Chapter 5: Bracelet
--
CELYN'S POV:
"GRABE ang ganda pala here sa resort ng cousin mo, Liezel!" bulalas ko ng makarating kami sa isang private resort na pagmamay-ari ng pinsan ni Liezel na si Kaizen Cruz.
"Baka nakakalimutan mo hindi tayo libre dito, hindi kami close kahit na pinsan ko siya." pagmamaktol naman ni Liezel.
I just roll my eyes at her and feel the breeze as I ran to the sea. Tanghaling-tapat pero yung sikat ng araw hindi gaanong masakit sa balat.
"This is paradise!" malakas na sigaw ko at idinipa ang aking mga braso habang sinasalubong ang simoy ng hangin at ang hampas ng alon sa aking mga paa.
Masasabi kong isa ito sa mga memorable na nangyari sa buhay ko bukod sa nakatakas ako mula sa anino ni Mommy, mula sa mga taong mapanghusga, mula sa toxic na pagmomodel at sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang hatakin ako pababa.
My Mom didn't want me to leave pero dahil sa pasaway ako at gusto kong magbulakbol kahit minsan, sinuway ko ang gusto niya.
I already get rid of issues and some matters towards my career and masasabi ko na hindi pa ito ang rurok ng tagumpay na gusto kong makamtan.
"Celyn tara na sa hotel?" rinig kong sigaw ni Kastiel kaya naman bumalik sa kung saan sila nakatayo at sumunod sa kanila ng pumasok si Liezel at Kastiel sa hotel na tutuluyan namin.
Kastiel did volunteer to pay our stay here in resort but I refused her offer since I can make bayad naman for my own kaso makulit si Kastiel kaya hinayaan ko na tutal mas rich siya kaysa sa akin.
I am not a gold digger or something what you call it, mapagbigay lang talaga kaming magkakaibigan parang motto na namin na abuloy ang bawat sentimo na ginagastos namin sa mga bagay na binibili o ano pa mang tawag doon.
Nang makakuha kami ng room na presidential suite ay agad kong hinila ang dala kong maleta mula sa kamay ni Liezel bago kami pumasok sa elevator. Nakakahiya naman kasi kung magpapaka-baby ako sa kanilang dalawa.
"Can we swim na after we fix our things?" bakas sa boses ko ang pagiging excited dahil first time kong makapunta ng beach.
"Girl uso ang pahinga bago ka bumabad sa dagat." sagot naman ni Kastiel.
"But I wanna swim na, tyaka you know me naman na this is my first time to have a vacation with the two of you diba? Tinakbuhan ko lang si Mommy kahit na she insist to me to practice for my upcoming audition at CDC."
"Naririndi ako sa pagiging conyo mo. Bukas na lang tayo maligo sa dagat, ipapasyal ko kayo ni Kastiel dito sa resort ni Kaizen." sabat naman ni Liezel na tila nandidiri dahil sa tono ng boses ko.
I can't blame her naman since I need to train nga kasi for my upcoming audition at CDC Entertainment para sa isang big project na gagawin nila.
"Yey!"
"Enough with your kaartehan, Celyn. Napaka-annoying mo na." pambabara pa ni Kastiel.
Natawa lang kami ni Liezel dahil sa pang-gagaya ni Kastiel sa tono at way ng pagsasalita ko as conyo. In fairness bagay sa kanya maging sosyalin na conyo since she came from a wealthy family.
Nang tumunog ang elevator at bumukas ang pinto nito, agad kaming lumabas para puntahan ang kwartong napili namin.
PR-105 ang nakalagay sa isang pinto kung saan huminto si Kastiel dahil siya ang may hawak ng card key ng hotel room namin, si Kastiel na rin ang nagbukas ng pinto. Pagpasok namin, literal na laglag ang aking panga dahil sa ganda ng kwarto.
