Chapter 21: His blood

CALVIN'S POV:

--

AS we returned home to the Philippines, agad akong nagpahatid kay Gun sa bahay ko kung saan naghihintay si Dad. Tinawagan niya ako kanina mula sa ipad ni Rent.

I don't know why Dad went straight to my house when his house is more secure than mine.

"Is Tito going to hang you upside down because you didn't protect his princess?" Gun said from the headphones we were wearing. I used a chopper to get home faster after all I have a helipad - I mean all the members of Bloodfist have their own helipad at their house.

"Wala kaming pinagkaiba kung ganun." sagot ko dito.

I am referring to Celyn's Mommy, Tita Lynzi. Dad didn't do anything to protect his own treasure. Maybe we share the same fate as Dad, who tries to keep us away from the people we love.

"Tsk! Hirap sa inyong mga inlove, konting kibot aariba agad." wika pa ni Gun.

"Kapag ikaw ang na-inlove at nabaliw pagtatawanan talaga kita." naniningkit na mga matang sagot ko dito. Pero ang loko tumawa lang.

"In your dreams dude. Sa tanda kong ito HuPoFEL at Bloodfist ang priority ko, kulang na lang asawahin ko si Luther eh."

Natawa ako.

"Gagu! Bakit di mo sabihin yan kay Luther nang magkaalaman?" pang-aamok ko pa dito.

"Tanga! Ayokong bumulagta agad once na may lumabas na kataga galing sa bibig ko pag si Luther ang nasa harap ko."

"Buti alam mo!"

Humagalpak lang ng tawa si Gun habang ako naman ay napapailing na lang sa kalokohan namin.

Ilang taon na din ang nakalipas mula nang makilala ko si Luther, ang Bloodfist mafia na binuo gamit ang kanyang dugo at pawis, ang HuPoFEL na sabay-sabay naming binuo ng magkakasama.

Sampu kaming magkakasama sa Bloodfist mafia na pinagbuklod ni Luther - siya bilang Boss, si Senri na kanang-kamay nito, si Reiden ang namamahala sa lahat ng business na meron si Luther bukod sa Montenegro Empire na hawak nito, ako na tanging CDC Entertainment ang hawak para mabilis mahapuhap ang mga kaganapan sa bansa, si Gun na siyang personal doctor at trainer ng Bloodfist at HuPoFEL, si Thud na matinik sa strategy at pagiging espiya, si Cassius, Trev at si Dezrail na lagi ring sinasama ni Luther kapag may lakad ito.

Noong una nahirapan akong i-handle ang CDC dahil wala akong alam sa pagpapatakbo ng ganoong malaking entertainment sa bansa. Dahil sa tyaga at pagsisikap ni Luther, ito mismo ang nagturo sa akin ng mga pasikot-sikot, dapat at hindi dapat gawin hanggang sa unti-unti kong tinanggap ang trabaho na inaatang niya sa akin.

Lahat naman kami may kani-kaniyang responsibilidad sa Bloodfist at higit sa lahat sa HuPoFEL bilang haligi ng organisasyon.

Pero ang mas mabigat na responsibilidad ay napunta lahat kay Reiden Grei. Mas naunang nakilala ni Reiden at Senri si Luther kaya alam nila ang hirap na pinagdaanan ng Boss namin. Though tanyag ang mga pangalan namin at nirerespeto kami ng tao pero ang respeto namin ay na kay Luther lamang.

Kung hindi dahil sa kanya wala kami sa kinatatayuan namin ngayon.

"Nandito na tayo."

Nabalik ako sa huwisyo nang magsalita si Gun at nakita kong papalapag na ang chopper sa helipad ng bahay ko.

Kumunot ang noo ko nang makitang isang kotse lang ni Dad ang nakaparada sa parking lot ng bahay ko.

"Ang matanda na 'yon, bakit hindi na naman nagsama ng bodyguards?" naiinis na tanong.

"Tatanda ka rin Calvin. Bumaba ka na kung ayaw mong ihulog kita dito."

"Gagu!" inambahan ko ng suntok si Gun pero ang loko tumawa lang.

