Chapter 17: I'm sorry Alarie...
CELYN'S POV:
--
NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ko ang malamig na tubig sa katawan ko. Nanginginig na itiningala ko ang mukha ko para makita kung sino ang poncio pilatong nagbuhos sa akin ng malamig na tubig.
Bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Althea, hawak ang isang timba na puno ng yelo.
"Buti naman at humihinga ka pa? Hindi kasi pwedeng mawalan ka na lang bigla ng malay hanggat hindi ko nahahanap si Isla." aniya.
Napaigik ako ng hawakan nito ang mukha gamit ang isang kamay nang ibaba nito ang timba ng tubig. Hindi maalis ang ngisi sa mukha ni Althea habang tinitignan ako sa mata. Hindi ako gumanti ng masamang tingin dito dahil sa sakit ng katawan ko.
Hindi ko alam kung ilang araw na ako dito sa pinagdalahan sa akin ni Althea, kahit tubig o makakain ay hindi ako nito binigyan kaya naman ramdam ko ang paghihina ng katawan ko.
"Magsasalita ka na ba kung na saan si Isla?" dugtong pa nito.
Dinuraan ko ang mukha ni Althea dahilan para mapapikit ito at marahas na binitawan ang mukha ko. Kami lang dalawa ang nandito sa apat na sulok ng kwarto.
"H... hindi mo mahahanap si Isla kung bunganga ang paiiralin mo. P... pakawalan mo ako Althea!" kahit nanghihina pinilit kong sigawan si Althea pero isang tadyak sa tyan ang natanggap ko dito.
Malakas na kalabog ang namayani sa aming dalawa nang matumba ang kinauupuan kong silya kung saan ako itinali ni Althea, tumama ang balikat ko sa sahig dahilan para mamilipit ako sa sakit.
"Hindi ka sana mahihirapan ng ganito kung hindi ka nangialam Celyn."
"K... kahit patayin mo ako, hindi ko alam kung na saan si Isla--" naputol ang sasabihin ko nang tadyakan muli ni Althea ang tyan ko.
Ito na yata ang pinakamalalang torture na naranasan ko mula sa mga taong dumukot sa akin. Okay lang kung bugbugin nila ako ng paulit-ulit as long as walang mangyaring masama kay Isla. She didn't deserve this world, this kind of life-she didn't deserve it all!
Althea grabbed my hair. "Bakit nga ba hindi na lang kita patayin para naman makuha ko ang lahat ng gusto ko at wala na akong kaagaw na isang tulad mo? Suggest ka nga kung paano kita babawian ng buhay?"
Tinignan ko ng nanlilisik na mata si Althea. "H.. hindi ako tanga na tulad mo para malaman kung paano ako aakyat sa langit o bababa sa impyerno. Pakawalan mo ako!"
"Ang tapang mo no?"
Lumagapak ang mukha ko sa sahig ng bitawan nito ang buhok ko. Ramdam ko ang dugo na dumadaloy sa ilong ko. Nanghihina na rin ako dahil sa wala akong kain o kahit tubig man lang.
'Mommy...'
"Mabubulok ka dito sa ayaw at sa gusto mo. Mahanap ko man o hindi si Isla, buhay mo ang kapalit kaya be a good girl Celyn ha? Ikumusta mo na lang ako sa mga daga na makakasama mo dito for the rest of your life."
Nang makaalis si Althea, pumatak ang luha sa mga mata ko. I feel useless because of my situation right now. Wala akong mahingian ng tulong.
Kastiel is not here also Calvin.
Alam kong nag-aalala na si Mommy and I want to go home and rest. Masyado na akong napapagod.
Hanggang sa makarinig ako ng komusyon sa labas, biglang bumukas ang pinto kung saan dumaan si Althea at bumungad sa akin ang bulto ni Carlson at isang taong hindi ko inaasahanang makita -- si Liezel.
"Alarie!" tawag sa akin ni Carlson nang makita nito ang sitwasyon ko.