Meron itong tatlong malalaking bed sa gitna na nakadikit sa pader, isang coffee table na malapit sa terrace at dalawang pinto kung saan naroon ang kusina at cr nitong kwarto.
"OMG! It looks so elegant. Ganito ba kayaman ang isang Kaizen Cruz?" bulalas ko habang sinsipat ang bawat sulok ng kwarto.
"Parents ni Kaizen ang mayaman, hindi siya. At isa pa, wala namang pakialam si Kai sa kayamanan na meron sila Tito at Tita." sagot naman ni Liezel bago nito nilagay sa isang tabi ang dala nitong bag at naupo sa dulo ng kama.
"Bat di ka na lang magpa-ampon sa kanila?" suhestiyon naman ni Kastiel.
Kastiel took her sun glass out of her face and put it on the coffee table as she sat down one of the chair surrounds it.
Liezel rolled her eyes as she laid her back on the bed and face the ceiling.
"Never in my existence na makasama si Kai, hindi nga kami close nun tapos magpapa-ampon pa ako sa kanila? No way in hell."
"Ay ang arte."
Tinawanan na lang namin ang pagmamaktol ni Liezel. Kahit nga kami na kaibigan niyang lantaran kung magbigay ng offer ay tinatanggihan niya, yun pa kayang kadugo niya mismo? Kung sabagay hindi ko naman masisisi si Liezel dahil praktikal siyang tao, unlike me na laging nakabuntot sa anino ng aking Ina.
Matapos ang asaran, nagpasya kaming ayusin ang mga gamit namin sa isang aparador na nakita namin malapit sa may front door ng hotel room na siyang tinutuluyan namin.
Kinuha ko na rin ang dala kong DSLR Camera dahil mamamasyal kami sa paligid ng resort. I want to capture the beautiful scenery of this wonderful like paradise resort.
Nakapagbihis na ako ng isang bikini at floral dress bilang pang ibabaw sa undies ko habang si Liezel ay naka maong shorts lang ito, sando at slipper.
Kunot noong napatingin ako kay Kastiel na abala sa kaniyang laptop na hindi ko namalayang kinuha nito sa sariling bag gayong kanina pa kami nakaayos ni Liezel at hindi pa nagbibihis si Kasti.
"Kasti, hindi ka ba sasama?" untag ko kay Kastiel na tutok ang mga mata sa kanyang laptop.
"Bukas na lang ako gagala."
"What are you doing ba?" usisa ko pa.
"Work. Kailangan kasi eh, baka malintikan ako ni Boss pag hindi ko ito naibigay agad."
Liezel and I look each other and shrug our shoulder as we bid our goodbyes to Kasti.
When it comes to Kastiel's work, Liezel and I didn't want to bother her. Ayaw naming matapunan ng kape pag naiinis na si Kastiel dahil sa work niya.
Noong isang beses kasi nasabuyan ni Kasti yung isang waiter sa fast food chain na pinuntahan namin. Aniya, out of habit because of frustration kaya dahil dun ayaw naming maisturbo si Kastiel. It hurts pa naman na masabuyan ng mainit na coffee sa buong body, right?
Dinala ako ni Liezel sa isang souviner shop though wala naman akong pagbibigyan ng mga 'yon kaso pinatulan ko na since nakakabored din sa hotel at gusto kong bawasan ang sahod ko mula sa pagmomodel at extra sa mga pelikula.
"Oy Liezel, nandito ka pala? Hindi kita nakilala."
Napalingon kami ng sabay ni Liezel sa isang Ale nang tawagin nito ang pangalan ni Liezel.
Ngumiti si Liezel at nilapitan ang isang Ale na nagtitinda ng mga lucky charms and other stuff na makikita sa isang souviner shop.
"Hello, Aleng Martha. Kamusta po kayo?" bungad naman ni Liezel ng makalapit ito kaya naman sumunod ako.
"Okay lang naman, hija. Ikaw? Kamusta ka na ba?"
