Chapter 20: His POV

CALVIN'S POV:

--

"Three o'clock from your position Calvin." utos ni Rent sa akin habang nakikinig sa ear piece na suot namin. Thud invented it and it has a big use for our mission like this.

We are currently at Egypt right now, ilang araw naming minamanan ang Fallen Syndicate na kinabibilangan ni Althea. Because of Luther's connection madali naming natunton ang hide out nila.

Gamit ang hand gun na may silencer, pinaputokan ko ang mga guard na nagbabantay sa paligid. Pampatulog lang ang laman ng baril na hawak ko pero madi-detect sila as a dead man though they will wake up but after a month from now.

Halos tatlong buwan ang ginugol namin para sa misyon na ito. Masyadong matinik ang fallen at sa galing nilang magtago. Itinuturing naming anay ang grupo ng Fallen dahil sa dami ng taong pinatay nila at ito na ang oras para mawakasan ang kasamaan nila sa mundong ibabaw.

"Senri, Dezrail at Calvin prepare for attack. Luther and Saviel standby from your position-" naputol ang sinasabi ni Rent nang makarinig kami ng kalabog.

"What the fck Hyuga!?" ang malulutong na mura ni Luther ang narinig namin at sa tingin ko hinahabol si Saviel dahil tumatawa pa ito.

"Pasaway ka talaga." sambit ko na lamang bago sumunod kay Senri at Dezrail na bumaba na mula sa pinagtataguan ng mga ito.

Pinaulanan namin ng bala ang bawat myembro ng Fallen na nakakasalubong namin. Nakita ko pa si Luther na nakikipagbuno sa isang lalaking may hawak kay Saviel.

Hawakan na nila ang lahat huwag lang ang mundo ng isang Luther Aqueros Bloodfist kung ayaw mong mabura sa kinatatayuan mo.

"Need help?" rinig kong wika ni Senri sa earpiece namin at tinutukoy niya ay si Luther.

"Fck off Kuruzaki. Do your own task!" sagot naman ni Luther.

"Huwag mo kasing pakialaman pare. Nagla-loving loving pa sila Boss." sagot ko naman bago binaril sa hita ang isang lalaking susuntok sana sa mukha ko.

Galawin na nila sa akin ang lahat huwag lang ang mukha ko dahil tititigan pa ito ni Celyn. It's been three months when I saw Celyn's crumpled face and I missed her so much.

"Kailan ba tayo uuwi? Namimiss ko na ang babae ko." wika ko.

"Which one you wants to see?" usisa ni Dezrail.

"Feeling mo naman marami akong babae? Si Thud lang ang babaero sa atin." sagot ko naman.

"Focus on your job guys. Calvin, three on your back, Senri five on your left and Dezrail straight ahead at Fallen's office he's ready to run to abandon his men." utos ni Rent sa amin dahil hawak nito ang CCTV ng Fallen kaya nakikita niya ang nangyayari sa amin sa loob ng building gamit ang pinakamamahal nitong ipad na bigay pa ni Luther.

Inubos namin ni Senri ang mga humaharang sa dinadaanan namin hanggang sa madatnan namin si Luther at Saviel. Nakasampay sa balikat ni Luther si Saviel at nag piece sign pa sa amin nang makita kami nito.

"Sabing huwag kang susugod mag-isa Saviel." pangangaral ko dito.

"Ang galing ko diba? Naubos niyo sila agad."

Napabuga na lang kami ng hangin ni Senri dahil sa kakulitan ni Saviel habang binabaril ang iba pang myembro ng Fallen na sumusugod sa amin.

"Found him." rinig kong wika ni Dezrail sa earpiece.

Mukhang hawak na niya ang lider ng Fallen kaya naman agad kaming pumunta sa lugar kung na saan si Dezrail.

Naunang maglakad si Luther habang nasa balikat pa rin nito si Saviel without minding Saviel's weight while shoot those bastards keep on popping.

Hanggang sa makarating kami sa opisina ni Fall, nakita naming nasa sahig ito at nakagapos habang si Dezrail naman ay prenteng kumakain ng lollipop na sa tingin ko ay galing sa anak niya.

"What's up Fall? I'm not enjoying this kind of party you prepared for my arrival."

