Chapter 3 - Fiancee

Panay ang tingin niya sa kaniyang wristwatch. Ilang oras na ba ang lumipas simula ng hintayin si Haxon? Nagsisimula na ang dilim pero wala pa rin ito. Hinihintay niya ito sa parking lot ng University na pinapasukan. Inilabas niya muli ang telepono at nagbabaka - sakaling may kasunod pa ang text nito.

He told her, wait for him. Busy daw ito sa ngayon dahil may pinuntahan sandali. Minutes passed turned to hours. Tatlong oras na siyang naghihintay. Pasado alas otso na ng gabi ng napagpasyahan niyang lisanin ang lugar at mag-abang nalang ng taxi. Pero halos mamuti ang mga mata niya kakahintay, wala paring taxi. Kung minamalas nga naman.

She sighed. Ano ng gagawin niya? Wala ang driver niya ngayon dahil on leave ito ng dalawang buwan dahil kabuwanan na ng asawa nito. Ang driver naman ni Selena nauna na dahil may pinuntahan pa daw ang kambal. Naiinis niyang sinipa ang bato.

Nang akmang maglalakad na siya napapitlag siya ng may kamay na pumigil sa braso niya. Mas nagitla siya ng makita ang dalawang lalaki. Pinalibutan siya ng mga 'to at malagkit na pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. Nanindig ang balahibo niya ng marinig ang pagngisi nito.

"S-sino kayo? A-anong kailangan niyo?" Nanginginig ang boses na tanong niya. Namumula ang mata ng isang lalaki. Lumapit ito sakaniya at diniin ang sarili. Nanlambot ang tuhod niya dahil alam niyang nasa panganib siya.

"Ang bilis mo naman atang makalimot Selena? Samantalang kung makipag-break ka sakin 'nong isang buwan ang tapang-tapang mo! Nagmakaawa ako sayong huwag mo akong iwan. Pero pinagpalit mo ako sa tanginang Villareal na yan! Porke ba mahirap lang ako?" Puno ng hinanakit na sabi nito sakaniya. Mukhang napagkamalan pa siyang si Selena. Huminga siya ng malalim at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak nito sa braso niya.

Kada pipiglas siya mas dinidiin nito ang hawak. Naiiyak na siya sa sakit dahil sobrang higpit nito.

"Parang awa mo na, hindi ako si Selena. Kakambal niya ako, please. Pakawalan mo na ako, hindi kita kilala." She pleaded to the man. Tanging ngisi lang ang pinakawalan nito.

Tumawa ito na parang demonyo. Nangilabot siya ng inilapit nito ang mukha sa leeg niya. Inaamoy-amoy ang leeg niya at hindi pa ito nakuntento at sinimulan na nitong halikan siya sa parteng 'yon. Naiiyak na sumigaw siya.

"TULONG! TULUNGAN NIYO AKO! Please parang awa mo na bitawan mo ako. H-hindi ako si Selena kung yan ang akala mo! P-please." She's crying so hard pero tawa lang ito ng tawa.

"Nakikita mo ba pre? Takot na ngayon si Selena. Pero kung makipag-break sakin at pahiyain ako sa harap ng mga tao ang tapang-tapang. Itigil mo ng pagpupumiglas baby, diba ginagawa naman natin 'to noon? Sarap na sarap ka pa nga hindi ba?" Muli siya nitong sinunggaban ng halik. Pilit niyang iniiwas ang mukha dito ngunit hinawakan ng kasama nito ang ulo niya at pinipigilang gumalaw.

Tanging iyak at hikbi nalang ang nagawa niya. Hinila siya nito sa madilim na lugar at tinakpan ang bibig niya.

Napabalikwas siya ng may tumapik sakaniya. Hinihingal pa siya at pinagpapawisan. Nakasalubong niya ang nag-aalalang mga mata ni Zuri. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at mukhang nakahinga na ito ng maluwag ng magising na siya. Agad niya itong niyakap at umiyak sa balikat nito.

"Anong nangyari sayo Selene? You had a nightmare? Shhh, calm down. Calm down Selene." She nodded and hugged her tightly. Hinahaplos ng kaibigan ang likod niya para pakalmahin.

Kumalas ito ng yakap at binigyan siya ng tubig. Agad niya itong ininom at napahugot ng malalim na hininga. Nang mahimasmasan sumandal siya sa headboard ng kama at tumingin ng diretso kay Zuri.

