Chapter 19: The guy with a different eye color

CELYN'S POV:

--

NAKAPANGALUMBABA lang ako sa high chair na kinauupuan ko habang inaayusan ako ni Peri. Nakatitig lang ako sa salamin habang tinitignan ang pwesto ni Thud at Cassius na pinagkakagaluhan nina Sherry.

"Saan ka ba nagsususuot at ngayon ka lang nagpakita?" sambit ni Peri habang kinukoskos ng foundation ang mukha ko.

Magkakaroon kasi ako ng photoshoot mamaya sa Lazy'Grace dahil bagong brand silang ila-launch. Bilang face ng Lazy'Grace kailangan kong gawin ito at si Carlson ang makakapartner ko.

"Dyan lang sa tabi-tabi." tinatamad an sagot ko.

Walang lumabas na kahit anong balita tungkol kay Althea. Ang alam lang ng crew nagbabakasyon ang aktres sa ibang bansa at kailangan nitong magpahinga sa hectic na schedule nito pero hindi na ito kasama sa movie ng Sky Fall hanggang sa matapos ang shoot namin na naunsyami dahil sa mga nangyari.

"Nagsama ka pa talaga ng poginv bodyguard. Model din ba ang mga yan?" kinikilig na wika ni Peri kaya napatingin ako dito.

"Kung tapusin mo kaya muna ang trabaho mo sa akin bago ka lumandi?"

"Aba'y ang sungit mo naman mare? Ito na ho tatapusin. Ipakilala mo ako sa kanila ha? Baka isa sa kanila pwede ko maging fafa." aniya.

"Huwag ka ng mangarap. Hindi sila pumapatol sa tulad mong binabae."

"At bakit hindi?"

"Tulad mo din sila."

Laglag ang panga ni Peri sa harapan ko na tila hindi makapaniwala sa narinig niya.

Napangisi na lang ako at muling tinitigan ang dalawang lalaki na laging nakasunod sa akin kahit saan ako magpunta. Akala ko si Thud lang ang makakasama ko but out of nowhere bumulaga ang bulto ni Cassius saying that Calvin ask him to not guard me but Thud instead since sobrang kulit nga ni Thud at napakababaero nito pero wala namang pinapatos.

"Finish na girl. Lumayas ka na sa harapan ko nang makapaglandi na ako."

Pinaikot ni Peri ang high chair na kinauupuan ko paharap sa pwesto nang dalawa. Nang makitang ayos na ako ay agad akong nilapitan ni Thud kasunod si Cassius without minding those girls whose fantasizing them.

"In fairness nagmukha kang tao." pang-aasar ni Thud sa akin.

"Eh kung itulak kaya kita sa bangin?"

"Walang bangin dito baby."

Napairap na lang ako sa kawalan nang magtilian ang mga babae at binabae na Peri dahil sa sinabi ni Thud.

Cassius offer his hand infront of me na agad kong tinanggap at tumayo na ako mula sa kinauupuan ko.

"Cut that crap Clyborne. I will tell Calvin that you're keep on flirting in his territory." pagbabanta naman ni Cassius.

Bibihira ko lang marinig na magsalita si Cassius pero kapag si Thud ang kaharap niya hindi nito maiwasang hindi sawayin ang lalaki dahil sa kakulitan nito.

"Nah. Calvin won't do anything about it, he's not here anyway and its been three months since their mission started. I am just doing my job, right baby?"

Napakagat ako ng labi ko dahil sa sinabi ni Thud. One month lang ang ipinangako sa akin ni Calvin pero tatlong buwan na ang lumipas. Noong unang buwan si Thud lang ang kasama ko hanggang sa mapunta si Cassius sa labas ng bahay namin.

I don't know what I am feeling right now pero namimiss ko na ang kahanginan ni Calvin.

'Sus! Lumalandi ka lang Celyn.'

