Chapter 7: A Someone's Dream...
--
KASTIEL'S POV:
AGAD naming inuwi si Celyn sa Maynila at dinala sa L. A Hospital kung saan nagtatrabaho si Gun. I wasn't expecting that Gun pursue medicine which is out of his league as a member of HuPoFEL.
Siguro nga multi-talented lang talaga ang mga nakukuha ni Boss Luther na mga myembro ng kanyang organisasyon lalo na't kapitbahay ko lamang si Gun at si Gun rin mismo ang nagpakilala sa akin sa mundo ng assassin.
"She will be fine Kastiel." untag sa akin ni Gun habang nakatingin ako kay Celyn mula sa bintana ng ICU kung saan inilagay ang katawan ni Celyn na bugbog-sarado mula sa mga kumuha sa kanya.
"I know Gun, pero nagtataka ako kung sino ang mga kumuha sa kanya. I wasn't expecting that our get together will end up on a tragedy like this. Celyn doesn't deserve her bruises."
"Wala ba kayong kilala kung sino ang kaaway niya or nakaaway sa agency na pinagtatrabahuhan niya?" Gun added.
I heave a sigh as I fix my gaze towards Celyn. Naaawa ako sa sinapit ng kaibigan ko mula sa kamay ng kanyang kidnappers.
I know Celyn is a little bit annoying because of being mama's girl and a conyo-way of talking but Celyn is a nice woman, a friend we can rely on everytime we are on a brink of giving up. Wala akong alam na may nakaalitan si Celyn or something na pwedeng maging cause para bugbugin siya ng ganito.
"Walang kaaway si Celyn. Everytime she whines us her problem about her job and her Mom, wala siyang kaaway. There are times na napupuno si Celyn because of her Mom's superiority towards her modelling career but it all solve immediately by the management who handles Celyn." paliwanag naman ni Liezel.
"Oh! I get it." Umalis si Gun sa aming harapan kaya naiwan na lamang kami ni Liezel sa labas ng ICU kung saan naroon si Celyn.
"Tatawagan ba natin si Tita Lynzi tungkol sa nangyari? She needs to know what happened to Celyn." sabi ni Liezel kaya naman tumingin ako dito bago nagpakawala ng buntong-hininga.
"I'll call Tita." I excuse myself to Liezel and I walk a meters away from Celyn's room as I slid my hands on my pocket and get my phone. I start dialling Celyn's Mom number and talk to her. Sinabi ko kay Tita na nasa ospital si Celyn at kailangan ng kanyang anak ang presensya nito, sinabi ko rin kay Tita Lynzi ang nangyari and she qas so furious about it.
Matapos kong tawagan si Tita ay agad akong bumalik kung na saan si Liezel. Nakaupo si Liezel sa isa sa mga upuan na nagkalat sa tapat ng ICU kaya naman tumabi ako rito.
Ilang minuto pa ang nakalipas nang dumating ang Mommy ni Celyn kaya tumayo kami ni Liezel para salubungin si Tita at ganun na lamang ang gulat ko ng bigla nitong sampalin si Liezel.
"What have you done to my daughter?" sigaw ni Tita sa mukha ni Liezel nang sampalin niya ito kaya naman agad kong pinigilan si Tita.
May ibang tao rin na bumibisita sa kanilang pasyente dito sa ospital at napapatingin na ang mga ito sa direksyon namin kasama ang ilang nurse at doktor na nagra-rounds sa kanilang pasyente.
"Tita please? Walang kasalanan si Liezel." bulong ko kay Tita nang hilahin ko ang braso nito palayo kay Liezel.
Liezel didn't utter a word maybe because she was shocked when Tita slaps her at her face really hard.
"Anong walang kasalanan, Kastiel? I told Celyn to stay away from this woman but she kept on telling me that this girl is her bestfriend. Hindi ko pinalaki ang anak ko na makisalamuha sa tulad niyang squatter at mahirap!"
Nagpumiglas si Tita mula sa pagkakahawak ko kaya naman hinayaan ko ito pero hindi ako papayag na muli nitong pagbuhatan ng kamay si Liezel.
"Ano ba Tita Lynzi? Hindi kasalanan ni Liezel ang nangyari kay Celyn kaya pwede ba kumalma po kayo!" sita ko kay Tita Lynzi pero ang galit ni Tita ay hindi nun matutumbasan ng pakiusap ko.