Nasapo ko ang sarili kong noo sa sinabi ni Luther. He already switch his gear while Saviel is still on his shoulder at walang pakialam si Sav sa itsura niya dahil sanay na ito sa magulong ugali ni Luther kapag siya ang usapan.

"I didn't invite you for some party Bloodfist! What the fck is your problem!?" pagalit na sigaw ni Fall.

Nanatili lang kaming nakatayo ni Senri sa likuran ni Saviel at Luther malapit sa pinto.

"Just asking a payment for your debt, Fall. I cleaned your own mess... how many times do I have to tell you that don't wagged your tail while I am still around? Underground is my territory and Bloodfist ruled it." sagot naman ni Luther bago marahang ibinaba si Saviel at umupo sa harap ni Fall.

Using his own gun, he lift Fall's chin and face it with him. "You know Althea Balir right?"

Bakas sa mukha ni Fall ang gulat pero agad din itong binawi. "I don't know who's you're talking!"

"Ahuh!? Althea Balir, a gunman under the name of Fallen Syndicate. You drugged her and use her to execute your own dirty works. The innocent woman you ruined is in my custody and you will meet her but with my hyena's company."

"N... no! N.. not with the hyena's.. please.." nawala ang kulay sa mukha ni Fall nang sabihin ni Luther ang tungkol sa alaga nitong hyena na kahit ako ay kinakilabutan sa tuwing nakikita ang mga wild animals na 'yon.

"You're scared of my hyena's but killing people or manipulating your own members are not different from those animals inside my turf. You are far from those animals of being evil Fall and now you are asking me not to let my hyena's accompany you? You might hurt their feelings if I told them that."

Napangiwi ako.

Kinikilabutan talaga ako sa mga hyena ni Luther though mababait naman 'yon pero kay Luther lang at wala akong balak na gawing pet ang ganong animals. Kahit white tiger ay meron si Sinji at nasa bahay nila ito sa manila na mag-isang naninirahan sa mansyon ng Bloodfist.

"Bring him D." utos ni Luther kay Dezrail na pinapatunog pa ang kinakain nitong candy bago binuhat si Fall paalis ng teritoryo nito.

Pilit na nagpupumiglas si Fall pero hindi ito makawala dahil hawak na ito ni Dezrail at Senri. Malinis na din ang paligid namin nang makalabas kami mula sa opisina ni Fall at mukhang kinuha na ni Gun ang myembro ng Fallen para dalhin kay Homare.

"Mission complete. Good job guys." bati ni Rent sa amin.

"Finally!" bulalas ni Sav habang nasa tabi ko. "Makakapagpahinga rin sa wakas." ani pa nito.

"Kung hindi dahil sa kakulitan mo baka napurnada ang misyon natin." paninisi ko dito.

"Nabobored na kasi ako dun sa kisame eh, ang tagal ng command ni Rent kaya lumusob na ako." paliwanag naman nito.

"You hard headed woman!"

Sabay kaming napalingon ni Sav kay Luther bago ibinigay sa akin ang gamit nitong baril at lumapit kay Saviel. Sinusuri nito kung may tama ng bala si Sav dahil buhat-buhat niya ito kanina habang nakikipag palitan ng putok sa mga kalaban.

"Ano bang problema mo? Tigilan mo nga kakaikot sa akin nahihilo ako!" saway naman ni Sav kay Luther.

"Don't do that or I will throw you out from this building." kunot-noong wika ni Luther.

"Gagu ka ba? Fifteen floor ito tapos itatapon mo ako? Ganyan naman kayong mga lalaki ang bilis ninyong magtapon ng mga bagay na hindi ninyo mapakinabangan." sagot naman ni Sav.

"Huwag mo akong idamay dyan. Inosente ako!" singit ko sa usapan nila.

"Me too."

"Me three."

"Me either."

Rinig kong sagot nina Senri sa earpiece na gamit namin habang papasakay kami sa elevator papuntang rooftop kung saan naroon ang chopper na naghihintay sa amin.

"No! Damay kayong lahat tutal Boss niyo naman ito!" wika pa ni Sav.

"Huwag mo kaming idamay sa away mag-asawa niyo." sagot ko pa bago sila nilagpasan bitbit ang baril ni Luther.

"I have a wife and daughter." Dezrail

"Me too." Senri.