" I-i dreamed again. Bumabalik nanaman ang lahat Zuri. A-akala ko ba magaling na ako? Bakit? Bakit ba hindi niya nalang ako tigilan?! Kulang pa ba ang sakit na idinulot nito sakin? Nasira na ang buhay ko dahil 'don. Gusto ko ng makalimot Zuri! I want to forget everything! Ano bang dapat kong gawin? " She sobbed loudly. Hinayaan siya ni Zuri na sumigaw at ilabas ang lahat ng sama ng loob.

"Gusto ko nalang mamatay! I want to die Zuri! No one loves me. I did everything para lang magustuhan nila pero nandito parin ako. Nag-iisa at nasasaktan. I wanna die!" Agad siyang nakatikim ng sampal sa kaibigan.

"Nandito kami para sayo Selene! Pilit ka naming sinasamahan sa paglaban mo sa lahat ng sakit na yan! Tapos ngayon ikaw itong sumusuko? Huwag mo namang isipin yan! Nasasaktan din kami na nakikita kang ganyan. Wake up Selene! We loves you, talagang naisip mong iwan kami? Nababaliw ka na ba Selene? Marami pang nagmamahal sayo!" Zuri's tears rolled down. Napatitig siya sa kaibigan. Napaiyak niya nanaman ito. She hugged Zuri tightly.

"I-im sorry Zuri. H-hindi ko sinasadya. I'm sorry friend. I'm really sorry." Tumango lang ito at inayos ang buhok niya. Zuri is like her sister. Parang ate ito sakaniya. Lagi siyang pinagsasabihan kung nagkakamali at binibigyan siya ng advice. She's been so good to her. Siya nalang ang meron si Zuri. Muli siyang napaiyak dahil sobrang bigat sa dibdib ng nararamdaman niya. Wala na siyang pamilyang maaasahan dahil mismong mga magulang ayaw sakaniya.

Hindi parin siya tumitigil sa paghagulhol. Napalingon siya kay Zuri ng may maramdaman siyang itinurok nito sakaniya. Unti-unting namimigat ang talukap ng kaniyang mga mata.

NAPAMULAT siya ng may maliliit na kamay ang humaplos sa pisngi niya. Nakangiting mukha ni Chelsea ang nakasalubong niya. Bagama't nag-aalala nagawa parin nitong ngumiti sakaniya.

"You will be okay, tita mommy. We're here, nandito kami ni daddy para sayo. Don't give up to this please. Pati ba naman ikaw iiwan mo din ako?" Chelsea looked at her lovingly. Masuyo itong nakangiti.

"Hindi. Hinding-hindi kita iiwan Chelsea. Mahal na mahal ka ni tita mommy." She hugged her niece and kiss the top of her hair. Mukhang tuluyan na siyang nagising ng makitang nakatitig sakanila si Haxon. May masuyo itong ngiti. Inirapan niya ito ng mapako ang tingin nito sakaniya. Umawang ang labi nito at nanlaki ang mga mata. Mukhang nagulat dahil sa nangyari sakaniya nagawa niya pang umirap.

"I love you too tita mommy. Tara na po breakfast na tayo?" Nakangiti siyang tumango sa pamangkin. Muli niya itong hinalikan sa noo at ibinaba ng kama.

"Dito ka muna ha. Mag-aayos lang si tita mommy. Or gusto mo mauna ka na? Nandyan naman ang daddy mo. Mukhang hinihintay ka." Sandali nitong tiningnan ang direksyon ni Haxon ngunit ibinalik agad sakaniya.

"Hindi po tita mommy, hinihintay niya tayo." Napangiwi siya at tumango nalang. Bumaba na siya ng kama at tuluyan ng pumasok ng banyo para maglinis ng katawan.

******

"WHAT happened to her Zuri?" Napalingon sakaniya si Zuri at umirap. Hindi niya nalang pinansin ang pagtataray nito dahil nag-aalala na siya kay Selene. Nagwala ito kanina at gusto nalang magpakamatay.

"Bakit? Nag-aalala ka sakaniya?" Nanunuya ang tingin nito. Kilala niya na si Zuri. Naging kaibigan niya na ito noong college kaya sanay na siya sa pagiging mataray at masungit nito. Sinamaan niya ito ng tingin pero mukhang walang epekto dahil ngumisi lang ito.

"Of course, anong akala mo? Masaya akong nakikita siyang ganiyan?" Pagak itong napatawa. Umigting ang panga niya at dumilim ang ekspresyon.