Iwinaglit ko sa aking isip ang mga bagay na bumabagabag sa akin kapag nasasali sa usapan ang pangalan ni Calvin.

"Tigilan mo ako sa kaka-baby mo Thud at baka pakainin kita ng cerelac." inis na wika ko dito.

Nagulat ako nang biglang umangkla ang braso ni Thud sa braso ko at niyakap yun na parang bata.

"Aww, I don't mind if you treat me as your baby." Thud leans his head on my shoulder while Cassius shaking his head as if he's out of patience when it comes to Thud.

Hinila ni Cassius ang kwelyo ng damit ni Thud palayo sa akin kaso nakayakap sa braso ko si Thud kaya nasama ako.

Napatili ako nang matapilok ako dahil sa lakas ng pagkakahila ni Cassius at napapikit ako para hinatayin na bumagsak ang katawan ko pero ilang minuto na akong nakapikit pero hindi ko naramdaman ang sakit.

Pagmulat ko nang aking mata, ang magandang mga mata ni Cassius na magkaiba ang kulay ang bumungad sa akin.

"Sorry, I didn't mean to pull you." aniya habang itinatayo ako gamit ang braso nitong nakayakap sa bewang ko habang ang isa nitong kamay na nasa kwelyo pa rin ni Thud.

"Patay ka Cassius pag nasira ang mukha ni Miss Bautista." pananakot pa ni Thud.

Napalunok na lang ako ng sarili kong laway bago ko inayos ang dress na umangat ng kaunti dahil sa pagsalo ni Cassius sa akin.

"Tsk! Mind your own manners Clyborne. Quit playing around and do your job." kunot-noong utos ni Cassius bago nito bitawan ang kwelyo ni Thud.

"Nagtatrabaho ako ng maayos." inosenteng sagot naman ni Thud.

Napabuga ako ng hangin bago ko hinila si Thud at Cassius sa braso nila palabas ng dressing room ko. "T... tara na at baka magsuntukan pa kayong dalawa. Maliit lang ang dressing room ko." Nauutal na wika ko sa dalawa.

Hindi naman umangal ang dalawa nang hilahin ko sila hanggang sa makarating kami nang studio kung saan gaganapin ang photoshoot ko.

Iniwan ko sa gilid si Thud at Cassius bago ako lumapit kay Kuya Archie na siyang personal photographer ko mula nang umalis ako sa ilalim ng pangangalaga ni Maverick

"Hey, ready ka na ba sa photoshoot?" bati ni Kuya Archie nang makalapit ako.

"Si Carlson ba?" tanong ko.

"You will have a separate photos first before the brand so nauna na si Carlson kaya ikaw na lang."

Tumango ako kay Kuya Archie bago lumapit sa gitna ng studio kung saan may nakalagay na naglalakihang ilaw sa paligid.

Lumapit din sa akin si Lea to give me some instructions for shoot. Tanging tango lang ang binigay ko kay Lea at nagsimula na kami sa trabaho.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatayo at nagpapa-cute sa camera at nangangalay na rin ang binti ko.

"One shot Alarie." rinig kong sabi ni Kuya Archie. "Okay done! Take a rest and we will do your photo shoot with Mr. De Guzman."

Nakahinga ako nang maluwag bago umalis sa platform at lumapit kay Peri na nakahanda na para ayusin muli ang make-up ko.

"Ikaw ba talaga 'yon?" napatingala ako kay Thud nang lumapit ito sa akin habang naka-cross arms.

Nakaupo kasi ako sa isang upuan na inihanda ng staff para sa akin. Nangangatog ang binti at kailangan kong ipahinga yon.

"Malamang, ako yung nandoon sa platform. Anong akala mo sa akin multo?" pabalang na sagot ko dito.

"Hindi. Akala ko si Peri 'yong nandun."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Thud habang si Peri naman ay humagalpak ng tawa at pinalo-palo pa ang braso ni Thud na walang pakialam.