"The fck are you saying Kuruzaki?"

Napaubo ako dahil sa sinabi ni Luther pero hindi na umimik pa si Senri hanggang sa makarating kami ng rooftop.

Nadatnan namin si Gun at Rent na naghihintay sa amin. Agad na isinakay ni Dezrail at Senri si Fall sa likod ng chopper. Akmang sasakay na ako sa chopper nang pigilan ako ni Rent.

"Wait, Calvin." aniya habang nakatingin sa ipad nito.

"What is it? I am tired Rent. I need to rest and I need to call Cassius if Celyn is alright." sagot ko kay Rent pero ang lalaki may kinalikot lang sa ipad nito.

Tila tinakasan ako nang ulirat nang makita ang isang CCTV footage mula sa parking lot ng kompanya ko at kitang-kita doon ang pagpasok ni Celyn sa sasakyan habang inaalalayan ni Thud na tila inaasar pa dahil sa lukot na mukha ni Celyn. Pagkasakay ni Thud at Cassius, umandar ang makina nang sasakyan pero bago pa man ito umabante ay biglang sumabog ang sinasakyan nilang kotse.

Napunta sa kabilang footage ang screen at kitang-kita doon kung paanong hinila ni Cassius at Thud si Celyn na may tarak ng basag na salamin ang likuran ni Celyn.

"Sht!" malakas na mura ang kumawala sa bibig ni Thud at tila natataranta kung ano ang gagawin kay Celyn nang sumuka ito ng dugo.

"Kailan pa ito?" lakas loob na tanong ko kay Rent.

Lumapit si Gun, Saviel, Luther, Senri at Dezrail sa pwesto namin at tinignan ang footage.

"Oh my god!"

"What the fck?"

"What the hell are they doing?"

"Is that Thud and Cassius?"

Iba't-ibang reaksyon ang naririnig ko sa mga kasama ko pero tanging kay Rent lang ako nakatingin.

"Earlier before the mission start."

Hinila ko ang kwelyo ni Rent nang hindi sinasadyang mabitawan nito ang hawak na ipad.

"Why you didn't tell me immediately!?" nanggigigil na tanong ko kay Rent at agad akong pinigilan ni Gun at pinaghiwalay kami ni Rent.

"Hey dude, its not his fault." pigil naman ni Gun.

"The CCTV we installed your company send it to me directly. I didn't want to interrupt the mission since we prepared it for three months."

Napasabunot ako sa sarili kong buhok. Magsasalita na sana ako pero naagaw ng atensyon namin ni Sav.

"Hey guys look at this." hawak ni Sav ang ipad ni Rent na hindi man lang nagalusan sa lakas ng pagkakabagsak nito kanina.

Lumapit kami kay Sav at tuluyang nanlamig ang buong katawan ko nang makita ang isang pamilyar na bulto sa harap nina Cassius, Thud at Celyn.

Pilit na kinakausap ni Thud si Celyn na huwag ipikit ang mga mata nito kahit na alam ng kaibigan ko na nahihirapan na si Celyn dahil sa nakatarak na basag na salamin sa katawan nito.

"That guy is Flame right?" usisa ni Dezrail.

Walang umimik kahit sa isa sa amin. Focus lang kami sa pinapanuod namin hanggang sa magpakawala ng suntok si Flame sa mismong mukha ni Cas na agad nitong napigilan at sipain si Flame na tumama sa isang kotse.

Sa isang suntok ni Cas, nawalan ng malay si Flame dahilan para maikuyom ko ang mga kamao ko.

"I thought we we're done with that traitor? What the hell he wants from us?" naiinis na wika ni Gun dahil isa ito sa mga nakasalamuha ni Flame habang nasa HuPoFEL ito dahil ito mismo ang nagtrain sa traydor na yon.

Nasapo ko ang sarili kong noo at humarap kay Luther.

"Calm down Calvin." aniya.

"How can I calm down if the person I love is in a brink in danger again without me by her side!?"

"I understand what you are feeling right now-"

Pinutol ko ang sasabihin sana ni Luther. "No! You didn't understand what I am feeling right now because you didn't feel it after you rescued your sister!"

"Hey!" pigil ni Senri sa akin.

"Hoy Calvin, huwag mong pagsalitaan ng ganyan si Luther ah!"