"Okay lang din po. Sa maynila po ako nag-stay eh."
"Ah. Ganun ba? Kaya pala hindi na kita nakitang pagala-gala dito sa Siargao."
Nakipagkwentuhan si Liezel kay Aleng Martha habang ako naman ay nagtingin-tingin lang sa mga tinda na meron si Aleng Martha.
In fairness, maganda at high quality ang mga tinda ni Aleng Martha but there is something caught my eyes.
Isang bracelet na dragon na gawa sa gold ang nakita ko. I pick it up, and pinakatitigan ko ito ng mabuti. Mayroong maliliit na sulat sa body ng bracelet at hindi ko alam kung ano ang meaning nun.
"Gusto mo ba 'yan, Ineng?"
Nabalik ako sa huwisyo mula sa pagkakatitig sa bracelet na hawak ko at walang salitang binalik ko ito mula sa lalagyan at tinignan si Aleng Martha at Liezel na nakatingin na pala sa akin.
"H... hindi po. Naweirduhan lang po ako sa design ng bracelet." sagot ko.
Kinuha ni Aleng Martha ang bracelet at pinakatitigan ito.
"Alam mo ba na ang bracelet na ito ay galing sa isang lalaki na lumaki sa emperyo kung saan puno ng paghihiganti ang nasa puso ng mga tao roon?" panimula ni Aleng Martha. "Ang dragon na nasa beacelet na ito ay isa sa mga alaga ng lalaking tawagin ko na lamang na Prinsepe Umahon. Si Prinsepe Umahon ay isang mandirigma ng emperyo ng Norte - isang makisig, matipuno at magandang lalaki. Si Prinsepe Umahon ay umibig sa isang dalaga na kung saan ay magkalaban ang kanilang emperyo. Dahil nga sa alitan na namagitan sa Norte kung saan naninirahan si Prinsepe Umahon at si Dirang ang dalaga na naninirahan sa Kanluran, hindi sila pwedeng magsama kahit na mahal nila ang isa't-isa."
"Nang malaman ng magkabilang panig ang namamagitang relasyon kina Prinsepe Umahon at Dirang, naging hudyat 'yon sa walang katapusang digmaan ng Norte at Kanluran. Ngunit hindi natinag ang dalawang pusong nagmamahalan. Nangako si Prinsepe Umahon na wawakasan niya ang digmaan kaya ang dragon na ito ang naging daan upang maging mapayapa ang bawat panig."
"Alam mo ba kung ano ang papel ng dragon na ito sa buhay ni Prinsepe Umahon at Dirang?" tanong ni Aleng Martha sa aming dalawa ni Liezel.
Nagkatinginan pa kami ni Liezel bago umiling kay Aleng Martha.
Ngumiti ang Ale bago muling tinignan ang bracelet sa kanyang kamay. "Ang dragon na ito ay anak ni Prinsepe Umahon at Dirang. Ito ang nagbigay ng kapayapaan at panibagong bukas sa buhay ng mga taong umayon sa digmaan ngunit kapalit nito ang buhay ni Prinsepe Umahon at Dirang. Ang dragon ay nagsisilbing gabay sa kaniyang mga magulang at proteksyon sa bawat digmaang magaganap dito sa mundong ibabaw."
"At ayun sa nakikita ko sa'yo Ineng. Meron kayong hindi pagkakaintindihan ng taong mahalaga sayo. Tama ba?"
Kumunot ang noo ko.
Lumapit sa akin si Liezel at binulungan ako nito sa tenga. "Isa ring kilalang manghuhula si Aleng Martha dito sa Siargao, at lahat ng sinasabi niya ay totoo."
"Ano pong koneksyon ng dragon na 'yan sa totoong buhay?" usisa ko.
