Chapter 4: Secret Agent
--
CELYN'S POV:
"HINDI pa naaayos ang eskandalo mo sa bar tapos ngayon magbi-beach ka kasama ng mga kaibigan mo?"
Naipikit ko ang aking mga mata dahil sa tinis ng boses ni Mommy. Kasalukuyan akong kumakain ng tanghalian and I told her that I want to freshen up with my friends sa isang beach tutal wala naman akong gagawin sa mga susunod na araw dahil pina-cancel at pull-out na niya ang kontrata ko sa Safe and Sound Modeling Company.
"People will forget about it in no time, Mom. Ilang beses na ba akong nasangkot sa kalokohan na ganun?" rason ko bago isinubo ang huling isang kutsara ng kanin at ulam na nasa plato ko.
"Kalokohan? So, aware ka sa ginawa mo ng gabing yun?" tila hindi makapaniwala si Mommy sa kanyang narinig mula sa bibig ko.
This kind of situations isn't new for me. Ilang beses akong nasangkot na nakikipag-flirt sa mga male model, nakikipag-date umano sa mga kilalang artista at kung anu-ano pang ipinaparatang sa akin na wala namang kabuluhan.
Lahat ng nakakasalamuha kong lalaki sa modelling industry ay ginagawan nila ng isyu lalo na't aktibo sa social media ang mga tao ngayon. Hindi pa nasanay si Mommy sa sobrang madumi ang takbo ng ganitong industriya sa publiko.
I push away my plate on the table as I looked at my Mom na ngayon ay nagpalakad-lakad sa harapan ko. Gusto ko pa sanang kumain kaso nakakawalang-gana ang paglilitanya sa akin ni Mommy.
"Except that night, Mom. I was drunk and how many times do I have to tell you ba na I am not a kid anymore? Bakit ba masyado kang naapektuhan sa mga sinasabi ng ibang tao kaysa sa sarili mong anak?" naikuyom ko ang aking kamao sa ibabaw ng mesa habang nakatitig kay Mommy.
Mom's face loosen up because of what I've said. Kung matigas ang kanyang ulo, mas doble ang pagiging stubborn ko. I know its bad to talk back to my Mom but this is my life.
"I am affected because you are my daughter. Binuo kita sa kung anong image ang meron ka ngayon kaya sundin mo naman ako anak!"
I slam my hands on the table as I got up from my chair.
"My image or your image? Dumating lang si Tito Cecilion nagkaganyan ka na? Wala na akong katahimikan sa bahay na ito at araw-araw na lang tayo nag-aaway. Just this once, Mom tanungin mo naman kung ano ang gusto ko sa buhay ko!"
I left my Mom dumbfounded as I got out from our house without anything - cellphone or money. Umalis ako sa bahay dahil hindi na ako makahinga ng maayos sa tuwing nagkakasagutan kami ni Mommy.
I do respect her pero sobra-sobra na ang ginagawa niya sa akin.
Pagkalabas ko sa subdivision namin ay agad akong nagpara ng taxi and I told the driver to go to Kastiel's house but when I get there, there is no Kastiel showed up kaya naman I decided to go to Liezel's house.
Pagdating ko sa tinutuluyan ni Liezel agad kong niyakap ang babae at doon umiyak sa kanyang bisig.
"May problema ka ba?" aniya pero hindi ako sumagot.
Liezel did pay my transpo as she pulled me inside her house. Pinaupo ako ni Liezel sa mono block chair na nasa loob ng kanyang bahay. Liezel is living on a small room - she called this a an apartment which is kwarto lang ang meron siya. Isang kama, banyo, at maliit na kusina.
LIEZEL'S POV:
NAKAYUKO lang si Celyn ng makaupo ito sa mono block na ginagamit ko sa tuwing nagrerehearse ako para sa gagawin ko mamayang gabi.
Iniwan ko muna si Celyn at kumuha ako ng baso sa lagayan ko ng mga gamit sa maliit kong kusina at inilagay yun sa mesa bago ko sinalinan ng tubig at ibinigay kay Celyn na agad naman nitong kinuha.
