Chapter 16
Savina's Pov
Pagkalipas ng isang Linggo ay nanumbalik na sa normal ang aking mga paningin. Muli akong nagtrabaho bilang alipin ni Desmon at kapag free time ko ay nagkukulong ako sa aking silid at lihim na nagpa-praktis ng aking kapangyarihan. At hindi naglaon ay hindi lang isang kapanyarihan ng mga witches ang aking natutunan. Tama nga ang mom ko. Noong tinuturuan niya ako kung paano gamitin ang aming kapangyarihan ay hindi ako natututo dahil kulang ako sa determinasyon ngunit ngayon na malakas ang aking determinasyong matuto ay ang bilis kong natutuhan ang paggamit ng iba't ibang kapangyarihan ko tulad ng incantation, potion, telekenesis at iba pa. Hindi lahat ng mga witches ay may telekenesis na kapangyarihan. Ang tanging mayroon lamang nito ay aking pamilya. Dahil sa matalino kung ama ay nakagawa siya ng magic potion na kapag ininom ng isang witch ay magkakaroon ito ng telekenesis. Ngunit ipinagbabawal ito ng pinuno ng witches canary nang nalaman nila ang na-imbento ng aking ama. Labag daw kasi sa batas ng mga witches ang gumamit ng kapangyarihan na hindi talaga nagmula sa mga witches. Ngunit sinuway ng mga magulang ko ang aming pinuno at ininom nila ang nagawang magic potion ng aking ama.
Naging matagumpay ang magic potion kaya nagkaroon ng telekenesis na kapangyarihan ang mga magulang ko ngunit mahigpit nilang itinago ang kapangyarihang ito hanggang sa nagkaroon ng digmaan ang mga witches laban sa mga taong-lobo. Napatay ang pinuno ng witches canary na aking lolo kaya ang pumalit sa kanya bilang pinuno ay ang aking ama. Dahil parehong may telekenesis ang aking mga magulang ay naniniwala ang aking mga magulang na mamana naming magkapatid ang kapangyarihang iyon kaya iyon ang unang itinuro sa akin ng aking ina. At siguro kung makikita lamang nila na magaling na akong gumamit ng aking kapangyarihan ay natitiyak ko na magiging masaya at sobrang proud sila sa akin.
Bagama't na-master ko na ang aking kapangyarihan sa loob lamang ng maikling panahon ay hindi ko pa rin kayang makapaghiganti dahil hindi pa kaya ng aking dibdib ang pumatay. Siguro ay makakaya ko lamang gawin iyon kapag kailangan kong ipagtanggol ang aking sarili. Sa ngayon ay aalamin ko muna kung sino-sino ang mga taong-lobo na kasama ng ama ni Desmon sa pagsalakay at pagpataybsa aking pamilya. Tanging ang ama ni Desmon lang kasi ang aking natandaan dahil sa kanya lamang nakapokus ang aking atensiyon ng mga oras na iyon.
"Savina! Savina!" malakas ang boses na tawag sa akin ni Agatha. Si Agatha ay isa ring alipin na omega na malapit kay Allana. Kaya siguro mabigat ang loob niya sa akin dahil alam niyang hindi ako gusto ni Allana. And speaking of Allana, ilang beses niya akong sinubukang kausapin ngunit palaging dumarating si Moira kaya hindi masabi ng una kung ano ang kanyang sadya sa akin. Ngunit hula ko ay hindi maganda ang sadya niya sa akin dahil kapag nakikita ko siyang nakatingin sa akin ay palaging matalim ang kanyang mga tingin.
Mula sa pagkakaupo sa kama ay bumaba ako at binuksan ang pintuan. "Ano ang kailangan mo?" nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya matapos ko siyang pagbuksan ng pintuan.
"Ang sabi ni Allana ay samahan mo raw ako sa gubat para manghuli ng mga ibon. Nabo-bored siya kaya gusto niya ng mapaglalaruang hayop," sagot ni Agataha na masama ang tingin sa akin. Bagay lamang na maging malapit siya kay Allana dahil parehong masama ang ugali nilang dalawa. Palagi niya kasi akong inaaway kapag walang nakakakita sa amin na mga kasamahan naming alipin. Hindi na nga matalim kung tumingin sa akin si Moira ngunit napalitan ng babaeng ito na mas masama pala ang ugali kaysa kay Moira.
"Bakit ko siya susundin? Hindi niya ako alipin kaya hindi ko obligado ang sundin ang kanyang ipinag-uutos," nakasimangot na sagot ko sa kanya. Akmang pagsasarhan ko siya ng pintuan ngunit mabilis niyqng naiharang ang kanyang katawan sa gitna ng pintuan.
"Ang lakas ng loob mo na suwayin ang utos ni Allana. Hindi mo ba alam na siya ang magiging luna ni Alpha Desmon? Malapit na silang ikasal kaya magiging mag-asawa na silang dalawa. Kaya ang ibig sabihin ay magiging alipin ka na rin niya," madilim ang mukha na sita sa akin ni Agatha habang pilit na itinutulak pabukas ang pintuan na itinutulak ko naman pasara.