"Talaga lang huh? Baka nakakalimutan mo na Haxon kung paano mo siya sinaktan sa masasakit mong salita? Hindi mo alam kung anong dinulot ng mga nangyari sakaniya noon. Gusto mo talagang malaman?" Nanghahamon ang boses nito. Somehow, gusto niyang malaman ang lahat ng nangyari, lahat-lahat pati ng pinagdaanan ni Selene. Pero sa hindi malamang dahilan mukhang ayaw niya nalang dahil sobrang guilt nanaman ang dadalhin niya.

"I want to know everything Zuri." Napaismid ito at inaya siya para pag-usapan ang lahat.

******

PABABA na sila ng hagdan ni Chelsea habang nakasunod naman sakanila sa likod si Haxon. Panay ang tikhim nito pero hindi niya ito pinapansin. Napatigil siya sa paglalakad ng tumigil si Chelsea at lumingon sa daddy nito.

"Dad, may sakit ka po?" Gusto niyang matawa dahil nalukot ang mukha ni Haxon at parang hindi makapaniwalang napagkamalan siyang may sakit.

"Wala baby. Don't worry, I'm not sick." Nakahinga naman ito ng maluwag at nagsimula nanamang magkwento.

"Tapos tita mommy, sabi pa sakin ni Brianna uuwi daw siya dito next month. Iniwan kasi siya sa Maynila ni Tito Timothy."

"Oh talaga? Edi may kalaro ka na. Bakit ba naman kasi baby hindi ka makilaro kay Tristan? Mabait na bata 'yon. Kaibigan ko ang Tito Christian at tita Christine mo. Gusto mo punta tayo 'don bukas? " Nakangiti niya suhestyon dito pero ngumiti lang ito ng malungkot.

"Ayoko Tita mommy, ayaw niya akong kalaro eh. Sabi niya mas gusto niya daw kalaro si Gillian. That brat! Mas maganda naman ako 'donn sa hampas lupang 'yon" Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ni Chelsea.

"CHELSEA!" Sabay na suway nila ni Haxon dito. Bahagya pa silang nagkatinginan pero kapagkuwan bumalik ang tingin kay Chelsea na nakakunot-noo mukhang hindi naintindihan ang sinabi mismo nito.

"W-why tita mommy? Daddy? May nasabi po ba akong mali?" Nagtataka ito. Napabuntong hininga nalang siya. Mukhang narinig lang nito ang salitang 'yon sa kung sino. Tumingin siya kay Haxon at pinandilatan ito. Mukhang naintindihan naman nito at agad na kinarga si Chelsea.

"Alam mo baby, don't say 'hampas-lupa' okay? That's bad. Hindi porket mahirap lang si Gillian sasabihan mo na siya ng ganiyan? Mali yun Chelsea. Kahit na ipinanganak kang mayaman anak kailangan mong respetuhin ang ibang tao. Naiintindihan mo?" Napatango nalang ito at nahihiyang tumingin sakaniya. Tipid lang siyang napangiti. Mukhang naintindihan naman nito.

"Magandang umaga po Aling Razon, Mang Dario." Bati niya sa mag-asawa. Agad na lumingon sakaniya mga ito at ngumiti.

"Magandang umaga din hija. Tara kain tayo." Alok nito sakaniya. Tipid siyang napangiti dito at umiling.

"Hindi na po kumain na ako." Tanggi niya sa alok nito. Talaga namang busog na siya dahil sa kakasubo sakaniya kanina ni Chelsea. Pinakain siya ng madami dahil nangangayat na daw siya. Napaka thoughtful talaga ng batang 'yon.  Wala sa sariling napangiti siya dahil sa pagiging maalalahanin nito.

"Ayy siya nga pala hija. Salamat sa mga pasalubong mo sa mga anak ko. Talagang sobrang tuwa ni Ashera dahil may laptop na daw siya, kailangan talaga ng mga Senior High ngayon. Maraming salamat talaga ma'am Selene. Sobrang bait niyo talaga" Nahihiya siyang napangiti dito. Ayaw niya ng masyadong pinupuri. Gusto niyang lahat ng trabahador dito ay pantay ang tingin sakaniya dahil nakiki bakasyon lang din naman siya.

"Walang anuman po iyon Nay Razon. Bakit nga po pala hindi pumasok si Amy?" Pang-uusisa niya dito. Wala kasi siyang magawa sa mansion dahil halos lahat ng magpipinsan pumunta sa Falls malapit sa gubat. Hindi siya sumama dahil medyo pagod parin talaga siya. Kaya hanggang sa malapit lang siya pumunta. Nakailang-beses pa siyang pinilit ni Hill at Zuri hindi talaga siya sumama.