'Tsansing ang baklang tu!'

"Siraulo ka!" tinignan ko ng masama si Thud pero nag peace sign lang ang loko bago ako tinalikuran.

Pumunta lang talaga siya sa harapan ko para asarin ako. Kita naman niyang napapagod ako dahil sa ilang oras na pagtayo ko don tapos yon lang sasabihin niya? Ang angas niya sa part na 'yon. Kung hindi ko lang siya bodyguard baka kanina ko pa siya binigwasan.

"Ang cute talaga ni Mr. Dirkshied. May girlfriend ba 'yon?" usisa ni Peri sa akin nang umpisahan nitong ayusin ang mukha ko.

"Why don't you ask him? Sumasakit ang ulo ko dahil sa kakulitan niya!" sagot ko.

"Ang cute niyo kaya together. What if ligawan ka niya, payag ka ba?"

"That will never happen Peri. Busy ako sa trabaho ko and I don't have enough time to play some games with guys."

"Sabagay. Abala ka nga pala sa pagpapayaman. Anyway anong sabi ni Tita sayo?"

Napahilot ako sa sarili kong sintido.

Mom asked me if I could work at her godmother's company as their model and I didn't give her an answer and she's pestering me about it.

"Wala akong panahon sa plano nila ni Tita." sagot ko kay Peri.

"Ayaw mo lang lumayas dito sa CDC eh. Opportunity din 'yon para lalo kang makilala." aniya.

"Tao ako Peri, hindi ako robot na di-susi para hindi makaramdam ng pagod. Sa kakulitan pa nga lang ni Thud napapagod na ako, sa trabaho pa kaya?" inis na sagot ko.

Tinawag ko si Sherry para hilotin ang paa ko dahil sobrang sakit na talaga dahil sa six-inches na heels na suot ko. Agad namang lumapit si Sherry at inumpisahang masahehin ang paa ko.

"Sorry naman girl. Ang gara kasi ni Tita ang daming kakilala sa industry."

"Huwag ka nang magtaka dahil galing sa mayamang angkan si Mommy."

"Bakit kailangan mo pang magkayod kalabaw kung mayaman naman pala si motherlily?"

"Mahabang istorya."

"Makikinig ako."

Inirapan ko si Peri. "Makiki-chismis ka lang. Tumahimik ka na lang dyan."

Tumawa lang si Peri at tinapos ang ginagawa habang si Sherry naman ay abala sa paghihilot sa paa ko nang biglang lumapit si Cassius hawak ang phone nito.

"May kailangan ka?" pang-uusisa ko dito.

"Calvin's on the line and he wanted to talk to you."

Tila nabuhayan ang dugo ko at na-excite dahil makakausap ko si Calvin pero naalala ko nagtatampo nga pala ako sa kanya.

"No thanks. I don't want to talk to him." bumaling sa ibang direksyon ang paningin ko habang nakapangalumbaba pero nagulat ako nang bumulaga sa harapan ko ang mukha ni Calvin using Cassius phone. He's on video call.

"Why you look so grumpy?" takang tanong ni Calvin.

Halos maduling ako sa phone na hawak ni Cassius kaya tinabig ko ito palayo sa mukha ko at tinignan ito ng masama pero binigay lang nito ang phone sa akin at tinalikuran ako.

"Bastos tong batang ito." bulong ko na siyang ikinatawa ni Calvin kaya napalingon ako sa phone na hawak ko.

"Anong itinatawa mo dyan?" baling ko dito pero napansin ko ang sampung maleta sa ilalim ng mata ni Calvin and I think he's tired from his work.

"Nothing. I just missed you." aniya na siyang ikinatahimik ko.

Alam kong narinig 'yon ni Peri at ni Sherry pero nagtinginan lang ang dalawa at hindi kami pinansin.

Tumikhim ako at inilapit ang phone sa mukha ko para malinaw kong makita ang kalagayan ni Calvin.