Bumaba na ako mula sa chopper at sumaludo kay Gun gamit ang gitnang daliri ko sa kamay na siyang ginantihan naman nito bago pinalipad ang helicopter paalis ng teritoryo ko.

Hindi ko na hinintay pang makaalis si Gun dahil agad akong pumasok sa loob ng bahay ko. Naghihintay si Creed na siyang butler ko na ibinigay ni Dad.

"Na saan si Dad?" bungad ko dito.

"He's in your office, Young Master." sagot naman ni Creed.

"Okay, thanks."

Naglakad na ako patungo sa direksyon ng opisina ko kung saan naroon si Dad. Nakasunod lang sa likuran ko si Creed kaya binalingan ko ito.

"What's the situation?"

"Likewise." tipid na sagot ni Creed.

Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Hindi pumunta ng ospital si Dad bagkus dito siya sa bahay ko tumuloy.

Pagkarating namin sa harap ng opisina ko, pinagbuksan ako ni Creed ng pinto bago ako pumasok sa loob. Tumambad sa akin ang isang bulto ng isang lalaki na kanina pa naghihintay.

"Hey son." nakangiting bati nito bago ito lumapit sa akin at niyakap ako na ginantihan ko naman.

"Diba sabi ko sa ospital ka dumiretso?" kunot-noong tanong ko dito.

"You know I can't face them specially her in this kind of situation son. And also about the blood transfusion of my daughter, we got a problem."

Dinamba ako ng kaba sa sinabi ni Dad.

Iginiya ako nito paupo sa visitors lounge ng opisina ko at magkaharap kaming dalawa para makapag-usap ng maayos.

"What do you mean?" usisa ko pagkalapat na pagkalapat ng pwet ko sa sofa. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari sa buhay ni Celyn.

"My blood is cancerous. Galing na ako sa L. A Hospital na pinagdalahan sa anak ko at nakausap ko na rin si Cassius at Thunder. They look horrified if something bad happen to my daughter. Nakakatawa lang kasi gingulpi nila 'yong doktor."

Nasapo ko ang sarili kong sintido sa sinabi ni Dad. Cassius has a bad temper, kahit tahimik ang lokong 'yon alam kong gagawa ito ng paraan para mapabuti ang lahat.

"Edi walang naganap na blood transfusion? Mamamatay siya Dad!"

"Easy son, before I get here dumaan ako sa blood bank to ask if there's available like what she had and they said say. Sabi ng doktor kailangan ng limang bag ng blood ang anak ko dahil sa pagtarak ng salamin ng kotse sa likod niya, madaming dugo ang nawala at natagalan pa sila Cassius na dalhin sa malapit na ospital ang anak ko."

"Ilang bag ang nabili mo?"

"Only two."

Napahilamos ako sa sarili kong mukha at hindi alam ang gagawin.

"I know what you are thinking son. We have another option that you didn't try."

Napatingin ako kay Dad nang may pagtataka. "What do you mean?"

"You have your blood." aniya.

"Pero Dad--"

"Your blood or her life? What would you choose?" putol ni Dad sa sasabihin ko.

"Huwag mo akong papipiliin dahil alam mo kung ano ang uunahin ko." humalukipkip ako sa upuan ko na parang bata sa harap ni Dad nang malingonan ko si Creed na parang estatwang nakatayo sa gilid ng pinto dahil hindi man lang maaninag kung humihinga pa ito o hindi.

"Then do what I said. That's the last option I think of." wika pa ni Dad.

"What would she say if she will find out about it? Mahal ko siya Dad!"

"I know. Leave that for later, sa ngayon kailangan mong magpahinga dahil kailangan niya ng dugo mo."

Hindi na ako umimik pa nang tumayo na si Dad mula sa kanyang kinauupuan at naglakad palabas ng opisina ko kasama si Creed.

Naihilamos ko ang sarili kong palad sa mukha ko matapos akong maiwang mag-isa sa opisina ko. Her blood and mine is most likely compatible. I don't have a choice but give the blood she needs. Hindi lang isang bag ang kailangan ni Celyn kundi lima dahil na rin sa bubog ng salamin na tumarak sa likod niya.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng L. A Hospital si Celyn at sa tingin ko pumunta na si Gun doon to check her condition and her health condition.

