Chapter 1 - She's Back

"TITA MOMMY!" Napatigil siya sa pagbaba ng kotse at agad napatingin sa sumigaw. Bibong-bibo na tumatakbo patungo sakaniya si Chelsea. Tuluyan na siyang lumabas ng kotse at hinintay itong makalapit sakaniya. Ngiting-ngiti ito habang papalapit na sakaniya.

Nang tuluyan na itong makalapit agad niya itong niyakap ng sobrang higpit. She even kissed her niece on her head. She really loves her niece. Siya na ang tinuring nitong ina simula ng ipanganak ito. Namatay sa panganganak ang kambal niya dahil sa sakit sa puso. Hindi kinaya ng puso nito ang pag deliver kay Chelsea. Umuwi siya 'non bago pa manganak ang kambal. Siya ang gustong magpaanak dito. Kahit ilang beses siyang pinilit ng ina na alalayan ang kapatid sa loob ng delivery room pero hindi niya ginawa.

Hindi niya kayang makitang nasa ganong kalagayan ang kambal. Wala siyang tiwala sa kakayahan niya sa mga oras na 'yon dahil mismong kapatid ang pasyente, hindi lang basta kapatid dahil kakambal niya ito. Halos karugtong na ng buhay niya. Simula ng tumanggi siya mas nagalit ang pamilya niya sakaniya. They even belittled her profession. Dahil mismong kapatid hindi kayang iligtas sa kamatayan.

Hindi siya diyos, doktor lang siya. Ilang beses niyang pinaliwanag sa mga ito na nasasaktan siya sa kalagayan ng kambal niya kaya hindi niya magagawa ng maayos ang trabaho niya. Pero dahil likas ng sarili lang ang pinakikinggan ng mga magulang sarado na ang isip ng mga ito. Galit na galit sakaniya. Wala na siyang nagawa pa dahil nawala na din naman ang kambal niya. Kahit siya may parte sakaniyang nagsisisi. Kung nilakasan niya sana ang loob niya siguro buhay pa kaya ang kambal niya at may ina si Chelsea?

Napakurap siya ng maramdaman ang maliliit na kamay ni Chelsea na humahaplos sa pisngi niya.

"You really looked like my mom? As in tita mommy? So parang ikaw na din po ang mommy ko kung ganon?" Tipid lang siyang napangiti. Kunot na kunot ang noo nito at titig na titig sa mga mata niya.

"You know baby, your mom is my twin sister. Kaya kami magkamukha dahil magkambal kami. And yes, pwede mo akong ituring na mommy dahil baby kita. Ang ganda-ganda talaga ng baby ko." Napatawa ito at nagpakarga sakaniya. Chelsea Hellana is such a cute little girl. Apat na taon palang ito pero matatas ng magsalita.

Matured na din mag-isip kaya naiintindihan niya na ang mga pinag-uusapan.

"Welcome back Ms. Selene! Ang ganda niyo parin walang kupas!" Sigaw ni Antonio. Isa itong trabahador sa Villa Cathaleya. Nagtatanim ito ng mga gulay kaya bago makapasok sa mismong mansion ng mga Villareal kailangan munang dumaan sa sementadong daan papasok ng Villa. Lahat naman ng mga trabahador approachable at talaga namang mababait kaya kada uwi niya ng Pilipinas lagi siyang sinasalubong ng mga ito ng isang malawak na ngiti.

"Salamat Antonio! Aba, ang gaganda na ng mga sili ha? Ang galing mo talagang magtanim" nakangiting puri niya dito. Namula ang pisngi nito at napaiwas ng tingin.

"Hala si Antonio namumula ang pisngi! Yun bang nagbablush ang tawag dun ate Selene?" Tanong ni Amy na inaasar parin ang binata. She nodded her head that made Amy smile widely na parang nanalo ito.

"Ito talagang si Amy, bantay-bantay kada galaw ni Tony. Siguro may gusto ka sakaniya ano? Ayiieehh. " Si Amy naman ang namula dahil sa sinabi ni Wendy. Sa huli tawang-tawa ito. Napailing nalang siya dahil sa kalokohan ng mga teenager na ito.

"Mauna na kami, siguradong naghihintay na 'yon si Abuela. Punta nalang ako dito bukas para sa pasalubong niyo." Nakangiti niyang sabi sa mga ito na siyang kinatili ni Wendy.

"Sige po ate Selene, ang bait mo talaga. Ano po bang pasalubong niyo?" Ngiting-ngiti ito dahil talaga namang gusto ng mga ito ang pinapasalubong niya.

