Chapter 6: Scuba Diving
--
CELYN'S POV:
KINAUMAGAHAN sama-sama kaming nag-explore nina Kastiel at Liezel. Una naming ginawa ay mag-scuba diving since gustong-gusto ko talagang mag swim sa sea.
Scuba is a mode of underwater diving whereby divers use breathing equipment that is completely independent of a surface air supply, and therefore has a limited but variable endurance.
Scuba diving equipment, also known as scuba gear, is the equipment used by a scuba diver for the purpose of diving, and includes the breathing apparatus, diving suit, buoyancy control and weighting systems, fins for mobility, mask for improving underwater vision, and a variety of safety equipment and other accessories.
At first I got scared but full of excitement dahil first time kong sumisid sa dagat.
"Ready ka na ba, girl?" Liezel said with full of excitement in her voice.
Tumango ako kay Liezel at sabay kaming lumubog sa tubig dagat. Kung sa lupa ay sobrang ganda na ng paligid, mapapanganga ka lalo sa ilalim ng tubig dahil sa ganda ng mga isda at coral reefs na nakapaligid sa amin.
Hinila ako ni Liezel para lalo kaming makasisid sa ilalim ng dagat. Hindi naman siya totally scary because the water is so malinas like a crystal.
Samantalang si Kastiel naman ay nakabuntot lang sa amin at tila rin nag-eenjoy sa mga nakikita nito.
Minsan lang kami magkaroon ng girl bonding kaya lubos-lubosin na namin habang nakakatakas pa kami sa reyalidad na siyang patuloy naming tinatakbuhan or more like ako lang ang patuloy na tinatakbuhan ang reyalidad na meron ako.
Binitawan ni Liezel ang kamay ko at sinenyasan ako kung I can handle myself na daw, and I thumbs up on her since marunong naman akong lumangoy at may sarili akong oxygen tank.
Tila dinala ako sa ibang dimensyon habang nakikipaglaro sa mga isda. May nakita rin akong pawikan na nakikipaglaro kay Kastiel at Liezel kaya naman kinawayan ko lamang ang dalawa.
Hanggang sa mapadpad ako sa isang rock formation na tila kweba na puno rin ng yamang dagat, and I was fell in awe when I saw the group of fish coming through to my directions.
At dahil napapasukan na ng tubig ang goggles na suot ko, umahon ako paitaas ng tubig at nagtaka ako ng hindi ko makita ang bangka na sinakyan namin kanina.
"Where the hell am I?" takang tanong ko sa sarili gayong ang malawak na dagat ang bumungad sa akin ng tanggalin ko ang goggle na suot ko.
Kibit balikat na lumangoy ako patungo sa pangpang at inalis ang fins na suot ko. Hindi ko alam kung saan lupalop ako ng isla napadpad at nakakaramdam na rin ako ng kaba.
"Liezel? Kastiel?" tawag ko sa mga kaibigan ko pero tanging sarili kong boses ang naririnig ko sa buong paligid.
Bitbit ang goggle, fins at ang tangke ng oxygen, binaybay ko ang naglalakihang bato. Nagbabakasakaling nasa kabilang ibayo lamang ang isla.
Nang makatawid ako sa matataas at nagtutulisang bato. Isang malamig na bakal ang dumikit sa sintido ko.
"Isang maling kilos mo, sabog ang ulo mo." sambit ng lalaking may hawak ng baril na nakatutok sa aking sintido.
"S... sino ka?" kinakabahan man pero pinilit ko ang sarili kong maging matapang.
"You don't have to know me if who I am. Sumama ka sa akin." hinablot ng lalaki ang braso ko at tinulak ako para maglakad paalis sa batong 'yun. Nasa likuran ko ang lalaki at nasa tagiliran ko pa rin ang baril na hawak nito.
Tahimik na naglalakad lang kaming dalawa ng itulak ako ng lalaki papasok sa masukal na daan rito sa isla. Hindi ko alam kung anong kasalanan ang nagawa ko sa kanya and all I could think is, paano si Mommy kapag namatay ako?
'Oh God! Ayokong mamatay ng virgin.'
Nagdadasal na lamang ako sa aking isip hanggang sa makarating kami sa isang kalsada na siyang ipinagpasalamat ko.