Nabalik ako sa huwisyo nang maramdamang magvibrate ang phone ko kaya naman kinuha ko ito mula sa bulsa ng pants na suot ko at nakita ko sa caller ID ang pangalan ni Luther.

"What is it?" bungad ko matapos kong sagutin anf tawag ni Luther.

"Do you know where is my sister?" sambit ni Luther mula sa kabilang linya.

Kumunot ang noo ko. "No. Kararating lang namin ni Gun from Egypt and hindi ko nakita or nakausap man lang si Sinji. Did something happened?" tanong ko.

"She vanished. Also, Hyuga is not here."

Ramdam ko ang tamlay ng boses ni Luther. He's over working himself again. Hindi pa tapos ang problema namin, heto at meron na naman. Ang masaklap pa involve ang kapatid niyang ilang taon rin niyang ipinahanap sa amin.

Nasapo ko ang sarili kong noo at tumayo mula sa kinauupuan ko habang nasa tenga ko pa rin ang telepono. Naglakad ako palapit sa bintana ng opisina ko at tinanaw ang pool area kung saan nakikita ko si Creed na tulala lang sa kawalan.

"Tinanong mo na ba si Rent? Tadtad ng CCTV ang HuPoFEL. Paanong maglaho si Sinji at isa pa kasama mo si Saviel paanong nalusutan ka niya?"

"They turned it off, all of Rent's access even the road's CCTV they turned it off everytime they passed by. Also Hyuga is so hard headed when it comes to my sister she won't leave her alone. She also vanished before Rent call me and told me everything. I told the both of you and Gun to bring Hyuga home and then this is what happened."

Napabuga ako ng hangin. "I will do my best to track them down. I'll call you later, Aqueros. Pagkatapos kong pumunta sa ospital at CDC tatawagan kita."

"Don't mind it. They are all big enough and I had much of work right now. Before I forgot, tell Dezrail and Cassius to get back here. I need their presence also tell Trevon Dwayne."

"Please take a rest Aqueros." pakiusap ko dito.

Tao lang rin si Luther - napapagod. Pero masyado niyang inaabuso ang sarili niya.

"I can't.."

"Just please! You are a human for fcking sake, sumunod ka naman sa amin! Hindi lahat ng oras yong gusto mo lang ang nasusunod! Pahinga mo lang ang hinihingi ko Luther Aqueros Bloodfist."

"Did you raised your voice against me Calvin De Chavez?"

Natigilan ako. "N-no... its just that.."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Luther. Alam kong galit na siya dahil sa pagtaas ng boses ko pero concern lang naman ako sa health niya. Mas importante siya sa amin bilang kaibigan niya.

"S-sorry, I.. I d-didn't mean to r-raise my voice at you." nauutal na paghingi ko ng tawad.

"It's fine Calvin. You are a good friend and I know you are just concern about me but I am fine."

Kung kaharap ko lang si Aqueros baka bumulagta na ako sa sahig at naliligo sa sarili kong dugo.

"N-no you're not fine. I mean, please just do what I say. Don't forget you had us, Bloodfist and HuPoFEL. You don't have to work your ass out, I'll call everyone to fix this just rest yourself."

"I will trusted this to you Calvin, thank you." aniya.

"You don't have to thank me bro. You have me at your back just take a break and let your people do the work."

Matapos kong sabihin yon, agad na naputol ang tawag mula sa kabilang linya kaya ibinaba ko na ang cellphone at muli kong inilagay sa bulsa.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako nagdesisyong lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko pa si Dad na siyang ipinagtaka ko.

"Saan ka pupunta?" usisa ko dito. May dala kasi itong suitcase.

"Nagkaproblema sa isang construction site na mina-manage ni Hendrix, nalaglag yong isang trabahador. I need to check if they are fine." aniya.

"Saang construction site?"

"Sa Tarlac."

"Dad! Malayo ang Tarlac, mas kailangan ka ng anak mo dito."

"But son, my people needs me too. I am the reason why they caught an accident because of lack of security and lack of checking the items if its strong or high quality."

