Chapter 17
Savina's Pov
Nanlaki ang mga mata ni Agatha na nasa anyong rabbit dahil sa kanyang natuklasan.
"Ibalik mo ako sa normal kong anyo, Savina!" galit na utos ni Agatha sa akin. Nasa disadvantage na nga siya ay matapang pa rin.
"At bakit ko naman susundin ang utos mo, Agatha? Para ano? Para masabi mo kay Allana ang aking sekreto at ipagkalat ninyo?" mariing tanong ko sa kanya. Nang humakbang ako palapit sa kanya ng dahan-dahan ay biglang lumikot ang kanyang mga mata. At akmang tatalon na siya para tumakas ngunit mabilis ko siyang nahawakan sa kanyang leeg. Dinampot ko ang rabbit nang si Agatha at ipinasok sa kulungan ng ibon matapos kong pakawalan ang tatlong ibon na nahuli namin.
"Maawa ka sa akin, Savina. Ipinangangako ko na ititikom ko ang aking bibig. Wala akong pagsasabihan na kahit sino tungkol sa iyong sekreto basta pakawalan mo lang ako," pakiusap sa akin ni Agatha. Ngayon ay sobrang bait ng kanyang tono samantalang kanina lamang ay para siyang sinong malaking tao kung umasta. Ipinagmamayabang niya kasi na malapit siya kay Allana na anak ng Beta. Ngunit kahit anong gawin niyang pakiusap sa akin ay wala akong balak na ibalik siya sa pagiging normal na tao.
"Hindi ba't kasasabi mo lamang na kailangan malaman ni Allana ang tungkol sa pagiging witch ko tapos ngayon ay sasabihin mo na wala kang pagsasabihan sa aking sekreto? Sa tingin mo ay paniniwalaan ko ang mga sinabi mo?"
"Walang hiya ka, Savina! Kapag makatakas ako rito at bumalik sa normal ang katawan ko ay papatayin kita!" galit na sigaw ni Agatha na bumalik na ang totoong ugali. Malakas nitong inalog-alog ang kulungan na kinalalagyan nito sa pagbabakasakaling makatakas ito ngunit paano naman siya makakatakas gayong ini-lock kong mabuti ang pintuan ng kulungan?
"Ganyan nga, Agatha. Mas gusto ko ang ganyang ugali mo. Totoo at walang pagkukunwari," nakangisi kong sabi sa kanya.
"Balang araw ay malalaman din ni Alpha Desmon ang tunay mong pagkatao. At kapag nalaman niya ay natitiyak ko sa'yo na papatayin ka niya," nanlilisik ang mga matang wika ni Agatha.
"Well, sorry my dear. Ngunit alam ni Alpha Desmon ang tunay kong pagkatao dahil kinidnap niya ako at sapilitang ginawang alipin."
"Hindi. Hindi ako naniniwala sa'yo. Hindi magagawang mangidnap ni Alpha Desmon ng isang witch!"
"Well, it's up to you kung maniniwala ka o hindi. Wala naman akong pakialam kung ano ang gusto mong paniwalaan. Anyway, it's time to go home. Wala man akong dalang ibon para maging libangan ni Allana ay may dala naman akong cute na rqabbit. Tiyak na matutuwa siya kapag nakita ka," qqsabi ko kqssswsswwwaqqqqaay Agatha. Muli akong umusal ngqaqaq incantation pagkatapos ay naging pink ang xxkulay ng rabbit na si Agatha. Nilagyan ko ng spell ang kanyang bibig para hindi na siya makapagsalita. "Ganyan ang napapala ng mga katulad mong masamang nilalang. You messed a wrong person," kausap ko kay Agatha na tuluyan nang hindi nakapagsalita. Walang dapat sisihin sa nangyaring ito sa kanya kundi ang kanyang sarili lamang. Dahil kung hindi niya sana pinagtangkaan ang buhay ko ay hindi ko siya gagawing rabbit. Ngayon ay mananatili siyang ganyan habambuhay at ang tanging paraan para makabalik siya sa kanyang tunay na anyo ay ang mawala ako. Kapag namatay ako ay mawawalan ng bisa ang kapangyarihang ginamit ko sa kanya kaya babalik siya sa normal niyang anyo. Ngunit habang nabubuhay ako sa mundo ay mananatiling rabbit ang kanyang anyo.
Bitbit ang kulungan na kinalalagyan ng rabbit na si Agatha ay naglakad pabalik sa mansion ni Desmon. Sa taglay kong kapangyarihan ngayon ay kaya ko nang tumakas sa kanya ngunit hindi ko na iyon gagawin. May pakiramdam kasi ako na sa pananatili ko sa mansion niya ay matituklasan ko kung ano ang dahilan at pinatay ng ama niya ang aking pamilya. At sa oras na malaman ko ang totoo ay saka ako magdedesisyon kung pati pa si Desmon ay isasama ko sa aking paghihiganti.