"Bakit parang pasan mo ang mundo at nagbaon ka pa ng sampung maleta, natutulog ka pa ba?" pag-iiba ko ng usapan.

"Thanks for worrying me but I am fine Miss Perfect."

"Ang kapal mo naman, hindi ako nag-aalala sayo."

Natawa si Calvin sa sinabi ko though wala namang nakakatawa dun.

"I know. Anyway, one of these days I might get back to the Philippines since we're finished our business here."

"Ano ba talagang ginawa mo at inabot ka ng tatlong buwan? Ang sabi mo isang buwan lang tapos uuwi ka na agad. Hindi ko na kaya ang kakulitan ni Thunder for goodness sake Calvin De Chavez."

"Just bear with it for the meantime Miss Perfect. I promise I will be back one of these days."

"Don't tell your promise if you can't keep it Mr. Perfect."

Natahimik sa kabilang linya si Calvin at kita ko sa mga mata niya ang lungkot.

"I'm sorry." aniya.

Napabuga ako ng hangin. "I will end this call Calvin. Take a rest and finish your business there."

"Nah. I want to see if Carlson will flirt with you again."

Umangat ang kilay ko. "Anong kinalaman ni Carlson sa pagpapahinga mo?"

"Seeing your face is one of the best medicine I took right now and thanks to Cassius, I don't need to take a rest for the whole next day."

Inirapan ko siya. "Matulog ka na kung ayaw mong madagdagan ng benteng maleta ang eyebag mo."

"I don't mind though. Women will scream my name even if I look like an hermit but I love how you scream my name."

Napamulagat ako sa sinabi ni Calvin nang biglang napaubo si Peri na nasa likuran ko at si Sherry na nadiinan pa ang paa ko sa paghilot.

"Hoy! Baka kung anong isipin ng mga nakakarinig dito. Siraulo ka!" umakyat lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa kahihiyan at sa mga pinagsasabi ni Calvin.

"Mukhang master ni Boss Calvin ang panglalandi sa isang Celyn Alarie Bautista, pa-seminar kaya ako sa kanya?" bulong pa sa akin ni Peri na may halong pang-aasar kaya naman hinawi ko ang mukha nito palayo sa akin pero tinawanan lang ako.

"Sooner or later they will know." sabat ni Calvin.

"Anong they will know ang pinagsasabi mo? Umuwi ka dito ng malaman natin ang kalokohan mo, siraulo ka! Bubugbogin kita!"

"Oh! Can't wait to feel your punches my love. Anyway, I'll end this call, Luther called me. Bye!"

"Teka--" naputol ang sasabihin ko nang biglang mawala sa screen si Calvin at napakurap ako nang inagaw ni Cassius ang phone niya mula sa kamay ko.

"Ikaw ha? Anong meron sa inyong dalawa ni Boss Calvin? Kayo na ba?" sunod-sunod na tanong ni Peri at Sherry.

"L... lubayan niyo akong dalawa." pagbabanta ko sa mga ito pero lalo lang lumapit ang mga ito sa kinauupuan ko.

"Oh come on Celyn, huwag ka ng mahiya sa amin. Safe ang secret mo kung si Boss Calvin ay jowa mo nga."

"Shut up Peri, hindi ko boyfriend si Calvin and that would never happen."

"Ases ko po! Ano yong sinasabi niyang 'I love to hear your voice while screaming my name' ha?" Peri.

"W... wala yon!"

"Ay in denial ang ate girl. Si Boss Calvin na lang ang tatanungin namin para sayo."

"Peri!" tawag ko kay Peri pero hinila nito si Sherry palayo sa akin at lumapit kay Cassius.

Napahawak na lang ako sa sintido ko at hinilot 'yon.

I admit that I also missed Calvin's presence but I don't know what's the real score between us. He did say he likes me but he didn't court me or something like he needs me by his side.