"Dad naman--" naputol ang pag-angal ko nang hawakan ni Dad ang balikat ko.

"I'll be back tomorrow, for now rest yourself. Sabay na lang tayong pumunta sa ospital bukas."

Wala na akong nagawa kundi ang tumango na lamang. Tinawag ko na lang si Creed para bantayan at samahan si Dad papuntang Tarlac.

Hanggang sa makaalis si Dad, agad akong pumunta sa kwarto ko at pabagsak na nahiga sa kama. Ipinatong ko ang braso ko sa ibabaw ng mata ko.

Hindi ko maramdaman ang pagod at pahinga na gusto nilang gawin ko. Maraming gumugulo sa isip ko ngayon mula sa pagkawala ni Sinji at Saviel, ang health ni Celyn, ang CDC at si Luther.

Makalipas ang ilang segundong pananatili ko sa kama, muling nag-vibrate ang phone ko sa bulsa na agad kong kinuha at nakarehistro ang pangalan ni Reiden Grei doon.

"What's up dude?" tinatamad na bati ko sa kanya.

"Kasama mo si Kastiel?" aniya.

Kumunot ang noo ko dahilan para mapabalikwas ako ng bangon mula sa kama ko. Naupo ako sa dulo at nanatiling nakalapat sa aking tenga ang telepono habang kausap si Reiden Grei.

"Hindi. Kagagaling ko lang sa Egypt with Gun, Rent, Senri, D, and Luther. Why?"

"Is Thunder Clyborne beside you right now?"

"Wala. Nandoon siya sa ospital kasama ni Cassius."

"Cas told me that Clyborne vanished into thin air. Also I didn't contact Devoncourt after she vanished from the ospital. Someone saw them - Clyborne and Devoncourt leaving the facility together."

"Teka nga, ano bang nangyayari?" usisa ko dito.

"While you were in Egypt, Pendragon caught Kastiel as his hostage, take her body and did something bad that's why Kastiel fought back but that fcking Pendragon take an advantage. Gun told me that Kastiel is carrying our baby. I'm worried, what if Pendragon killed her?"

"Nagkausap ba kayo ni Kastiel?"

"No. Recently ko lang nalaman ang lahat dahil busy ako sa trabaho." aniya.

"Oh god! The hell happende the both of you? Tinawagan din ako ni Luther kanina at sinabi sa akin na nawawala si Sinji at Saviel."

"What?"

"You heard it right, magpapatawag nga sana ako sa hide out natin ng Bloodfist kaso ito pa ibinalita mo sa akin. Kastiel is also part of HuPoFEL, we can't take this lightly lalo na kung si Pendragon ang makakaharap mo."

"No need to worry about him. I know Pendragon."

Muntik ko nang makalimutan na magkaibigan nga pala si Reiden at Pendragon pero dahil sa inggit ni Pendragon nagawa niyang taluhin si Reiden. Pero sa pagkakaalam ko, galit si Pendragon kay Kastiel dahil pinatay nito ang Ama ng lalaki dahil sa isang misyon.

"Anyway, I'll call you later. I'll asked Rent if he had a news where's Kastiel and Clyborne."

Kumunot ang noo ko nang makarinig ng pamilyar na boses mula sa kinaroonan ni Reiden.

'The hell are you doing here Sandoval?' malamig na wika ni Reiden mula sa kabilang linya.

Humigpit ang hawak ko sa sarili kong telepono dahil kilala ko ang babaeng kausap ni Reiden Grei.

Katelyn Sandoval who owns the K. S Entertainment na kinakalaban ang CDC at gustong itumba sa larangan ng showbiz.

Nakarinig ako ng kalabog at pagkabasag ng gamit pero hindi ako nagsalita. Pinatay ko na lamang ang tawag at tinungo ang banyo para maligo. Kailangan ko ng cold shower dahil sa sunod-sunod na problemang kinakaharap ko.

Kinabukasan magkasama kami ni Dad na pumunta ng ospital at nadatnan namin si Tita Lynzi na kausap si Gun kaya agad akong lumapit habang si Dad ay nakasunod lang sa likuran ko.