"Mula pagkabata ay hindi nakaranas ng ospital si Celyn, ngayon lang na nakilala niya kayong dalawa lalo na ang squatter na babaeng ito! Hindi ko pinahihintulutan si Celine na sumama sa gala ninyo pero nagpupumilit siya at nagmamakaawa sa akin na payagan siya!"
"What's happening here?"
Sabay-sabay kaming napalingon ng bumulaga sa likuran ko si Gun suot ang ospital gown nito at stetoscope na nakasabit sa leeg nito at may hawak na stationary.
"Gun." tawag ko rito ngunit pumagitna ang lalaki sa pagitan naming mga babae.
"I am Lynzi Bautista, the mother of Celyn Alarie Bautista nasa loob ng ICU nitong ospital ninyo." pagpapakilala ni Tita Lynzi kay Gun.
Gun raise his brows like he's not interested on Tita Lynzi's intro kaya naman humalukipkip ako sa gilid bago ko hinila si Liezel.
"Okay ka lang ba?" bulong ko kay Liezel nang kausapin ni Tita Lynzi si Gun sa kung ano ang kalagayan ng anak nito.
"I'm fine Kas, sanay na ako sa pag-aalburoto ng dugo ni Tita sa akin lalo na kapag nakikita niya ako." sagot naman nito.
"I'll talk to Tita Lynzi later. Pagpasensyahan na lang muna natin."
"Ano pa nga ba? Kung hindi ko lang kaibigan si Celyn baka matagal na akong nawalan ng respeto kay Tita Lynzi."
"Don't say that, Liez. Ina pa rin siya ni Celyn and we know the story behind, right?"
Tumango na lamang si Liezel sa sinabi ko at hindi na umangal pa. Ever since na naging kaibigan namin si Celyn, alam naming si Tita Lynzi lamang ang nagtataguyod sa kanilang dalawa bilang pamilya. Tita Lynzi forced Celyn on modeling na sobrang labag sa loob ni Celym ngunit wala itong magagawa.
Ani ni Celyn, ang kanyang pagmomodelo ang siyang magiging bayad kay Tita Lynzi dahil itinaguyod siya nito at binuhay ng walang pagrereklamo.
Pero para sa amin ni Liezel, sobra-sobra na ang pagko-control na ginagawa ni Tita Lynzi kay Celyn. Celyn is not a robot, she's a human like us.
Kahit ako ay naiinis sa ginawa ni Tita nang sampalin niya si Liezel ng walang dahilan. We do love Celyn as a younger sister kaya nga agad namin itong inuwi ng Maynila para masuri ng mabuti ni Gun.
"You're daughter is fine Mrs. Bautista, she recieves a multiple beating that's why she got her wounds and may mga pasa rin na nakita ayon sa findings ng doktor na nakatalaga sa anak po ninyo but she's fine. Later or tomorrow she will wake up." rinig kong paliwanag ni Gun kaya naman napatingin kami ni Liezel sa gawi ni Gun at Tita Lynzi.
"May possibility ba na mag-cause ng problema ang mga sugat at pasa sa mukha ng anak ko? She's a model for goodness sake and I won't let this incident ended her career."
"Sus, puro pera lang naman iniisip ni Tita Lynzi." bulong ni Liezel.
"Liezel ano ba?" sita ko dito.
"Totoo naman eh." angal pa ni Liezel ngunit hinayaan ko na ito at naglakad palapit sa pwesto ni Gun.
"We can give her some ointment na hindi magbabakas ng peklat sa kanyang katawan, Misis. Isa pa minor injuries lang naman po ang natanggap ng anak niyo mula sa pambubugbog ng kumidnap sa kanya."
"Oh, god."
"Tita, may I ask po? May posibilidad ba na may kaaway si Celyn?" pumagitna ako sa pag-uusap ni Tita Lynzi at Gun.
"No, you know how Celyn hates gaining much attention lalo na kung haters or stalker. Walang kaaway ang anak ko para sapitin niya ang ganito." napahawak pa si Tita sa sariling noo nito na tila hihimatayin sa kakaisip kung may kaaway nga ba si Celyn.
"As you can see Tita, I am part of the governments investigation agency I think it might help if you cooperate to us?" I lied.
Hindi totoong myembro ako ng isa sa mga prestihiyosong investigation agency ng gobyerno dahil ako mismo ang lumalabag sa batas ng bansang kinatatayuan ko ngayon.