Sumasakit ang ulo ko sa mga lalaking ito lalo na kay Calvin. Tatanda ata ako ng maaga sa konsumisyon na binibigay nila sa akin.

Nagsimula ang photoshoot namin ni Carlson na lukot ang mukha ko kaya hindi nakatiis ang lalaki na usisain ako.

"Did something happen?" aniya habang nasa likuran ko ito.

Nakaupo kasi ako sa isang high stool hawak ang brand ng Lazy'Grace na ilalabas sa market next month.

"Nothing." labas sa ilong na sagot ko.

"Come on Alarie, don't be uncomfortable while I am around. I won't force myself if you don't like me since I can't reach De Chavez's fence he built around you."

Kunot-noong lumingon ako dito para mag change position habang kinukuhanan kami ni Kuya Archie.

"Celyn smile a little bit. Yong natural smile lang." rinig kong utos ni Kuya Archie na agad kong sinunod bago tumingin sa kanya.

"I know what's behind you and De Chavez and I don't want meddle between of you two."

"Hindi kita maintindihan Carlson."

"Calvin likes you." aniya na siyang ikinatigil ko.

"Okay guys, last shot na tayo. Give me your best Celyn and Carlson." utos pa ni Kuya Archie na siyang sinunod naman namin para matapos na ang araw na ito.

"Job well done everyone. Pack up na tayo!" sigaw ng floor director namin na si Drake.

Pagkatapos ng photoshoot, agad kong hinarap si Carlson at tinanong ito. "Do you know where is Liezel right now? Anong koneksyon ang meron ka sa kanya?"

Carlson look at me as he puts his hands inside his pants pocket. "Liezel is a good friend of mine. Hindi lingid sa kaalaman ko ang mga ginagawa ni Althea pati ang pagkagusto niya sa akin. Hindi lang rin ikaw ang ginawan niya ng masama dahil bawat nakakatrabaho kong female model ay kinukuha niya at pinapatay. Ang yes she's part of that so called syndicate that Liezel and I wanted them to destroy."

"Pero delikado ang gagawin niyo. Anong alam ni Liezel sa mga ganyang bagay?"

"I know. But we both decided since Calvin's friend brought Althea in their custody for good. Pero hindi matatahimik ang kaluluwa namin ni Liezel because of what they've done to Althea. Althea is also a friend of mine though we are not the same like what he feels about me but I trasure her like how I treasure her sister."

"Mahal mo si Liezel no?"

Natahimik si Carlson sa harap ko at ngumiti lang ito.

"Alam mo Carlson hindi ako vulca seal na pwedeng pantapal dyan sa puso mong nangungulila. Bakit hindi mo aminin kay Liezel ang nararamdaman mo?"

"I can't do that." aniya.

"Bakit hindi?" takang tanong ko.

"She loves someone else that already in heaven Alarie."

Napasinghap ako.

Hindi ko alam na namatayan ng boyfriend si Liezel at ang pagkakaalala ko may pinakilala siya sa aming lalaki pero hindi kami interesado ni Kastiel. I didn't know that Liezel suffer this much.

"I'm sorry." wika ko.

Carlson patted my head. "Don't be. Anyway I didn't use you as an option for my broken heart. I just thought if I'll court you I will forget her but faith really played with me when I found out that you and the woman I love are bestfriends that's why I decided to stop courting you. Calvin is a good man and I know he will treat you right "

"Bakit ba binubugaw ninyo akong lahat sa Calvin na 'yon?" nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi ni Carlson na ikinatawa nito.

"Not now but soon you'll realize what your heart wants and needs and you can't find it with me but Calvin's presence only."

Pinalo ko ang kamay ni Carlson na nasa ulo ko. "Siraulo! Hindi ako interesado sa kanya."

Carlson let out a giggle. "Time is a truth teller Alarie. Payong kaibigan lang, follow your heart and it will lead you to a person you were waiting for."