"Hindi ka ba nagsasawang sabihin sa akin ang tungkol sa bagay na iyan, Agatha? Kung hindi ka nagsasawa ay ako ang nagsasawang pakinggan iyan. At saka na lamang niya ako utusan kung mag-asa na silang dalawa, okay?"
"Anong kaguluhan ito?" malakas ang boses na tanong ni Moira habang papalapit sa amin. Padaan yata siya at nakita niya ang nangyayari kaya lumapit siya sa amin.
"Pinapakiusapan ko lang naman si Savina na samahan akong manghuli ng ibon dahil iniuutos iyon ni Allana ngunit ayaw niya at kung ano-ano pang masasamang salita ang lumabas sa bibig niya. Hindi ko napigilan ang aking sarili kaya nakipagtalo ako sa kanya at gusto ko siyang sabunutan," sumbong ni Agatha kay Moira. Magaling talagang maghabi ng kasinungalingan ang babaeng ito.
"Hindi ka nakikiusap kundi inuutusan at pinipilit mo akong samahan ka, Agatha. At saka huwag mo ngang baliktarin ang nangyari. Hindi ako ang nagsalita ng masama kundi ikaw," pagtatanggol ko sa aking sarili. Nasa kay Moira na iyon kung sino sa aming dalawa ang kanyang paniniwalaan.
"Wala rito si Alpha Desmon dahil may dinaluhan siyang pagtitipon kasama ang ama ni Allana kaya sa kanya muna iniwan ng ating alpha ang pamamala rito. Kumaya kung ipinag-utos niya na samahan mo si Agatha na manghuli ng ibon ay sundin mo na lamang, Savina. Para wala nang gulo at hindi na ito makarating pa kay Alpha Desmon," seryoso ang mukha na kausap sa akin ni Moira.
Nakasimangot na binitawan ko ang pintuan at lumabas sa aking silid para samahan ang nakangising mukha ni Agatha. Kapag hindi ko napigilan ang aking sarili ay siya ang unang makakatikim ng aking kapangyarihan.
Walang imik na sumama ako kay Agatha sa loob ng gubat para manghuli ng ibon na magbibigay ng aliw kay Allana. Kahit anong pang-iinis ang gawin at sabihin sa akin ni Agatha ay hindi ko pinapansin. Nagmistula tuloy siyang parang baliw na nagsasalita ngunit walang namang kausap. Nang makahuli kami ng tatlong na makukulay ang pakpak ay agad ko nang niyayang umuwi si Agatha.
"Siguro naman ay matutuwa na sa dala nating ibon si Allana," kausap ko kay Agatha habang inaayos ko ang mga ibon sa maliit na hawla na pinaglagyan namin sa mga ito. Napakunot ang aking noo nang wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Nilingon ko siya para tingnan kung nasa likuran ko ba siya ngunit nagulat ako nang paglingon ko ay sinalubong ako ng isang malaki at itim na lobo. Alam kong si Agatha ang lobong ito dahil kahit nasa anyong lobo siya ay nakikilala ko pa rin ang kanyang mga mata na masama kung tumingin sa akin.
Hindi ko inaasahan ang aking makikita at lalo na ang ginawa niyang pag-atake sa akin kaya hindi ako nakailag nang dambahin niya ako. Tumama ang matutulis niyang kuko sa aking kaliwang pisngi kaya nagkaroon ako kalmot sa mukha.
"Papatayin kita, Savina. Ito ang inutos sa akin ni Alllana. At hindi malalaman ni Alpha Desmon na ako ang pumatay sa'yo dahil ang iisipin niya ang mga kalaban naming pack ang pumatay sa'yo," kausap sa akin ni Agatha na kayang makapagsalita kahit isa siyang lobo.
"Kaya mo pala ako pinipilit na isama rito dahil gusto mo akong patayin," galit kong saad.
"Tama ka, Savina. At pasalamat ako kay Moira dahil tinulungan niya ako para maisama kita rito."
Napakasama mo! Napakasama ninyong dalawa ni Allana!" galit na sigaw ko. Ngayon na nalalagay sa panganib ang buhay ko ay hindi ako mag-aatubili na gamitin sa kanya ang aking kapangyarihan. Tumawa lamang si Agatha pagkatapos ay muli akong sinugod. Ngunit sa pagkakataong ito ay nakahanda na ako. Hindi ako papayag naa muli niya akong masaktan. Kaya bago pa siya muling makalapit sa akin ay binigkas ko isang kataga na iba ang lengguwahe. Isang segundo lamang ay naging rabbit na kulay itim ang babae.
"Hindi ka isang taong-lobo! Hindi ka namin kauri! Isa kang witch. Ang nsg-iisang witch na nakaligtas pagkatapos patayin ang pamilya mo at buong clan," bulalas ni Agatha habang nanlalaki ang mga mata nito na ngayon ay mga mata ng rabbit. "Kailangan itong malaman ni Allana ngayon din!"