Tinignan ko si Celyn bago humalukipkip at sumandal sa pader na nakapagitan sa isa pang kwarto kung saan tumutuloy si Kastiel ngayon.
"Hindi na ako magtatanong kung anong nangyari since nakita ko yung video natin the night after." saad ko.
Humihikbi pa rin si Celyn kaya naman hinayaan ko lang siyang umiyak sa iaang sulok.
Hindi rin biro ang pinagdadaanan naming magkakaibigan. Si Kastiel na mayaman at sagana sa buhay, namomroblema kung paano niya patitigilin sa pagsusugal ang kanyang Ama, si Celyn na isang sikat na modelo, walang kalayaan sa sarili niyang buhay at mundo.
"My Mom and I had a fight, earlier." basag ni Celyn sa katahimikan naming dalawa. Umiiyak pa rin siya at sumisigok pa na tila pinagalitan ng husto ni Tita Lynzi.
Bumumtong hininga ako bago ako umalis mula sa pagkakasandal ko sa pader at umupo sa dulo ng aking kama.
"May nangyari ba?" usisa ko.
Pinunasan ni Celyn ang kanyang luha na rumaragasa sa kanyang pisngi habang nakatitig sa baso na binigay ko sa kanya kanina.
"Mahal ko naman si Mommy at ang pagiging modelo ko, pero hindi ko kayang suwayin ang gusto ni Mommy sa magiging career ko. I feel like I am suffocated everytime my Mom and I stood in one place. Mula ng dumating si Tito Cecilion, araw-araw kaming nag-aaway ni Mommy kahit na sa maliit na bagay lang. Isama pa yung kumakalat na video mula sa Grind Me Harder Bar."
"I wasn't aware that there was a paparazzi inside, though pribado ang GMH at tanging mayayaman lang ang pwedeng pumasok." paliwanag ko kay Celyn dahilan para mapatingin ito sa akin.
"But the damage has been done, and isa pa wala namang madadamay na brand since my Mom pulled out my contract at Safe and Sound Modeling Agency. Tanging pangalan ko na lang ang sabit, that's why my Mom is so desperate to trace who posted that video."
Akmang magsasalita ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad doon ang bulto ni Kastiel na bagong ligo.
"Liez, may gagawin ka ba -- Celyn anong ginagawa mo dito?" bulalas ni Kastiel ng makita si Celyn sa bahay ko kaya naman tumayo ako mula sa kinauupuan ko at nilapitan si Kastiel.
"As usual, problema kay Tita Lynzi at dun sa letseng video na nagkalat mula sa GMH. Alam mo namang mainit sa mata ng publiko ang pangalan ni Celyn bilang modelo." sagot ko.
Kastiel closed the door and walk towards where Celyn is. Lumuhod si Kastiel sa harapan ni Celyn at hinawakan nito ang mga kamay bago kinuha ang baso ng tubig na kanina pang hawak ni Celyn at inilagay sa lapag.
"Sabi ko naman sa'yo ako na ang bahala diba?"
"I do trust you naman Kasti, eh. Kaso si Mommy hindi matahimik dahil dun sa video. Kanina kasi nagpaalam ako sa kanya na magbi-beach tayo at inopen-up niya yung tungkol sa GMH na until now daw ay hindi pa nalilinis kaya iba-banned niya ako sa bahay once na hindi humuhupa ang pamba-bash ng mga netizen sa akin."
Parang bata kung ngumawa si Celyn sa harapan namin ni Kastiel. Hindi ko naman siya masisisi at si Tita Lynzi kung pangalan nga naman ni Celyn ang nasa headlines ng mga balita ngayon. Hindi na rin bago sa amin ni Kastiel ang mga ganitong eksena magmula pa noong nagsisimula pa lamang si Celyn sa kanyang modeling career.
"Ang mabuti pa sumama ka na lang sa akin." anyaya ni Kastiel bago ito tumayo mula sa pagkakaluhod at inakay si Celyn para makatayo rin ito mula sa kanyang kinauupuan.