Hinawakan ng lalaki ang braso ko para huminto sa paglalakad ng kunin nito ang sariling cellphone sa bulsa ng suot nitong pantalon.
"Hawak ko na siya, Barbara. Ano bang gagawin ko dito?" bungad ng lalaki sa kausap nito sa kabilang linya. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila at tila iritado ang lalaki habang kausap ang nasa kabilang linya.
"Get us out here before someone knows that this woman got lost." pinatay na ng lalaki ang tawag at muli nitong tinutok ang hawak na baril.
Akala ko makakaligtas na ako mula sa mga kamay niya ng may humintong van sa harapan namin. Nagpumiglas ako para humingi ng tulong kaso para akong sinampal ng katotohanan na kasamahan pala ng lalaking ito ang mga sakay ng van.
"Piringan 'yan." utos ng lalaking dumukot sa akin at bigla na lang may sumuklob na tela sa ulo ko at wala akong makita.
"Where did you bring me ba? Hindi ako mayaman!" pagpupumiglas ko habang isinasakay nila ako sa van.
Ramdam ko ang sapilitang pagtulak sa akin papasok ng van na halos sumubsob ako sa upuan.
"Aray! Will you please keep on tulak me. Its so hurt kaya.!" daing ko.
"Heh! Manahimik ka at naririndi ako sa boses mo!" sigaw sa akin ng isa sa mga dumukot sa akin.
Natameme naman ako.
I don't wan them to get angry at me because mahal ko pa ang life ko and I felt like my life flashes before my eyes when the car started moving.
"S... saan niyo ba kasi ako dadalhin?" nauutal na tanong ko.
Tanging bikini lang ang suot ko at ramdam ko ang lakas ng aircon sa loob ng van.
Pero katahimikan ang ibinigay na sagot sa akin ng mga taong dumukot sa akin. Isa lamang akong sutil na anak at tila pinagsisihan ko na pumunta ako dito sa beach para magbakasyon. Sana pala sinunod ko na lang si Mommy para hindi ko maranasan ang ganitong pangingidnap sa akin.
Ilang minuto pa ang nakalipas, naramdaman kong huminto ang sasakyan na kinalulunaran namin at hinawakan ako sa braso ng isa sa mga dumukot sa akin.
Narinig kong binuksan ang pinto ng van at bigla akong hinila ng isa sa mga dumukot sa akin dahilan para mapadaing ako ng matisod ako sa dulo ng van.
"Tanga mo namang babae ka." sabi nang isa sa mga lalaking kumuha sa akin.
"What the fuck? Kung hindi mo ba naman ako tinulak, I won't tripped myself. Ikaw ang tanga sa ating dalawa!" sagot ko.
Kahit ko siya makita, gusto kong bigwasan ang nahsabi nun dahil hindi ako tanga gaya ng sinasabi niya.
"Sumunod ka na lang. Ang dami mong dada!"
Hinila ng lalaki ang braso ko at kiladlad ako sa hindi ko alam na lugar. Nakakaramdam na rin ako ng takot dahil walang kaalam-alam si Kastiel at Liezel na nawawala ako.
Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at muli akong kiladkad ng lalaking may hawak sa akin bago ako pasalampak na itinulak sa sahig. Ramdam ko ang kirot sa tubod at siko ko ng mangudngod ang mga ito sa sahig.
"Maghintay ka dito!" sambit ng isa sa mga lalaki at naglakad ito paalis.
Pabalibag na sinara ang pinto kaya naman agad kong inalis ang telang nakatalukbong sa aking ulo at tumambad sa akin ang tambak na drum.
Napangiwi ako ng makita ang dugo sa aking tuhod, though scratches lang yun but it hurts like hell.
Hindi ko alam kung iiyak ako or hihintayin na may magligtas sa akin dito lalo na't hindi ko alam ang lugar na ito.
Kahit masakit ang sugat sa aking tuhod, pinilit kong tumayo at lumapit sa pinto ngunit nakalock yun mula sa labas. May maliit na bintana rin malapit sa bubong kaso hindi ko maabot kaya naman naghanap ako ng mapapatungan at isang drum na malaki at retaso ng kahoy ang ginawa kong patungan. Umakyat ako mula sa drum at inabot ang maliit na bintana. Malapit sa kalsada ang lugar na pinagdalhan sa akin at may mga tao rin naglalakad pero ilang metro ang layo nun mula sa kinaroroonan ko.
