Chapter 8: Unexpected Meeting

CELYN'S POV:

ISANG buwan akong nakaratay sa ospital para pagalingin ang pasa sa mukha at katawan ko. Mabuti na lang effective ang gamot na ibinigay ni Doc Gun para mapabilis ang pagkawala ng pasa ko sa katawan.

Wala rin nangyaring media conference dahil hindi ipinalabas sa publiko ang totoong nangyari dahil na rin sa tulong ni Mommy.

Binitawan na rin ni Kastiel ang pag-iimbestiga tungkol sa kidnapping na naganap habang nasa beach kami dahil hindi ako nakipag-cooperate sa kanya at pinanindigan ko na nagkaroon ako ng amnesia at trauma.

Pinakaayaw ko kasi sa lahat ay maging tampulan ako ng chismis na kesyo naging pabaya ako sa sarili ko. Hindi naman natin masisisi ang nangyari dahil hindi ko hawak ang tadhana na siyang nagdadala sa akin sa kapahamakan. Hindi ko rin kasalanan kung may mga taong patuloy na naiinggit sa mga narating ko sa buhay, at mga taong halang ang kaluluwa para gawin ang mga ganoong bagay.

Nang makalabas ako sa ospital ay agad kong hinarap ang mga pending kong trabaho kaya naman sunod-sunod ang tanong sa akin ni Peri nang mawala ako sa scene ng isang buwan.

"Ano ba talaga ang nangyari sayo at nawala ka sa tv commercials ng isang buwan?" tanong ni Peri habang inaayusan ako. Mayroon kasi akong project ng tv commercial na isang brand ng shampoo at ako ang kinuha nilang endorser.

"I took a long break Peri. You know naman what happened in the past diba?" sabi ko. Hindi ko na rin kailangang sambitin ang nangyari noon sa pagitan ni Maverick at ni Mommy nang ipull-out nito ang kontrata ko bilang model nila.

"Bakit hindi ka man lang nagtext o tumawag sa akin?" bakas ang hinanakit sa boses ni Peri.

Peri is on of my trusted friends lalo na sa modelling career na tinatahak ko. Ilang beses man akong lumagapak mula sa samut-saring batikos but Peri never give up on me, umabot pa sa puntong wala kaming maipasahod sa kanya pero nanatili pa rin si Peri sa tabi ko hindi bilang make-up artist, kundi bilang kaibigan na maaasahan at masasandalan.

"I shut myself from work Peri. I decided to have a vacation somewhere far away in Manila na walang signal. Alam mo naman how I hate toxicity."

"Hay naku! Ano pa nga ba ang magagawa ko? Ako tuloy ang kinuyog ng mga sponsors mo dahil hindi mo naman magampanan ng ayos ang work mo."

Isinawalang-bahala ko na lamang ang sinabi ni Peri. I know myself that I neglected him and my sponsors. Mas uunahin ko ang sarili ko kaysa sa ibang tao.

'Pero hindi mo kayang suwayin ang utos ng Mommy mo?'

Bulong ng aking isip.

Maraming nagsasabi mula sa paligid ko na tila isa akong robot o manika na sunod-sunuran sa gusto ng Mommy ko. At first I hate being part of modelling agency pero dahil ito ang bumubuhay sa aming mag-ina, pinili kong mahalin ang trabaho ko at hindi naman ako nagsisi doon.

"Ready na ba ang lahat for my commercial shoot?" usisa ko.

Peri got his final touches on my face before he spoke. "Kanina pa, ikaw lang ang hinihintay. Get up from your seat and do your work, nai-stress ako sa mga sponsor mo na kaliwa't-kanang tumatawag sa akin gayong hindi naman ako ang manager mo."

Hinila ako ni Peri mula sa high stool na aking kinauupuan at itinulak ako ng marahan patungon sa room kung saan gagawin ang commercial prod ko.

"Grabe, bakit tinanggap pa rin yan kung alam naman nating walang talent si Miss Bautista, eh puro pagpapa-cute lang sa camera ang alam niyan." rinig kong sabi ng isang staff na nasa technical production but I just ignore her.

Hindi na bago sa akin ang pagpaparinig ng mga taong nakakasalamuha ko sa trabaho. I came here for my work not to pleased other people. Ano bang pakialam ko sa mga side comments nila?

