Chapter 9: What?
--
CELYN'S POV:
--
AFTER that incident in Laguna, Kastiel decided to hire me a bodyguard from their department which is I don't need it but here I am sitting pretty while listening to Kastiel.
"Papayag ka naman Tita na bigyan ko ng bodyguard si Celyn diba? Hindi na po biro ang mga nangyayari sa kanya lalo na't unti-unting umuusbong ang pangalan ni Celyn sa pag-aartista." pakiusap ni Kastiel kay Mommy.
"Kasti, you know I hate what you are implying. Hindi ako sanay na may nakabuntot sa akin wherever I go." pagmamaktol ko.
Lumingon sa gabi ko si Kastiel. "But you meed one for goodness sake Celyn," pamimilit pa ni Kastiel.
After kong ma-discharge sa ospital a week after, kabilin-bilinan ni Kastiel na kakausapin niya ako tungkol sa bodyguard na sinasabi niya. Mom pulls me out from mall tour na gagawin sana kinaumagahan mula sa photoshoot na gaganapin sana Laguna. Dahil nga sa naganap na insidente, lahat yun ay hindi ko nagampanan bilang professional model. Hindi ko naman pwedeng ipagsapalaran ang kaligtasan ni Peri at Mylene lalo na't namatay si Manong Erik at Nikky.
Walang sinisi sa nangyari pero pakiramdam ko obligasyon ko yung nangyari kay Manong Erik at Nikky. Hindi nila deserve ang mamatay ng maaga mula sa mga kamay ng mga lalaki na 'yon.
"Hindi ko na nga kailangan Kasti. Lalo na kung ikaw ang magiging bodyguard ko, I won't allow it." pagtutol ko pa bago ako humalukipkip sa swivel chair na kinauupuan ko.
Kasalukuyan kaming nasa conference room ng isang building na tinatawag ni Kastiel na HuPoFEL na siyang headquarters nila. Its a little bit weird that their organization named HuPoFEL which is odd. Kasama rin namin sa round table si Doc Gun at ang isa pang lalaki na magkaiba ang kulay ng mata. Tahimik lamang ito at nakikinig sa kung anong pinag-uusapan sa paligid.
"Sino naman nagsabi sa'yong ako ang magiging bodyguard? I am suggesting your safety here not my own life Celyn. Isa pa marami akong hinaharap na kaso kaya hindi kita mababantayan." saad pa ni Kastiel na tila nandidiri dahil sa sinabi ko.
Ano bang malay ko sa agency nila? Hindi ako papayag kung si Kastiel ang gamitin nilang shield ko from those assholes.
"Then, knock it off already Kasti. Wala akong balak na kumuha ng bodyguard." pag-uulit ko.
Kastiel massage her forehead like she's out of patience because of my stubborness.
"Your bodyguard won't be with you all the time naman Miss Bautista kaya malaya ka pa ring makakakilos sa gusto mong gawin but he or she will monitor your daily activities." sabat naman ni Doc Gun.
"Do whatever you want Kastiel. Ako na ang magha-hire sa bodyguard na irereto mo as long as hindi ito makakasagabal sa trabaho ni Celyn." saad naman ni Mommy na siyang ikinalukot ng mukha ko.
Ano pa nga bang magagawa ko kung ang reyna na mismo ang nagbigay ng pahintulot sa kaibigan ko na bigyan ako ng bodyguard?
Bahala sila, as long as I can do whatever I want.
"Edi tapos ang usapan." mapaklang sagot ko bago tumayo mula sa aking kinauupuan.
Pupunta na kasi ako ngayon sa CDC Entertainment for my audition pero dahil sa pakiusap ni Kastiel napadpad kami ni Mommy dito sa agency na pinagtatrabahuhan ni Kastiel.
"Thank you for your concern and time hija. Tatanawin kong utang na loob ito hindi tulad ng kaibigan ninyong squatter." sabi ni Mommy na siyang ikinalingon ko.
"Mommy drop that will you? Liezel is not a squatter, she's a good friend like Kasti." naiinis na wika ko.
Wala dito yung tao pero kung makalait sa kaibigan ko parang hindi rin nakaranas ng hirap si Mommy noong itakwil siya ng kaniyang pamilya.