"Ang dragon na ito ang magiging gabay mo sa tinatahak mong daan. Hindi ba't isa kang sikat na modelo? Pasensya na, nakikita ko kasi ang larawan mo sa bawat sulok ng kwarto ng dalaga kong anak at sa tingin ko ay humahanga siya sayo. Mas maganda ka pala sa personal."
Nambola pa si Aleng Martha gayong bibihira lang ang nakakakilala sa tulad kong feeling modelo kahit na marami na akong napatunayan sa ganoong industriya.
"Okay lang po. Bibilhin ko na lang po ang bracelet."
Lumiwanag ang kulubot na mukha ni Aleng Martha dahil sa sinabi ko, hindi dahil sa naantig ako sa kanyang kwento kundi dahil sa ganda ng bracelet na hawak niya.
"Maraming salamat, Ineng. Darating ang mga araw na susubukin ang iyong katapangan at katatagan pero may isang tao na dadating sa buhay mo na kakagalitan mo ng husto pero sa dulo ay mamamayani pa rin ang pag-ibig sa iyong puso."
"Salamat po."
Inabot ko ang bracelet na nagustuhan ko at ibinigay kay Aleng Martha ang bayad, wala daw siyang pangsukli kaya hinayaan ko na bago kami magpaalam ni Liezel sa matandang nagtitinda.
"Mabait 'yon si Aleng Martha, minsan nga nagpapahula ako sa kanya." saad naman ni Liezel ng makalayo kami mula sa souviner shop.
Isinilid ko naman sa aking bulsa ang binili kong bracelet at baka mawala pa.
"Hindi ko naman sinabing masama ang ugali niya. Nagandahan lang talaga ako sa bracelet." sagot ko naman.
"Sus! Ang sabihin mo nahumaling ka lang sa kwento ni Prinsepe Umahon at Dirang." pang-aasar pa ni Liezel at tinulak pa ako.
Dahil nga sa mag gagabi na at marami rin ang turista sa lugar na ito, bumangga ako sa isang bulto ng lalaki na abala sa pagkuha ng litrato sa kanyang paligid.
"Ay sorry." mabilis na paghingi ng tawad ng bumangga ako sa katawan nito dahil sa pagtulak ni Liezel sa akin.
Tinulungan naman ako ng lalaki na makatayo ng maayos.
"Be careful next time, Miss. Wag kang tatanga-tanga sa gitna ng maraming tao."
Laglag ang panga ko sa sinabi ng lalaki. Akmang sasagutin ko na sana ito ng bigla itong tumalikod at naglakad paalis.
"Tanga ka pala Celyn, eh." tatawa-tawang sabi naman ni Liezel kaya tinignan ko ito ng masama.
"Its your fault why I bump into him."
"Baka siya na si Prinsepe Umahon na hinahanap mo?" humagalpak pa ng tawa si Liezel habang ako naman ay namumula na sa galit.
"Shut your mouth, Liezel. Let's go back na nga sa hotel at baka pag-uwi natin sunog na ang room dahil sa pagiging short tempered ni Kasti." hinila ko na sa kanyang braso si Liezel pabalik ng hotel.
"Spell muna ng short tempered?"
"Bwisit ka!"
Ang tawa ni Liezel ang umalingawngaw sa aking tenga habang papalayo kami sa night market dito sa Siargao. Nakakuha nga ako ng magandang item, masama naman ang ibinalik sa akin dahil sa antipatikong lalaki na 'yon.
Hindi man naging happy ending ang istorya ni Prinsepe Umahon at Dirang, pero malaki ang impact na binigay sa akin ng kanilang kwento. Never in my entire life I had a boyfriend lalo na't strict si Mommy sa studies ko at sa magiging outcome ko bilang modelo.
Though marami ang nangligaw sa akin noon kahit mga kawork ko as a model but all of them got reject by my own mother dahil hindi raw sila makakatulong sa career na binubuo ko which is totoo naman.
