Chapter 18: For real?

CELYN'S POV:

--

HINDI maipinta ang mukha ko dahil kahit saan ako magpunta ay laging nakasunod sa akin si Calvin.

Magaling na rin ang sugat ko sa braso at naalis na ang balang bumaon dito. Ni katiting na peklat mula sa pambubugbog at sugat na natamo ko kay Althea ay walang makitang ebidensya sa katawan ko dahil sa ointment na ipinapahid ni Gun sa akin. Tunay ngang epektibo at high-tech na medisina ang meron sila dito sa HuPoFEL.

"Pwede bang lubayan mo ako?" pagsusungit ko kay Calvin bitbit ang tray ng pagkain bago ako umupo sa isang silya kung saan naroon ang grupo nina Sinji, Saviel at Kastiel.

"Ayoko nga. Baka kung sino na naman ang pagdiskitahan mong asawahin, nandito naman ako." sagot ni Calvin.

"Kadiri ka. Mas pipiliin ko pa si Thunder o kaya si Andrew kesa ang makasama ka." mapaklang wika ko.

"Ouch! Double kill yon Calbee." pang-gagatong ni Sinji dahilan para malukot ang mukha ni Calvin.

"Eh kung sabihin ko kaya sayong nambabae si Senri!?" balik na pang-aasar naman nito sa babae.

"Excuse me? Sa ganda kong ito hindi na maisipan pa ni Senri ang mambabae no!" sagot naman ni Sinji.

"Di mo sure mars, di ka nga sinasagot." humagalpak ng tawa si Saviel at Calvin nang pagkaisahan nila si Sinji habang si Kastiel naman ay abala sa sarili nitong pagkain.

Napapailing na lang ako sa kalokohan nila at sinimulang pagdiskitahan ang pagkain ko. Isang buwan na akong nanatili dito sa loob ng HuPoFEL at masasabi kong enjoy naman ang pananatili ko dahil sa mga kalokohan ng mga taong nakakasama ko pero mas nangangamba ako kung ano na ang nangyayari sa labas.

"Nga pala Sav?" agaw-atensyon ko kay Saviel kaya naman napatingin ito sa akin.

"What is it? Gusto mo pa ng salad? Madami dun, utusan mo lang si Calvin." aniya.

"Hindi 'yon. Ano, kailan ulit ako pwedeng mag-shoot? Diba nga na tigil ang pag shoot ng Sky Fall dahil sa mga nangyari?" tanong ko dito.

"Aba malay ko. Ayan 'yong owner sa tabi mo bat di mo tanungin?" tinuro pa ni Sav ang pwesto ni Calvin na nasa tabi ko.

"Still on hold Miss Perfect. Don't worry about it." sagot naman ni Calvin.

"Tinatanong ko ba ang opinyon mo?" masungit na tanong ko dito.

"Basag!"

"Ouch! Pain! Pighati! Tumalon ka na sa bangin, Calvin ngayon na!"

Napalingon kami sa grupo nina Thunder na nagkumpol sa table namin at isa-isang kumuha ng upuan at inilagay yun sa tabi namin. Mukha kaming gagawa ng school project sa itsura namin.

"Tarantado!" binatukan ni Calvin si Thunder dahil ito lang ang malapit sa kanya habang si Andrew, Cold, Fourth, Bren at Diego ay nasa tabi ni Sinji, Saviel at Kastiel.

"Wala palang panama ang mga banat mo kay Miss Bautista eh. Bakit hindi ka magseminar muna sa akin?" ani ni Thunder.

"Manahimik kang bansot ka! Anong seminar ang pinagsasabi mo, pag uwi nga sa bahay niyo di mo magawa." sagot naman ni Calvin.

"Gagu! Hindi kasama 'yon sa usapan."

Nagtawanan ang mga lalaki except kay Fourth na napapailing na lang.

Ilang minuto pa ang nakalipas na puno ng asaran at kwentuhan sa canteen, biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun ang bulto ni Luther kasunod si Senri, Rent, Gun, at dalawang lalaki na ngayon ko pa lang nakita.

"What's up Boss?" bati ni Thunder na hindi nauubusan ng ka-hyper'an sa katawan.