Habang naglalakad ako sa gubat pabalik sa mansion ni Desmon ay nadaanan ko ang dalawang taong-lobo na sarap na sarap sa kinakaing katawan ng isang kawawang usa. Duguan ang bibig na sabay silang napatingin sa akin nang maapakan ko ang isang tuyong sanga ng puno na nadaanan ko.
"Ang suwerte naman natin ngayon, partner. Mukhang hindi lamang karne ng usa ang matitikman natin ngayon kundi karne ng tao," nakangising sabi ng isang taong-lobo sa kanyang kasama. Sabay na tumayo ang dalawa at pinahid ang kanilang bibig gamit ang duguang mga palad.
Ang tingin ko sa kanila ay hindi lamang mga taong-lobo kundi mga cannibal. Dahil kumakain sila ng laman ng tao.
"Kung gusto niyo pang mabuhay ay umalis na lang kayo sa harapan ko," pagbibigay ko ng warning sa kanila. Kung nakaharap ko sila nang hindi ko pa na-master ang aking kapangyarihan ay tiyak na nanginginig na ako ngayon sa takot at tinatawag sa aking isip ang pangalan ni Desmon.
Biglang nagtawanan ng malakas ang dalawang taong-lobo nang marinig nila ang sinabi ko na para bang nakarinig sila ng nakakatawang kuwento.
"Narinig mo ang sinabi ng babaeng ito, Remon? Umalis na raw tayo kung gusto pa nating mabuhay," nakangising tanong ng isang taong-lobo sa kasamahan nito
Lalong napangisi naman ang taong-lobo na Remon ang pangalan. "Ang kaso ay gusto na naming mamatay kaya hindi kami aalis. Gusto naming mamatay sa sarap habang kinakain namin ang katawan mo," sagot nito pagkatapos ay sinundan ng malakas na halakhak. Nainis ako sa klase ng pagtawa nilabg dalawa kaya nilagyan ko ng spell ang mga bibig nila para hindi na sila makatawa pa ng malakas.
Gulat at pagtataka ang lumarawan sa mukha ng dalawang taong-lobo habang pinipilit ang kanilang sarili para makapagsalita.
"Huwag naa kayong mag-aksaya pa ng oras dahil kahit anong gawin ninyo ay hindi kayo makakapagsalita hangga'y hindi ko inaalis sa mga bunganga ninyo ang aking kapangyarihan. Hiniling niyo iyan. Binigyan ko na nga kayo ng chance para tumakas ay pinairal niyo pa rin ang inyong pagkagahaman at kaitiman ng budhi. Iyan tuloy ang napala ninyo," kausap ko sa kanila sa kaswal na boses.
Sabay na nanlisik ang mga mata ng dalawang taong-lobo at bigla na lamang akong dinamba. Ngunit mabilis akong nakaiwas pagkatapos ay umusal ako ng encantation. Tila naging estatwa ang dalawa nang hindi sila makagalaw. Para bang idinikit ang kanilang mga paa sa lupa. Hindi ako nag-aksaya ng oras at ginawa kong paru-parobg itim ang dalawang taong-lobo. Pagkatapos ay parang walang nangyari na ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko pabalik sa mansion ni Desmon.
Malapit na ako sa mansion nang makita ko ang dalawang alipin na nag-uusap at para bang seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para lihil na makinig sa kanilang pinag-uusapan.
"Ang sabi ng pinsan ko nakita daw nila sa gubat ang mga tauhan ni Alpha Dorco at narinig niya na ipinahahanap daw ni Alpha Dorco ang nag-iisang nakaligtas na miyembro ng witches canary. Ano naman kaya ang kailangan niya sa babaeng iyon?" narinig kong tanong ng babaeng alipin sa kausap nito.
"Oo nga. Ano nga kaya ang kailangan ng kalaban nating alpha sa babaeng iyon?" sang-ayon naman ng kausap nito. "Sa pagkakaalam ko ay hinahanap din daw ni Alpha Desmon ang babaeng iyon.
"Sino kaya ang pumatay sa buong miyembro ng witches canary, ano? Napakawlaang puso naman nila."
Akmang lalapitan ko ang dalawang alipin na nag-uusap para tanungin sila kung bakit hindi nila alam na ang dati nilang alpha ang siyang pumatay sa buong witches canary ngunit hindi natuloy ang balak kong paglapit nang isang lalaking alipin ang naunang lumapit sa kanila.
"Nandito lang pala kayong dalawa. Puntahan ninyo si Allana dahil kanina pa niya kayo hinahanap," pagbabalita ng lalaki sa dalawang babaeng alipin na nag-uusap. "Bilisan ninyo at baka maparusahan pa kayo kapag nagtagal pa kayo. Mukhang hindi pa naman maganda ang mood niya ngayon."
Nagkatinginan ang dalawang babaeng alipin habang nakalarawan sa mukha ang labis na pag-aalala pagkatapos ay nagmamadali na silang umalis para puntahan si Allana. Nasundan ko na lamang sila ng tingin. Nagtataka ako kung bakit hindi nila alam ang ginawa ng kanilang dating alpha? O baka naman may sekreto ako na dapat matuklasan para masagot ang katanungan ko?