Nalaman ko nitong huli ang ginawang pagsampal ni Mommy kay Liezel at paninisi nito nang mawala ako sa Siargao. No one has to blame for that incident pero pinipilit ni Mommy na kasalanan ng mga kaibigan ko.
"Whatever, let's go to CDC Entertainment." marahas na hinila ni Mommy ang kamay ko palabas ng HuPoFEL. Ni hindi man lang kami nakapagpaalam ng maayos kay Kastiel at Doc Gun.
Pabalibag na binuksan ni Mommy ang pinto ng kotse sa likurang bahagi at sapilitan akong pinapasok bago ito sumunod at umupo sa tabi ko.
"Sa CDC Entertainment tayo Nikko," utos ni Mommy kay Nikko na kapatid ni Nikky. Nikko decided to work with me as my personal driver. Mas bata siya sa akin at nag-aaral pa ito sa kolehiyo.
Walang salitang pinaandar ni Nikko ang kotse paalis sa HuPoFEL at tinahak ang daan papuntang CDC.
"Make sure you'll give your all on that audition Celyn. Hindi pwedeng makuha ng talent ni Moira ang lead role kaya galingan mong umarte." basag ni Mommy sa katahimikan namin nang binaybay ng sasakyan ang kahabaan ng EDSA.
"Maraming magagaling at beteranong artista ang magu-audition doon Mom, don't expect too much na makuha ako, okay?" sagot ko naman dito habang nakatingin sa labas ng bintana at nakapangalumbaba.
"I know but you can surpass them in no time, baka dugong Bautista ang dumadaloy sayo."
Hindi na lang ako umimik at hindi na pinakinggan pa si Mommy sa mga payo na gusto niyang sundin ko. She has her own strategy on how to pass an audition without a sweat pero hindi niya yung mai-apply sa kanyang sarili kaya sa akin niya ipinipilit ang mga bagay na alam kong negatibo ang resulta.
Ilang minuto pa ang nakalipas, agad kaming nakarating sa CDC Entertainment. Halos mapanganga ako sa ganda ng building na yun na puro salamin. Gawa rin sa ginto ang bawat letra ng CDC na nakadikit sa mismong entrada ng building.
Huminto ang sasakyan sa mismong recievers area ng CDC at agad kaming bumaba ni Mommy at pumasok sa building. Kaliwa't-kanan ang mga taong naglalakad palabas at papasok ng building habang yung iba ay pawang artista at freelancer na tulad ko.
Nang maglakad si Mommy papuntang elevator agad akong sumunod rito. Medyo marami na rin ang sakay ng elevator at sa tingin ko lahat sila ay mga auditionee dahil sa dala nilang folder at ID na ibinigay sa kanila mula sa reception area.
"Mom bakit di tayo kumuha ng ID na tulad sa kanila?" bulong ko kay Mommy at tinuro pa ang mga babae at lalaking katabi ko na may mga suot na ID for auditionee.
"Hindi mo kailangan ng ganyan at hindi mo kailangang maki-level sa kanila, isa pa hinihintay na nila tayo dun." sagot naman ni Mommy at tinarayan pa ang babaeng nakatingin sa amin na katabi ko lamang.
"Is that Celyn Alarie Bautista, the freelance model and endorser? What the hell is she doing here?" maarteng wika ng babaeng nasa likuran ko. Rinig ko ang bulungan nila dahil sa siksikan sa loob ng elevator.
"Maybe she wanted to try a new environment or baka want niya lang magpa-cute sa camera?" humagikhik pa ang isang babaeng kausap nito.
"I know right? Hindi naman siya kagandahan pero bakit kinuha siyang model at endorser ng Lazy Grace when in fact I am suitable for the commercial." dugtong pa nito.
Naipikit ko na lamang ang aking mata at palihim na naikuyom ang aking kamao.
'Kumalma ka Celyn, hindi ito ang oras para pumatol ka sa mga langaw na tulad nila na walang ginawa kundi ang manglait ng kapwa.' bulong ko sa aking isip.
"Wow! Feeling mo naman ikinaganda mo na ang panglalait sa iba?"