"Go to my office Calvin." wika ni Luther nang hindi man lang tinignan o binati pabalik si Thunder dahil nakatingin lamang ito kay Calvin.

Napalingon ako kay Calvin ngunit nagulat ako na nakatingin din pala ito sa akin bago ito tumayo mula sa kanyang kinauupuan.

"I'll be back." he said before he patted my head.

"Don't worry bro, kaming bahala kay Miss Bautista." wika naman ni Thunder.

"Ulul! Wala akong tiwala sa'yo." ganting sagot naman ni Calvin.

"Ouch! You hurt my feelings." Thunder

"Ang arte mong bansot ka." Andrew

"Matangkad ka lang ng ilang dangkal sa akin Medina. Di mo namamalayan mas matangkad na ako sayo." Thunder

"In your dreams." Andrew

"Sus. Maiksi ka nga pati 'yang alaga mo kaya wag ka ng mangarap na tatangkad ka pa!" Saviel.

"Gusto mo ipakita ko pa sayo?"

Akmang tatayo si Thunder sa kanyang kinauupuan ng magulat kami dahil tumilapon ang katawan ni Thunder sa kabilang lamesa.

Napalingon kaming lahat kay Luther.

"Patay ka na namang bansot ka." bulalas ni Andrew na natatawa pa.

"Boss naman nagbibiro lang ako hindi mo ako kailangang paliparin!" naiinis na sambit ni Thunder habang marahang tumatayo mula sa pagkakabagsak niya sa mesa.

"Why did you do that?" nagtatakang-tanong naman ni Saviel.

"Nothing. Out of habit." walang emosyong wika ni Luther.

"Out of habit.... nagseselos ka lang eh porket na kay Thud ang atensyon ko." pang-aasar pa ni Sav.

"Ohh! That's our Sav." cheer pa ni Andrew at Cold.

"Pupusta ako kay Sav." sabat naman ni Gun na nakaupo na sa tabi ni Andrew at may hawak na limang libo.

"Ako din pupusta kay Sav."

Umangat ang kanang kilay ko nang biglang magsilabasan ng wallet ang mga lalaki at isa-isang naglabas ng limang libo at ibinigay yun kay Gun.

"What the hell are they doing?" takang tanong ko.

"Masanay ka na, ganyan talaga sila laging pinagpupustahan si Sav at Boss Luther." sagot naman ni Kastiel bago iniurong ang tray na nasa harap niya dahil tapos na itong kumain at kinuha ang sariling pitaka nito at humugot rin ng limang libo bago ibinigay kay Gun.

"Why should I jealous with Clyborne?" takang tanong naman ni Luther kay Sav.

"Bakit nga ba? Kulang ka ba sa dilig kagabi, bibigyan ulit kita?"

Narinig ko ang malakas na singhap ni Sinji at napatakip pa ito sa sariling bibig pero agad ding nakabawi at nakangisi itong tinignan ang kapatid.

"Kayo ha!? May monkey business na nagaganap ha?" ani ni Sinji.

"That would never happen." maikling sagot naman ni Luther bago nakapamulsang tinalikuran kami at walang isang salitang naglakad palabas ng canteen.

Umalingawngaw ang hiyawan ng mga lalaki at isa-isang naghati-hati ng pusta nila dahil si Saviel ang nanalo sabi ni Kastiel.

Maging sina Senri, Rent, at dalawang lalaki ay nakihati din sa pusta dahil tumaya rin ang mga ito bago sumunod kay Luther kasama si Calvin na napapailing na lang.

"Sino yung dalawang lalaking kasama nina Senri? Contact lens ba ang isang mata nun o normal?" usisa ko kay Kastiel dahil abala na ang mga lalaki at sina Sinji at Sav sa pagbabakas ng pera na napanalunan nila sa maikling pustahan.

"Those two? The man with a different eye color his name is Cassius and the other one is Trevon Dwayne." sagot ni Kastiel.

"Requirements ba talaga dito ang pagiging pogi?"

Natawa si Kastiel sa tanong ko.

"When it comes to our work, physical appearance is our weapon lalo na sa mga lalaki. At tyaka nagkataon lang na magagandang lalaki ang nakukuha ni Boss dahil karamihan dito ay mga anak mayaman, yung iba sa lansangan lang natagpuan at yong iba naman ay pinalayas sa kanilang tahanan like Thud."

