa pinto.

"Shit!" mura ng binata habang hinuhugot ang daliri sa pagkababae niya. Inayos nito ang damit niya at ang nalihis niya panty nang marinig si Paolo.

"Dad? Ate Anna?" anang bata sa labas.

Noon lang din nahimasmasan si Anna. Medyo nataranta pa siya.

"Calm down, Anna." wika ni Brett. Bago ito naunang lumabas ng fitting room ay muli pa siya nitong ginawaran ng halik sa labi bagay na siyang ikinatibok lalo ng puso ni Anna.

Hindi niya maintindihan si Brett. Kung bakit ito ganito sa kaniya kahit na may asawa na ito. At lalong hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nagpapaubaya siya sa ginagawa nito sa kaniya.

Ni hindi niya magawang tumutol o tumanggi.

May nakakapang damdamin si Anna sa puso niya na para sa amo.

"H-hindi kaya... mahal ko na siya?"

Katanongan na hanggang sa pag-uwi nila sa mansiyon ay hindi na naalis sa isipan ni Anna.