Narinig ko rin ang pagsinghap ni Liezel nang makita nito ang kinasasadlakan ko.
"Hey, Alarie. Do you still recognize me?" marahan akong binuhat ni Carlson mula sa sahig bago nito inalis ang lubid na nakatali sa katawan ko. Wala na akong ganang magsalita pero ang mga mata ko ay nakatuon lang kay Liezel.
Marami akong gustong itanong sa kanya pero wala na akong lakas.
"We should bring her to the ospital Carlson. Masyado nang bugbog ang katawan niya."
"She's not safe in the ospital." sagot naman ni Carlson.
"What the hell are you two doing?"
Sabay-sabay kaming napalingon sa pinto kung saan naroon ang bulto ni Althea.
"Althea ano bang nasa utak mo at dinala mo dito si Celyn!?" pagalit na wika ni Liezel while Carlson hugged me as if he's protecting me from Althea.
"You don't have the right to asked me Liezel, lalo na at sampid ka lang sa pamilyang ito! How did you know that I hide someone here?" ani ni Althea at hinarap si Liezel.
I don't know what's Liezel relationship with her but I am glad that my bestfriend is alright.
"Sinundan kita." maikling sagot naman ni Liezel. "When I saw you sneaking out a bucket of ice and I heard your voice shouting. For godness sake Celyn is my bestfriend, what the fck is your problem!?"
"Why did you bring Carlson here and you don't have any business of what should I do in my life!?" mabalasik na wika naman ni Althea.
I think she's sick.
Mentally ill.
"I am still your sister and I am part of this family. I didn't expect you've gone too far because of your love for Carlson. Parang awa mo na Althea, let Celyn go!"
"No! I am just doing my job and you're far out of it Liezel. At pwede ba umalis na kayo dito ni Carlson at iwan niyo ang babae na yan."
"Althea, Celyn is innocent. She's not doing anything wrong. If its all about my family, please disregard it. I don't have any plans of meddling at De Guzman enterprises and leave my cousin alone!" sigaw ni Carlson.
Kunot-noong napatingin ako dito.
"M... may alam ka dito?" napalingon sa akin si Carlson at bakas dito ang awa at paghingi ng paumanhin sa sinapit ko.
"Dad told me everything about De Guzman Enterprises and how my Uncle should kick Isla out inside the family since grandmother named her all of our inheritance. I don't want to get involve with them and I was surprise when you vanished from the ospital and Liezel called me and told me where were you. I'm sorry I didn't do anything to save you from her. Althea is sick."
"Ha!? Hindi ako baliw Carlson kaya pwede ba quit that annoying face of yours?! I am doing my job perfectly but you two ruined it!"
"Tumigil ka na Althea!" sigaw ni Liezel but Althea didn't give in.
Hinugot ni Althea ang baril na nasa hita nito at itinutok yun sa amin.
"Hindi ako papayag na matatapos na lang dito ang lahat. I did everything to be part of that big project and be part of CDC Entertainment but there is someone stole it from me!" itinutok ni Althea amg baril sa direksyon ko.
Tinignan ko ito ng masama. "Kahit kailan wala akong inagaw sa'yo. Pakawalan mo kami--"
Isang malakas na putok ang umalingawngaw sa paligid at napapikit ako nang maramdaman ang bala sa balikat ko.
"What the fck Althea!?" galit na sigaw ni Carlson nang makita nito ang dugo sa balikat ko.
"I told you I am just doing my job. Mr. De Guzman paid me big time and promised me that he will gave me everything including you Carlson. So get out of there and leave that shit!"
Ramdam ko ang nanlilisik na mata ni Althea. Hindi na siya ang Althea na hinahangaan ng tao dahil sa gandang taglay at talento nito.
She's a wicked woman exist!
"Should I take my part instead of you Ms. Balir?"