Tahimik na lumapit ako sa director kung saan naroon ang babaeng nagpaparinig sa akin.

"Manahimik ka nga! Kung makapanghusga ka kay Miss Celine na walang talent eh hindi ka nga kagandahan. Tignan mo si Miss Celine, down to earth kung makitungo sa tulad nating nagtatrabaho sa likod ng camera habang siya ay patuloy na binabatikos ng mga taong walang ambag sa kanya tulad mo."

"Wow! Kung makapanglait ka naman sa akin, talent ang pinag-uusapan natin dito hindi ang mukha ko!"

"Oh bakit? Totoo naman sinabi ko, ah? Bawat tao ay mayroong talento tulad ni Miss Celine. Kahit pagpapa-cute sa camera ang ginagawa niya tinatangkilik pa rin. Sige nga, subukan mo ngang magpacute kay Direk kung tatanggapin ka niya bilang model at endorser?"

"Tse!"

Napatingin ako sa gawi ng dalawang taong nag-uusap nang umalis ang babaeng nanglait sa akin. Nginitian naman ako noong babaeng nagtanggol sa akin kaya naman ginantihan ko ito ng ngiti bago ako nagpasintabi kay Direk para kausapin ang babae.

"Hi. Bago ka lang ba dito?" tanong ko.

"Hello. Ah, hindi." aniya. "Actually, pabigat at sagabal lang ako sa prod, nanggugulo kumbaga. Saviel Hyuga nga pala." pagpapakilala ng babae. Inilahad nito ang kamay sa harapan ko at agad ko naman itong tinanggap.

"Celyn Alarie Bautista." pagpapakilala ko naman. "Alam mo, pwede ka maging model." dagdag ko pa. Ang ganda kasi ni Miss Saviel at sa tingin ko may lahi siyang japanese.

"Naku! Hindi pwede." mariing pagtanggi nito na siyang ipinagtaka ko.

"Bakit naman? Bagay naman yung mukha mo sa kahit anong brand like clothing line, jewelries or cars maybe?" pamimilit ko.

Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko kay Saviel gayong kakakilala ko pa lamang sa kanya. Siguro ay naantig ako sa mga sinabi niya kanina nang ipagtanggol niya ang image ko doon sa isang babae na nasa technical prod.

"Kahit gustuhin ko Miss Celyn ay hindi pwede. Isa lang akong naliligaw na kaluluwa na nanggugulo lamang sa prod."

"Ha?"

"Hyuga!"

Sabay kaming napalingon ni Saviel sa isang lalaki na tumawag dito. At shit, sobrang gwapo ng lalaking tumawag sa pangalan ni Saviel at papalapit ito sa pwesto namin.

"How many times do I have to tell you that you are not allowed to roam around when you are with me?" bakas sa boses ng lalaki ang pagkainis pero ang mukha nito ay naka-poker face at ang mga mata nito ay nakatutok lamang kay Saviel.

"T.. tumutulong lang naman ako eh. At tyaka ano bang pakialam ko sa business meeting mo?" paliwanag naman ni Saviel.

"Tss! You are not allowed here woman!"

Saviel and I flinch a bit when the guy lift his hands as if he was going to smack Saviel's senses.

"Oh kalma! Ang init na naman ng dugo mo sa akin Boss tumutulong lang ako. Napagkamalan kasi akong magdedeliver ng kape nung isang staff, hindi na ako nakaangal kasi mukhang abala sila. Nabo-bored ako sa conference room ninyo kaya lumabas ako at napadpad dito." tumingin pa si Saviel sa paligid at may nakita nga akong kumpol ng baso kung saan naglalaman ng kape na siyang pinagdidiskitahan ng camera men, photographer at si Direk.

Hinawakan ng lalaki ang kamay ni Saviel at bigla itong hinila at naglakad palayo sa kinatatayuan ko ngunit lumingon pa si Saviel sa pwesto ko at kumaway.

"Nice to meet you Celym. Talk to you later if I've given a chance." sigaw pa nito hanggang sa makalabas sila ng pintuan.