Kahit na sumigaw ako ng pagkalakas-lakas ay hindi ako maririnig ng mga tao kaya naman nawalan ako ng pag-asa dahil may mga nakabantay rin sa paligid nitong warehouse na kinaroroonan ko.
Nanlulumong bumaba ako mula sa drum na kinapapatungan at naglakad patungo sa sulok ng warehouse at doon nagmukmok. Nilalamig na rin ako at pinapapak na rin ng lamok dahil sa tambak na drum na nandito sa loob.
"Please, God. Can someone help me?" tumulo ang luha sa mga mata ko bago ako yumuko sa aking mga braso. Hindi ko aakalain na sasapitin ko ang ganitong set up gayong sa mga pelikula ko lamang ito napapanuod.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nasa loob ng warehouse na yun ng biglang bumukas ang pinto kaya naman tumayo ako mula sa kinauupuan ko at tinignan kung sino ang dumating.
Pero ganun na lamang ang pagtataka ko ng bumungad sa akin ang dalawang babae na tila anak mayaman dahil nakabihis ito ng mamahaling damit at may hawak pang yosi habang tinitignan ako na parang nandidiri.
"Look whose here, nice job Flame." sambit ng babaeng nakasuot ng floral dress at may hawak na yosi habang yung isang babae naman na kasama nito ay humalukipkip lang sa gilid.
Naglalakad ang babaeng sopistikada paikot sa akin na tila isa akong nilalang na sinusuri ng mabuti.
"I can't belive you are the heir of the company I built for my whole life. Bakit kaya hindi natin lagyan ng twist ang life mo, Celyn Alarie Bautista?"
Nangilabot ako buong katawan ko ng idampi nito ang labi sa akin tenga habang ibinubulong ang mga kataga na 'yon.
"W.. wala akong alam sa sinasabi mo kaya pakawalan mo ako."
"Fiesty huh? Saan kaya aabot ang pagiging matapang mo kung bawasan ko ng konti ang pinakamamahal na anak ni Lynzi Bautista?" kinuha ng babae ang baril mula sa tagiliran ng isa sa mga lalaking kasama nila.
Naalarma ako ngunit ang mga paa ko ay tila napako sa aking kinatatayuan.
I gulp the lump on my throat as I look at the woman whose walking around me as If I am a thing she needs to dispose of.
"Sino ka ba at anong kailangan mo sa akin at sa Mommy ko?" matapang na tanong ko.
Humalukipkip ang babae at tila nag-iisip habang nasa ilalim ng baba nito ang dulo ng baril na sa isang maling kilos ay sabog ang bungo nito. "Hmm. Ano nga ba? Wala naman akong mapapala sa inyong mag-ina but.."
Binitin ng babae ang kanyang sasabihin pero ganun na lamang ang panlalamig ng buong katawan ko dahil sa kanyang sinabi.
"I want you and your Mom gone from this world."
Bigla akong napaluhod ng sipain ng lalaki ang likuran ng aking tuhod. Napakislot ako ng tumama ang sugat ko sa sahig na may mga malilit na bato.
"Pero mas gusto kong makita kayong nag-struggle sa buhay habang patuloy na inaabot ni Lynzi ang sarili niyang pangarap at makuha ang kanyang gusto." dugtong pa nito.
Tinignan ko ng masama ang babae. "Kung meron kayong alitan ng Mommy ko, huwag mo akong idamay!"
Napaigik ako ng hawakan ng babae ang aking buhok habang hawak sa iisang kamay nito ang yosi at baril na biglang idiniin sa pisngi ko ang upos ng sigarilyo kaya naman napatili ako ng sobrang lakas.
Ang halakhak ng babae ang umalingawngaw sa buong warehouse na kinaroroonan namin bago ako marahas na binitawan nito.
Nasapo ko ang nasaktan kong pisngi at ramdam ko ang sunod doon sa balat ko.