I saw in my peripheral vision that Gun restrain himself to burst into laughter. I know my joke is lame as his guts.
"I will cooperate with you hija." hinawakan ni Tita ang kamay ko na mukang kumalma na. "Please help us to solve this case."
"I will po Tita Lynzi."
"I think my daughter needs a break from the camera. Hindi ako makakapayag na mag-leak ang issue na ito ng anak ko at baka mapunta pa sa mga paparazzi na gusto siyang sirain."
"Don't worry Tita, this ospital is a private one and those people who tend Celyn's wound are part of my circle."
"Thank you, hija."
After that talk with Tita Lynzi, she excuse herself to us before enter the room where Celine is, then Liezel approach me with a sour face.
"Hindi ko alam kung may favoritism si Tita Lynzi sa ating dalawa or ako lang ang nagbibigay ng malisya?" usisa ni Liezel nang makaalis si Tita Lynzi sa harapan namin.
"I think that old lady thinks what you are thinking." segunda naman ni Gun sa sinabi ni Liezel.
"Shut up, Gun." tinignan ko ng masama si Gun ngunit inismiran lang ako ng lalaki.
"Hayaan na siya as long as kaibigan pa rin ang turing sa akin ni Celyn. Anyway, Kastiel uuwi na muna ako. I am tired and my face is itching right now because of Tita Lynzi's slap. Kailangan ko yata ng cold shower mamaya lalo na't may work pa ako sa bar." paalam ni Liezel.
"Sure, girl. Talk to you later when I go to the bar." ani ko kay Liezel hanggang sa makaalis ito mula sa harapan namin ni Gun kaya naman hinarap ko ang lalaki.
"I didn't know na pati secret agent ay pinasok mo?" puno ng pang-aasar ang boses ni Gun kaya naman sinapak ko ang braso nito na siyang ikinatawa ng lalaki.
"Tarantado!"
"Ouch! The hell with your fist? May balot ba yan ng steel? Ang bigat ng kamay mo." reklamo naman ni Gun pero tumatawa ang gagu.
"Whatever Glyden Ulysses Norhton! What should we do, then?" usisa ko. Ang tinatanong ko sa kanya ay tungkol sa kaso ng nangyaring pagkidnap kay Celine.
"We have lots on our plate right now Kastiel. Why don't you ask Luther about it?" suhestiyon nito.
"You know how much I'm afraid to approach Boss Luther when it comes to business. Hindi ko alam kung cold siya or trip niya lang ako?"
Tinignan ako ni Gun mula ulo hanggang paa na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Yuck! In your dreams Kastiel. Luther's taste is beyond from your appearance. Kung ayaw mong tanungin si Boss then let it be. Miss Bautista's case is not our priority."
"She's my friend for goodness sake!"
"Then you have no choice but to talk to Luther. I'm done enough with your whine Baby Kastiel babalik na ako sa room ko. Kita na lang tayo sa HuPoFEL." Gun bids his goodbye. Tinalikuran ako ni Gun na parang wala kaming pinagsamahan.
Naihilamos ko na lamang ang sarili kong palad sa aking mukha dahil sa inis na nararamdaman ko kay Gun.
Mabibigat na hakbang na nagmartsa ako palabas ng hospital at sumakay sa kotse ko at pinaharurot yun patungo sa headquarters kung saan naroon ang HuPoFEL.
CELYN'S POV:
--
Sariwang hangin ang sumalubong sa akin mula sa parke na aking kinaroroonan. Kunot-noong pinagmamasdan ko ang suot kong bistida na hindi pamilyar sa aking panlasa when it comes to dress myself.
Puno ng bulalak na gumamela ang paligid at hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito.
'Where am I?' bulong ko sa aking isip.
Nailinga ko ang aking paningin ngunit puro puno at bulaklak ang aking nakikita.
'Nasa langat na ba ako?'
"Alarie.." napalingon ako sa gawi ng taong tumawag sa aking pangalan.
Napakaliwanag ng sikat ng araw mula sa kinatatayuan ng lalaking tumawag sa aking pangalan kaya naman tinakpan ko ng aking kamay ang parte ng aking kilay upang mabawasan ang pagkasilaw ko mula sa liwanag ng sikat ng araw.
Isang lalaki ang nakatayo mula sa gilid ng puno, nakangiti ito habang pinagmamasdan ako. Kumaway pa ang lalaki sa gawi ko.