"Arabo daw Wendy." Hindi na siya tumingin kung sino nagsalita dahil kilala niya na ito.

"Duh, ano nanamang ginagawa mo dito Sebastiano?" Napangiwi si Seb at sinamaan ng tingin si Wendy.

"Syempre dahil nandito ang pinsan ko. Wag ka ngang assuming dyan Wendilyn dahil hindi ikaw ang pinunta ko dito. And how dare you call me Sebastiano? No one's calling me that so, stop it will you? Feeling close lang Wendilyn?" agad niya itong sinuway at nilapitan.

"Seb, stop that. Pasensya na Wendy, Tara na nga Sebastiano. Sungit mo talaga." Napangiwi ito at hindi na nakapalag pa ng hilain niya na ito. Naiwan ang kotse niya sa bungad ng Hacienda dahil sa na flat ang gulong nito. Sakto namang kanina pa pala nakaabang si Chelsea sa bungad.

"Bakit ba naman kasi naglalakad tayo ate Selene?" Kunot noong tanong ni Seb. Sandali niya itong nilingon at inirapan.

"Ehh, bakit pala? Alam mo namang nasiraan ako diba? At tsaka, ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Bakit nga ba naglalakad ka? Asan na yung driver mo? Diba lagi ka namang naka kotse?" Tanong niya sa pinsan. Umiwas 'to ng tingin at tumikhim.

"Wala naman. Gusto lang kitang samahan, masama ba 'yon" Painosente nitong sabi na para bang hindi niya alam ang dahilan.

"Hay naku Sebastiano! Hindi mo ako maloloko. Ikaw talagang bata ka! Trip na trip mong inisin si Wendy. Umamin ka nga, may gusto ka 'don no? Umamin ka na." Napairap ito sakaniya at tamad na tamad na tumingin.

"Excuse me? I'm not bata anymore. Tss, mangilabot ka nga. Yung babaeng yun? Really? Patulan ko nalang si Trina huwag lang yun." Si Trina ang ex daw kuno nito na nag cheat. Kada maaalala niya na nag ka girlfriend ito ng maaga napapatawa nalang siya. Kabataan nga naman.

"Maligayang pagbabalik Señorita Selene!" Hindi niya napansin na nasa mango plantation na pala sila. Agad siyang napasulyap ng tingin kay Mang Dario. Kasama nito ang asawang si Aling Razon. Nilapitan niya ang mga ito at nagmano.

"Magandang umaga po Mang Dario, Aling Razon. Kumusta na po?" Nakangiting tanong niya sa dalawang matanda na bakas ang kasiyahan na nakita siya.

"Heto, ayos lang. Masaya naman. Ikaw hija, kumusta ka? Aba mas gumanda ka ah. May nobyo ka na siguro ano?" Nanunudyo itong nakangiti sakaniya. Napakamot siya sa batok at nahihiyang tumingin dito.

"Fiancee po Aling Razon." Nahihiyang balita niya dito. Malapit siya sa mga trabahador dito dahil noong high school halos dito na siya tumira noong mga panahong magkaibigan pa sila ni Haxon. Napailing nalang siya ng maalala ang binata. Nasaan nanaman kaya ito ngayon?

Gulat na gulat na nakatingin sakaniya ang mga nakarinig. Nahihiya siyang napangiti sa mga ito. Kapagkuwan, nakangiti na ang lahat at nakatingin sa kamay niyang may engagement ring.

"Mabuti't malapit ka na palang ikasal. Aba, maganda yan para magkaanak ka na at magkapamilya. Tama ka na sa edad para magkapamilya. Eh kelan naman hiningi ang kamay mo hija?" Naalala niya pa kung paano nag propose si Iñigo. Kapag naaalala niya 'yon natatawa nalang siya.

"Nung isang buwan po. Ang romantic nga po. Nag propose siya sa Eiffel tower sa Paris." Lahat napahiyaw dahil sa sinabi niya. Samu't-saring tukso ang natanggap niya at nginitian niya lang.

"Mauna na po kami Aling Razon, bukas po pupunta ako dito para sa pasalubong niyong lahat." Pamamaalam niya dahil kanina niya pa nararamdaman ang pag vibrate ng phone sa bulsa ng suot na high waist short na tinuck-in niya lang sa  white t-shirt. Sinadya niya talagang simple lang ang isuot. Tatlong buwan lang ang bakasyon niya kaya mga simpleng damit lang ang dala niya.

