Chapter 4 - Damn You!

She's staring at him like he's a big joke. Nanatili silang nakatitig sa isa't-isa. Walang balak mag-salita. Pinapakiramdaman ang bawat isa. How dare he demand to her time? Iritado siyang nakatitig dito. Nais na iparating ang galit na nararamdaman. Mukhang nakuha naman nitong galit na siya. Umiwas ito ng tingin dahil konti nalang talagang isusumbat niya nanaman ang lahat.

"What did you say?" Note the sarcasm. Naiinis siya dahil umismid ito at parang wala lang ang nararamdamang galit niya. Mas nagpadagdag pa sa galit na nararamdaman niya ng presko lang itong umupo sa papag ng kamalig. Ni hindi niya namalayan na sa barn pala siya nito dinala.

"Since when did you two dating?" Napatiim bagang ito at nakakunot nanaman ang noo. Halos hindi niya nakitang ngumiti kahit isang beses si Haxon. She raised her eyebrow and crossed her arms while looking at him.

"Pakealam mo? Pwede ba Haxon, stop acting like that. It irritates me." napasulyap ito sakaniya at magkasalubong ang kilay na tumitig.

"Acting like what?" Halata sa mukha nito na naguguluhan ito.

"Duh, as if you don't know. Stop flirting with me will you? Kanina ka pa. Nakakainis ka na. Pwede bang layuan mo ako? Ikakasal na ako baka ano pang isipin ni Iñigo. And speaking of, where is he?" Bakas sa boses niya ang excitement ng itanong niya ang fiance. Hindi niya na kinagulat ng umirap sakaniya si Haxon at nakasimangot.

"Why would I tell you? Kahit alam ko kung nasaan siya hindi ko sayo sasabihin. Go on, hanapin mo siya sa buong Villa. Tingnan nalang natin kung mahanap mo siya sa lawak nito." Naka-cross arms na din itong tumayo at humarap sakaniya.

"And I'm not flirting with you Demi. I just want to express my feelings." Bigla siya nitong hinalikan sa labi at humiwalay din kaagad. He winked at her and left her dumbfounded. Iniwan siya nitong nakatulala at hindi parin ma sink-in ang ginawa nito.

Damn that man!

"DAMN YOU! DAMN YOU HAXON! I HATE YOU!" Sigaw niya dito. Napatigil ito sa paglalakad at humarap sakaniya. Nawalan ng emosyon ang mukha nito at hindi niya alam kung galit ba ito o ano. Unti-unti itong lumalapit sakaniya. Kada lapit nito umaatras siya. Hanggang sa ma-corner siya nito sa malaking puno. Hindi siya makapagsalita dahil sa lapit nito.

She already smelled his manly scent. Hindi parin pala nagbabago ang pabango nito. Noon, gustong-gusto niya na malapit dito dahil nakaka-adik ang amoy nito. Niyayakap niya pa ito noon na parang wala lang. Minsan na silang nagkalapit ng ganito pero hindi niya naramdaman ang ganitong tibok ng puso niya, pero ngayon sobrang bilis nito at naninindig na rin ang balahibo niya.

How could this man makes her knees weak easily? She admit it, she still love this man after all these years. Hindi nagbago ang nararamdaman niya sa binata. Kahit anong pilit niyang kalimutan ito hindi niya magawa. Sutil ang puso niya dahil hindi niya ito madiktahan.

"You hate me? It's okay, I think I deserve your hate. But can we start again Selene? I want to make it up to you. Mahirap bang magsimula kang muli na kasama ako? I want to start with you baby, let's start a new. Let's start all over again." Lumambot ang ekspresyon nito at punong-puno ng hindi niya mapangalanang emosyon ang mga mata nito. Gusto ng puso niyang um-oo sa gusto nito. Ngunit, ang isip niya ay gusto ng makalimot.

" lWhat do you mean by that Haxon?" Halos hindi niya na marinig ang sariling boses dahil sa panghihina. Samu't-saring emosyon ang nararamdaman niya. Naguguluhan siya sa nararamdaman. Hindi niya alam kung anong dapat na gawin.

'Let go Selene. Makakalimutan mo ang lahat kung buong-puso mo itong tinanggap. Accept everything bestie. Tanging pag-taggap lang ang susi para makalimutan mo ang lahat. Makakapagsimula kang muli kung natuto kang magpatawad sa mga taong nanakit sayo. Hindi ka makakapag-simula kung hanggang ngayon hindi mo parin pinapakawalan ang lahat ng sakit na yan.'