Nabansagan pa nga akong Modern Maria Clara kahit na hindi naman ako kasing hinhin ni Maria. Suki rin ako sa guidance office namin sa school dahil sa pagiging maldita ko.
"Iniisip mo pa rin ba si Prinsepe Umahon?" basag ni Liezel habang binabaybay namin ang daan pabalik sa hotel na tinutuluyan namin.
"Gaga. Hindi no!"
"Sus! Kunwari ka pa. Huwag kang mag-alala, makakakita ka rin ng prinsepe na para sayo. Hindi man sa ngayon pero never mangyayari 'yon."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Liezel.
"Ang sama mo!"
Humagalpak ng tawa si Liezel dahil sa naging reaksyon ko. Hindi naman ako nangangarap ng perfect relationship ko pero mas gusto kong yumaman at maging tanyag na artista at modelo sa mundo ng showbiz.
THIRD PERSON'S POV:
"Is that the woman that Tito Cecilion mentioned?" the woman ask her companion while looking at the two younger girls walking happily at the road.
Sinindihan ng babae ang hawak nitong sigarilyo at nagdekwatro ng upo sa loob ng isang bar sa resort na kanilang kinaroroonan habang tinitignan pa rin mula sa salaming bintana ang dalawang babae na dumaan sa kanilang harapan.
"That woman is the sole heir of K. S Entertainment, not you." sagot naman ng kapatid nito.
They are not blood related but her younger sister got by her parents on a road.
"Hindi ako makakapayag na sirain ni Tito Cecilion ang kompanya na pinaghirapan ko."
"Pero hindi rin sapat ang pinaghirapan mo kung si Daddy na mismo ang kumuha sa kompanya na gusto mong pagharian."
"Shut up, bitch!" umalis mula sa kinauupuang stool ang dalaga at lumapit sa isang lalaki bago ito halikan sa labi.
Napapailing na lamang ang nakababatang kapatid na babae dahil sa ginagawa ng kanyang ate.
K. S Entertainment is one of her sister's dream. Ang magkaroon ng sariling entertainment industry para pabagsakin ang CDC Entertainment na patuloy sa pamamayagpag sa telebisyon at sa ibang pang platforms sa internet.
Kahit anong gawin ng kanyang ate ay hindi mahigitan ng K. S ang CDC kaya naman nagbalak ang kanyang ate na pabagsakin ang CDC pero mas inuuna nito ang paglalandi sa CEO ng Montenegro Empire na si Reiden Grei Montenegro ngunit hindi nito binibigyang pansin ang kanyang ate.
Kaya nang malaman nito na ipapasok sa K. S Entertainment si Celyn Alarie Bautista na legal na anak ng kanilang kinikilalang Ama - lubos ang pagtutol nito na ilipat sa pangalan ni Celyn ang K. S Entertainment.
"Hey, sis. Do me some favor?" napalingon ang nakababatang kapatid sa kanyang ate habang nasa kandungan pa rin ito ng lalaking kahalikan.
"Destroy her."
Agad na nakuha nito ang ibig sabihin ng kanyang Ate kaya naman walang itong isang salita na iniwan ang kapatid at lumabas ng bar para gawin ang kanyang plano.
"It should be fun if I destroy you first before the legal daughter." bulong nito sa sarili.
Pumaskil ang ngisi nito sa labi bago nilisan ang labas ng bar at tinungo ang hotel room na tinutuluyan nito sa resort kung saan sinundan nila si Celyn na walang kamalay-malay.
Kinuha ng dalaga ang kaniyang telepono sa bulsa at nagdial ng numero bago inilagay sa tenga.
"Flame, we have some business to do." aniya ng hindi man lang pinagsalita ang nasa kabilang linya.
Bilang isa sa tagapag mana ng K. S Entertainment, kailangan niyang kumilos hindi dahil sa yon ang utos ng kanyang ate kundi dahil mayroon siyang sariling interes - ang mapansin ng isang Calvin De Chavez.