"Stop it Hyuga. Let him be-"

"Hindi! Nang-iinsulto na ito eh! Hindi mamamatay si Celyn kung 'yon ang iniisip mo Calvin. Iniwan mo si Cassius at Thud para protektahan si Celyn sa tingin mo ba pababayaan nila si Celyn? Huwag mong ibaling ang galit mo sa amin dahil importante din si Celyn sa amin bilang kaibigan at huwag na huwag mong sisisihin si Luther dito dahil hindi siya ang nagpasabog ng kotseng kinalulunaran nina Cassius tandaan mo yan! Ganyan ba kababa ang tingin mo sa kakayahan ni Cassius at Thud? Oo maloko si Thud pero alam mo ang kakayahan na meron siya kaya huwag mong paghinalaan na hindi magiging ligtas si Celyn sa kanila dahil ikaw mismo alam mo sa sarili mo na malaki ang tiwala mo sa kanilang dalawa."

"I... Im sorry." hinging paumanhin ko habang nangingilid ang mga luha sa mata ko dahil para akong sinampal ng mga kataga mula sa bibig ni Sav.

Dahil sa pagod, frustrations at kaganapan sa Pilipinas naghahalo-halo na ang emosyon ko.

"I'm sorry Boss."

Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Luther at lumapit ito sa akin bago ipinatong ang kamay nito sa balikat ko as if he's saying that everything will be alright.

"I didn't disregard your feelings towards her and I understand what you're feeling right now. I know you are upset because you didn't protect her like you used to be. We can talk about it later after we brought Fall to Iceland. You know how big your responsibility as a Bloodfist member Calvin don't forget that. I don't want you to neglect those person who needs your help but you are in a middle of your mission as an Elite Class."

"I'm sorry." yun na lamang ang nasabi ko kay Luther.

"Forget it. Get inside the chopper and we will go back to the Philippines to check if Cassius and Thud are alright."

Tumango ako kay Luther at sumakay sa chopper kasunod si Senri, Dezrail, at Rent.

"And as for you woman. Don't you dare hide from me." rinig kong sabi ni Luther nang balingan nito si Sav.

"I though they are done with their quarrel?" sambit ni Dezrail na nasa tabi ko.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Third party ba ako?" masungit na ganting tanong ko kay Dezrail.

"Mukha kang kabit eh."

"Gagu!"

Binigyan ko ng suntok sa tiyan si Dezrail pero ngumisi lang ang loko bago sinuot ang headphone sa kanyang ulo.

"Tagal mo na dito sa Bloodfist mafia, nagawa mong sagutin ng ganun ang Boss natin?" pang-aasar pa ni Dezrail nang sumakay si Luther at Saviel na patuloy pa rin sa pagsasagutan.

"Hindi ko nga sinasadya." sagot ko dito.

"Kung meron lang hawak na baril si Boss baka kanina ka pa nakabulagta. Buti binigay niya sayo kanina--arghh! Damn it!" tumatawang lumayo si Dezrail sa akin pero hindi na ito nakakilos nang paandarin ni Gun ang chopper paalis ng teritoryo ni Fall.

"Manahimik na Fynrell kung ayaw mong makita ang ngiti ng anak mo."

"Hey don't say that. Isusumbong kita kay Reiden pag ginawa mo yan."

"As if may magagawa si Montenegro pag niligpit kita? Baka nga matuwa pa 'yon."

"Ulul!"

Hindi ko na lang pinansin si Dezrail at tumitig na lamang ako sa lugar kung saan kami nagmula hanggang sa sumabog ang building na kinatatayuan namin kanina.

I didn't mean to say those hurtful words infront of Luther, nadala lang ako ng galit ko dahil sa nangyari kay Celyn.

I don't know what would I do to those people who wanted to harm her. Akala ko tapos na, akala ko mamumuhay na siya ng tahimik pero meron pa pala.

Ilang minuto pa ang nakalipas, nakatanggap ng tawag si Rent mula sa kanyang ipad na konektado sa headphone na suot namin.

"What is it Cassius?" wika ni Rent.

"God damn it! I don't know what to do, she's coughing lots of blood. Bring Ulysses here!" natatarantang sagot ni Cassius kaya naman naalarma ako.