Sabay-sabay kaming mga nasa unahan na napalingon sa hulihan nang magsalita ang isang babae na kilala ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Saviel sa pinakadulo ng elevator at nakapamewang na hinarap ang babaeng nagpaparinig sa akin.
"What did you say?" matapang sa tanong naman ng babae.
Tyaka ko lang nakita ang kabuuan ng babaeng nanglait sa akin. The girl is wearing a spaghetti red tube and a mini-skirt na hindi umabot sa tuhod nito at ang mukha nitong putok sa blush-on, foundation at lipstick.
"Kahit saan ako pumunta ang daming bubuyog na bulong ng bulong pero kapag pinatulan tumitiklop naman!" matapang na sagot ni Saviel sa dalawang babae at tinignan pa ito ng pailalim.
"True mars, makapanglait akala mo anak ng Presidente ni hindi nga alam kung paano pagpantayin ang foundation at blush-on sa kanyang mukha? Its so disgusting!" sabat naman ng isang babae na hindi ko kilala at sa tingin ko ay kaibigan ni Saviel.
Narinig ko ang tawanan sa paligid at tila napahiya yung dalawang babaeng bulong ng bulong kanina pa.
"Those girls who lack of manners." komento naman ni Mommy na nasa tabi ko lang.
"Excuse me? Bakit ba kayo sumasabat sa usapan namin?" sagot naman ng isang babae na katabi nung nanglait sa akin.
"Pwede ka ng dumaan!" sagot naman ni Saviel ng biglang bumukas ang elevator at nasa tamang floor na kami kung saan gaganapin ang audition.
Nagtatawanang lumabas ang ibang auditionee na kasama namin sa elevator kaya naman sumunod na si Mommy at ang dalawang babae na kasagutan ni Saviel at ng kaibigan nito.
"Saviel?" tawag ko kay Saviel nang mauna itong lumabas ng elevator kaya sumunod ako.
Lumingon sa akin si Saviel at ngumiti ito bago ako dinamba ng yakap na siyang ikinagulat ko.
"Oh my god! Celyn Alarie Bautista, pwede bang magpa-autograph?" umalingawngaw ang matinis na boses ni Saviel sa hallway nitong building dahilan para mapalingon sa amin ang ilang empleyado na pakalat-kalat.
"Kumalma ka mars, hindi pa katapusan ng mundo." saway naman ng isang babaeng kasama ni Saviel.
"Bakit ba? Trip ko sumigaw eh." sagot naman ni Saviel bago bumitaw mula sa pagkakayakap sa akin. "Siya nga pala Celyn, this is Sinji Natividad ang may-ari ng Lazy Grace shampoo at clothing line and Sinji this is Celyn Alarie Bautista the model." pagpapakilala ni Saviel sa amin.
Iniabot ni Sinji ang kamay nito sa akin at malugod ko yung tinanggap. I wasn't aware that this woman is one of my major sponsors.
"Kilala ko mars, sponsor ako niyan." mataray na sagot naman ni Sinji kaya nakaramdam ako ng pagkailang rito.
"Hayaan mo siya sa katarayan niya Celyn, di kasi sinipot ni Senri." tatawa-tawang sabi naman ni Saviel at inaasar pa ang kaibigan.
"Siya nga pala anong ginagawa ninyo dito?" lakas loob na tanong ko kay Saviel at Sinji.
"We're here to play along with our friends. Balita kasi namin maghahanap sila ng leading lady for our dear friend Calvi." sagot ni Sinji.
"Manggugulo lang kami dito Celyn. Ikaw ba?" balik na tanong naman ni Saviel.
"Ah magu-audition as the female lead for the upcoming movie entitled Sky Fall."
Nagkatinginan si Saviel at Sinji na siyang ipinagtaka ko at bigla silang umikot kung saan ako nakatayo na tila sinusuri habang nakahawak sa kanilang baba.
"In fairness may laban ka." saad ni Saviel na ngayon ay may hawak na magnifying glass habang sinusuri ang kabuuan ko. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang magnifying glass na hawak nito habang si Sinji naman ay nakasuot ng coat na abot hanggang tuhod na tila isang detective.