"Eh?"

"Yep, at first hindi rin ako makapaniwala na anak mayaman si Thud but I am not interested about him." dugtong pa ni Kastiel. "Anyway, I'll go first since I have something to do. Babalik naman 'yon si Calvin dito to escort you and I will call Tita Lynzi for you."

Tumayo na mula sa kinauupuan niya si Kastiel at nagbeso pa sa akin bago umalis.

Wala kasi akong phone na gamit kaya hindi ko matawagan si Mommy. Isa pa nasa gitna kami ng bundok gaya ng sabi ni Kastiel at tanging si Rent lang ang tanging paraan kung pano kami makiki-communicate sa labas. Napapaisip na lang ako kung ano ba talaga ang trabaho nila kaso wala akong lakas ng loob na tanungin si Calvin or si Kastiel since they look like a happy family. Normal lang sila sa tulad kong mamamayan pero pakiramdam ko marami silang tinatagong sikreto.

"Huwag mo akong pakatitigan Miss Bautista, baka mainlove ako sayo patay ako kay De Chavez, marupok pa man din ako sa magagandang babae tulad mo."

Napakurap ako sa kawalan nang magising ako sa kasalukuyan at marinig ko ang boses ni Thunder o Thud kung tawagin nila. Nasa harapan ko ang lalaki at nakapangalumbaba lang itong nakatingin sa akin.

"Hindi ba pwedeng may iniisip lang ako?" pamimilosopo ko dito.

"Aww. Tinititigan mo lang ako tapos biglang nasa isip mo na rin ako? Marupok ako Miss Bautista."

Nakangiwing tinignan ko lang si Thud dahil mukha siyang siraulo habang nagpapa-cute sa harapan ko. He's handsome though, but he's too hype. Ayoko sa mga lalaking magaslaw.

"Bakla ka ba?"

Nanlaki ang mga mata ni Thud sa akin.

"Excuse me? I am a 100 percent man dude." pumilantik pa sa ere ang mga daliri nito dahilan para matawa ako.

"Maraming nahuhulog sa ganyang paraan Miss Bautista. Kung ako sayo, iiwasan ko na si Clyborne." sabat naman ni Andrew.

"Ulul!" sagot naman ni Thud at binatukan pa si Andrew pero hindi tumama ang kamay nito sa batok ni Andrew dahil nakatakbo na agad ito.

Hinabol ni Thud si Andrew hanggang sa makalabas ng canteen ang dalawa and konti na lang kaming naiwan dito. Hindi ko namalayan na umalis na rin pala si Sav at Sinji kaya naman tumayo na rin ako mula sa kinauupuan ko at naglakad palabas ng canteen.

Agad kong tinungo ang kwarto na tinutuluyan ni Calvin since yun ang binigay nilang kwarto sa akin dahil hindi naman daw yon ginagamit ni Calvin. Bibihira lang daw pumunta ng HuPoFEL ang mga Elite Class which I find it weird. Hindi ko alam kung anong posisyon ang meron si Calvin dito since Boss ang tawag nila kay Luther na sa tingin ko ay siya ang pinakahead nitong building na tinutuluyan ko.

Merong limang palapag ang building ng HuPoFEL. Isang underground facility kung saan gumagawa ng advance na gamot si Gun, training area, receiving area, canteen at ang 5th floor kung saan naroon ang kwarto ng HuPoFEL members at ang pribadong opisina ni Luther na hindi ko pwedeng pasukin kahit anong mangyari, unless ang lalaki mismo ang nagpatawag sa akin, though hindi naman ako interesado na mapatawag ng isang Luther Aqueros.

Kastiel told me about the meaning of HuPoFEL but not the name behind it. Marami akong gustong itanong kay Kastiel but she's too busy in her work inside Montenegro Empire. Nitong nakaraan ko lang rin nalaman na sa Montenegro pala nagtatrabaho si Kastiel bilang sekretarya at umalis na rin siya sa poder ng kanyang Ama.