"The hell are you talking about Cas? Where in a middle of flying this thing. How should we bring Gun there?" singit ko sa usapan nila.

"Miss Bautista is in critical condition right now Calvin and those doctors who tend her are all useless. She might lost her life if we can't provide her a blood. Her blood is rare and her Mom is crying because their blood isn't compatible. Her Mom told me that Celyn's blood is compatible to her father but I don't know where to find him." mahabang litanya ni Cassius.

Sa buong taon na nakakasama ko ang mga batong tulad ni Rent, Cassius at Fourth. Sa dugo lang pala sila titiklop si Cassius.

"Calm down Cas, I know where is her father. I will call him to save her own daughter. So, stay there and do whatever you will help. Uuwi kami ng Pinas pagkatapos nito." sagot ko kay Cas at biglang namatay ang tawag.

"Rent connect me to my Dad." utos ko kay Rent na agad namang sinunod nito.

Rent and my Dad's office has a special connection na tanging ako lang ang makakagamit.

"What is it son?" bungad sa akin ng isang baritonong boses mula sa kabilang linya.

I heave a sigh. "She needs you Dad."

"You know this is not the right time to face them right?"

"She's in a critical condition right now Dad. Celyn encounter an accident while still inside my territory. Someone planted a bomb at the car they used, my friends and Celyn took that accident without their knowledge. Please Dad, do something she needs blood." pagsusumamo ko. "Save her for me."

Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Dad mula sa kabilang linya.

"Alright son. I'll do everything to save her. I will call you back."

"Thanks Dad."

Naputol ang tawag sa pagitan namin ni Dad at namayani ang katahimikan sa paligid namin though maingay ang elesi ng chopper. Hanggang sa makarating kami ng Iceland, agad itinapon ni Boss Luther si Fall sa kulungan ng hyena niya. Hindi na ako nag-usisa pa dahil ayokong malaman kung ano ang gagawin ng hyena niya sa tulad ni Fall.

"Will your Dad do it in his own accord?" usisa ni Dezrail sa akin pagpasok ko sa conference room kung saan kami magtitipon.

"Why not? She's still his daughter."

"What would be her reaction if she finds out about it?"

"Her safety comes first before that, D. I will face whatever consequences she might throw at me as long as she's alive and kicking."

"You're inlove."

"Anong koneksyon nun sa pinag-uusapan natin?"

"Nothing. Ganyan din ako kay Ernaline nang manirahan siya mag-isa sa ibang bansa kasama ang anak namin. Nakakabaliw pre, sinasabi ko sayo."

Napapailing na lang ako kay Dezrail. Kita namin ang hirap na pinagdaanan niya bago niya nakasama ang kanyang mag-ina. Parang gumuho ang mundo niya nang malamang buntis si Ernaline at pinarusahan pa siya ni Reiden dahil sa pagiging bantay salakay niya though hindi na bago sa amin ang ma link sa mga nagiging misyon namin pero iba ang kaso ni Dezrail at Ernaline dahil na inlove sila sa isa't-isa ng walang pilitang nangyari.

Sa ngayon masaya na si Dezrail at Ernaline kasama ang anak nilang si Railene. Patuloy pa rin sa pagiging bokalista si Ernaline ng bandang BlackHand at si Dezrail na tanging HuPoFEL at Bloodfist pa rin ang first priority.

Ilang minuto pa ang nakalipas, bumukas ang pinto ng conference room at iniluwa noon si Luther kasunod si Saviel na busangot ang mukha, Senri, Rent at Gun.

Isa-isa silang pumwesto sa bakanteng upuan habang si Sav naman ay umupo sa tabi ko at hindi pinansin ang pagtawag ni Luther dito. Umupo sa pinakasentro ng mesa si Luther para masimulan ang usapan namin.

"Since our mission is success, all we have to do is to squiz that guy named Flame and ask him who commanded him to do that kind of sht!" direktang wika ni Luther.

Naikuyom ko ang sarili kong kamao.

"We don't know whose the real enemy and we need to plan it thoroughly. I talked to Cassius earlier and he said they are fine. Flame already in our custody.... again." saad naman ni Rent. "And Reiden call me that Kastiel is in the ospital too."

"What?" bulalas ni Saviel.