Naitaas ko ang aking kamay sa ere bilang pagpapaalam ngunit hindi na 'yun nakita pa ni Saviel.

"Talk to you later." bulong ko na lamang sa hangin.

Tulala akong bumalik sa harapan ni Direk, laman ang imahe ng lalaking kumaladkad kay Saviel.

Marami akong nakakasalamuhang modelong lalaki pero kahit isa ay walang kumuha ng atensyon ko. Doon lamang sa lalaking kumaladkad kay Saviel.

His appearance and his aura was a bit off but it gives me chills the way he act or talk.

'Shocks! I think I have a crush on him?'

Naramdaman kong namula ang aking pisngi kaya naman napahawak ako dito at mariing napailing upang mawaglit sa aking isipan ang itsura ng lalaking iyon.

"Did you get what I mean Celyn?" napukaw ang atensyon ko ng makitang nakasilip si Direk Lawrence sa mukha ko dahilan para makaramdam ako ng hiya.

"A.. ano po?" tanong ko dito.

Direk Lawrence heaves a sigh as he repeat what he was saying earlier. "Ang sabi ko hahawakan mo lang yung bottled shampoo tapos ngingiti ka lang sa camera. Hahawakan mo ang buhok mo tapos aamuyin na parang naroon ang fragrance ng shampoo tapos ngiti ulit then sasabihin mo 'smooth hair like a cotton, use Lazy Grace shampoo'. Gets?"

Marahan akong tumango kay Direk Lawrence. Iwinaglit ko muna sa aking isipan ang nangyari kanina at itinutok ko ang aking atensyon sa trabaho.

Maybe I can ask Saviel later kung ano ang pangalan ng lalaking kumaladkad sa kaniya kanina. Ni hindi man lang binigyang pansin ng lalaki ang presensya ko dahil tanging si Saviel lamang ang nakikita nito which I find it weird. Most of the guys I worked with saying that they already has a crush on me, but that guy is different.

"All right, that's a wrap. Pack-up na guys, thank you Celyn for such a wonderful shoot from you. Rooting for our next work." sigaw ni Direk Lawrence after a two or three shoots ng commercial ko.

"Thank you din po Direk."

Bagsak ang mga balikat na bumalik ako sa dressing room ko at nadatnan ko roon si Peri na nag-aayos ng gamit ko at gamit niya dahil lilipat kami sa panibagong lokasyon ng shoot ko.

Pasalampak na naupo ako sa high stool at doon ipinagpahinga ang katawan kong napagod sa kakahawak ng bote nang shampoo.

Lazy Grace brand is one of the top selling shampoo na pagmamay-ari ng L. A Group of Companies.

"Tired?" usisa ni Peri ng makitang para akong pinagsakluban ng langit at lupa.

"Yeah, but sanay na ako." sagot ko.

"Dalawang shoot pa ang pupuntahan natin then may mall tour ka bukas."

"Pwede bang i-cancel ang mall tour bukas?" usisa ko kay Peri. Feeling ko hindi ko kakayanin ang sunod-sunod na shooting, taping at isama pa ang mall tour na wala naman akong maiambag kundi ang rumampa sa harapan at magpirma ng magazine.

"Hindi pwedeng i-cancel yun Celyn dahil maraming endorsement company ang pupunta sa mall tour na yun. Chance na natin tu para makarami ka ng sponsors." wika naman ni Peri.

"I have tons of sponsors Peri, hindi ba pwedeng pagbigyan naman natin yung mga rookie models?" pakiusap ko.

"As if naman na papayag si Madam Lynzi sa pakiusap mo na yan? Kung ako lang ang masusunod pagbibigyan kita kaso si Mother Lynzi mo ang nakikipag-kompetensya para makakuha ng magandang sponsorship."

Natameme ako sa sinabi ni Peri.

Isinandal ko na lamang ang aking batok sa table nang paikotin ko ang high stool paharap kay Peri.

Mom loves competing with other managers who wants to get all the sponsors for their talents. Ilang beses ko na ring pinakiusapan si Mommy na pagbigyan ang ibang model pero hindi siya pumayag.

"You're right. Kahit ako ay hindi mapigilan si Mommy sa gusto niyang mangyari."

"She's so proud of you to the point na halos lutuin ka na industriyang ito."