Hindi pa ako nakakamove-on sa sakit na dinanas ko sa aking pisngi ng bigla ako mamilipit sa sakit ng tadyakan ng babae ang tagiliran ko gamit ang suot nitong heels na halos bumaon yata sa ribs ko.
"What thec fuck!" malutong na mura ko pero tanging tawa lang isinukli niya sa akin.
Hinawakan ng babae ang buhok ko at walang awang pinagsasapak ang mukha ko gamit ang bakal ng baril kung saan nilalagay ang magazine.
Ramdam kong napunit ang dulo ng kilay ko at halos pumutok rin ang labi ko.
"In fairness, it was satisfying to torture you dear but this is not the end of your life. Patikim pa lamang ito ng parusa ko sayo!" pabalibag na binitawan ng babae ang buhok ko at naglakad palayo sa kinasasalampakan ko.
Dumura na ako ng dugo dahil sa sugat na natamo ko sa aking labi. Pinilit kong tumayo pero masakit ang nakuha kong tadyak mula sa baliw na babaeng ito. Wala akong natatandaan na may kasalanan ako sa kanya.
Narinig kong kinasa ng babae ang hawak nitong baril kaya naman napapikit ako ng itutok nito ang dulo ng baril sa direksyon ko. Tinakpan ko ang aking sarili gamit ang aking mga braso kahit na imposibleng mabuhay ako sa bala na ibabaon niya sa aking katawan.
Isang putok ng baril ang umalingawngaw pero walang tumamang bala sa katawan ko at bigla silang nagkagulo.
"Shit! Katelyn umalis na tayo dito!" sigaw ng isang babae na nanunuod lang sa amin kanina at tila eksena sa pelikula ang natunghayan ko ng biglang mawala sa paningin ko yung mga taong kaharap ko at isang bulto ng babae ang bumuluga sa akin mula sa pintuan.
"Tsk. They run away." rinig kong sambit ng isang lalaking nasa likuran ni Kastiel ng pumasok ang kaibigan ko.
Ganun na lamang ang tuwa ko ng makita ang mukha ni Kastiel at nilapitan ako nito.
"Kaya mo bang tumayo, Celyn?" bakas sa boses ni Kastiel ang pag-aalala ngunit hindi ako makasagot sa kanya dahil parang mawawalan na ako ng malay.
Sinalo ni Kastiel ang katawan ko ng ipilit niyang ibangon ako mula sa pagkakasalampak ko sa sahig ngunit ramdam ko ang bigat ng katawan ko.
"Oy Celyn? Huwag kang mamamatay kung ayaw mong ako ang patayin ni Tita Lynzi. Gumising ka!" pilit na niyugyog ni Kastiel ang katawan at mukha ko para lang magising ako ngunit hinihila ng antok ang ulirat ko.
Hanggang sa unti-unting pumikit ang mga mata ko at ang boses ni Kastiel at ng kasama niya ang tangi ko na lamang narinig hanggang sa gapiin ng kadiliman ang buong sistema ko.
KASTIEL'S POV:
"SHIT Calvin buhatin mo ito si Celyn. Kailangan natin siyang madala sa ospital." sambit ko kay Calvin na siyang kasama ko sa pagligtas kay Celyn.
Hindi namin namalayan ni Liezel na nawawala na si Celyn nang makabalik kami sa pangpang at may nagreport sa amin na isang mangingisda na nakita raw nito si Celyn na may kasamang lalaki.
Noong una akala namin kaibigan ni Celyn ang sinamahan niya ngunit lumipas ang sampung oras ng hindi pa rin bumabalik si Celyn, doon na kami kinabahan ni Liezel.
At dahil nga nasa vicinity lamang ang HuPoFEL, agad akong humingi ng tulong kay Boss para hanapin si Celyn at hindi naman kami nabigo.
Dahil na rin sa mga hidden camera na nakatago sa beach ni Kaizen, agad naming natunton ang lugar na pinagdalhan kay Celyn. Gusto pa sanang sumama ni Liezel pero tumanggi ako dahil baka kapag nagkaroon ng engkwentro ay maging pabigat pa ito kaysa mailigtas si Celyn ng buhay mula sa kamay ng mga dumukot dito.