'Pakawalan mo na ang lahat ng hinanakit at sakit na tinago mo. Let them out. Nang sa gayon, matuto kang mahalin ang sarili mo. Tanging nakikita mo kasi ay ang mga sakit na dulot ng mga taong nanakit sayo. Simulan mong pagtuunan ng pansin ang mga nagmamahal sayo. We cared for you bestie. You need to overcome this, magtiwala ka lang sa diyos dahil malalampasan mo rin ang trauma na idinulot nila sayo. When your in top pray, when your down pray. Tutulungan ka niya Selene, kailan man hindi ka niya bibitawan.'

Sa hindi malamang dahilan tila naririnig niya sa isip niya ang boses ng pychiatrist niyang si Zuri. Pag-tanggap, pakawalan ang lahat at matutong magpatawad. Hindi niya pa nga ba napapatawad si Haxon sa lagay na ito? Siguro nga hindi niya parin kaya dahil grabeng sakit ang dinulot nito sakaniya. Gusto niya ng makalimot, pero makakalimutan niya ang lahat kung matututo siyang tanggapin ang lahat. Paano niya matatanggap ang lahat kung kada naiiisip niya palang parang gusto niya nalang magtago sa dilim.

Gusto niya nalang tumakbo sa reyalidad. Natatakot siya dahil pakiramdam niya, lahat ng tao sasaktan lang siya. Muli niyang tinitigan ang berde nitong mga mata na minsan niya ng pinangarap na siya lang ang titigan, na siya lang ang titingnan nito ng buong pagmamahal. Pero lahat ng bagay na pinangarap niya, kay Selena ibinigay. Why life is so unfair? Hindi ba siya pwedeng sumaya kahit minsan lang?

Masyado niya bang niyayakap ang problema at sakit dahilang ayaw na nitong mawalay sakaniya. Mapungay ang mga tingin nito. Nanlaki ang mga mata niya hinayaan nitong malunod ang sarili sa emosyon. Nakatitig ito sakaniya ng puno ng pagmamahal. Ayaw niyang mag-assume pero ito ang nakikita niya. Maaaring magsinungaling ang bibig pero hindi ang mga mata. Ayaw niyang maniwala. Nagpumiglas siya sa yakap nito pero hindi siya nito hinayaan.

'Kita mo pre, takot na si Selena. Sige matakot ka pa babe.'

'Hahahaha, anong nangyari babe? Hindi ba't ginagawa naman natin ito noon?'

'Selena. Mahal kita diba? Pero bakit mo ako hiniwalayan?'

'Sabing hindi ako si Selena? Parang-awa niyo na. Hindi ako ang kakambal ko!'

Naghihisterikal na siya. Sunod-sunod na tumutulo ang luha niya dahil naaalala niya nanaman ang lahat ng kababuyan ng mga lalaking 'yon. Pilit siyang humihiwalay sa hawak ni Haxon. Hindi niya na makita pa kung sino ang kasama niya basta nakikita niya nalang kung paano siya ng mga ito pagtawanan habang nagmamakaawa na siya. Namimilipit na siya noon sa sakit pero hindi ng mga ito inintindi ang sakit nararamdaman niya sa puson.

Dahil sa pangyayaring 'yon may isang taong nawala.

"Pakawalan mo ako! Parang-awa mo na, ayoko na. Hindi ako si Selena. Wala akong alam sa ginawa niya sayo! Please let me go. My baby! Please iligtas niyo ang baby ko!." She's screaming while crying so loud. She hysterically punched the one hugging her. Pilit niyang sinisipa at sinusuntok ito para makawala.

"Shhh, calm down baby. Calm down Demi. Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo. Please, I'm begging you calm down. Shhh, I'm here Demi. Ako ito si Haxon." The man hugged her and cupped her face. He then kissed her gently. Napatigil siya sa pagwawala ng malasahan ang tamis ng mga labi nito. He's kissing her! Haxon's kissing her! Para siyang nagising sa isang panaginip. Gusto niya itong itulak pero hindi niya maigalaw ang buong katawan.

Nanlaki ang mga mata niya at nakatitig lang sa binata. Nakapikit ang mga mata nito, he's like feeling the sweetness of her lips. Parang may sariling mga isip ang braso niya at mas hinapit pa ito palapit sakaniya. Hinalikan niya ito pabalik, not minding if someone caught them. She just want to feel him, she want to feel his gentle touch. She can't stop herself anymore.

