Chapter 2 - People Change
Chapter Two - People Change
Maingay ang dining simula ng magtanghalian at umuwi ang lahat ng Villareal cousins. Nangunguna sa ingay si Lander at Zander. Kambal ito at halos magkamukha. Napapatawa nalang siya sa mga kwento ng mga ito.
"Hoy Haxon, totoo ba yung chismis?" Pang-uusisa ni Zander sa pinsan. Tahimik lang siyang nakikinig sa usapan ng mga ito habang sinusubuan si Chelsea.
"What?" Malamig ang boses na sabi ni Haxon. Simula kanina hindi niya ito tiningnan o pinapansin man lang. Hindi na sila gaya ng dati. Marami ng nagbago sa pagitan nilang dalawa.
Zander smirked and glanced at her. Napakunot noo siya pero umiwas na ito ng tingin.
"Seryosohan na ba si Pamela?" Lahat sila natahimik at naghihintay sa sagot nito.
"No, we're just friends." Napahiyaw si Lander at nanunudyong nakatingin sa pinsan.
"Sus, kaibigan daw pero kung makalingkis ang babae wagas. Maniwala sayo." Lander winked at her. Gulat siyang napatingin dito. Mahina lang itong napatawa at nang-asar nanaman.
"Mga apo! I have an announcement!" Masayang wika ni Abuela. Kinabahan siya dahil baka ang pagpapakasal niya ang i-aannounce nito.
"Selene is getting married!" Na concious siya sa mga tingin ng magpi-pinsan. Ang maingay na kambal tumahimik at sumeryoso ang mukha na nakatingin sakaniya at sa kamay niyang sa ibabaw ng mesa. Tipid siyang napangiti sa mga ito at nahihiyang bumalik sa pagsubo kay Chelsea.
Ilang sandali pa nagsalita si Paris.
"So, totoo nga yung nakita ko? Akala ko kamukha mo lang yun." As usual, malamig ang boses nito.
"Yeah, I saw you too in London with a guy" Ani London. Seriously? Nakita pala siya ng magkambal sa parehong lugar pa ng pangalan ng mga ito.
Tipid siyang tumango. Napasulyap siya kay Haxon ng maramdaman ang matalim na tingin nito. What's his problem?
"Yes, I'm with Iñigo." Tipid na sagot niya. Hindi naman siya close masyado sa mga ito para magkwento.
"Don't tell me Iñigo Alvarez?" Singit ni Timothy sa usapan.
"Yes, it's him. Kilala mo siya?"
"Hmm. My college friend. But not so close. What a small world." Pabalik-balik ang tingin nito sakaniya at kay Haxon. Hindi niya na pinansin pa ang tinginan ng dalawa na parang nagkakaintindihan sa tingin pa lang.
"Ahh, ganon ba." Napatango lang ito. Pakiramdam niya 'yon na ang pinaka mahabang pagkain niya sa tanang buhay niya dahil sa ibinalita ni Abuela. Lahat nakitanong sakaniya tungkol sa fiance niya.
Hindi siya makasagot ng maayos dahil sa matatalim na titig sakaniya ni Haxon. Siya lang siguro ang nakapansin sa mga binibigay na tingin nito.
"Ikaw Chelsea, okay lang ba sayong mag-asawa ang tita mommy mo?" Tanong ni Hayden na siyang kinatingin ng lahat kay Chelsea. Tipid itong napangiti at sandaling sumulyap sakaniya.
"It's okay, but I'm a bit sad." Pag-amin nito. Mas naging interesado si Hayden sa pagtatanong. She know he's up into something. May gusto itong iparating sakaniya.
"Syempre, kapag nagkaroon na si tita mommy ng own family, magiging busy na siya. Lalo na kapag may baby na siya. Kahit sabihin ni tita mommy na baby niya parin ako, I know she loves her own baby than me. Ayoko pong mawala sakin si tita mommy." She saw a familiar emotion on Chelsea's eyes. Naramdaman niya na din ang takot na mawala sakaniya ang taong mahal na mahal niya.