Napalingon kaming lahat sa bukana ng pinto at nakita ko ang bulto ng isang taong gustong-gusto kong makita.
Nang magtama ang mga naming dalawa, tuluyang bumuhos ang luha sa mga mata ko. Gusto kong magsumbong sa kanya sa lahat ng mga naranasan ko mula sa mga kamay ni Althea. Kung paanong naghirap ako sa apat na sulok ng kwartong ito.
"C... calvin.." tawag ko rito.
Calvin smiled at me. "Hello Miss Perfect. Miss me already?"
Hindi ko magawang sumagot sa kanya. Gusto ko siyang lapitan at yakapin. Sabihin ang mga bagay na gumugulo sa isip ko at sa mga nangyayari sa akin.
"C.. calvin.." tawag kong muli sa pangalan niya sa bawat hikbi ko.
"Tangina. Bakit mo ako iniwan?" panibagong lalaki ang bumungad sa pinto at binatukan nito si Calvin.
"What the fck is your problem Thunder Clyborne?" naiinis na wika naman ni Calvin.
Sa gitna ng pag-aaway nang dalawa, isang lalaki ang bumungad sa gitna nila and I was shock when I saw Sinji's brother.
"Is the party didn't started yet?" ani ni Luther habang nakapamulsa itong naglakad papasok kung saan kami naroon na tila nasa isang amusement park ito.
"Who are you!?" galit na tanong ni Althea at tinutok ang baril kay Luther.
Napasinghap ako nang magdikit ang dulo ng baril ni Althea sa dibdib ni Luther at hindi man lang natinag ang lalaki. Bagkus tinignan lang nito ang baril na nasa dibdib niya bago tinaponan ng tingin si Althea.
"Althea Scythe Balir, an orphan, adopted by Mr. and Mrs. Balir, works under a syndicate called Fallen as a gunman. Killed a hundreds of innocent people without hesitation. How should I punish you with your crime Miss Balir?" ani ni Luther.
Naramdaman ko na lang na lumapit sa pwesto namin si Calvin nang hindi ito mapansin ni Althea dahil abala ito kay Luther.
"Tabi ka dyan De Guzman kung ayaw mong ikaw ang itali ko." ani ni Calvin nang agawin ako nito mula sa pagkakayakap ni Carlson at may bitbit itong first aid kit.
Calvin tend my wound. Tulala lang ako sa mukha ni Calvin na abala sa pagbebenda ng braso ko na tinamaan ng bala kanina.
"Tsk! You will pay for this De Guzman."
"Shut the fck up, De Chavez! I didn't do anything to harm her."
"Feeling mo naman makukuha mo siya sa akin? Not in your dreams De Guzman."
I frowned.
What is wrong with them?
"I just tried my luck but I think I can't win when it comes to you De Chavez."
"Buti alam mo-- ouch!"
Natigil ang pag-aaway nilang dalawa nang paluin ko ang bibig ni Calvin. Kunot noong tumingin ito sa akin.
"The hell is your problem Miss Perfect?" aniya na tila galit pa at tinapos ang pagbebenda sa braso ko at sinipat ang iba pang parte ng katawan ko kung may sugat o bali ba.
Tumakas ang luha mula sa mga mata ko. "B... bakit ngayon ka lang?"
"Kasi traffic sa Iceland kaya natagalan ang eroplanong gamit ko?-- argghh! Stop it! Hahalikan kita kapag hindi mo binitawan ang buhok ko! Dalawang oras kong inayos yan!"
Sinabunutan ko kasi si Calvin dahil sa pamimilosopo nito.
"B... bakit ngayon ka lang!" hinila ko ang kwelyo ng damit ni Calvin isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya at doon umatungal ng iyak.
I heard Calvin's heave a sigh when he put he's hand on my head as he patted it gently.
"I'm sorry Alarie." aniya.
Tuluyan akong humagulgol ng iyak sa bisig ni Calvin. Lahat ng pagod at gutom ay ibinuhos ko sa kanya.