Pagkarating ko sa kwartong inuokopa ko, agad akong sumampa sa kama at nahiga doon. Wala naman na kasi akong gagawin bukod sa kumain sa canteen, makipag-kwentuhan sa HuPoFEL members, itaboy si Calvin at matulog. Yun lang ang routine ko sa loob ng building na ito.

Napatitig na lang ako sa kisame at napapaisip kung ano na ba ang nangyayari sa labas. Marami akong pending na photoshoots at commercials dahil sa nangyaring abduction na ginawa ni Althea.

Hanggang sa makarinig ako ng pagbukas ng pinto at bumungad sa akin ang bulto ni Calvin na nakasuot lang ng puting tshirt na may tatak na HuPoFEL sa bandang kaliwang dibdib nito at itim na pantalon at combat shoes.

Napaupo ako sa kama at sinalubong ko ng tingin si Calvin na may pagtataka.

"What's with the get up?" usisa ko dito.

Lumapit si Calvin sa walk-in closet nito at kumuha ng isang leather jacket. May damit din ako sa walk-in closet niya na siya mismo ang bumili para sa akin. Nagmumukha kaming mag-asawa sa set-up naming ito since natutulog kaming magkatabi sa kama though wala namang nangyayaring kababalaghan sa amin bukod sa kiss at yakap lang.

"I need to go somewhere. Luther needs my assistance though he had Senri by his side."

Nagsalubong ang kilay ko. "Iiwan mo ako dito?"

Umupo ako sa dulo ng kama at lumapit si Calvin sa akin bago ito naupo sa tabi ko bitbit ang leather jacket na ipinatong lang nito sa hita.

"It's just temporary, maybe a month? Pupunta kami ng Egypt eh for some business matters." aniya.

"Iuwi mo na lang kaya ako sa Mommy ko? Nababagot na ako dito Calvin." busangot na wika ko.

Calvin heave a sigh at he held my hand and look at me in the eye. "Hindi pa tayo nakakasigurado na ligtas ka na kahit wala na dito sa Pilipinas si Althea."

"I can handle myself Calvin. Gun taught me a self defense in case mangyari ulit ang ginawa ni Althea." paliwanag ko.

Humigpit ang pagkakahawak ni Calvin sa kamay ko at pinaghugpong niya ang kamay naming dalawa - his fingers between mine while locking it.

"Your safety is all matters to me Alarie. Wala akong tiwala sa mga taong nakapaligid sa'yo habang wala ako."

"You can hire me a bodyguard if you want."

Napabugang muli ng hangin si Calvin.

"Fine. I'll tell Thud about it to keep you safe when I am not around."

"Akala ko ba wala kang tiwala kay Thud?"

"Nah. I trusted my brother's when it comes to work especially Thud though he's a little bit naughty but when it comes to safety to the person we wanted to protect we can count on him. Though everyone of us can rely about it but Thud's ability is limitless."

"Ganito ka din ba umasta sa mga talent mo sa CDC?"

Napatanga si Calvin sa harap ko at napakurap ito ng sunod-sunod.

"No! I told you I like you and I am doing this because you are special to me."

"What if hindi gaya ng pagkagusto mo ang nararamdaman ko?"

"Bakit? Mahal mo na ba ako?" sumilay ang ngisi sa labi ni Calvin. "Sabihin mo lang sa akin hindi ako aalis at paghintayin ka ng isang buwan."

Umasim ang mukha ko. "Feeling mo naman! Hindi nga kita type."

Bumitaw ako mula sa pagkakahawak ni Calvin at tinalikuran ito habang ang lalaki naman ay humalakhak lang na parang walang katapusan.

'Anong nakakatawa sa sinabi ko?'

Nagmaktol ako sa gilid at hinayaan kong tumawa si Calvin sa tabi ko. Hanggang sa makabawi ito, naramdaman ko na lang ang pagpulupot ng braso nito sa tyan ko at hinila ako nito palapit sa kanya. Nakayakap siya sa likuran ko dahilan para dambahin ng kaba ang dibdib ko.

Tila nagkagulo ang mga bulate ko sa tyan dahil sa ginagawa ni Calvin.