"What's the update Gun?" intrada ko sa pag-uusap ni Gun at Tita Lynzi kaya napalingon sa gawi ko ang dalawa. Nakita ko rin ang pamumutla ng mukha ni Tita nang makilala nito ang lalaking kasama ko.

"Her condition is not like what you expected Calvin. We need a blood for her to recover immediately." sagot naman ni Gun.

"Test my blood if its compatible. Do everything to save her life, bro." pakiusap ko kay Gun.

I know I can trust him this since he's a doctor. May alam naman ako sa pag gagamot pero para lang sa pag gawa ng drug na ginagamit namin sa Bloodfist mafia.

"Nakapagpahinga ka ba ng maayos? Kagagaling lang natin sa Egypt kahapon." ani ni Gun na may halong pag-aalala.

"Huwag ako ang alalahanin mo tanda, kundi ang Boss mong mas matigas pa sa semento ang ulo. Did he call you yesterday? He told me that Sinji and Saviel is nowhere to be found."

Hindi ako sinagot ni Gun, bagkus bumaling ito sa gawi ni Tita Lynzi na tulala lang sa harap ni Dad kaya napatingin din ako sa kanila.

"By the way Mrs. Bautista, this is my Dad Alrei Ceasar." pakilala ko sa dalawa.

Nakatitig lang si Dad kay Tita Lynzi na umiiyak bago nito niyakap si Dad.

"Alrei yong anak mo." sambit ni Tita Lynzi sa bawat hikbi nito.

"I know Lynzi, I will do everything to save our daughter." pang-aalo naman ni Dad.

Muli kong ibinaling kay Gun ang paningin ko na nakatingin na rin pala sa akin.

"What?" kunot-noong tanong ko dito.

"Wala naman. Ngayon ko lang napagtanto na kamukha nga ni Miss Bautista si Tito Alrei. Magkapatid ba kayo?" aniya.

"Ulul! Manahimik ka na lang." binatukan ko si Gun bago ito hinila papunta opisina nito para gawan ako ng test. Hinayaan ko na ang dalawang matanda na yon sa buhay nila. Kailangan kong unahin ang buhay ni Celyn bago pa mahuli ang lahat.

Pagkapasok namin sa opisina ni Gun ay agad akong naupo sa visitor's chair nito habang ang lalaki naman ay dumiretso sa swivel chair nito.

"Anong ibig mong sabihin na nawawala si Sinji at Saviel? Lagi naman gala ang dalawang yon, hindi pa ba sanay si Luther?" wika ni Gun matapos nitong makaupo sa sariling upuan at hinarap ako.

"Baka nakakalimutan mong iniwan natin si Saviel kay Luther kasama si Senri."

"May point ka nga naman. Pero paanong nawawala ba? Rent's has all the access of camera's all over the world."

"They shut it down."

Napatanga si Gun sa harap ko. "Who would do it? Mataas ang security ni Rent."

"Its either Sinji or Saviel. You know how much mystery Saviel had. Si Sinji lang ang nagdala sa kanya sa poder natin hindi naman sa nagdududa ako kay Sav as a spy though nakakasama natin siya araw-araw. Okay pa ako kay Sinji since she has a Bloodfist mafia."

"You have a point."

"At ito pa, tumawag si Montenegro sa akin na bigla na lang nawala si Kastiel kasama si Thud dito sa ospital mismo."

"Ah yon ba? Pinalayas ko silang dalawa."

Ako naman ang napatanga sa harap ni Gun. "What?" hindi makapaniwalang tanong ko dito.

"Nanganganib ang buhay ni Kastiel dito sa Pilipinas. Tumakas siya sa poder ni Pendragon dahil balak siyang pakasalan ng lalaki para parusahan sa nagawa nitong kasalanan na patayin ang Ama ni Pendragon dahil sa isang misyon. At isa pa, ganti na rin ni Pendragon kay Reiden ang pagpapahirap niya kay Kastiel. Akala ni Pendragon ay anak niya ang dinadala ni Kastiel which is si Reiden Grei ang Ama."

"Na saan sila ngayon?"

"Bhutan."

"What?"