Mas dumiin ang halikan nilang dalawa dahil hinawakan ni Haxon ang batok niya para palalimin pa ang halik na pinagsasaluhan nila. They are french kissing. Hindi siya marunong humalik pero nakakasabay siya sa galaw nito dahil dalang-dala na siya sa init na nararamdaman. Hinila siya nito pakubabaw sakaniya at bumaba ang mga halik ni Haxon sa leeg niya. Her mind telling her to stop. Pero ang puso at katawan niya ay ayaw tumigil. They want to feel the heat. Nakakapasong init na unti-unting tumutupok sa katinuan niya.

She lost her sanity. Just a simple touch of Haxon, she feel hot. Mas dumagdag pa sa init na nararamdaman niya ang kung anong tumutusok sa ilalim ng mga hita niya. He's already arouse. They can't help but to moan when she rubbed her sex to his hardness. Napatigil sila sa ginagawa ng may biglang tumikhim. Agad siyang napatingin sa taong 'yon at sobrang hiya ang nararamdaman niya ng makitang si Nay Razon.

Miski ito hindi makatingin sakanila ng diretso. Pinagpapawisan pa siya halatang may kababalaghang ginawa. She bet namumula na ang magkabilang pisngi niya dahil sa may nakahuli nga sakanila.

"P-pasensya na po Sir Haxon, Ma'am Selene. May naghahanap kasi sayong lalaki. Fiance mo daw." Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at naitulak si Haxon. Inayos niya ang nagusot na damit at sinuklay gamit ang kamay ang mahabang buhok. Nahihiya siyang ngumiti kay Nay Razon.

"A-ah, sige po. Mauna na po muna ako." Hindi na siya nag-abala pang sumulyap kay Haxon. Ipinalibot ang paningin. Hinahanap si Iñigo. Nakita niya itong preskong nakaupo sa kahoy at nakadekwatro. Nakatitig ito sakaniya at kapagkuwan umirap. She run to him and kiss his cheeks. Hinila niya ito palayo sa kamalig at ng masigurong wala ng makakakita sakanila sa lugar na pinagdalhan niya nakatanggap agad siya dito ng batok.

"Aray ko ha! Ano bang problema mo?" Sapo niya ang binatukan nito at masamang tumingin dito.

"Bakit biglaan kang umuwi? Akala ko ba next month pa?" Saad niya dito.

"Gaga, isu-surprise sana kita. Kaso nga lang mukhang ako ang na-surprise. Ano 'yong nakita ko? Maglalampungan nalang kayo sa papag pa? Ang cheap! Hindi ka man lang dinala sa magara niyang kama o kaya naman kahit sa banyo nalang." Sarkastiko nitong sabi sakaniya. And yes, Iñigo is a freaking gay. She rolled her eyes at this gay.

"Pwede ba, huwag mo ng ipaalala sakin ang kagagahang nagawa ko nanaman. At saka, sagutin mo nga ako. Ba't ka nandito?" Nakahalukipkip na itong nakatingin sakaniya. Tamad na tamad at parang wala sa sarili. Napahugot pa ito ng hininga na siyang kinataka. Anyare sa baklitang ito?

"I'm so fucked up Demetria. Si dad, gusto ka niyang ma-meet." Halata sa boses at mukha nito ang pagod at problema. Alam niyang mahirap para sa kaibigan na itago ang tunay na damdamin nito. Siya at si Zuri lang ang nakakaalam sa tunay na Iñigo. Sila lang ang nakakaalam sa tinatago nitong sekreto na alam nilang ikagagalit ng husto ng ama at lolo nito. Kaya nga siya pumayag na magpakasal dito dahil alam niyang aalagaan siya nito.

Hindi siya nito kayang saktan, he treasure her so much. Lagi siya nitong pinapakibagayan. Isang tawag lang dito hindi ito nagdadalawang-isip na tumulong. Kaya naman gusto niya ditong makabawi sa lahat ng kabutihang nagawa nito sakaniya, sakanila ni Zuri. Hinawakan niya ang pisngi nito at bumaba ang kamay niya sa palad nito. Pinagsiklop niya ang kamay nila at matamis itong nginitian.

