Chapter 3: Grind Me Harder

CELYN'S POV:

--

WHEN I got home from gathering held by my sponsor on a certain hotel, Mom welcomed me with her nagmamakaawa look on her face. Hindi ko siya sinama dahil nagtatampo ako sa kanya at isa pa ayokong magkaroon ulit ng eskandalo between her and Maverick lalo na't isa sa mga coordinator ng party si Mavs.

Hanggang ngayon kasi, I didn't talk to my Mom after their sagutan with Tito Cecilion and until now I didn't answer Tito Cecilion's request for me to go with him inside their family. Reasons niya, hindi raw kayang panindigan ni Mommy ang pagiging Ina nito sa akin at ginagawa lamang ako nitong instrumento para sa pansariling hangarin nito na makita si Daddy at ipamukha rito na kaya akong buhayin ni Mommy mag-isa.

Hindi naman kami close for me to go with his territory lalo na't mas sanay ako na kasama si Mom kesa sa sarili nitong kapamilya na itinakwil nga siya.

And what's the point of looking for my Dad kung ito mismo ay inabandona kaming mag-ina.

"Celyn please kausapin mo ako..." bakas sa boses ni Mommy ang pagmamakaawa na kausapin ko siya.

I don't know what's her plan for me but I don't want to get involve between her and Tito Cecilion, kung ano man ang problema nila labas ako doon.

Huminto ako sa harapan ng hagdan at hinarap si Mommy.

"I don't know what's gotten into you and your older brother Mom, pero sana naman huwag niyo akong idamay sa away ninyong dalawa at isa pa wala akong balak na makilala si Daddy. I am not a kid anymore para hindi maintindihan kung ano ang nangyayari sa paligid ko."

Mom held my hand and look at me directly to my eyes. "Iniisip ko lang naman ang kapakanan mo kaya ko nagawa 'yon at doon sa sinabi ni Cecilion, huwag kang maniwala sa kanya. Hindi mo naman ako iiwan diba? I raised you alone at ngayon na gumagawa ka na ng sarili mong pangalan sa pag-aartista ngayon pa nila tayo nagawang guluhin dahil sa bumabagsak na ang company na naipundar ng aming Ama."

I heave a sigh.

"Please Mom, not now." bumitaw ako mula sa pagkakahawak nito at akmang aakyat na patungo sa kwarto ko ng muling magsalita si Mommy.

"They want you as the owner of K. S Entertainment, anak."

K. S Entertainment is one of the entertainment that compete with CDC Entertainment to be number one in the whole wide world. Karamihan rin sa mga artista na nakukuha nila ay mga trouble maker dahil sa kaliwa't-kanang isyu na nasasangkutan ng mga ito maging ang kasalukuyang Presidente ng K. S Entertainment.

"Okay na ako sa sarili kong buhay, Mom. K. S Entertainment doesn't fit me as the new owner. Actually, I was planning to audition on a certain movie at CDC Entertainment at alam mong pangarap ko ang makapasok sa CDC using my ability and talent as an artist."

"Pero anak, CDC isn't easy to enter there as what you think. Bakit hindi mo pagbigyan ang Tito Cecilion mo na maging bahagi ka ng K. S?"

Napahilamos ako sa sarili kong mukha at muli kong hinarap si Mommy. "Just this once, Mom. Suportahan mo ang desisyon ko na maging bahagi ng CDC Entertainment. I want to create my own empire inside that big company hindi sa pipitsuging K. S Entertainment na pinipilit ninyo--"

Natigil ang pagsasalita ko ng lumagapak sa aking pisngi ang kamay ni Mommy na siyang ikinagulat ko.

Buong buhay ko never niya akong pinagbuhatan ng kamay kahit na araw-araw kaming mag-awat dahil sa mga maling desisyon niya sa career ko pero lahat yun tinitiis ko para sa ikasasaya niya.

"Dugo at pawis ang ginawa ng Lolo mo para maipundar ang K. S Entertainment kay huwag mong sabihin na pipitsugin ang kompanya na bumuhay sa akin."

Naikagat ko ang pang-ibabang labi ko bago ako umayos ng tayo at tinignan si Mommy.

"Kung ang kompanya na 'yon ang bumuhay sa inyo noon, sana nandoon ka pa rin kasama ng mga dreams mo. Hindi sana ako ang nagsasakripisyo for us to survive in this unfair world. Na saan ang pinagmamalaki mong parents kung ikaw mismo nagawa ka nilang i-abandon?"