"Minsan nga naisip ko kung okay pa ba ang trabaho na ito gayong puro pagpapa-cute lang naman ang ginagawa ko sa camera. I want to explore more lalo na sa pag-acting."

"Why don't you try CDC Entertainment? Sure ako tatanggapin ka nila sa bagong ila-launch na movie. Ano nga bang title nun?"

"Sky Fall." sagot ko.

Bali-balita kasi na magkakaroon ng malaking project ang CDC kaya naman halos hindi magkandaugaga ang mga managers sa mga talent nilang isasabak sa audition.

"Right. Try that one Celyn. I know you can get the female lead. Wala namang masama kung susubukan diba?"

Bakas sa boses ni Peri ang assurance na kaya kong makuha ang female lead sa movie na ila-launch ng CDC.

"I made up my mind that I will grab the opportunity to audition under CDC Entertainment, siguro pagkatapos ng mall tour. On-going na sila diba?"

"Yeah, at wala pa silang nahahanap na female lead. Balita ko pa ang mismong owner ng CDC Entertainment ang magiging male lead sa movie na gagawin nila. I didn't know that the CEO wanted to be part of their movies. Tiyak na hahakot ng limpak limpak na salapi ang movie once na mailabas ito sa sinehan. Hindi rin biro ang pagiging magandang lalaki ng CEO na 'yun."

"What's his name?" usisa ko kay Peri. Bago sa pandinig ko ang sinabi nito na ang mismong CEO at owner ng CDC entertainment ay siyang magiging lead ng nasabing movie.

"His name is Calvin De Chavez, you meet him sa isa sa mga press con pero sa tingin ko hindi mo siya namumukhaan dahil busy ka sa sarili mong mundo." komento ni Peri. Binuhat nito ang sariling bag na naglalaman ng make-up kit bago lumapit sa akin para ibigay ang bag ko.

Napairap ako kay Peri.

Maraming press con ang sinalihan ko noon pero kahit isa wala akong matandaan na nakita o nakilala ko ang owner ng CDC Entertainment, kung sakali nga na nag cross ang landas namin baka itinapon ko na ang sarili ko sa kanya para lang mapabilang sa prestihiyosong industriya ng pag-aartista.

"Speaking of CDC, do you know this person named Saviel Hyuga?" tanong ko kay Peri since alam kong malawak ang connection niya sa loob ng modelling industry.

Tumayo na ako mula sa kinauupuang stool at sabay kaming naglakad ni Peri palabas ng dressing room na siyang inukopa ko ngayong araw.

"You mean, 'yong Personal Assistant ng isang binatang multi-billionaire na nagmamay-ari ng L. A Group of Companies who developed the brand shampoo and sponsored you for your shoot which is Lazy Grace?" sunod-sunod na tanong ni Peri sa akin kaya naman napasimangot ako rito.

"Ako yung nagtatanong Peri, bakit puro tanong ang ibinalik mo sa akin?" sabi ko habang lukot pa rin ang mukha.

Nakalabas na kami ni Peri ng building kung saan ginanap ang shoot ko. Hinanap namin ang van na sasakyan namin papunta sa location for my photo shoot.

Natawa si Peri sa facial expression na pinapakita ko sa kanya. "May sarili ka kasing mundo kaya hindi mo alam kung sino-sino ang mga nakakasalamuha mo. Saviel Hyuga is the Personal Assistant of Mr. Luther Aqueros Bloodfist who owns the L. A Group of Companies. Balita ko may share din si Mr. Bloodfist sa Montenegro Empire, Kuruzaki Group of Companies, CDC Entertainment at marami pang ibang naglalakihang business dito sa bansa."

"Ganun siya kayaman?" hindi makapaniwalang tanong ko nang makasakay kami sa van na sasakyan namin papuntang Laguna para sa photo shoot ko na wedding ang tema para sa clothing line ng S&H na isa sa mga sponsor ko.

"Yeah! At the age of 27 he's already a multi-billionaire and a bachelor. Balita ko wala pa kahit isang girlfriend na pinakilala sa publiko si Mr. Bloodfist and I think he's a private person. Bibihira din na ma-feature ang tulad niyang bilyonaryo sa mga business magazine and I really want to know what he really looks like."