"I don't know all the details but I think it was connected to Flame and the person behind who wanted to harm Miss Bautista. Reiden saw what happened at magkasabay lang ang nangyari kay Kastiel at Miss Bautista pero sa magkaibang lugar."

"Maybe they are the enemy from the past who wanted to turn me down specially HuPoFEL and Bloodfist." sagot naman ni Luther.

We can't work behind the enemy's shadow. Kailangan naming malaman kung sino ang nasa likod nito.

"Go back to the Philippines Calvin, Gun, Dezrail and Hyuga. Senri will stay here with me."

"Pero Luther--" tutol ni Gun sa desisyon ni Luther pero pinigilan lang ito ng binata.

"No more complains Gun. They need your assistance there and Rent ask Reiden all the details and sent it to my computer."

"Maiiwan ako dito." sabat naman ni Saviel.

"No!" mahigpit na tutol ni Luther kay Sav.

"Pero-"

"I have lots of work to do Hyuga. You need to go back there and find my sister."

"Bakit anong nangyari kay Sinji?"

"I don't know." sagot ni Luther bago tumingin kay Senri na nagulat din sa narinig.

"May ginawa ka bang kasalanan Senri Kuruzaki?" baling ni Saviel kay Senri.

Kunot noong bumaling naman si Senri dito. "I didn't do anything."

"Kapag may ginawa kang kalokohan sinasabi ko sayo Senri hindi mo makikita si Sinji kahit kailan!"

Tumayo si Saviel mula sa kinauupuan nito at kinuha ang cellphone sa sariling bulsa nito bago lumabas ng conference room dahil walang signal dito bukod sa ipad ni Rent.

"Use Homare to go back to the Philippines." ani ni Luther.

"Pano ka?" usisa ko dito.

"I have some business here and I will visit the underground in Europe if something is going on there. I need to find whose behind this crap."

Bakas sa mukha ni Luther ang pagod dahil kagagaling lang namin sa misyon at sumalubong pa sa amin ang panibagong problema.

Lumapit si Gun kay Luther at tinignan ang pulse rate nito.

"You need to take some rest Luther. Your blood circulation is not normal. I told you don't push yourself too hard. You are a human not a robot. Set aside all your worries, iiwan ko kay Senri ang gamot mo para makatulog ka mamaya."

"I know. Let Senri do it and don't mind me."

"Huwag mo akong suwayin kung ayaw mong itarak ko sa leeg mo ang injection ko."

"Yeah yeah! I know it. I will take my rest just get away your shot from me."

"Aalis na kami at iiwan ko kay Senri ang mga dapat at hindi dapat sayo. Pumunta ka na sa kwarto mo at matulog."

Hinila ni Gun si Luther paalis sa kinauupuan nito at tinulak paalis ng conference room namin. Napapabuntong hininga na lang kami dahil sa katigasan din ng ulo ni Luther.

"As for you Kuruzaki, make sure na iinumin ni Luther ang gamot niya."

"He just throw it."

"What?"

"He didn't take those medicine you prescribe. He keep on telling me that he's fine even though he's not."

Napakamot na lang sa sariling noo si Gun. "Damn that guy! Kung si Saviel na lang kaya ang magpainom ng gamot sa kanya?"

"I don't mind."sagot naman ni Senri.

"Do what is right Gun. I'll go first to check Homare before we go home." sabat naman ni Rent bago ito tumayo sa kinauupuan at lumabas ng conference room kasunod si Dezrail.

"Bakit narinig ko ang pangalan ko?" bungad ni Sav nang makabalik ito.

"Yong asawa mo ayaw uminom ng gamot niya kaya hindi ka namin isasama pauwi. You will be Luther's nurse for now and you can't leave his side until I said so."

"Aba'y siraulong Lutlut yon, bakit hindi niya iniinom ang gamot niya? Nasaan siya?"

"In his room."

Kinuha ni Sav ang gamot mula sa kamay ni Gun bago ito umalis papunta sa kwarto ni Luther.

"Everything is settled. Let's go Calvin."

Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at sumunod kay Gun. Si Senri na lamang ang naiwan sa conference room. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Celyn pero mas namamayani ang galit sa loob ko dahil sa ginawa ni Flame.

'You will pay for this Flame! Hindi ko palalagpasin ang ginawa mo kay Celyn at kay Kastiel!'