"Where are we going?" usisa naman ni Celyn.
"Huwag ka ng magtanong basta sumama ka na lang sa akin." sagot ni Kastiel bago ito bumaling sa akin. "Mamaya na lang tayo mag-usap, Liezel." paalam ni Kastiel.
Bago pa man ako nakapagsalita, parang kidlat na nawala si Kastiel at Celyn sa kwarto ko. Napabintong-hininga na lang ako at nagkibit balikat bago tinungo ang banyo para maligo. Kailangan kong maghanda para sa pagpasok ko sa GMH ngayong araw.
CELYN'S POV:
LULAN ng taxi, magkasama kami ni Kastiel sa loob ng sasakyan. I don't know where she's bring but I trust her.
Tahimik lang kaming dalawa habang binabaybay ng sasakyan ang kahabaan ng EDSA. Ilang minuto pa ang nakalipas, biglang huminto ang taxi sa hindi ko malaman kung na saan kami.
"Manong ito po bayad. Salamat po." sambit ni Kastiel ng abutin nito ang bayad sa taxi driver.
"Salamat din mga Miss. Pero sigurado ba kayo na dito ang punta ninyo? Delikado ang lugar na ito para sa tulad ninyong magaganda."
"Asus. Nambola ka pa, Manong seryoso po ako. Salamat po sa paghatid!"
Matapos sabihin ni Kastiel ang mga kataga na 'yon kay Manong driver, agad akong kinaladkad nito palabas ng taxi. Tumambad sa akin ang mayabong na damuha at mataas na bundok.
"What are we doing here, Kastiel?" may pag-aalinlangang tanong ko kay Kastiel. Bibihira kasi ang mga sasakyan na dumadaan sa lugar na ito at tila masukal ang paligid ko. Pakiramdam ko may mga ilang taong pinaslang at itinapon na sa lugar na kinaroroonan namin ni Kastiel.
"Wait and see. Sumunod ka sa akin."
I gulp the lump on my throat as followed where Kastiel is heading. Pumasok kami sa masukal na daan at kahit tanghaling tapat, ramdam ko ang kalabog ng aking dibdib dahil sa sobrang kaba.
What if, maka-encounter kami ng malaking ahas dito?
What if, hindi na kami makalabas ng buhay?
What if, may panganib na naghihintay sa amin mula sa paanan ng bundok?
What if, bangin agad ang bubungad sa akin at hindi ang paanan ng bundok na nakikita ko ngayon.
"Nandito na tayo."
Sa biglaan paghinto ni Kastiel, bumangga ako sa kanyang likuran. Pero ganun na lamang ang gulat ko ng tumambad sa akin ang isang 4-storet building na tila five star hotel sa sobrang gara at ganda nito mula sa labas.
"Tara."
Naitikom ko ang aking bibig ng hindi ko namalayan na napanganga pala ako dahil sa sobrang gands ng building na nasa harapan namin ngayon ni Kastiel.
Tuloy-tuloy lang sa pagpasok ng building si Kastiel kaya naman I followed her as what she instucted.
Pag-enter namin sa loob ng building, walang gaanong gamit at wala rin akong makitang reserve area. Nang pumunta si Kastiel sa harapan ng elevator ay agad akong sumunod dito ng bumukas ang pinto ng elevator at pumasok si Kastiel kaya naman pumasok na rin ako.
Pagkasara ng elevator ay tahimik lang na nakatitig si Kastiel sa salamin ng pinto. Marami akong gustong itanong sa kanya kaso nahihiya ako at natatakot sa kung anong meron sa loob ng building na ito.
Napatili ako ng bahagya ng biglang tumunog ang elevator hudyat na nasa 3rd floor kami ng building. Rinig ko pang tumawa si Kastiel but I just ignored her when she step out from the elevator and I followed her.
Ilang minuto pa ang nakalipas nasa harapan kami ng isang pinto kung saan may nakasulat na 'President Office' na siyang ipinagtaka ko.