Napatango na lamang ako sa sinabi ni Peri.

'Luther Aqueros Bloodfist'

The man who stole my attention.

I think I will cherish my crush on him dahil pakiramdam ko negative na mag-cross ulit ang landas namin. But I want to be friends with Saviel Hyuga!

Ilang oras na rin ang nakalipas nang bumiyahe kami patungong Laguna, hindi ko namalayan na nakatulog ako kaya naman nagising ako ng maramdaman kong hindi pa rin gumagalaw ang sasakyang kinalulunaran ko.

Bumangon ako mula kinahihigaan ko at tinanong si Manong Erik.

"Manong nasa Laguna na po ba tayo?" tanong ko kay Manong Erik na siyang personal driver ko. Nasa pinaka likuran ako ng van nakaupo habang si Peri ay nasa unang upuan katabi si Mylene na siyang hair stylist ko at si Nikky na wardrobe assistant ko ay tabi ni Manong Erik at sa unahan ko ay mga gamit namin na siyang napapagitnaan ng pagitan namin nila Peri at Mylene.

"W.. wala pa po Ma'am Celyn." nauutal na wika ni Manong Erik kaya nagtataka akong sumilip sa unahan ngunit ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang may mga armadong lalaking nasa harapan ng van na kinakulunaran ko.

"What the fuck?" malutong na mura ko bago ko hinalungkat ang cellphone na nasa bag ko.

Nagmamadaling tinawagan ko si Kastiel para humingi ng tulong ngunit hindi sinasagot ni Kastiel. "Shit! Kastiel sagutin mo ang tawag ko!"

Halos pagpawisan ako dahil sa nagbabadyang panganib na nasa unahan namin. Nakailang dial pa ako sa numero ni Kastiel nang sagutin niya ito.

"Celyn napatawag ka?" bati ni Kastiel mula sa kabilang linya.

"Kasti I need your help. We are stock in a middle of the road which I don't know this place. The one who kidnap me is infront of the van where I was riding."

"What? Saan ang location niyo?" bulalas ni Kastiel at nakarinig ako ng komusyon sa kabilang linya.

"H.. hindi ko alam kung na saan kami. We were heading to Laguna for my photoshoot then pag gising ko may humarang na mga armadong lalaking sa sinasakyan kong van. Please Kasti do something." naiiyak na pakiusap ko kay Kastiel. Hindi ko alam kung bakit si Kastiel agad ang naisip kong tawagan instead of police.

Wala kaming magawa kung uutusan ko si Manong Erik na pasibadin ang sasakyan, tiyak na pauulanan nila kami nang bala kahit na bullet proof ang sasakyan at tinted ang salamin nito. Magga-gabi na rin at halos walang dumaraan na kotse sa kalsadang dinadaanan namin.

"Calm down Celyn. Malapit kayo sa San Pablo and I have a friend I can call to help you out. Huwag mong ibababa ang tawag okay?"

"Okay."

Sinunod ko ang utos ni Kastiel at pinakatitigan ko ang mga lalaking nakaabang sa van na sinasakyan ko. One of them is someone I recognize. The person who abducted me when I was with my friends during our vacation and scuba diving.

'What the hell they want from me?'

Naririnig ko ang komusyon sa kabilang linya ngunit hinahayaan ko lang yun. Alam kong gumagawa ng paraan si Kastiel to rescue us nang biglang itutok ng mga armadong lalaki ang armalite na dala nila patungo sa direksyon ng van na kinalulunaran namin.

Rumaragasang bala ang tumama sa katawan ng van na kinalulunaran namin at lahat kami ay napasigaw at napayuko sa upuan dahil sa takot na bumaon ang bala sa aming katawan.

"Kastiel please do something!" sigaw ko aking telepono.

"They are on their way Celyn okay, please hang of it and don't die!"

Napapikit ako at napaluha dahil sa rumaragasang bala sa labas ng van na siyang kinalulunaran ko. May ilang basiyo nang bala ang nakapasok sa sasakyan kaya naman napatili si Peri, Mylene at Nikky.

They don't deserve this kind of treatment, dahil sa akin nadadamay sila sa gulong kinasangkutan ko.

