Chapter 6

Savina's Pov

Pabagsak na ibinaba ako ni Desmon sa ibabaw ng kama nang makabalik na kami sa kanyang mansion. Lalo lamang naragdagan ang galit ko sa kanya. Wala man lang pag-iingat. Ni hindi man lang niya inisip na nasaktan ako nang ibinaba niya ako na para bang nagbaba lamang siya ng isang sakong bigas na nasa balikat niya. Sabagay, ano naman ang aasahan ko sa katulad niyang ruthless. 

"Pakawalan mo ako, Desmon! Ayoko rito kaya puwede bng hayaan mo na akong umalis?" nilagyan ko ng pakiusap ang aking tono. Kahit alam ko nang hindi niya ako pakikinggan ay ginawa ko pa rin.

"Pakakawalan lamang kita kapag patay na ako. Kaya kung gusto mong makaalis sa poder ko ay magpalakas ka, Savina. Magpalakas ka at para makaya mo na akong patayin nang sa gayon ay makaalis ka na rito," kausap niya sa akin sa seryosong mukha.

Lihim na lamang na naikuyom ko ang aking mga kamao. Matigas talaga ang puso ni Desmon. Kahit anong gawin kong pagmamakaawa sa kanya ay hindi niya ako pakakawalan. Ngunit may point ang sinabi niya. Kung gusto kong makalaya mula sa kanya ay dapat na magpalakas ako. Nang sa gayon ay makakaya ko na siyang labanan at maipagtatanggol ko na rin ang aking sarili kapag nakalabas ako rito.

"Tama ka, Desmon. Dapat nga ay magpalakas ako kung gusto kitang patayin para makalaya ako rito. Ngunit huwag ka pa rin pakakasiguro. Dahil kahit hindi pa ako malakas ngayon ay baka magawa kong patayin ka kapag hindi ka nakahanda. Kaya dapat kapag kasama mo ako ay maging alerto ka," mariin ng boses na sagot ko sa kanya.

Tumaas ang isang kilay nito nang marinig ang aking sinabi. Nilapitan niya ako at mariing hinawakan ang aking baba at bahagyang itinaas.

"Kaya mo kaya akong patayin? Halos mahimatay ka na nga kanina nang makita mong pinatay ko ang silver wolf na iyon at saka ni hindi mo nga kayang makakita ng dugo, tapos malakas ang loob mo na sabihing papatayin mo ako? I doubt it na kaya mo akong patayin, Savina," nakaismid na wika niya. 

"Makakaya kong gawin iyon," matatag ang boses na sagot ko sa kanya. Pabiglang binitiwan niya ang aking kamay at tinitigan aking maigi na para bang sinusuri niya kung kaya ko ngang patayin siya. Pagkatapos ay may hinugot siyang punyal na nakadikit ang lagayan sa kanyang tagiliran. Biglang nanlaki ang mga mata nang makita ko ang punyal. Papatayin na ba niya ako para hindi ako magkaroon ng pagkakataong patayin siya sa hinaharap? "A-Anong gagawin mo?" nauutal kong tanong sa kanya.

"Ang sabi mo ay kaya mo akong patayin. I will give you a chance to kill me. Ngunit kapag hindi mo ako nagawang patayin ay tatanggapin mo na magmula ngayon ay alipin na kita," sabi ni Desmon sa akin. Hindi ko alam kung pinagtitripan lang ba niya ako o talagang nagsasabi siya ng totoo. Ngunit sobrang seryoso ang kanyang mukha kaya baka seryoso talaga siya na bibigyan niya ako ng pagkakataon para patayin siya. Ngunit paano na lamang kung lumaban siya? Tiyak na wala akong laban sa kanya. Lumapit sa akin si Desmon at inilagay sa kamay ko ang punyal. "Do it, Savina. Tibayan mo ang dibdib mo. Kill me para makapaghiganti ka sa pagkamatay ng pamilya mo. I promise, I won't fight back. Hindi rin ako iilag."

Hindi makapaniwalang napatitig ako sa hawak kong punyal. Kumikintab ang talim niyon na para bang inaakit akong gamitin ito. Ito na ang pagkakataong hinihintay ko. Kapag itinarak ko ito sa dibdib ni Desmon ng malalim ay tiyak na maaabot ng talim ng punyal ang kanyang puso. At kahit gusto niyang lumaban ay mahihirapan siyang makalaban sa akin kapag malalim ang kanyang sugat. Ngunit kaya ko nga bang pumatay ng may buhay? Pero kung palalagpasin ko naman ang pagkakataong ito nna ibinigay niya ay hindi ko alam kung kailan o kung magkakaroon pa ba ako ng ganitong pagkakataon. 