Nanlisik ang mga mata ni Mommy sa akin dahil sa sinabi ko. Akmang sasampalin niya ako ulit pero ako na mismo ang umatras patungo sa iilang hakbang ng hagdan bago ko marating ang ikalawang palapag ng aming bahay dahilan para tumigil sa ere ang kamay ni Mommy.

"Wala kang karapatang magsalita ng ganyan dahil wala kang alam!"

Natawa ako.

"Lagi niyo naman akong itinuturing na bobo at inutil right? It's not new to me why you act like that, besides totoo naman ang sinabi ko at galing pa yun sa mismong mouth ninyo!"

Bago pa man makapagsalita si Mommy, tuluyan ko na itong tinalikuran at tinungo ang kwarto ko bago pabalibag na binuksan ang pinto at isinara yun.

Naramdaman ko na lang na tumulo ang luha mula sa aking mga mata at agad ko 'yung pinunasan bago kinuha ang telepono sa bag na dala ko.

I dialed Liezel's number and just a second ahe immediately answered it.

"Celyn?" aniya sa kabilang linya.

"Pwede ka ba ngayon?" sabi ko.

Rinig ko ang ingay mula sa lugar na kinaroroonan ni Liezel at sa tingin ko ay nasa bar siya.

"Why? May problema ba?" aniya.

Muling tumulo ang luha sa mga mata ko at mahigpit na hinawakan ang phone na nasa tenga ko. Alam kong rinig ni Liezel ang paghikbi ko. Wala na akong ibang mapuntahan o makausap kundi silang dalawa lang ni Kastiel.

"Mukhang may problema ka nga, na saan ka ba?" Liezel asked me. Tila naging mahina ang ingay mula sa kabilang linya at sa tingin ko lumabas si Liezel para maging malinaw ang pag-uusap naming dalawa.

"Nasa house, where are you ba?" tanong ko bago ko pinunasan ang mukha kong basa na ng luha dahil sa paghikbi pero traydor ang luha ko at ayaw tumigil sa kakabuhos.

"Nasa trabaho ako. Okay lang ba ikaw na ang pumunta dito? Hindi pa kasi tapos ang shift ko."

"Send me the address na lang, I can go there alone."

"Pahatid ka na lang sa taxi, Grind Me Harder ang name. Madali lang naman siyang makita since sikat ang bar na pinagtatrabahuhan ko."

Si Liezel na mismo at pumutol ng tawag kaya naman nagbihis muna ako at inayos ang aking mukha bago ako pumunta sa lugar na sinabi ni Liezel.

Pagdating ko sa bar, sumalubong sa akin ang ingay ng tugtog at mga taong lasing na. I can smell some yosi in the air and my face got crumpled because of the mix of smelly drunkard bastards I encounter.

Nakangiwing nakipagsiksikan ako sa mga taong sumasayaw sa dance floor hanggang sa marating ko ang bar island na agad naman akong nginitian ng bar tender at nagtanong.

"Ano pong order niyo Miss Ganda?" tanong sa akin ng bartender na sa tingin ko ay chick boy. May itsura siya pero hindi kalandian ang pinunta ko dito.

"Ahm, may I ask you something?"

"Ay englishera.. Shoot, Miss Ganda what's your question?"

"Do you know Liezel Mariano? She's working here." tanong ko. Halos dumikit na ang labi ko sa tenga ng bar tender dahil sa lakas ng music dito sa loob.

"Ah! Si Liezel? Katatapos lang nun sumayaw, mamaya ipapatawag ko siya para sayon, Miss Ganda. May VIP card ba you?"

Umiling ako.

"Kailangan po kasi may VIP Card ka para may free access ka sa mga event dito sa aming bar. Dahil maganda ka naman, bibigyan na lang kita ng free." aniya bago pumasok sa isang pinto na konektado sa bar island at iniwan ako ng walang paalam.

Napangiwi na lang ako ng biglang may tumama sa likuran ko at nakita ko ang isang lalaki na halos hindi na makalakad ng maayos bago umupo sa katabing stool na kinauupuan ko. He asks forgiveness but I just ignored him.

Hindi ko na lang ito pinansin at baka mapagtripan pa ako ng mga lasing dito.