Nang may maalala, agad niyang tinawagan si Zuri.

"Hey beshie." Ani Zuri sa kabilang linya.

"Nasan ka na? Naayos na ba yung kotse ko? Pwedeng pakidala nalang dito sa mansion nung maleta ko?" Kasama niya kasi kanina si Zuri. Nagpaiwan ito dahil ito daw bahala sa kotse. Narinig niyang bumuntong-hininga ito. Halatang problemado. Nakokonsensya na tuloy siya.

"Okay lang. Malapit ng maayos ni manong. May tumulong naman sakin." Tamad na tamad ang boses nito.

"Mabuti naman at may tumulong sayo. Teka, kilala mo ba? Sinong tumulong sayo?" Nag-aalala siya sa kaibigan dahil baka kung sinong estranghero ang tumulong dito at baka mapahamak pa ito.

"Ah, kilala mo naman siguro kung sino. Drew Chelleon daw pangalan." Sabi nito na siyang kinagulat niya.

"Si Drew? Don't tell me nandito silang lahat?" Wala sa sariling tanong niya.

"Unfortunately, yes. Nakita ko pa ang mga Villareal cousins dito sa tapsilogan ni Manong. Grabe parang mga hindi mayayaman kung kumilos. Nag-aasaran pa at nagtatawanan hindi alintana ang malalagkit na tingin ng mga babae dito." Sure siyang nakairap nanaman si Zuri. Tipikal na masungit ang babaeng yun.

"Ah, ganon ba. Ingat ka beshie, call me kapag malapit ka na. Sige na malapit na kami sa mansion. Bye. Love you sis."

"Love you too sis, sige na palapit na si manong." Iyon lang ang sinabi nito at binabaan na siya ng tawag.

"Tita mommy." Napatingin siya kay Chelsea. Nangunot ang noo niya ng makitang malungkot ito. Agad niya itong hinarap at nagtanong ng masinsinan.

"Bakit baby? Bakit malungkot ang baby ni tita mommy?"

"Is it true? Na ikakasal ka na?" Chelsea looked down. Tipid siyang napangiti at hinaplos ang buhok nito. Pinatingin niya ito sakaniya. She cupped her both cheeks and kiss the tip of her nose. Nauna na ding pumasok si Seb sa loob. Sa harap na sila ng mansion. Lumuhod siya sa harapan nito.

"Yes baby, malapit ng ikasal si tita mommy. Masaya ka ba para sakin baby ko?" Malambing niyang tanong dito.

"Happy na sad po ako  tita mommy." Pag-amin nito sakaniya ng nararamdaman.

"Bakit naman ganon baby?"

"Happy po ako kasi magkakaroon ka na ng family. Your own family na matagal mo ng gusto. Pero I'm a bit sad po kasi baka kapag nagka baby ka na, 'yong sayo baka mawalan ka na ng oras sakin tita mommy. I love you so much. Ayoko pong may kaagaw tita mommy. Gusto ko akin kalang. Pwede po ba 'yon?" umaasa ang mga tingin na binibigay sakaniya ng bata. Hindi niya man lang naisip na baka maisip ito ni Chelsea.

"Syempre hindi. Kahit magkaroon ako ng sarili kong pamilya, baby pa rin kita baby Chelsea. Hindi ako mawawalan ng oras sayo dahil kahit anong hilingin mo ibibigay ko. Don't overthink baby. Sasakit lang ang ulo mo kakaisip. Tara na pasok na tayo. Naghihintay na yun si Abuela." Tumango lang ito at tipid na ngumiti. Ramdam niya parin ang pangamba ni Chelsea.

"SELENE! APO!" napangiwi siya ng marinig ang malakas na sigaw ni Abuela. Kahit matanda na ito lakas parin makasigaw. Kasunod nito ang napapailing na lang na sina Hillary at Mia.

"Abuela! Kumusta? Namiss kita. Sobra." She hugged abuela so tight. Sobrang lapad ng ngiti ng matanda dahil sa pag-uwi niya.

Pagkalas ng yakap nito agad siyang sinugod ng yakap ni Hillary at Mia. Napangiti nalang siya habang pinagmamasdan ang magpinsan na pilit nagsusumiksik sakaniya.

Nakahinga siya ng maluwag ng kumalas na ito at nakangiti sakaniya.

"Grabe! Ang ganda mo talaga Selene. Blooming na blooming. May boyfriend ka na ano?" Panunudyo ni Hillary. Nakangisi lang si Mia habang pinagmamasdan ang kakulitan ng pinsan.