"One month is just a short time for a busy person like us. Hindi mo mamalayan nasa kaharian ko na ulit ako. Ibabalik kita sa Mommy mo at sa buhay na nakasanayan mo. Hindi naman kita dinala dito sa HuPoFEL para ikulong, you have your own life in the outside world and I don't have the right to stole you away from them. And as for my feelings, I don't want your answer as long as you feel the same way towards or you will hate me that's all matters. Ngayon lang ako nagkakaganito sa isang babae so bear with me."

Umangat ang mga balahibo ko sa batok dahil sa pagbulong nito sa tenga ko. Iba ang epekto ng boses ni Calvin kapag nasa tenga ko ito kahit na normal lang naman kung magsalita ito.

"For real?" lumingon ako kay Calvin at muntik ko ng mahalikan ang gagu pero ngumiti lang ito at ito na mismo ang tuluyang humalik sa akin pero mabilis lang.

"Yes. Isasama kita pag-alis namin ngayon and we will drop by at CDC with Thud and he have no choice if Luther command him under my name."

Hinila na ako ni Calvin patayo at magkahawak kamay na lumabas kami ng kanyang kwarto. Hanggang sa makarating kami sa isang pinto na may nakalagay na 'Head Office', binuksan yon ni Calvin at tumambad sa akin ang nagga-gwapuhang lalaki na nakasuot tulad ng kay Calvin.

"Why did you bring her here?" usisa ni Senri katabi nito si Dezrail na kumakain ng lollipop at sa tingin ko ninakaw nito sa anak niya habang nakatingin sa kamay naming magkahawak.

Aalisin ko na sana ang kamay mula sa kamay ni Calvin but he didn't let me, bagkus humigpit pa ang pagkakahawak nito sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang manahimik na lang.

"Isasama ko, bakit?" inosenteng sagot ni Calvin.

"Dude, she's not allowed and it's a mission not a date." sagot naman ni Dezrail.

"Gagu. Ibababa natin siya sa CDC at iiwan ko dun. Anyway, Rent call Thud for me please." baling ni Calvin kay Rent na abala sa tablet nito.

Bumuntong hininga lang si Rent nang tignan nito si Calvin bago kinalikot ang tablet nito at sa isang iglap umalingawngaw ang speaker sa opisinang kinaroronan namin.

'Calling the attention of Thunder Clyborne, go to my office now!'

Boses ni Luther ang naririnig namin though wala siya dito sa opisina niya. Nakita ko kasi ang pangalan ni Luther na nakaukit sa isang kahoy na nasa ibabaw ng mesa na nasa harap namin.

"Ayos ah, yong galit na boses pa ni Boss ang ginamit mo." natatawang wika ni Gun at inakbayan pa nito si Rent na nagkibit balikat lang.

Ilang minuto lang ang nakalipas, ang humahangos na bulto ni Thud ang bumungad sa amin.

"Gagu ka Rent. Na saan si Boss?" wika nito na hinihingal pa.

"In his room." tipid na sagot ni Rent.

"Huwag mong ginagamit sa akin ang ganung tono ng boses ni Boss, mawawalan ako ng ulirat sa ginagawa mo!" pagalit na sabi ni Thud.

Si Gun tumatawa lang sa tabi ni Rent habang si Dezrail at Senri naman nagmamasid lang na parang mga estatwa.

"Why did I do?" kunot noong tanong ni Rent. "Calvin ask me to call you so fck off." dugtong pa nito.

Bumaling si Thud sa pwesto namin specially kay Calvin at naniningkit ang mga mata nitong nakatingin sa katabi ko.

"What the hell is your problem?" saad ni Thud.

"I'll just asked you a favor." natatawang sagot naman ni Calvin. Mukhang tuwang-tuwa sila na pagtripan si Thud.

"Ano ba 'yon?" inis na tanong naman ni Thud.

"Be a bodyguard of Alarie while I am away."

"What? Mukha ba akong taga bantay ng mga taong iniiwan niyo? Hindi ako makapang-babae dahil sa ginagawa niyong pang-alila sa akin." busangot ang mukha na sagot naman ni Thud.

"She has lots of female model and I have lot of sexy actress inside my turf. You can enjoy yourself while guarding her but not too far with your naughty thoughts baka pilayin kita."