Ilang minuto pa ang nakalipas agad na lumabas ang bar tender na may dalang isang balot ng itim na card.

"Hey, Thud give me some whisky." sabi ng lalaking katabi ko ng makita nito ang bar tender na kakalabas pa lang mula sa pinto.

"Dude you're too drunk to have some another drink. Why don't you go home?" sagot naman ng nagngangalang Thud.

"You can't decide if I am drunk or not, gimme a shot dude?"

Napapailing na lang ang lalaking tinawag sa pangalang Thud dahil sa kakulitan ng lalaking lasing na 'yun na nasa katabing stool lang kung saan ako nakaupo.

"Here, Miss Beautiful. This is our VIP Card, also I told someone in our crew that you are looking for Liezel. You can wait her in our VIP Lounge." baling naman sakin ng bar tender.

Agad kong kinuha ang VIP Card na binigay niya sa akin. I was amaze when I saw the card dahil kumikinang ito tuwing naiilawan at sobrang kinis ng card.

"Thank you." saad ko bago ako nagpaalam sa bar tender at tinungo ang VIP Lounge na kanyang sinabi.

Hinanap ko ang isang corner kung saan naroon ang hagdan ng magtanong ako sa butler na nagkalat dito sa bar. Halos maipit ako ng mga taong nagsasayaw at natapakan rin ang paa ko pero binalewala ko lang yun.

Nang makarating ako sa VIP Lounge, pagbukas ko ng pinto. Mukha ni Liezel ang bumungad sa akin.

"What's up, girl?" bati sa akin ni Liezel ng makapasok ako sa VIP Lounge.

Liezel looks different, she's wearing a black dress that reveals her white skin.

"What the hell are you wearing?" bulalas ko bago ko naisara ang pinto at lumapit kay Liezel na ngayon ay prenteng nakaupo sa sofa at may hawak na wine glass.

"Ahm.. dress? Bakit ba parang nasorpresa ka sa get up ko ngayon? This is what I wore everytime I got some customer."

"I am not your customer."

"Oo na. Kailangan mo ng makakausap, I am all ears, girl."

Busangot na umupo ako sa tabi ni Liezel bago nito inabot ang isang wine glass na nasa mesa at sinalinan nito ng alak.

"You know I hate alcohol." pagmamaktol ko.

"Hindi mailalabas ng juice o tubig ang sama ng loob na meron ka, Celyn. Alcohol can help you to forget your problems just this night."

Natameme ako.

Totoo nga naman ang sinabi ni Liezel. Alcohol might help me to forget my problems but its just temporary.

Napatitig ako sa wine glass na hawak ko.

Ito ang unang beses na makakatikim ako ng alak sa buong buhay ko.

"Drink it, girl. Hindi ka malalasing kung tititigan mo lang 'yan."

Napatingin ako kay Liezel ng biglang i-full shot ang hawak nitong wine glass na parang wala lang. Kaya naman ginaya ko ang ginawa nito at pakiramdam ko bago sa akin ang ganitong sistema.

"How about it?" Liezel ask me after I drink the liquid from my glass.

"Infairness masarap siya at hindi ko naamoy or nalasahan na alak siya. Anong brand ba 'to?" usisa ko kay Liezel bago kinuha ang bote at tinignan ang label kaso hindi ko mabasa ng maayos dahil sa dim light lang ang ilaw ng VIP room.

"Tequila 'yan. Mababa lang naman ang alcohol nyan." paliwanag sa akin ni Liezel.

I thought parang juice lang ang tequila ng uminom ako mula sa bote. Hindi ko namalayan kung anong pinaggagagawa namin ni Liezel basta ang alam ko lang, sobrang saya ko at ayoko ng matapos ang gabing ito.

Kinabukasan nagising na lamang ako na masakit ang ulo ko at nakita ko si Mommy na nakatayo sa gilid ng kama ko habang nakapamewang pa at tinititigan ako ng masama.

"I know you're not a kid anymore, pero Celyn naman bakit ka nagpakalasing?"

Napangiwi ako ng umalingawngaw ang boses ni Mommy sa tenga ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil sobrang sakit nun at sinabayan pa ng boses ni Mommy.

"Not now, Mom." angal ko kahit na hindi ako makapagsalita ng maayos.