"Celyn can you here me?" rinig kong sigaw ni Kastiel mula sa kabilang linya.

"I.. I hear you, please help us Kasti. Mang Erik is already dead and I don't want any of my crews lost their lives, pinauulanan nila kami ng bala." umiiyak na sabi ko kay Kastiel.

"Malapit na sila Celine konting hintay na lang. Hindi ko palalagpasin ang pagtatambang na ginawa nila sayo."

Ilang minuto ang makalipas nakarinig ako ng langitngit ng motor at tunog ng baril mula sa malayo. Umalis ako mula sa pagkakadapa at sinilip kung sino ang nasa labas, isang ducati big motor bike ang nasa labas at lulan nito ang dalawang tao na hindi ko kilala.

Nakasuot ng itim na pantalon, jacket, sapatos at helmet ang driver na sa tingin ko ay lalaki dahil sa bulto nito at ang angkas nitong babae na siyang bumabaril sa mga armadong lalaki na nakaabang sa sinasakyan namin.

Nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng mga armadong lalaki at sa dalawang taong lulan ng motor ngunit naubos nang mga ito ang mga bumaril sa sasakyan namin habang ang iba naman ay nakatakas.

Naramdaman ko na lamang na bumukas ang pinto ng van at tumambad sa amin ang bulto ng babae na nakasuot pa ng helmet sa kanyang ulo. Halata sa katawan nito na babae siya dahil hapit sa katawan nito ang itim na sando, leather jacket at pants na suot nito.

"Mission Accomplished." sambit ng babae.

Hindi ko alam ang mga sumunod na nangyari. Nagising na lamang ako na nakahiga sa ospital bed at may swero sa braso.

"Kamusta ang pakiramdam mo Celyn?" bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Kastiel. Kasama nito ang isang lalaki na hindi ko kilala.

"I'm fine Kasti. Si Peri, Mylene, Nikky at Manong Erik? Kamusta sila?" usisa ko bago bumangon sa kama na kinahihigaan ko.

"Manong Erik and Nikky didn't make it Celyn. Nagtamo ng sampung bala ang katawan ni Manong Erik habang si Nikky naman ay dalawa at parehong sa ulo nito tumama. Si Mylene nadaplisan ng bala sa braso at si Peri naman ay sa paa at patuloy silang minomonitor ng doktor. I'm sorry Celyn."

Nakaramdam ako nang pagbigat sa aking kalooban. Masaya pa kaming nag-uusap-usap habang binaybay ang kalsada papuntang Laguna pero bakit nauwi sa trahedya?

Tumulo ang luha sa mga mata ko. Ipinatong ko ang aking braso sa aking tuhod at doon umiyak ng tahimik. Manong Erik and Nikky is one of my trusted people when it comes to my work. Halos 8 years na rin nang maging personal driver ko si Manong Erik dahil wala si Kuya Gareth kaya si Manong Erik ang kinuha ko pansamantala. Ano na lamang ang sasabihin ko sa pamilya nito?

"I know its hard to accept the fact that they are not here anymore, pero hindi magtatapos ang buhay mo dito Celyn. Its okay to cry but you need to move forward." pag-aalo sa akin ni Kastiel.

"I don't know why I should face this kind of cruelty? Ano bang nagawa kong kasalanan Kasti? Wala akong maalala na may naapakan akong ibang tao para danasin ang ganitong sakuna." sabi ko sa bawat pagitan ng aking paghikbi.

"I will recommend you a bodyguard for your own safety Celyn. As of now magpalakas ka muna bago mo harapin ang mga bagay-bagay. I am here when you need a friend okay? Lalabas na muna kami ni Rent for further investigation tungkol sa sagupaang nangyari." pagpapaalam ni Kastiel.

Naramdaman ko na lamang na ako na lang ang mag-isa sa kwarto kaya lalo akong napahikbi dahil sa mga dinadanas ko.

Hanggang sa pumutok ang balita tungkol sa barilang naganap kahapon. Ilang reporters at media personality ang nasa labas ngayon ng kwarto ko ngunit kahit isa ay wala akonv hinarap. Nakarating na rin kay Mommy ang balita at ito na mismo ang humarap sa media bilang manager ko.