Chapter 18
Savina's Pov
Kaagad na dumilim ang mukha ni Allana nang makita niyang palapit ako sa kanya. Dahil alam ko na ang ini-expect niyang makikita at babalik mula sa gubat ay si Agatha at hindi ako. Hindi niya inaasahan na makakabalik akong intact ang katawan.
"Nasaan si Agatha, Savina? Ano ang ginawa mo sa kanya?" agad niyang tanong sa akin sa galit na tono.
"Una, wala na si Agatha. Patay na siya. Pinatay siya ng taong-lobo na sumalakay sa amin habang nanghuhuli kami ng ibon. Pangalawa, wala akong ginawa sa kanya. Siya nga itong pinagtangkaan akong patayin dahil iyon daw ang utos mo sa kanya. Ngunit sorry na lang siya dahil hindi pa ako tinatanggap sa langit kaya nagpadala sila ng tutulong sa akin para makaligtas ako sa masamang binabalak sa akin ni Agatha. At malas niya dahil sa halip na ako ang mapatay niya ay siya itong namatay," sabi ko kay Allana na biglang nanlaki ang mga mata nang marinig ang aking mga sinabi.
"Patay na si Agatha? Pinatay mo siya?" nanlalaki ang mga matang sambit ni Allana. Pagkatapos ay tinawag nito ang mga sundalong omega na palakad-lakad lamang sa paligid at nagbabantay. "Hulihin at ikulong ninyo ang babaeng iyan! She is a killer! Pinatay niya si Agatha!" mariing utos ni Allana sa mga sundalong omega.
"Teka, Allana. Bakit ako ang ipapakulong mo? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Ang sabi ko ay pinatay si Agatha ng taong-lobo na sumalakay sa amin!" nagpapanic na sigaw ko. Kapag ikinulong ako ni Allana ay hindi ko alam kung ano ang maaari niyang gawin sa akin habang nasa loob ako ng kulungan. Wala pa naman dito si Desmon at hindi ko alam kung uuwi ba siya ngayong araw.
"Kung hindi ikaw ang pumatay kay Agatha ay nasaan ang kanyang katawan? Dalhin mo rito para malaman ko kung ano ang ikinamatay niya?" hamon sa akin ni Allana. Saglit akong natigilan. Hindi ko magagawa ang ipinagagawa niya dahil hindi pa naman talaga patay si Agatha kundi isa nang rabbit.
"Paano ko madadala sa'yo ang bangkay niya gayong hindi ko alam kung saan siya dinala ng taong-lobong iyon?" katuwiran ko sa kanya. Inis na ibinaba ko sa lupa ang bitbit kong kulungan ni Agatha. Sa halip na matuwa sa dala kong rabbit ay mukhang sasamantalahin oa ni Allana na maparusahan ako dahil sa pagkawala ni Agatha. Ni hindi nga niya pinansin ang rabbit na bitbit ko para sa kanya. Sa tingin ko ay hindi naman siya nagagalit dahil patay na si Agatha kundi dahil buhay pa ako. At gusto niyang samantalahin ang sitwasyon to get rid of me.
"Hindi mo talaga madadala ang bangkay niya ay dahil natitiyak kong itinago mo siya sa lugar kung saan walang makakakita sa kanya. Dahil kapag nakita ko ang bangkay niya ay malalaman ko kung isang taong-lobo ba talaga ang pumatay sa kanya," tila nakakasigurong wika ni Allana sa akin bago muling binalingan ang mga sundalong omega ni Desmon. "Ano pa ang hinihintay ninyo? Hulihin ang babaeng iyan at ikulong," sigaw niya sa mga sundalong omega.
Agad naman akong nilapitan ng mga sundalong omega at hinawakan sa magkabilang braso.
"Wala akong kasalanan, Allana! Hindi totoo iyang mga ibinibintang mo sa akin!" sigaw ko habang nagpupumiglas ako sa mahigpit na pagkakahawak sa akin ng mga sundalo. "Bitiwan niyo ako! Bitiwan niyo!" sigaw ko sa mga sundalong omega na humihila sa akin papalayo sa nakangising mukha ni Allana.
Kung tutuusin ay kaya kong lumaban sa kanila ngayon ngunit hindi pa ito ang tamang panahon para ipakita ko sa kanila ang aking kapangyarihan. Hindi pa panahon para malaman nila ang tunay kong pagkatao. Kaya hangga't kaya ko ay titiisin ko na lamang ang posibleng pangto-torture na gagawin sa akin ni Allana. Ngunit kapag makita ko na talagang plano niya akong patayin ay hindi ko siya hahayaang gawin iyon kahit madiskubre pa niya ang totoo kong pagkatao.
Sa isang maliit at medyo masikip na kulungan ako dinala ng mga sundalong omega. Hindi ko alam kung saang kulungan ako dinala ng mga sundalong omega dahil habang naglalakad kami papunta rito ay nilagyan nila ng pering ang aking mga mata. Siguro para makasiguro sila na hindi nila masusundan ang daan papunta sa lihim na kulungan ni Alpha Desmon.
"Bakit kasi pinatay mo ang paboritong alipin ni Allana? Parurusahan ka niya tuloy ngayon dahil sa ginawa mo. Alam mo ba mas matindi pa kung magparusa si Allana kaysa kay Alpha Desmon?" kausap sa aking sundalong omega. "Kapag makaligtas ka rito ay huwag mo na ulit gagalitin si Allana para hindi ka niya parusahan."
"Kahit naman wala akong masamang ginagawa sa kanya ay hahanap at hahanap pa rin siya ng paraan para maparusahan niya ako," nakasimangot na sagot ko sa sundalong omega.
"Basta mag-iingat ka na lamang sa susunod. Aalis na ako dahil may mga stay na pala ako," paalam ng sundalo sa akin matapos i-lock ang pintuan. Tumango lamang ako sa kanya at hindi nagsalita.
Pagkaalis ng sundalo ay naupo akong patalikod sa pintuan na gawa sa bakal at bahagyang inuyuko ko ang aking ulo. Kahit anong gawing pangto-torture sa akin ni Allana ay hindi ko aamimin ang ginawa ko kay Agatha. At isa pa, hindi naman talaga interesado siya na malaman kung nasaan ng katawan ni Agatha dahil ang gusto lang niya talaga ay ang saktan ako para aminin ko ang ibinibintang niya sa akin nang sa gayon ay magkaroon agad siya ng pagkakataon para tuluyan akong patayin.
"O, pagkain mo," biglang kausap sa akin ng isang sundalong omega. Iniabot niya sa akin ang isang prutas ng mansanas. Pulang-pula ito kaya hindi ko napigilan ang aking sarili na kainin iyon. At saka kailangan ko ng lakas para sa mga susunod na mangyayari.
Hindi ko pa nga tapos kainin ang mansanas nang maramdaman ko ang biglang panghihina ng aking katawan. Pakiramdam ko ay biglang nawala ang lakas ko kaya nabitiwan ko ang hawak kong mansanas.
"Ano ang nangyayari sa akin? Bakit parang wala akong lakas?" nanghihina ang boses na tanong ko sa aking sarili. Biglang lumipad ang tingin ko sa mansanas na gumulong sa sahig nang mabitawan ko. Hindi kaya may lason ng mansanas na kinain ko? Shit! Naging careless ako. Ngayon, kapag tinangka ni Allanang patayin ako ay hindi ko magagawang maipagtanggol ang aking sarili.