"Hayun, may sakit kasi ang batang yun. Alam mo na masyadong matigas ang ulo. Magbabad ba naman sa falls ba yun? Kasama si Wendy at Tony. Sa pagkakaalam ko kasama nga din daw si Sebastiano. Sabi ko nga kay Amy bakit sumama yung batang 'yon alam mo namang nanay nun, masyadong strikta." Miski siya nagtataka din kung bakit nga ba sumama si Seb. Lihim siyang napangiti dahil alam niya nang dahilan. Loko talagang batang yun!.

"Ahh, si tita Shienna po ba? Oo nga po eh. Hindi nga po kami 'non masyadong malapit. Nakakatakot kasi kung tumingin pero mabait naman 'yon." Masyado nga talagang intimidating ang tita Shienna niya dahil minsan niya ng nakita kung paano 'yon magalit.

"Hay naku! Hindi mo lang alam. Matapobre daw 'yon sabi ni mareng Dina. Buhat daw bang buhusan ng mainit na kape ang katulong. Tsk, tsk, tsk. Bakit kaya nagka ganon 'yon? Hindi naman yun ganun dati hindi ba?" Gulat siyang tumingin kay Aling Razon.

"Talaga po? Nangbuhos siya ng kape? Sino po bang katulong?" Bumuka ang bibig nito akmang magsasalita na ng may biglang bwiset na dumating.

"Having a great time Demi?" Nakangiti na ito at leche labas ba naman ang napakalalim nitong dimples. Napaiwas siya ng tingin dahil naaakit siya sa simpleng galaw lang ng binata. Her heart is in danger because of this man. Ngiting-ngiti namang nanonood sakanila si Aling Razon. Alam kasi nitong matalik silang magkaibigan noong high school pero hindi nito alam na nagkasira ang pagkakaibigan nila.

Pilit ang ngiti na humarap siya dito. Dumilim ang mukha ni Haxon ng makitang napipilitan lang siyang ngumiti. Masyado siya nitong kilala na kahit nakatalikod kilala na siya nito.

"Yeah Haxon, got a problem with that? Bakit ka nga pala nandito? As if naman sinundan mo ako? Sa pagkaka-alam ko sa falls ka ngayon ha." Her narrow knotted. Bakit nga ba ito nandito?

"Well, hinanap talaga kita Demi. I want to talk to you bestfriend." Nakangising sagot nito sakaniya. She smirked that made his smile fade.

"Bestfriend? Oh, yeah bestfriend. Sige po 'nay Razon mauna na ako. May bwiset po kasing gustong kausapin ako." Napanganga ang matanda kapagkuwan ngumiti.

"Naku! Mapagbiro ka talaga hija. Hanggang ngayon pala magkaibigan parin kayo. Mabuti naman at hindi parin nagbabago ang samahan niyo. Sayang nga lang at hindi kayo nagkatuluyan. Bagay pa naman sana kayo." Komento ng matanda na nagpainis sakaniya.

Kung noon masaya siya kapag may nagko-komentong bagay sila ni Haxon kapag napagkakamalan silang may relasyon pero ngayon kahit na sabihing may nararamdaman pa siya dito pilit niya na itong kinakalimutan dahil malapit na siyang ikasal.

Nang makalayo sa matanda hinatak niya pabalik ang braso sa pagkakahawak ni Haxon. Matalim siyang tumingin dito at agad na inambahan ng suntok ang balikat nito. Nagulat ito at nakatitig na sakaniya.

"Pwede ba Haxon, nakita mong nakikipag-usap ako kay 'nay Razon tapos hahatakin mo ako kung saan. Ano nanaman ba?" Mula sa pagkagulat tumigas ang ekspresyon nito at agad na nilapit ang mukha sa mukha niya. Ilang dangkal nalang ang layo nito. Konti nalang maglalapat na ang labi nila. Mariin siyang napapikit ng nagsalita ito. Tumama sa mukha niya ang mabango nitong hininga na nagpainit sa pisngi niya. Sobrang lapit na nga talaga nila.

"Your so called fiance is here. Paalisin mo siya dito ngayon din Selene. Naiinis akong nandito siya. He irritates the hell out of me. Damn that man! Bakit ba sunod parin siya ng sunod sayo? Hanggang ngayon sumunod parin siya dito? Pwede bang habang nandito ka ako naman? Ako muna Demi? Mahirap ba yun?" She froze. What the?