"So, answer me Miss Balir?" rinig kong sabi ni Luther pero nanatili lang akong nakayakap kay Calvin.
I feel safe everytime Calvin is near me and I don't know why I am comfortable with him. Lahat ng worries ko naglaho bigla.
"Quit meddling my business. Who the hell are you?" sagot naman ni Althea.
Inangat ko ang mukha ko para makita ang nangyayari sa paligid. Naramdaman ko na lang binuhat ako ni Calvin at naglakad ito sa gitna ni Althea at Luther na parang walang baril sa kamay si Althea.
Nanlaki ang mga mata ko nang tumigil si Calvin sa tabi ng lalaking tinawag nitong Thunder Clyborne kanina habang nakayakap ako sa leeg ni Calvin.
"Should we take her?" baling ni Calvin sa lalaking bansot na nagngangalang Thunder Clyborne.
Napahawak naman sa sariling baba nito ang lalaki na tila nag-iisip habang nakatingin kay Luther, Althea, Liezel at Carlson.
"Maybe we can take her but Boss is enjoying it so its a no." sagot naman nito.
Napabuntong-hininga si Calvin.
"Senri." tawag nito na siyang ikinakunot ng noo ko.
"I know."
Out of nowhere, bumagsak sa lupa ang paa ng isang lalaki at ang likod nito ang kaharap ko hanggang sa lumingon ito sa gawi namin.
'Sht! Si Senri Daeyl Kuruzaki ng Blackhand. What the hell is he doing here?'
Tulalang tanong ko sa isip ko at nagsimulang humakbang ang paa ni Senri palapit kay Luther at iniharang ang katawan nito sa gitna nina Luther at Althea.
Magkasing-tangkad lang si Luther at Senri pero iba ang awra ni Luther kaysa kay Senri. Luther has an aura of a madman while Senri has a gentle aura inside of him but I can feel he's a dangerous man too.
Senri leans a bit when he faced Althea without hesitation while Althea's gun is still on him.
"Wanted to know who we are Miss Balir?" panimula ni Senri.
Senri flashed a smile on his face and I was in awe like when an angel get down from heaven because of his smile.
"We are the Bloodfist."
Kumunot ang noo ko nang biglang mamutla si Althea nang bumulong si Senri sa tenga nito. Hindi ko kasi narinig kung ano ang sinabi ni Senri kaya lumingon ako kay Calvin.
"Anong ibinulong niya kay Althea?" usisa ko.
"Gusto mo bulongan din kita?"
Nanlaki ang mga mata ko nang lumapat ang labi ni Calvin sa tenga ko at sinabi ang mga kataga na yon na tila nang-aakit.
Umakyat lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa mukha ko.
A smirk carved at Calvin's lips when he saw how flustered I am because of that little gesture.
"I can whisper in your ear whenever you want, every hour, every minute or even a second. Just call my name Alarie, hmmn?" dugtong pa ni Calvin.
Kinilabutan ako lalo.
"Kadiri ka De Chavez." bulalas ni Thunder sa tabi namin na lalong ikinangisi ni Calvin.
"Huwag kang mainggit Thud, lalambingin kita mamaya pero mas priority ko si Miss Perfect so bear with it."
"Ulul!"
Napalingon kaming tatlo nang biglang magsalita si Althea at napasinghap ako ng itaas nito ang hawak na baril sa noo ni Senri.
"I don't care who you are! You will pay for this!"
Senri didn't falter. "You are the one who will pay Miss Balir together with your syndicate. So tell me, how should we punish you?"
"They will not let you get away from it!"
"Aww. You're not scared aren't you? Even though I told you who we are yet you're still stood in your ground. Should I applaud Fallen about it for being brave?" pang-aasar pa ni Senri.
I thought Senri is a cold hearted man and didn't utter a single word even in their songs or when they perform. But he is different from what I know.
"Quit meddling my business or I'll kill you together with that bitch!" sagot ni Althea.