"Tsk! Di mo naman sinabi agad pare. Kailan ka ba aalis? Ako na bahala sa plane ticket mo hanggang next year." sagot naman ni Thud na ikinailing ko.

'Siraulo talaga.'

"Ulul. One month lang akong mawawala at si Homare ang gagamitin namin."

"Sus! Kahit dalawang taon ko pang bantayan si Miss Bautista, gagawin ko para sayo. Ganyan kita kamahal pare. Pakiss nga?"

Bumitaw ang kamay ni Calvin sa akin ng dambahin ito ng yakap ni Thud at sinusubukang halikan pero umiiwas ang binata dahilan para humagalpak ng tawa si Gun.

Napapailing na lang kaming tatlo nina Senri, Dezrail habang si Rent naman ay walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid nito. Manhid pa yata ang isang ito.

Natigil lang ang pang-aasar ni Thud kay Calvin nang bumulaga sa amin ang gwapong mukha ni Luther kasama si Saviel.

"What are you doing here Clyborne? I didn't request your presence." takang tanong ni Luther nang hindi man lang kami binati kahit Hi or Hello man lang.

"I asked him dude. Iuuwi ko na si Alarie sa kaharian ko." sagot naman ni Calvin.

"Whatever. Let's go." utos ni Luther bago ito naglakad muli palabas ng opisina at sumunod si Senri, Dezrail, Rent, Saviel at si Gun na hinila si Thud bago si Calvin at ako na hila-hila sa kamay ni Calvin.

Mapipigtas ata ang braso ko sa kakahila ni Calvin.

Tahimik naming tinahak ang hagdan patungong rooftop kung saan naroon ang helicopter na sasakyan namin para ibaba ako sa CDC. Ang sasakyang himpapawid ang gagamitin nila papuntang airport.

"Sure ka bang gusto mo ng umuwi?" bulong sa akin ni Sav nang magpaiwan ito at umangkla ang kamay nito sa braso ko habang si Calvin naman ay nanatiling nakahawak sa isa ko pang kamay.

"I miss my Mom and I have lots of work to do." paliwanag ko dito.

"Kung sabagay meron ka nga palang sariling since you can't adopt our world." Saviel said.

"What do you mean?" nagtatakang tanong ko dito.

"Oh, nothing. Random thoughts ko lang yun-"

"Hyuga."

Naputol ang sinasabi ni Sav nang tawagin ito ni Luther at agad naman itong lumapit sa binata at inangkla pa ang kamay nito sa braso ng lalaki. Luther didn't mind it while talking to Sav.

"Hindi ba talaga mag-jowa ang dalawang 'yan?" usisa ko kay Calvin habang nakatingin sa direksyon ni Saviel at Luther.

"No. They look like that but Luther's priority is his business and HuPoFEL. Though we had a doubt that they are on another level but we were just ignored it and let them since they are the ones who understand with each other." sagot naman ni Calvin.

"Bakit hindi na lang ligawan ni Luther si Sav? Bagay naman silang dalawa."

"Dunno what Luther's plan about her though Luther didn't have a girlfriend since birth. All he could think is his sister Sinji, his business, HuPoFEL and other personal matters. I think he don't have a time to have a wife or family because he has a huge responsibility carrying on his shoulder."

Hindi na lang ako umimik hanggang sa makasakay kami ng chopper at isinuot ni Calvin sa akin ang headphone. Nang ma-check na okay na ang lahat, pinalipad na ni Gun ang sasakyang panghimpapawid.

Ang rooftop ng HuPoFEL ang huli kong nakita hanggang sa umangat na kami sa himpapawid. Mamimiss ko ang mga tao sa HuPoFEL but I need to fulfill my duty as a daughter of my mother and as an actress of CDC Entertainment. Hindi titigil ang mundo ko kung magtatago lang ako sa HuPoFEL. Kailangan kong harapin ang sarili kong reyalidad.

Ligtas na rin naman si Isla pero patuloy siyang nagpapagamot sa pasilidad na meron ang HuPoFEL sa Iceland. I really missed her but I need to bear with it since she's fighting her own life to survive. Hindi ako pwedeng mag-give up sa buhay na meron ako dahil merong ibang tao ang pilit na nakikipagsapalaran sa mundong magulo.