Hindi ko alam kung sino ang dumukot kay Celyn para sapitin nya ang ganitong bugbog sa mukha at katawan dahil hindi namin naabutan ang mga ito ng dumating kami.
"Bakit hindi ikaw ang bumuhat? Hahabulin ko pa yung mga 'yon!" sagot naman ni Calvin ngunit nakatanggap ng batok mula sa akin ang lalaki.
"Gunggong. Uunahin mo pa magpaka-hero kaysa dalhin sa ospital si Celyn? Kumilos ka na."
"Hays!" kakakamot-kamot ng sariling ulo si Calvin bago isinilid sa tagiliran nito ang baril at binuhat si Celyn na parang wala lang.
Agad na naglakad si Calvin palabas ng warehouse na yun at dinala si Celyn sa dala naming sasakyan at ipinasok ito sa loob.
"Sa hotel na lang, Gun. May dala ka naman sigurong gamit hindi ba?" utos ko kay Gun na siyang driver namin. Pumasok ako sa shutgun seat at hinayaan si Calvin na umalalay kay Celyn na walang malay.
Tatlo lang kaming pumunta sa lugar na pinagdalhan kay Celyn dahil ayon kay Boss baka raw magtaka ang ibang myembro ng HuPoFEL kung marami ang isasama ko. Uhaw pa naman sa adventure ang mga loko kaya naman iniwasan ni Boss ang maraming tao na lulusob dahil bakasyon ang ipinunta nila dito gaya namin at hindi engkwentro.
Noong una nga ay akala ko namamalikmata lamang ako ng madaanan ko ang grupo na naglalaro ng beach volleyball. Hindi dahil sa naggu-gwapuhang nilalang sila, kundi dahil sa ingay na dala ni Thunder Clyborne at Gun na nagkaroon pa ng pustahan kung sino ang mananalo sa laro.
Pagkarating namin sa hotel ay agad na binuhat ni Gun ang katawan ni Celyn nang mapagtanto ko na nakasuot pa rin pala ng kanyang bikini si Celyn kaya pala transparent ang sugat at pasa nito sa katawan.
Nagmamadaling sumunod ako kay Gun at pinagbuksan ang mga ito ng elevator. Nakasunod rin sa amin si Calvin ng makapasok kami sa elevator.
"Saan floor kayo?" tanong ko.
"Presidential suite room 656." sagot naman ni Calvin.
Tumango ako bago pinindot ang floor na sinabi nila at tahimik na hinintay na makaakyat sa floor ang elevator na kinalulunaran namin.
Ilang minuto pa ang nakalipas agad na tumunog ang elevator hudyat na nasa 16th floor na kami samantalang ang room na kinuha ko para sa aming tatlo ay nasa 14th floor lang.
Agad kaming lumabas ng elevator at tinungo ang room na tinutuluyan nila. Halos 11pm na rin ng gabi at sa tingin ko ay nagpapahinga na ang mga myembro ng HuPoFEL.
"Siguro kunin na lang natin ang gamit mo Gun at doon na lang sa hotel room namin gamutin si Celyn." sumang-ayon naman si Gun sa suhestiyon ko at hinintay ako nito sa labas ng elevator habang karga pa rin si Celyn na ala bridal style.
Magkasama naming tinahak ni Calvin ang hotel room at tahimik na pumasok kami roon at hinalughog ang gamit ni Gun. Akmang lalabas na sana ako ng biglang may magsalita sa likuran ko.
"Why are you here and why are you holding Gun's first aide kit?" nagtatakang tanong ng isang lalaking hindi ko kilala.
"Dude, we're in a mission right now." sabat naman ni Calvin na siyang ikinaluwag ng aking loob.
"Oh. Okay, I thought she's a thief."
Napairap na lang ako sa kawalan. Wala akong balak na patulan ang lalaking ito dahil ang kaligtasan ni Celyn lamang ang nasa utak ko. Lumabas na ako sa kwartong yun at tinungo ang elevator kung saan naghihintay si Gun. Hindi na sumama pa si Calvin dahil may gagawin pa raw sila ni Boss Luther.
Hindi ko alam kung sino ang kaaway ni Celyn, bukas na bukas din kapag gumising ito ay tatanungin ko kung ano ang nangyari at kung sino ang may gawa nito sa kanya.
--