"Chelsea, you know that she loves you so much. Don't think like that. Kailangan din ni Selene na mabigyan ng oras at panahon ang sarili niya. No matter what happens she still loves you like her own. Stop overthinking." Sabi ni Abuela na siyang kinayuko ni Chelsea.
"I'm sorry Abuela, I didn't mean it." Abuela just smiled and nodded at Chelsea. She hugged her niece and kissed her forehead.
"I love you so much baby, gagawin ni tita mommy ang lahat para sayo." Bulong niya dito na siyang kinatingin ni Chelsea. May tuwa ang mga mata nito at umaasa. Kinurot niya ang ilong nito na kinangiwi ng bata.
"You're so cute Chelsea. Manang-mana ka sakin." Hindi niya na napansin na lumambot ang tingin ni Haxon at agad umiwas ng tingin.
"Excuse me, I'm done." Ani Haxon na naglalakad na palayo. Nakita niya nalang ang palayo nitong bulto. Malungkot siyang napangiti dahil alam niyang naaalala parin nito ang asawa.
Minsan naiisip niya, isa rin kaya si Haxon sa mga sumisi sakaniya? Na hindi niya ginamit ang kakayahan para mailigtas ang kambal. Hindi man nito sabihin, ramdam niya na ayaw siya nitong makita. Siya rin naman eh, ayaw niya ng magkaroon pa ng koneksyon dito pero paano niya 'yon magagawa kung si Abuela Cathaleya na ang tinuturing niyang pamilya? Anak pa nito ang pamangkin niya.
She took a deep breath while looking at the ambiance in front of her. Villa Cathaleya never failed to amaze her. Sobrang ganda nito at napakapresko ng kapaligiran. Makukulay na mga bulaklak at hitik na hitik na mga bunga ng gulay at prutas. Kung papipiliin, mas gusto niya nalang na dito tumira. Kung naging sila sana.
Stop right there brain. Matagal mo ng kinalimutan ang lahat right?
Hindi niya parin talaga makalimutan ang nangyari sa nakaraan. Ang dali lang para dito ang kalimutan at bitiwan ang pagkakaibigan nila. She sighed. Pang-ilang beses niya na bang buntong-hininga ito?
"Stop sighing. You look stress." Komento ng biglang dumating. She just rolled her eyes, still not looking at the man behind her. Alam niya naman na kung sino 'yon. Sa ilang taon nilang pagkakaibigan kilala niya na kahit yapak nito.
The man sat beside her and looked at the whole hacienda. He cleared his throat and glanced at her.
"How's life Selene Demetria Monteverde?" Dahil sa pagtawag nito sa buong pangalan niya napasulyap siya dito. No one calls her whole name. Sobrang haba nito na miski si Zuri ayaw siyang tawaging Demetria. She just shrugged but still not talking.
"Still not talking? Samantalang noon halos hindi ka na tumitigil sa pagsasalita. I still remember your chismis about Syria." So, naaalala pa nito? She want to laugh bitterly. What happened? Bakit bigla nalang nitong ino-open topic ang nakaraan? Mas nainis pa siya ng may naramdaman siyang kasiyahan sa dibdib sa kaalamang naaalala pa nitong naging magkaibigan sila.
Hindi niya napigilang mapasulyap dito. Thankfully, hindi ito nakatingin. Lihim niyang pinagmasdan ang mukha nito. His clean cut black hair, proud nose and green eyes. Makapal at itim na itim na kilay, his thick eyelashes that make him more sexy kada makakasalubong niya ang tingin nito. Bakit nga ba sa tinagal-tagal ng panahon hindi niya parin makalimutan ang gwapong mukha nito? At ang leche niyang nararamdaman para sa binata.
Ayaw niya man sa nararamdaman pero masyadong sutil ang puso niya na kahit siya hindi na alam ang dapat na gawin. Ikakasal na siya, dapat niya ng ibigay at ituon ang atensyon sa fiance na si Iñigo. Kada makakasalubong niya ang tingin nito pakiramdam niya nagpa-palpitate ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok nito. Napapailing nalang siya kada makikitang hindi na nito binibigyang pansin ang pagtitig niya.