'Ano bang trip ng dalawang ito?'
"Sa tingin ko mars pwede siyang referrence sa script na ginagawa natin." sabi ni Sinji habang may hawak na maliit na notebook.
Umayos ng tayo si Saviel at bumalik ito sa harapan ko at inakbayan si Sinji.
"Pwede mars, hirap pa naman gumawa ng plot sa lintik na Sky Fall na 'yan. Kung hindi ko lang pinagtripan si Calvi hindi nila maiisip ang movie na ito. Ang talino talaga natin."
Nag-apir pa ang dalawa bago tumawa na parang baliw. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila dahil mukhang may sarili silang mundo.
"Celyn, anak halika rito!" napatingin ako sa boses ni Mommy at nakita ko itong nakasilip mula sa pintuan at timatawag ako.
Ibinalik ko ang aking atensyon kay Saviel at Sinji.
"Tinatawag na ako ni Mommy." pagpapaalam ko rito.
"Goodluck sa audition mo Celyn." Saviel.
"Nice to meet you Celyn chewable. Goodluck!"
Matapos naming magpaalam sa isa't-isa ay agad kaming naghiwa-hiwalay. Pumunta sa kabilang room si Saviel at Sinji habang si Mommy naman ay hinintay akong makapasok sa room na kinaroroonan niya.
Nadatnan ko ang ilang executive producers sa loob ng room na yun at tila kausap nila si Mommy.
"Ito na ba ang anak mo Lynzi? Dalaga na at ang ganda." wika ng isang sopistikadang babaeng nasa mid-50's.
"Yes Ninang Lynda. Mana po sa akin at sa inyo hindi ba?" pambobola ni Mommy na siyang ikinatawa naman ng Ginang.
"Hindi na ako magtataka kung bakit napakatalentado ng anak mo. Bakit kasi ayaw mong mag-artista?"
"Come on Ninang, I am old enough to handle such things like acting. Kaya nga pinapaubaya ko na sa anak ko."
"Hindi ka pa rin ba kinakausap ng Mommy mo? Loraine talked to me last month about you."
Bigla akong nakaramdam ng pagkailang habang si Mommy naman ay napatingin sa akin at hindi alam ang sasabihin nito.
No one in her family contacted her if she's still alive or si Mommy na mismo ang umiwas dahil sa pagtatakwil na ginawa ng mga ito sa aking Ina?
"They have nothing to do with me Ninang and please don't ever talk about it in front of my child. She's out of the picture and issues of my own family."
"Why? She's isn't aware?"
"For all due respect po, I am aware of what Mom's conflict with her own family but please respect her feelings." sabat ko sa usapan ni Mommy at ng kaniyang Ninang.
Alam kong bastos ang sumabat sa usapan ng mga matatanda but I won't tolerate this kind of matter kung si Mommy na mismo ang naiipit sa usapan.
Ngumiti sa akin ang Ginang. "Sorry, I didn't mean to harm any of you especially Lynzi. Matalik kong kaibigan si Loraine pero hindi ko matanggap ang ginawa niya sa Mommy mo." sabi pa nito habang nakatingin sa akin.
Hindi na lang umimik at hinayaan ang dalawang babae na mag-usap sa gusto nilang pag-usapan at lumabas ako ng kwartong 'yun.
Sinalubong ako ng isang staff dahil kanina pa raw ito naghahanap sa akin dahil inutusan raw ito noong Ginang na kausap ni Mommy.
"Sorry, I was talking with them earlier." paghinging paumanhin ko na lamang.
"First timers mistakes its always like that. Anyway, follow me."
Sumunod ako sa staff at tinahak namin ang pasilyo na dinaanan ni Saviel at Sinji kanina ngunit hindi ko makita ang bulto ng dalawa nang makapasok kami sa mismong audition hall.
May mga isinabak na sa audition at mukhang lahat sila ay magagaling. Ngunit hindi ko pwedeng biguin si Mommy dahil once na matanggap ako sa movie bilang female lead, I will request her to have me a date with Mr. Luther Aqueros Bloodfist.