Dahan-dahan akong tumayo at hinawakan ng mahigpit ng dalawa kong kamay ang punyal. Sa aking isip ay bumabalik ang eksenang nakita ko kung paano pinatay ang mga magulang ko. Nakaramdam ako ng matinding galit sa aking dibdib. 

"Papatayin kita, Alpha Desmon!" sigaw ko pagkatapos ay itinarak ko sa kanyang dibdib ang hawak kong punyal. Kahit maliit ns pagkilos ay hindi ginawa ni Desmon. Nanatili lamang siyang nakatayo sa harapan ko kahit na nakita niyang papunta na sa kanyang dibdib ang punyal na hawak ko. At kahit nang tumusok na ang matulis na dulo ng punyal sa kanyang dibdib ay hindi pa rin siya tuminag.

Hindi ko napigilan ang mapaiyak ng malakas habang nakatingin sa punyal na bahagya lamang nakatusok sa dibdib ni Desmon. Sa tingin ay wala pang kalahating inches ang lalim ng pagkakasaksak ko ng patalim sa kanyang dibdib. 

"Mahina pa ang dibdib mo, Savina. Hindi mo kayang patayin ang kalaban mo kahit nasa harapan mo na at hindi lumalaban. Kaya paano mo magagawang maipaghiganti ang sinapit ng pamilya mo at ng buong canary clan kung ganito ka kahina?" mariin at malamig ang boses na saad ni Desmon. Pagkatapos ay inagaw na niya ang punyal mula sa aking kamay at pabiglang itinulak ako pabalik sa ibabaw ng kama. "Sinayang mo ang pagkakataon na ibinigay ko sa'yo, Savina. Kaya magmula ngayon ay isa ka na sa aking mgs alipin. Nakita mo naman kung gaano kalaki at kalawak ang mansion ko kaya maraming dapat na trabahuin. Iba na kami ngayon na mga taong-lobo. Hindi na kami katulad noon na sa mga kuweba nakatira. Nasa makabagong mundo na tayo ngayon at nakikihalubilo sa mga tao kaya hindi na tama na sa mga kuweba sa kagubatan pa rin kami manirahan. At ngayong isa ka na sa aking mga alipin ay pagsisilbihan mo ako. Ngunit huwag kang mag-alala dahil ako lamang ang pagsisilbihan mo at wala nang iba," dugtong pa ni Desmon bago niya ako tinalikuran at naglakad palabas ng silid na kinaroroonan ko na magiging silid ko na magmula sa araw na ito. 

"Desmon," tawag ko sa kanya bago pa man siya tuluyang makalabas sa silid. Huminto sa paglalakad si Desmon at blangko ang ekspresyon na nilingon ako. Tiningnan niya ako ngunit hindi siya nagsalita. "Bakit? Bakit hindi ka umilag? Paano kung ibinaon ko ng malalim ang punyal sa dibdib mo? Tiyak na patay ka na ngayon."

"Hindi ba sinabi ko na sa'yo na hindi ako iilag? At saka ibinigay ko sa'yo ang pagkakataong iyon para patayin ako ngunit sinayang mo lamang. Kaya ngayon kapag pinagtangkaan mo ang buhay ko ay may parusang katapat," walang emosyon na sagot niya sa akin. Akmang tatalikuran na niya ako ngunit hindi natuloy nang tila biglang may naalala itong sabihin sa akin. "Siyanga pala, Savina. Huwag na huwag mong ipapaalam kahit kanino na isa kang witch. Ang tanging nakakaalam sa tunay mong pagkatao ay si Moira. Siya ang babaeng nakausap at tinakasan mo kanina. Pinagkakatiwalaan ko siya kaya sinabi ko sa kanya ang pagkatao mo at para matulungan ka niyang maka-adapt sa bago mong kapaligiran."

Hindi ako kumibo matapos kong marinig ang mga sinabi ni Desmon. At dahil hindi naman ako nagsalita ay tuluyan na siyang lumabas ng silid. Agad kong isinubsob sa unan ang aking mukha pagkalabas ni Desmon. Ibinuhos ko sa malambot na unan ang galit na nararamdaman ko para sa aking sarili. I'm such a failure. Kung  malakas lamang ang loob ko, kung kaya ko lamang patayin si Desmon ay nabigyan ko na sana ng katarungan ang sinapit ng aking pamilya at ng buong canary clan. Ngunit tama si Desmon. Mahina ang aking loob. At paano nga ako makakapaghiganti kung hindi ko kayang pumatay?