Sa sobrang pagtataka ay lumapit ako sa lalaki ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng makitang wala itong mata, tanging ilong at bibig lamang nito ang nakikita ko sa kanyang mukha.
"Alarie.." ulit nito sa pangalan ko.
"Sino ka?" lakas loob na tanong ko.
"Ganoon na ba talaga kalamig ang pakikitungo mo sa akin na pati pangalan ko ay tuluyan mo ng nilimot? Hindi ko kasalanan na ikakasal ako sa nakatatanda mong kapatid. Alam mo kung gaano kita kamahal, Alarie."
Ramdam ko sa boses ng lalaking nasa harapan ko ang hinanakit nito.
Wala akong maalala na nagkaroon ako ng boyfriend na tulad niya lalo na't istrikto si Mommy pagdating sa pakikipag-boyfriend ko.
"Ano bang sinasabi mo?" nilamon ako ng pagtataka pero sa aking puso ay nanunuot ang sakit habang kaharap ko ang lalaki.
Hindi sa akin ang kwento na ito pero bakit nakikita ko ito?
"Hindi mo na ba ako mahal?" aniya na may halong pagsusumamo.
Hinawakan ng lalaki ang dalawa kong kamay at biglang tumulo ang luha sa aking pisngi na siyang ipinagtaka ko. Naninikip na rin ang aking dibdib dahil sa sakit na nararamdaman na tila magpapaalam na ng tuluyan ang lalaking nasa aking harapan.
"Ano bang sinasabi mo?" naguguluhang tanong ko rito.
"Gusto kitang makasama sa harap ng dambana pero bakit pumayag ka na ang kapatid mo ang gagawin kong kabiyak? Alam mo ba kung gaano kasakit ang dulot noon sa akin na basta-basta mo na lamang akong bitawan at ipamigay?"
"Hindi kita maintindihan, ano bang sinasabi mo?"
"Mahal na mahal kita Alarie, pero kung 'yan ang gusto mo magpapakasal ako sa kapatid mo kapalit ng yaman ninyo."
Mula sa magandang hardin kung saan kami nakatayo biglang umihip ang malakas na hangin dahilan para mapapikit ako. Nang idilat ko ang aking mga mata, nasa harap ako ng simbahan.
Ikinakasal ang lalaking nagmamakaawa sa pagmamahal ko ngunit isinakripisyo ko ang sarili kong pagmamahal upang maisalba ang kompanya na pinaghirapan ng aking mga magulang.
Gumalaw ang mga paa ko at tumakbo para pigilan ang kasal ngunit lumalayo ang dalawa kasama ang Pari at ang simbahan.
"Huwag mo akong iiwan, please." pagsusumamo ko. Hanggang sa maramdaman ko ang isang buhay na nasa sinapupunan ko.
Bigla akong napapikit dahil sa sakit ng ulo ko at pilit na nilalabanan ang pagkirot noon. Sa pagdilat ng aking mata, ang nag-aalalang mukha ni Mommy, Kastiel at Liezel ang aking nakita.
"Ayos ka lang ba Celyn? Bakit ka umiiyak?" bungad ni Kastiel nang hawakan nito ang kamay ko.
Iginala ko ang aking paningin sa paligid ngunit puno yun ng aparato na nakakabit sa akin. Maging ang oxygen na nasa bibig ko at IV na nakatusok sa aking braso.
"A... nong nang.. yari?" mahinang tanong ko ngunit sapat na yun upang marinig ng mga taong nakapaligid sa akin.
"You got kidnapped and you ended up in a ospital." sagot ni Mommy.
Napatitig ako sa kisame ngunit wala akong maalala sa sinasabi ni Mommy.
"I want to go home, Mom." pakiusap ko. Hindi ko gustong tumambay sa ospital dahil hindi ako sinanay ni Mommy na manatili sa ganitong establisyemento. Simula bata pa ako hindi ako nagkakasakit kahit lagnat o sipon.
"Wala ka bang naalala sa nangyari Celyn?" usisa ni Kastiel ngunit pinigilan siya ni Mommy.
"I don't remember anything Kasti except that time we had so much fun while scuba diving. Yun lang ang naalala ko."
Nagkatinginan si Kastiel at Liezel ngunit hindi na nagsalita pa.
"I think you should call the doctor of my daughter, Kastiel." utos ni Mommy sa friends ko na agad namang sinunod ng mga ito.