Akala niya nung high school infatuation lang ang nararamdaman niya para kay Haxon. That serious and cold man. Pero napakabait at sweet nito sakaniya, paano niya nga naman mapipigilan ang puso niyang hindi mahulog dito kung napakagwapo ng ngiti nito na sakaniya lang binibigay at pinapakita .... Noon.
Nabalik siya sa kasalukuyan ng marinig ang pagtikhim nito at pagngisi. Gusto niyang tanggalin ang ngisi nito. Nakakainis lang, akala siguro nito magkaibigan parin sila.
"Ang hilig mo parin talagang titigan ako. So, ikakasal ka na pala Demi? Why so sudden?" Nakakunot-noo na ito ngayon. Nahihiwagaan talaga siya kung bakit kada maririnig nito o masasambit na ikakasal na siya dumidilim ang mukha nito at tumitigas ang ekspresyon. As if naman may gusto na ito sakaniya para um-acting nagseselos.
"Why? Is there a problem Mr. Villareal?" She asked him in a serious voice. Titig na titig ito sakaniya. Wala siyang nagawa kundi umiwas ng tingin at kunwaring pinagmamasdan ang kapaligiran.
Pagak itong napatawa dahil sa hindi niya pagtawag ng Haxon.
"You're too formal Demi. You changed alot. Where's my sweet and noisy bestfriend Demetria?" Nanlambot ang ang tuhod niya dahil sa lambing ng boses nito. Pero nilabanan niya ang nararamdaman. Gusto niyang ipakita dito na hindi na sila magkaibigan. She sarcastically laugh. Maluha-luha pa ang mata niya dahil sa sinabi nito. Seriously? Bestfriend? Nakakalimutan na ba nito na tinapos na nito ang pagkakaibigan nila? Kung paano niya ito tinawagan dahil kailangan niya ng tulong?
"Bestfriend? Are you drunk Mr. Villareal? Sa pagkakaalam ko sina Zuri, Hill at Mia ang bestfriend ko. Baka nakakalimutan mo na kung paano mo itapon ang pagkakaibigan natin noon. Ex-bestfriend Haxon, EX-BESTFRIEND. Do you get it? Wala na. Hindi na. And no, hindi ako nagbago. Ito ang tunay na ako, hindi mo lang talaga ako masyadong kilala. At kung inaakala mong nagbago na ako, well people change. Tss excuse me." Pilit niyang pinatatag ang sarili. Hindi niya parin makalimutan kung anong nangyari ng nakaraan dahil sa hindi nito pagsulpot.
Ilang beses niya itong tinawagan at hiniling sa diyos na sana dumating ito sa mga panahong kailangan niya. Dahil sa mga oras na 'yon gusto niya nalang na mamatay dahil sa takot na nararamdaman. Minsan niya ng pinaramdam at pinaalam dito ang lahat ng sakit at hinanakit niya. Pero, ang nangyari siya pa ang mali at hinusgahan nito. Napailing nalang siya dahil hanggang ngayon naaalala niya parin ang lahat.
Paulit-ulit niya paring naririnig sa isip niya ang mga salitang binitiwan nito sakaniya noon.
'Ano bang ginagawa mo sa buhay mo Selene? Hindi na ikaw ang kaibigan ko. Hindi mo ba maintindihan na busy ako that time? Kung hindi ka ba naman kasi nakikipaglapit kahit kanino. Tapos ngayon si Selena ang sisisihin mo? Magalit ka na sakin pero wag na wag mo lang masasabihan na malandi ang girlfriend ko. Dahil kung tutuusin ikaw ang nababagay sa titulong yan.'
'Hindi kita pinilit o ano na magustuhan ako. Alam mong sa simula palang si Selena lang ang kaya kong mahalin. Kaibigan lang kita, wala kang karapatang mag-demand sa oras at atensyon ko. Be thankful ka pa nga dahil kahit ganon ang nangyari sayo, nilalapitan pa kita. So stop this nonsense, stop telling me that you love me.'