"Hay naku ate Hillary, wala yang boyfriend si ate Selene..." Mas lumawak ang ngiti ni abuela. "Pero may fiance na daw 'yan." Dugtong ni Seb na nang-aasar nanaman panigurado. She tsked and looked at abuela. Napawi ang ngiti nito at may kung anong emosyon siyang nakita sa mga mata nito.

Pare-parehong nakatingin ang mga ito sa kamay niya. Lumungkot ang mukha ni Abuela ng masigurong ikakasal na nga siya.

"Wow! Congrats! Dream come true na Selene. Nakahanap ka na ng lalaking mamahalin ka. I'm so happy for you friend." Ngiting-ngiti si Hillary na siyang kinagaan ng loob niya. Kanina kasi walang umiimik at napakatahimik. Pero si Abuela hindi parin nagsasalita at nanatiling nakatitig sa kamay niyang may singsing.

"Thank you Hill, Mia. Salamat sa pag suporta lagi sakin." Lumapit siya sa tamihimik na si Abuela. Hinalikan niya ito sa magkabilang pisngi at malawak na nakangiti.

"Abuela, I'm getting married. Gusto ko po sa nalalapit na kasal ko ay nandon ka. Ikaw na ang tinuring kong pamilya ko. I hope you still support me with this decision." Hindi naman lingid sa kaalaman niyang umaasa parin ang matanda na magiging sila ni Haxon. Malungkot itong napangiti at maluha-luhang nakatingin sakaniya.

"Lagi kitang susuportahan sa mga desisyon mo hija." Tuluyan ng tumulo ang luha nito at nanatiling nakatitig.

"Hindi ko lang iniexpect na sa pag-uwi mong ito malapit ka ng ikasal. Masaya ako para sayo kahit alam mong umaasa parin ako. Sino ba ang lalaking papakasalan mo? Aba, dapat na makilala ko para malaman ko kung mabait ba siya sayo." Tipid siyang napangiti dito at iginiya na ito papasok ng mansion habang nakahawak sa braso nito.

Sumunod naman sina Hillary at Mia na nakikinig parin.

"Iñigo Alvarez po abuela. Nakilala ko siya sa London. Isa ding doctor at sobrang bait niya. Nakasama ko siya sa London for almost 4 years na. Last month lang siya nag propose sakin sa Paris." Naaalala niya pa kung gaano kakaba si Iñigo that time. Maraming nakatingin sa pag proposed nito pero ayon maayos naman ang kinalabasan.

"So, apat na taon kayong magkarelasyon?" Ani Abuela. Umiling siya at nagpatuloy sa pagku-kwento.

"Not really, actually isang taon palang kami. Naging kaibigan ko muna siya for almost 3 years. He waited for me to give him chance. Finally, I found myself and I gladly accepted his love for me. Susunod daw siya dito sakin sa sunod na buwan. Officially niyang hihingin ang kamay ko sa mga magulang ko pati na din daw po sayo." She can't help but to smile while reminiscing her life 4 years ago.

Ang pag-aalaga sakaniya si Iñigo. Sobrang bait at gentleman nito. Lahat ng trip niya pinapakisamahan. Gwapo, mayaman at tipikal ng makisig. Dream man kumbaga.

"Talaga? Gagawin niya 'yon? Sobrang saya ko para sayo Selene." Bakas sa mukha nito ang sobrang saya. Kapagkuwan, bumulong ito sakaniya.

"Wala na nga ba talagang pag-asa?" Sandali niya lang itong sinulyapan at napatitig kay Chelsea na naglalaro.

"Pasensya na po Abuela, pero wala na po talaga. Matagal na 'yon. And I'm sure hindi niya pa makalimutan si Selena. Makakahanap din siya ng babaeng para sakaniya. At sana mabigyan niya ng mabuting ina si Chelsea. Iyon lang po ang gusto ko at mapapanatag na ako." Pilit niyang isinawalang-bahala ang kirot na naramdaman ng nanggaling na mismo sakaniya na makakahanap ito ng bago. Matagal niya ng kinalimutan ang nararamdaman para kay Haxon.

Nabalitaan niya pa nga kay Juris na may dini-date itong bagong babae. Napailing siya at nagpatuloy sa pakikipag-kwentuhan dito.

'Alam kong hindi ko parin makalimutan ang nararamdaman ko pero pilit kong pipigilan dahil ayokong masira ang bago kong buhay.' Sabi niya sa isip niya.