"Bhutan is where Kastiel live, Calvin. Anak ng dugong bughaw si Kastiel. Luther knows it since friend niya ang nakatatandang kapatid ni Kastiel na namatay sa isang aksidente. Noong bata pa si Kastiel, one of their maids kidnapped her and sold her to Devoncourt for money."

"At si Thud ang kasama ni Kastiel sa Bhutan?"

"Yes. Hanggang sa manganak si Kastiel. Reiden didn't know about it, only us and Luther knows it. Hindi makikita ni Reiden ang mag-ina niya hanggat hindi natatapos ang problema sa underground."

"What? Anong meron sa underground?"

"We don't know all the details. Si Trev ang nagtatrabaho nun sa ngayon kasama si Fourth."

Nasapo ko ang sarili kong noo at napahilot sa aking sintido.

"Anyway, ready ka na ba sa blood test na gagawin natin? Kailangan ni Miss Bautista ng agarang blood transfer. Kung gusto mo pa siyang makitang humihinga, do me a favor." putol ni Gun sa usapan namin tungkol sa problema ng Bloodfist.

"Fine! Test my blood all you want."

Nagkibit-balikat lang si Gun at sinimulang i-eksamin ang dugo ko at nakahinga naman ako ng maluwag dahil compatible ang dugo namin ni Celyn. Kaya naman agad na kinuhanan ako ni Gun ng isang bag ng dugo. Every week kailangan kong magsupply ng dugo kay Celyn though I don't mind as long as she's still alive.

Pagkatapos kong makuhanan ng dugo binalikan ko si Dad na kausap pa rin si Tita Lynzi at mukhang nahimasmasan na rin ang Ginang.

"Dad we need to go." singit ko sa usapan nila.

Napatingin si Tita Lynzi sa brasong hawak ko na may cotton balls at tape. Lumapit ito sa akin at nagulat ako nang yakapin ako nito.

"Thank you anak sa pagligtas sa anak ko." saad ni Tita Lynzi at muli na namang naiyak.

Hindi ko pa pwedeng makita si Celyn dahil nasa ICU ito. Hindi tulad ni Isla na dinalaw namin dati na pwedeng pumasok pero iba ang lagay ni Celyn dahil masyadong contaminated ng virus mula sa labas kung papasok ang mga taong tulad namin na hindi kasama sa field ng medicine.

"Wala po 'yon Mrs. Bautista." sagot ko naman dito.

"Call me Tita na lang hijo. Alrei told me everything about you. Thank you for taking care of him for me. Matagal na kaming hindi nagkikita ng Dad mo dahil pinagtataguan niya ako."

Nakagat ko ang sarili kong labi at napatingin kay Dad na patay malisya lang sa gilid.

Kung may makarinig sa amin baka akalain nila na isa kaming pamilya na nagkawatak-watak ng mahabang panahon.

"Dad?" tawag ko dito na may pagsusumamo.

Bumuntong-hininga si Dad at hinawakan sa kamay si Mrs. Bautista.

"Take a rest Lynzi, babalik ako dito bukas para sa anak natin. Don't pressure Calvin about it."

"I understand."

Matapos ang mahabang pamamaalam. Sabay kaming lumabas ni Dad ng ospital at sumakay sa kotseng naghihintay sa amin. Si Creed ang driver namin.

Pagkapasok ko ng sasakyan ay agad kong nilingon si Dad.

"What did you tell her?" napipikang untag ko kay Daddy pero ang loko tumawa lang.

"Chill son, I didn't tell her anything. She's just reading the situation too much."

"Fix this before she wakes up!" nanggagalaiting wika ko.

"But I'm enjoying it. Buo na ang pamilya ko, I have Lynzi, Celyn my daughter and you as my son." aniya.

Napasabunot ako sa sarili kong buhok. "Dugo lang ang binigay ko sa kanya. Hindi ang buong angkan na meron ka."

"I know but leave it be."

Napapailing na lang ako at hinayaan si Dad sa trip niya. Ayoko na makipag argumento sa kanya, masyado na akong napapagod. Madami pa akong problema na haharapin sa HuPoFEL at Bloodfist, sana malampasan ko ito.

'Wait for me Celyn but please wake up first. I tell you everything once you wake up.'