"Ewan ko sayo De Guzman!" tinalikuran ko na si Carlson at pinuntahan ang pwesto ni Peri na naghihintay na sa akin.

Nang makarating ako sa pwesto nina Peri ay agad itong sumunod sa akin nang maglakad ako paalis ng studio kung saan ginanap ang photoshoot namin papunta sa dressing room na inuukopa ko.

"Peri mauna na kayo ni Sherry sa van. Sasabay ako sa sasakyan nina Thud." pakiusap ko kay Peri.

"Sureness. Tatawagan na lang kita kung may changes sa schedule mo since sa akin ipinagkatiwala ni Tita Lynzi ang pagiging manager niya. Stressing pala yun bi!" nag-iinarteng wika ni Peri.

"Sherry will help you naman diba?" sagot ko.

"Sus! Nilalandi lang ako ng Sherry na yan. Ayokong bumalik sa pagiging straight. My god ayokong kumain ng clamps na galing sa ilog."

"Hoy! Ang arte mo! Hindi kita nilalandi no!? Ang feeling mong bakla ka, halikan kita dyan eh!" banat naman ni Sherry.

Natawa ako ng biglang tumili ng malakas si Peri at tinakpan pa nito ang sariling tenga na tila ayaw marinig ang boses ni Sherry.

"Please lang Celyn, ireto mo ako sa mga male model friends mo o kaya ipakiusap mo ako kay Carlson na hanapan ako ng jowa. Ayoko nang makasama si Sherry." pakiusap pa ni Peri bago binuhat ang bag nito na naglalaman ng make-up.

"Bagay naman kayong dalawa." natatawang sagot ko.

"Oh please Celyn don't say that in front of my face. Mas lalaki pa siya kaysa sa akin." nandidiring sagot pa ni Peri pero hinila na ito ni Sherry sa braso palabas ng dressing room ko.

Inayos ko na rin ang hand bag na dala ko at lumapit kay Thud at Cassius na kanina pa naghihintay.

"You ready?" tanong ni Thud.

Tumango lang ako sa binata at sabay-sabay kaming lumabas ng dressing room at naglakad patungong elevator papuntang basement kung saan nakaparada ang kotse nila.

Nang makasakay kami ng elevator, sumandal ako sa pader para mamahinga doon ng kaonting minuto. Kahit na nakaupo lang ako sa high chair na binigay nila sa akin kanina sa shoot ramdam ko pa rin ang pagod sa buong katawan ko.

"Parang hindi ka na makalakad ah? Gusto mo buhatin kita?" usisa ni Thud nang makita ako nitong nakasandal sa pader ng elevator habang umaandar pababa papuntang basement. Kaming tatlo lang ang sakay ng lift since exclusive daw yon sa HuPoFEL members na pinagawa mismo ni Calvin para iwas sa gulo kung sakaling dadalaw man ang mga ito sa CDC Entertainment.

Hindi nga naman ako magtataka sa taglay na kagwapuhan nila at baka pagkamalan silang celebrity kung magsasama-sama sila sa iisang lugar.

"I'm fine Thud. Baka pag binuhat mo ako mapigtas ang braso mo!?"

Narinig kong tumikhim si Cassius kaya pinuna ko ito. "Walang bayad ang pagtawa Cassius, baka sa ibang butas lumabas yan."

Tuluyang umubo si Cassius para lang pigilan ang tawa niya pero ang loko poker face pa rin at tila walang naririnig.

"Ganyan ba talaga ka lampa ang tingin niyo sa akin? Mga babae talaga walang bilib porket gwapo ako."

"You're imagining things Clyborne." singit naman ni Cassius nang hindi tumitingin sa amin.

"Wala kaming kasama Cassius kaya manahimik ka dyan."

Natawa naman ako sa banat ni Thud kay Cassius dahilan para muling matahimik si Cas. Hanggang sa marating namin ang basement, inalalayan ako ni Thud papunta sa kotseng sasakyan namin.