"Ano? For goodness sake Celyn, modelo ka hindi pokpok sa bar. Alam mo ba kung anong mga pinag-gagagawa mo sa bar na yon? Kalat sa social media ang isang video mo na nakikipag dirty dance sa mga lalaki."

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Mommy kaya napatingin ako dito.

"W.. what?" nauutal na tanong ko.

"Look!"

Ibinigay sa akin ni Mommy ang ipad na nasa table ko at tumambad sa akin ang isang headline mula sa isang news website kung saan naroon ang video ng mga kaganapan kagabi.

I played the video and I saw myself dancing like there's no tomorrow. Some random guys caress my back as I dance with them like I am a slut or something I can't describe. Tanging bra at pants lang ang suot ko though nagpo-photoshoot ako ng nude pero hindi sa ganitong paraan.

"Who posted this video, Mom?" inosenteng tanong ko kay Mommy. Sa pagkakaalala ko nasa VIP Lounge lang kami ni Liezel nag-iinuman at nag-uusap. Hindi ko namalayang nakalabas kami sa room at nagpakawala sa dance floor.

"I don't know. Tinawagan ako ni Peri ngayong umaga at sinabi sa akin ang video na 'yan."

"Paano po ako nakauwi?"

"Your friend Liezel brought you here while  you are sleeping. Hindi ka na nahiya sa kaibigan mo, mabuti at hinatid ka pa kahit hindi ka na makatayo dahil sa kalasingan mo!"

Nasapo ko ang sarili kong noo bago tinignan ang comment section ng website.

_"Grabe, I can't believe that this oh so high and mighty model named Celyn Bautista can do this? This is a big news for her. _

_"Wow! What a whore?"_

_"Shit! Dude, I think she's good in bed?"_

_"I might asks her out and try her just for one night. _

Pinagpyestahan ng netizen ang video ko and I was so embarrased right now because of what I've done.

Naputol ang pag-iisip ko ng biglang mag-ring ang phone ko na nasa mesa at agad yung kinuha ni Mommy at sinagot ang tawag.

Ilang minuto pa ang nakalipas, agad na binigay sa akin ni Mommy ang phone ko kaya nagtaka ako kung sino ang tumawag.

"It's Kastiel, she wanted to talk to you."

Marahan akong tumango kay Mommy bago kinuha sa kanyang kamay ang cellphone ko bago inilagay sa aking tenga.

"Kasti?" sambit ko.

"Okay ka lang ba, Celyn? I saw the video." bakas sa boses ni Kastiel ang pag-aalala.

"I am fine Kasti its just a misunderstanding. I was with Liezel last night at Grind Me Harder bar, I didn't know that there was a paparazzi roaming around." paliwanag ko.

"Don't worry about it, Celyn. I have a friend who can delete that video without any sweat. Kung sino man yun na gusto kang sirain, hindi ko palalagpasin ang ginawa niya."

I heave a sigh.

"Thank you, Kasti for checking out on me even though you are busy in your own life. I owe you big time."

"Nah. Hindi rin kasi maganda 'yong mga nababasa sa comment section ng website na 'yon kaya naiinis ako."

"Me too, but thank you Kasti. Talk to you later, bye!" pinatay ko na ang tawag at ibinalik sa mesa ang phone ko.

"How many times do I have to tell you that stay away from that girl named Liezel? Looked what she have done, hot topic ka na naman sa social media!"

"Pwede ba Ma? Walang kasalanan si Liezel dito, I was the one to call her out on that bar to kill some time. Ngayon na natin ito pag-aawayan dahil sa pesteng video na yon?" depensa ko.

Mabuting kaibigan si Liezel at hindi ako makakapayag na sirain siya sa akin lalo na kung si Mommy pa.

"Paano natin ngayon masusolusyonan ang problemang ginawa mo? Alam mong mainit sa publiko ang katulad mong modelo."

"I can handle it alone and Kastiel said she can help me naman to capture who's behind that post."

Muli akong humiga sa aking kama at nagtalukbong ng kumot. Rinig ko pa ang panenermon ni Mommy pero ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Matutulog na lang ako kesa makinig sa litanya niyang wala ng katapusan.

Hindi na bago sa akin ang maging tampulan ng tukso sa social media, bukod sa gumagawa ako ng sarili kong pangalan sa industriya, hindi na mawawala ang mga inggitera sa earth.