Chapter 14
Isang linggo na ang nakakaraan mula nang makalabas ng Hospital si Anna. Matapos ang nangyari sa kanila ng amo ay naging mailap ito sa kaniya. Gusto sanang maka-usap ni Anna si Brett tungkol sa nangyari sa kanila, pero madalas ng gabi umuwi ang amo niya. Kaya hindi siya makakuha ng tamang tyempo para maka-usap ito.
Wala namang nakapa na pagsisisi si Anna na isinuko niya ang sarili kay Brett, pero ang ikinabahala niya ay may asawa itong tao at kasalanan iyong ginawa nila dahil nagtaksil ito sa asawa nito. At iyon ay hindi kaya ng konsensya ni Anna.
Tahimik lang naman ang mga kasambahay sa mansiyon na ito pero alam ni Anna na may alam ang mga ito sa nangyari sa kanila ng amo, lalo na ang mayordomang si Bebang. Kaya madalas ay nahihiya siyang makipag-usap rito. Alam niya rin na pinag-uusapan siya ng mga kasamahan niya kaya nga lalo siyang naiilang.
Naisip ni Anna na umalis na lang dito sa mansiyon matapos ang nangyari sa kanila ni Brett, kaya madalas niya itong inaabangan sa gabi sa pag-uwi nito para sana kausapin ito at magpaalam ng maayos.
Katulad na lang ngayon, nakaupo siya dito sa isang silya na dinala pa niya sa labas ng gate para siguraduhin na mabantayan niya ang pagdating ng amo. Ilang oras na siyang narito, at naghihintay. Mabuti na lang at tulog na si Paolo. At mabuti rin dahil kahit papano ay nakakalakad na siya ng maayos.
Grabe naman kasi ang tinamo niya sa amo niya. Wasak talaga siya. Nakagat ng mariin ni Anna ang pang-ibabang labi sa isiping iyon.
Maya-maya pa ay napatayo siya nang makita ang pagdating ng kotse ng amo. Mabilis niyang kinuha ang silya na dala niya at pumasok sa loob ng gate upang pagbuksan ito.
Abot-abot niya ang kaba at inensayo sa isipan ang mga sasabihin kay Brett. Nang bumukas ang pinto ng kotse nito at nang makababa ito ay napatayo siya ng tuwid.
Nang balingan siya nito ay gayon na lang ang pagkunot ng noo nito.
"What are you doing here? Gabi na ah, bakit gising ka pa?" tanong nito saka pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng dalaga. Tumigil ang titig nito sa gitnang bahagi ng hita ni Anna, kapagkuwan ay bumalik ang tingin sa mga mata ng dalaga. "Magaling na ba iyan?"
Kaagad na nag-init ang magkabilang pisngi ni Anna sa tinuran ng amo niya. Alam niya ang tinutukoy nito. Napalunok siya, kapagkuwan ay wala sa loob siyang napatango rito.
"Good. Now, go to sleep." anito sabay tinalikuran siya.
Kaagad siyang nataranta nang tumalikod ito. May sasabihin pa kasi siya.
"Sandali po Sir–"
"What?" supladong saad nito nang balingan siya habang tinatanggal ang pagkabuhol ng necktie. "Look, Anna, I'm tired already. Kung ano man ang nangyari sa atin, just forget about it. Wala lang iyon sa akin."
Nasaktan si Anna sa sinabi ni Brett. Wala sa loob na naglaglagan ang mga luha niya sa pisngi. Pero kaagad niya iyong pinahid at matapang na hinarap ang amo. Si Brett naman sa mga sandaling iyon ay walang emosyon na nakatingin lang sa kaniya.
"G-gusto ko l-lang po sabihin na... aalis na ako rito." ani niya.
Natigilan si Brett at naningkit ang mga mata na tiningnan siya. Namewang pa ito at tila umigting pa ang mga panga.
"Aalis ka?" ulit nito. Tumango si Anna.
"Opo."
"No!" bulyaw nito na ikinapitlag ni Anna sa kinatatayuan niya.
"H-huh? B-bakit po?" maang na tanong niya.
"Hindi ka aalis. Tapos!" tumalikod si Brett at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Mabilis rin itong sinundan ni Anna.
"Pero, Sir—"
"Walang pero-pero, Miss Samson!"