Hindi ko alam kung ilang araw na akong tulog and pakiramdam ko ay sobrang bigat ng katawan ko.
Ilang minuto pa ang nakalipas, may pumasok na doctor kasama ang tatlong nurse para usisain kung ano ang nararamdaman ko.
Matapos ang check-up agad na kinausap ng doctor si Mommy to prescribe some medication and other stuff habang ang mga kaibigan ko ay nanatili lamang sa may pintuan habang nakatingin sa akin.
I know what they are thinking kaso ayoko ng maalala yung mga nangyari sa akin sa beach mula ng kinuha ako ng mga taong may galit sa akin.
Gusto ko na lang ibaon sa limot ang nangyari. I don't know what they are trying to do lalo na't binanggit nila na ako ang magti-take over ng pamumuno sa isang kompanya na wala akong kaalam-alam.
Wala akong maisip na dahilan para sapitin ko ang ganoong parusa mula sa mga taong hindi ko naman kilala at ayoko nang madamay pa ang mga taong malapit sa akin.
This is my own problem and I want it burn into ashes like it never been exist.
Kung sakali man na magcross ulit ang landas namin ng mga taong 'yun, kailangan ko ng lakas ng loob para labanan sila sa posibleng kahihinatnan ng trahedyang sinapit ko mula sa mga kamay nila.
Naramdaman ko na lang na lumapit si Kastiel sa kama ko habang kausap pa rin ni Mommy ang doktor ko.
"Wala ka ba talagang naalala sa mga nangyari?" bungad ni Kastiel sa akin na may halong pagdududa ngunit hindi ako aamin.
"I don't remember anything, Kasti." sagot ko dito.
Kastiel heaves a sigh. "You know I've conducted some investigation of what happened that day and I have no clue. Nagbakasakali ako na matulungan mo ako sa pag-iimbestiga but it turns out you've got a trauma."
I know Kastiel is working under the governments special investigation agency but I don't want her to get involve in my own problem.
"Huwag mong pini-pressure ang pasyente ko Kastiel."
Napalingon si Kastiel sa isang lalaking doktor at nakita ko na inismiran nito ang lalaki na siyang ipinagtaka ko.
I didn't know that Kastiel has a boyfriend at isang doktor pa.
"Ano na naman bang problema mo?" Kastiel hissed towards the doctor whose checking my vital signs na ginawa ng nurse kanina pa.
"I told you to drop the case, Kastiel. It won't help lalo na't kagigising niya lang." sagot naman ng lalaki.
"Mag-jowa ba kayong dalawa?" I said out of the blue na siyang ikinalingon ni Kastiel at ng doktor sa gawi ko.
"Are you kidding me, Celyn? Kahit bed ridden ka ngayon kaya kitang bigwasan." sagot naman ni Kastiel na tila nandidiri.
"Yuck! Hindi ko papatusin ang tulad niyang bayolente." sagot naman ng doktor.
"Mind your manners, Gun. Doktor ka pa naman!" umigkas ang kamao ni Kastiel at dumapo yun sa ulo ni Dok.
"Damn! Such a brutal woman." angal naman ni dok.
Natawa na lang ako habang nagbabangayan si Kastiel at si Dok. I want them to take it easy tungkol sa kalagayan ko. Hindi ako mamamatay dahil lang sa bugbog.
"He's not my type for goodness sake Celyn. Kapit-bahay ko ang gunggong na ito kaya tigilan mo 'yang nasa isip mo."
Nabalik ako sa huwisyo dahil sa sinabi ni Kastiel.
"I didn't say anything."
"Your mouth isn't but your eyes says it all like 'sana lahat may jowa at doktor pa', hello? Earth to Celyn?"
"Don't worry Miss Bautista, invited ka sa kasal namin ni Kastiel. I am her friend by the way."
"Mandiri ka nga sa sinasabi mo Gun,"
Nginitian ko na lamang si Dok Gun nang tumalikod ito bago inismiran si Kastiel at lumabas ng kwarto.
Sabi ng isang doktor kay Mommy na kasamahan ni Dok Gun, ililipat raw ako sa isang private room for my fastest full recovery.
"Once you recovered anak you will auditioned at CDC entertainment." saad ni Mommy.
I thought she's against about it pero sa tingin ko kailangan kong ipagpatuloy ang pagmomodelo at bilang freelance actress.