"Goodluck naman sayo Miss Perfect." napalingon ako sa gawi ng isang babaeng lumapit sa akin kasama ang dalawa pang babaeng tila kaibigan nito.
They all look beautiful with their dress and make-ups unlike the two woman at the elevator earlier.
"The hell do you want Monique?" sabi ko habang blangko ang aking mukha.
Monique crossed her arms in front of her chest like a brat and looked at me from head to toe. She's Tita Moira's talent - ang mahigpit na kalaban ni Mommy pagdating sa paghahakot ng sponsors.
"Naging endorser ka lang ng Lazy Grace ganyan ka na? Lahat na lang ba talaga ng mga sikat na brand dito sa Pinas ay aagawin mo?" aniya habang dinuduro ang sintido ko dahilan para mapatingin ako kaliwa ko.
Monique is one of the rookie models handled by Maverick. Isa ring inggitera ang babaeng ito at mahilig siyang makikompetensya sa akin pero kahit kailan ay hindi ito nananalo.
"Wala akong inaagaw sayo Monique kaya tigilan mo ako." malamig na sagot ko rito.
"Mark this day Celyn, I will snatch away this audition as the female lead of the said movie. This will be your end!" wika ni Monique na may halong pagbabanta.
Sa isip ko ay tinarayan ko na siya dahil sa mga pagbabanta niyang kahit isa ay walang natupad.
Umalis si Monique at ang mga alipores nito sa harapan ko ng tawagin ang pangalan ni Monique bilang susunod na isasalang sa entablado. Monique smirked at may direction but I just raised my hands and faced her my middle finger.
Hindi ako matitinag sa mga pagbabanta niya kung ang mismong rumaragasang bala ay nalalagpasan ko, bunganga niya pa kaya? Wala namang binatbat.
Nakahalukipkip lamang ako sa gilid habang pinapanuod ang pag-arte ni Monique.
'Mukha siyang trying hard na basura.'
Nang may biglang kumalabit sa akin kaya napalingon ako dito. Tumambad sa akin ang isang lalaking kasing tangkad ko.
"Auditionee ka rin?" he asked.
"Oo." mabilis na sagot ko.
"May sandwich ka ba?"
Laglag ang pangang napatingin ako dito ng ilahad ang palad nito sa harapan ko na tila nanghihingi ng pagkain.
"Knock it off you idiot!" biglang binatukan ng isa pang lalaki ang taong kaharap ko ng lumapit ito sa pwesto namin. Medyo malayo kami sa grupo ng mga nagu-audition kaya malaya kaming nakakapag-usap.
"Tangina mo Aizen!" bulalas naman ng lalaki habang hawak ang batok nitong nasaktan.
"Umalis na tayo dito Jasper Lee bago pa tayo dumugin ng mga babaeng uhaw sa hotness ko." sabi naman nung Kaizen.
"Ulol! Walang maghahabol sa tulad mong buto't-balat." banat naman nung Jasper.
Kumunot ang aking noo. 'Who the hell is this guys?'
"I was looking the both of you for fucking sake!" sabay-sabay kaming napalingon sa isa pang lalaki na papalapit sa amin.
Nanglaki ang mga mata ko ng makilala kung sino ang lalaking ito.
His name is Senri Daeyl Kuruzaki, he owns the Kuruzaki Group of Companies and Kuruzaki Empire. What the hell is he doing here?
"Senri naman panira ka ng moment namin." Kaizen said.
"We're having a band practice remember?"
"Sus, kaya na ni Dezrail yun. Bakit ba kasi tayo umoo sa trip niyang gumawa ng banda?" sagot naman ni Jasper nang nakanguso habang magkadikit ang parehong hintuturo nito.
Umigkas ang kamay ni Kaizen at binatokan nito si Jasper. "Quit the face you moron, you look like shit! Tara na nga!"
Hinila nung Kaizen ang tenga ni Jasper at kinaladkad ito habang nakasunod sa kanila si Senri ng hindi man lang mag-atubiling magpakilala sa akin ang mga lalaki.
Bago pa man makalabas ng pinto si Senri, nabasa ko sa suot nitong hoodie ang salitang 'BlackHand'.
What the hell is happening?