Kastiel knock three times before she opened the door infront of us. Kumunot ang noo ko ng madilim na kwarto ang bumungad sa amin.
"Boss, the request I asked?" saad ni Kastiel kahit nasa bungad pa lamang kami ng pinto.
"What is it?"
Gumapang ang kaba sa aking dibdib ng marinig ang isang baritonong boses na tila tinatamad pero puno ng awtoridad.
"About Celyn Alarie Bautista's case."
"Come in."
Hinawakan ni Kastiel ang kamay ko at hinila ako papasok sa kwartong yun. Nang sumara ang pinto, tanging kadiliman lamang ang nakikita ko.
Pero nagulat ako ng makarinig ng dalawang palakpak ng kamay at biglang lumiwanag ang paligid namin.
Nasilaw pa ako dahil sa ilaw kaya naman napapikit ako at hinintay na mag-adjust ang mata ko sa liwanag.
"Is it her?"
I flinch as I heared his voice again.
Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at halos mapanganga ako ng makita ang isang lalaki na nakaupo sa itim na swivel chair, magulo ang buhok, ang gusot na puting long sleeve nito na bukas pa ang tatlong butones mula sa leeg pababa sa dibdib nito, at ang mapupungay na mga mata ngunit may tinatagong bangis.
I gulp as I unconsciously stepped back my feet away from this man.
Nahalata siguro ni Kastiel ang kaba ko kaya hinawakan nito ang likuran ng bewang ko to refrain me from step back.
"She's a professional model and also my friend. Hindi na bago sa akin ang mga issues niya sa buhay bilang modelo pero sa kumakalat na video ngayon ay ibang usapan na 'yon." Kastiel replied.
The man leans his back on his chair as he looked at me directly to my eyes. Hindi ko kayang makipag-eye to eye contact sa lalaking ito. He's too intimidating and powerful.
"So what do you think should I do on her video scandal?"
Nanlaki ang mga mata ko. "H.. Hoy hindi 'yun scandal." depensa ko.
"Gagi, Celyn ako na magpapaliwanag." bulong sa akin ni Kastiel kaya tumigil ako sa pagsagot sa lalaking kausap ni Kasti.
"Can I ask Rent to delete it and trace who's behind it?"
"It's just a minor case, Devoncourt. You can do whatever you want and since you brought Miss Bautista inside my territory, come back here later and I'll give you some works."
"Roger that, Boss."
Matapos ang usapan, biglang tumalikod si Kastiel at hinila ako palabas ng opisina na yun. Nang makalabas kami ni Kastiel ay malakas itong bumuntong-hininga na siyang ipinagtaka ko.
"Shit! Mawawalan yata ako ng hininga." saad ni Kastiel na tila nakahinga ng maluwag.
"Sino ba 'yung maangas at antipatikong lalaki na 'yon?" usisa ko kay Kastiel ng muli ako nitong hilahin sa isang pasilyo palayo sa opisina na pinanggalingan namin.
"He's my Boss, Celyn. And I am a secret agent."
"What?" bulalas ko.
Hindi ako makapaniwala na sa yaman na meron si Kastiel, ang pagiging secret agent pa ang napili niyang trabaho.
"Hush! Wag kang maingay! Ikaw lang pinagsabihan ko lalo na't willing akong tumulong na mabura ang video na kinasasangkutan mo. Though wala namang masama sa content na yun since hindi ka naman na minor, kaso ang problema, modelo ka at may sarili kang pangalan sa industriya!"
Hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko kay Kastiel ngayong araw.
Sa tulong ng mga katrabaho ni Kastiel, na trace namin kung sino ang nagpakalat ng video na 'yon at nabura na rin sa lahat ng social media platforms at kung sino man ang may copy nun.
The one who posted it was Lea - the woman my Mom trusted the most when it comes to my schedule.
Hindi ko mapapalagpas ang ginawa niya sa akin kaya malaki ang pasasalamat ko kay Kastiel at sa mga katrabaho niyang mga secret agents.