'Look, they disgust you. Kahit hindi ko sabihin sayo alam mo naman siguro na nandidiri din ako sayo. Simula ngayon, huwag mo ng mabanggit-banggit ang nararamdaman mo. It's gross Selene, mangilabot ka nga. Stop loving me, and from now on don't come near me. Tinatapos ko ng pagkakaibigan nating dalawa Selene.'
Habang papalabas ng garden pilit niyang pinipigilan ang nagbabadyang pagtulo ng luha. Sino ba namang hindi masasaktan sa mga sinabi nito sakaniya? Siya na ang naagrabyado, siya pa ang sinisi ng lahat. Samu't-saring panunukso o panlalait ang natatanggap niya buti nalang laging nasa tabi niya ang kaibigang si Zuri.
"I'm sorry..." tuluyan ng nalaglag ang luhang pinipigilan niya. Ngayon humihingi na ito ng tawad? It's too late. Matagal na 'yon, pero ngayon lang nito naisip humingi ng tawad? Humarap siya at matalim ang tingin na ipinukol niya dito. Wala na siyang pakialam kahit na nakikita nito ang luha sa mga mata niya. Hindi naman masamang ipakita ang kahinaan. Ngayon niya lang hahayaan ang sariling malunod sa emosyong nararamdaman.
Malambot ang mukha ni Haxon ng makita na ng tuluyan ang mukha niya. Akmang lalapit ito ng itaas niya ang kamay tanda na tumigil ito.
"Sorry? Huwag kang humingi ng tawad Haxon, dahil tulad ng sinabi mo kasalanan ko ang lahat ng kamiserablehang nangyari sa buhay ko dahil malandi ako. I'm a flirt right? You disgust me. Don't be guilty, alam mong matagal na 'yon. Kinalimutan ko na ang ginawa mo kaya mas mabuti kung huwag mo na akong lalapitan pa. Naiintindihan mo? From now on, don't come near me." she wiped her tears and stared at him, emotionless.
"Kahit matagal na 'yon but still, i want to say sorry. Alam kong nagkamali ako. Matagal ko ng gustong humingi ng tawad. I'm really sorry, sa nagdaang taon sa araw o gabi man yan hindi ako pinapatulog ng konsensya at guilt ko. And I know, I hurt you. Your still hurting Demi. Sampalin mo ako, saktan mo ako. Tatanggapin ko ang lahat dahil alam kong mas doble ang sakit na nararamdaman mo. Iniwan kita ng mga panahong kailangan mo ng masasandalan. And that's the biggest mistake I did. Believe me Demi, I have a reason. At hindi ka malandi o nakakadiri may rason ako kung bakit ko nasabi ang lahat ng 'yon. Please, believe me i regretted everything." She's silently sobbing while staring coldly at him.
"I don't need your sorry Haxon. Matagal na 'yon. Kalimutan mo na dahil matagal ko ng nataggap na bilang lang ang mga taong magmamahal sakin. Sayo na ang sorry mo dahil matagal ko na rin kinalimutan na minsan kang naging parte ng buhay ko. Move on Haxon, huwag mo ng sirain ang bagong buhay na pilit kong binuo. I started again, at kahit ilang beses pang may sumira sa buhay ko I will start and I'm starting all over again." Tuluyan na siyang umalis sa garden, hindi niya na nakita pa ang luhang tumulo mula sa mga mata ni Haxon.
She's hurting, but he's hurting too. Pareho silang nasasaktan. Hanggang kailan kaya sila pagtatagpuin ng sariling damdamin? They both hurting, ang tanging makakatanggal lang ng sakit ay ang bawat isa. Takot na si Selene na sumugal. Ilang beses niya na bang pinaramdam sa binata kung gaano niya ito kamahal noon?
But he's always ignoring her existence. He act like he don't care, but now what change? People really changed huh?