Pagpasok ko sa passenger seat, agad na isinara ni Thud ang pinto sa tabi ko bago ito sumakay sa shut gun seat na nasa tabi ng driver which is si Cassius ang magiging driver namin.

Pagkasakay ni Cassius ay agad nitong pinaandar ang sasakyan pero bago pa man kami makaalis ng parking lot nitong CDC, biglang sumabog ang hulihan ng kotse kung saan ako nakaupo.

Sa lakas ng impact, tumarak ang basag na salamin sa likuran ko at naramdaman ko na lamang na hinila ako ni Thud at Cassius palabas ng kotse.

"Fck!"

Nakarinig ako ng malakas na tunog mula sa building ng CDC hudyat yon ng fire alarm.

"Damn it Miss Bautista huwag mong ipipikit ang mga mata mo kung gusto mo pa akong makitang humihinga!" utos sa akin ni Thud pero sumuka na ako ng dugo dahil sa salamin na tumarak sa likuran ko na tumagos hanggang tyan ko habang yakap-yakap nila akong dalawa para protektahan sa nag-aapoy na sasakyan.

Wala pa ring dumarating na rescue at pilit akong kinakausap ni Thud habang si Cassius naman ay hindi alam kung paano pipigilan ang dugo na dumadaloy sa likuran ko.

"What a nice view." rinig kong sambit ng isang lalaki sa di kalayuan.

Mula sa tunog ng mga yapak nito, tila papalapit ito sa pwesto namin.

"Flame!" nang-gagalaiting wika ni Thud. Ramdam ko ang galit niya dahil nakayakap ito sa akin. Maging si Cassius ay naikuyom ang sariling kamao nito habang nakatingin sa lalaking tinawag nilang Flame.

"The one and only Thunder Clyborne." aniya. "Give her to me!" utos pa nito.

"In your dreams! Allergic ako sa traydor kaya lumayas ka sa harapan ko!" sagot naman ni Thud.

"Hindi kayo ang kailangan ko at matagal nang naputol ang ugnayan ko sa HuPoFEL kaya ibigay niyo sa akin si Bautista bago ko pa pasabugin ang bungo ninyong dalawa!"

Napahawak ako sa braso ni Thud nang muli akong sumuka ng dugo. Nagdidilim na rin ang paningin ko pero hindi ako pwedeng pumikit dahil yon ang utos ni Thud. Once na matalo ako ng antok, katapusan ko na.

"You are the one who planted that bomb in our car did you?" walang emosyong tanong ni Cassius nang umalis ito sa tabi ko at hinarap ang lalaki. Akmang pipigilan ko si Cassius pero nakalayo na ito sa akin.

"Hey don't push yourself! Hayaan mo si Cassius to handle him. Isipin mo ang buhay mo Celyn!"

"Just doing my job Cassius. Give her to me and I'll let you live. I don't have time to play with HuPoFEL's trash like you."

"You're a trash not us. Thunder trusted you but you ruined it."

"Tsk! Hindi talaga kayo mapakiusapan ano?"

Nagulat ako nang umigkas ang kamao nung Flame sa mukha ni Cassius pero pinigilan ito ni Cassius gamit ang isang kamay lang at hindi na makagalaw yong Flame.

Agad na sinipa ni Cassius si Flame at tumama ang katawan nito sa kotse na nakaparada din sa parking na kinaroronan namin kasama ang kotseng nasusunog. Cassius grabbed Flames collar and give him a powerful punch dahilan para mawalan ito ng malay.

"Make sure you'll train hard enough to beat an Elite Class like me Flame. You'll pay for this!" wika ni Cassius bago tinali si Flame at hindi ko alam kung saan niya kinuha yon.

Hinugot ni Cassius ang sariling cellphone nito mula sa bulsa at may tinawagan kung sino man ang makakatulong sa amin.