"Anong problema ron? Edi, i-meet natin ang dad mo. Alam mo namang mahal na mahal kita Iñigo. Sobrang dami na ng nagawa mo para sakin. Ano ba namang tulungan ka sa simpleng bagay na ito?" Tipid itong napangiti at niyakap siya. Agad siyang napasiksik sa matigas na dibdib nito. Bahagya niya pang sininghot at napairap siya sa hangin sa naamoy.

"At talagang ginamit mo ang perfume ni Jemma?" mahina itong natawa habang nakayakap parin sakaniya.

"Thank you Demetria. Alam kong hindi madali ang desisyong ito para sayo. Hindi basta-basta ang magpakasal. Dapat na sigurado tayo sa papasukin natin pero handa kang tulungan ako. Pero sigurado ka talaga? Handa ka ba talagang pakasalan ako? Pwede ka namang tumanggi kung ayaw-" hindi na nito natuloy ang dapat na sasabihin dahil inilagay niya ang daliri sa labi nito para patahimikin.

"Shh, how many times do I have to tell you na I'm very sure. A hundred percent sure. Handa ako, handa akong pakasalan ka." Kumalas na siya ng yakap dito pero hindi nakatakas sa paningin niya ang pagtulo ng luha nito. Natatawa nitong tinampal ang balikat niya.

"Ikaw talaga babes, pinapaiyak mo ako. I'm so grateful na nakilala kita Demetria. You make me feel love. And I love you too." Pareho sila natawa dahil sa drama nila. Napatigil sa pagtawa si Iñigo at namumutlang napatingin sa likod niya. Nakakunot noo siyang tumingin sa tiningnan nito at napatigil siya sa pagtawa. There he is, Kielle Haxon Villareal glaring at them. Nagtatagis ang bagang nito at nakakuyom ang kamao. Ang sama ng tingin nito kay Iñigo.

Ano nanamang problema nito? He's not like this ng mga nagdaang taon na umuuwi siya dito para bisitahin ang pamangkin. Ngayon lang ito kumilos ng ganito. Nawawala ang pagiging malamig nito dahil lagi nalang itong nakakunot-noo at lagi mong makikita ang emosyon sa mga mata nito na galit ito.

Umiigting din ang panga nito at muntikan na siyang mapasigaw sa gulat ng tumuon naman sakaniya ang masama nitong tingin. Sandaling nagbago ang emosyon nito at nakita niyang na-amuse ito sa pagkagulat niya kapagkuwan hayan nanaman ang masamang tingin nito na animo may nagawa siyang kasalanan o ayaw nito.

Bumaba ang tingin ni Haxon sa magkadaop pa ring kamay nila si Iñigo. Mas tumalim ang tingin nito.

"Fvck! Fvck it! " Narinig niya pang mahihina nitong mura at bigla nalang nag walk-out. Tinanaw niya ang nakatalikod nitong bulto na naglalakad palayo... sakaniya.

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nasasaktan siya kapag nakikita itong naglalakad papalayo sakaniya. Hindi ba't matagal niya ng tanggap na hindi talaga magiging sila kahit namatay na ang kambal niya. Alam niyang malaking gulo kapag nagpadala siya sa nararamdaman niya this time.

Ilang beses niya ng itinatak sa puso at isip niya na kailan man, kahit nawala na si Selena at kahit magkamukha sila ng kambal hindi siya nito mamahalin. Naguguluhan na siya sa mga kilos nito. Ang simpleng ngiti nito kahapon ng kinausap siya, nakakasilaw. Para bang ang sarap pagmasdan nito na nakangiti at ang gaan sa dibdib na nakikita niya ang lalaking mahal niya na masaya. Pero mahirap din, dahil alam niyang whatever happens no one can replace his late wife, and worst it's her twin sister.

Kanina ng napasulyap ito sakaniya may nakita siyang pamilyar na emosyon dahil halos buong buhay niya kakambal niya na ang emosyong iyon. Pain. Namamalikmata lang ba siya ng makita niya ang emosyong iyon o totoo nga ito pero ayaw niya lang maniwala dahil ayaw niyang masaktan ulit. Ayaw niya ng umasa dito. Sobra na ang sakit, papaano pa ba siya makakabangon kung sobra na siyang lugmok?

She smiled weakly. Hanggang dito na lang sila. Kailangan niyang laging ipaalala sa sarili at rendahan ang puso niyang itigil na ang kahibangang ito. Haxon is not his, at kahit kailan hinding-hindi ito magiging kaniya.