Umakyat si Brett ng hagdan at tinungo ang kuwarto nito, habang si Anna ay patuloy na nakasunod sa likuran nito dahil atat siyang umalis sa mansiyon na ito. Hindi na kasi kakayanin ng konsensya niya na manilbihan pa dito lalo't may nangyari na sa kanila ng amo. Ano na lang ang mukhang ihaharap niya sa asawa nito? Hindi naman gano'n kakapal ang pagmumukha niya para hindi siya makaramdam ng hiya.
"Sir, hindi ko na po kayang magtrabaho rito. Kaya sa ayaw at sa gusto niyo, aalis po ako." buo ang loob na sabi niya kay Brett. Wala itong magagawa kung gusto niyang umalis kahit ngayon din. Desisyon niya iyon at wala itong karapatan na pigilan siya.
Ngunit laking gulat ni Anna nang bigla siyang buhatin ni Brett at ihagis kama. Kapagkuwan ay kinuha ang dalawang palad niya at igapos iyon gamit ang necktie nitong hinubad kanina. At kasunod niyon ay dinaganan siya nito.
Nanlaki ang mga mata niya at pilit na nagpupumiglas.
"Sir, ano ba? Bitawan niyo ako!" ani ni Anna na abot-abot ang kaba.
Ngunit ngumisi lang ang binata.
"Kapag sinabi kong hindi ka aalis, hindi ka aalis, Anna. Understood?" Umiling-iling si Anna. Hindi siya sang-ayon.
"Aalis ako kung gusto ko—"
"Try me, Anna. Kapag umalis ka sa mansiyon na ito ay tinitiyak ko sayong mawawala ang Agne's Batchoyan. At muli kong wawasakin ang pagkababae mo kahit na hindi ka pa gaanong magaling. Kaya huwag mo akong subukan dahil hindi ako nagbibiro." seryusong banta ni Brett kay Anna.
Natigilan ang dalaga at hindi nakapagsalita. Napangiti si Brett. Ramdam ang pagkawagi.
"Go to your room and take a rest. Baka hindi ako makapagpigil at maangkin na naman kita. Kaya kung ako sayo, bilisan mo na ang paglabas sa kuwarto ko."
Sa sinabing iyon ni Brett ay mabilis na napabangon si Anna. Mabibilis ang hakbang na tinungo niya ang pinto para buksan ito, ngunit hindi niya magawa ng mabuti dahil nakatali pala ang kamay niya.
"Let me." ani ng boses mula sa likuran niya. Naramdaman ni Anna ang pagdikit ng katawan ni Brett sa likuran niya. Mula sa likuran ay pinagsiklop nito ang magkabilang braso sa magkabilang bewang niya upang abutin ang kamay niyang nakagapos, habang ang baba nito ay nakapatong sa balikat niya.
Para itong nakayakap sa kaniya sa ayos nila ngayon.
Amoy na amoy ni Anna ang mabangong hininga ni Brett na tumatama sa tenga niya. Lalong kumabog ng malakas ang dibdib niya at tila nanigas na siya sa kinatatayuan habang sinisimulan nitong tanggalin ang pagkabuhol ng necktie sa kamay niya.
Ito na rin ang nagbukas ng pintoan.
"Go, Anna." utos nito. Noon lang bumalik sa huwisyo si Anna. Mabilis siyang lumabas ng silid nito at malalaki ang hakbang na tinungo ang sariling silid.
Pagkarating sa silid ay ni-lock niya iyon at nanghihina na napasandal roon.
"Ano ang gagawin ko? Baka kapag umalis ako ay babawiin niya talaga ang Agne's Batchoyan... hindi ko kakayanin iyon lalo't mahal iyon ni Manang Agnes." pagkausap niya sa sarili.
At lalong ayaw niyang may mangyari ulit sa kanila ng amo niya. Nagkasala na siya, at ayaw na niyang dagdagan pa.
Hindi alam ni Anna kung paano pa makisama ng maayos sa mansiyon na ito. Lalo na sa alaga niyang si Paolo. Ano na lang ang sasabihin ng bata sa kaniya? Na nilandi niya ang Papa nito?
Litong-lito si Anna sa mga naiisip. Kung siya lang talaga ang masusunod ay gusto niya talagang umalis na, pero alam niyang totohanin ni Brett ang banta nito.
At hindi niya iyon gustong mangyari.