Nagulat na lang kami nang hawiin ni Senri ang baril ni Althea mula sa noo ng lalaki at sa isang iglap nasa kamay na ito ni Luther at wala nang bala.
Namutla lalo si Althea nang mawala sa kamay nito ang sandata. Sa galit nito ay biglang umigkas ang kamao ni Althea papunta sa mukha ni Senri pero agad itong napigilan ng lalaki.
Sa isang iglap, bumagsak sa sahig ang katawan ni Althea habang hawak ni Senri ang braso nito at inipit gamit ang tuhod to pinned Althea down.
Hanggang sa maramdaman kong kumilos si Calvin at naglakad ito paalis sa lugar na 'yon.
"H... hindi mo ba sila hihintayin?" baling ko kay Calvin nang unti-unti kaming makalayo sa pinagtaguan sa akin ni Althea.
Napunta kami sa labas ng bahay at nakaparada doon ang ilang sasakyan na sa tingin ko ay pagmamay-ari nila Althea.
Ibinaba ako ni Calvin sa isa sa mga hood ng sasakyan na nakaparada dito sa labas ng bahay na siyang ipinagtaka ko.
"I can't open my car since my keys are inside my pocket."
"O tapos?" takang tanong ko dito.
"Nothing. Stay here." aniya bago kinuha ang susi sa kanyang bulsa. Nakarinig pa ako ng tunog mula sa kinauupuan kong sasakyan at sa tingin ko sign yon na ni-unlock niya ang sasakyan.
Muli akong binuhat ni Calvin nang mabuksan nito ang pinto sa tabi ng driver seat at maingat ako nitong ipinasok sa loob ng sasakyan. Si Calvin na rin mismo ang nagsuot ng seatbelt sa akin.
Matapos gawin yun ng lalaki ay napatingin ako dito nang nanatiling nakatitig si Calvin sa akin.
"What?" tanong ko.
Nagulat ako nang hawakan ni Calvin ang mukha ko at marahan nitong sinipat ang kabuuan ng mukha ko hanggang sa tumigil ang mga mata nito sa labi ko.
"You suffered a lot... and you became skinny because of that woman." ani ni Calvin habang hinahawi ang labi ko gamit ang hinlalaki nito.
Nakaawang lang bibig ko dahil sa ginagawa ni Calvin. I didn't utter a word because I feel an electromagnetic shock runs from my veins.
"I'm sorry if I didn't save you right away.." mahinang sambit ni Calvin na tila nagsisisi sa naranasan ko ngayon.
"You don't have to say sorry. I can manage myself even Althea starved me to death." wala sa sariling sagot ko.
Calvin heaves a sigh. "Please don't say that. Kung sakaling huli na ang lahat at nadatnan kong isa ka na lang bangkay, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kay Althea. I told you that I like you right? And I will do anything to save you or get you away from those people who wanted to harm you. You are precious to me Alarie."
Nanlambot bigla ang mga tuhod ko sa sinabi ni Calvin. Kung hindi lang ako nakaupo baka kanina pa ako naglupasay sa sahig.
"Can I kiss you? I really missed you so damn much."
Wala sa sariling tumango ako kay Calvin kaya naman dahan-dahan itong lumapit sa akin hanggang sa magtagpo ang labi naming dalawa.
I hear a loud explosion inside my head when Calvin's lips met mine.
I think I like him too.
LAGLAG ang pangang nagmamasid lang ako sa paligid nang maglakad sa harapan ko ang mga lalaking abala sa sarili nilang mundo. I saw Sinji and Saviel doing a spar practice while Kastiel is having a conversation with a man named Fourth.
It's been a week since that incident with Althea happened and its been a week that I witness a disastrous environment when Calvin brought me inside their territory named HuPoFEL.
I was surprise when I saw Kastiel and she explained to me how she works. I thought she's a secret agent but she's beyond that and I can say that she's telling the truth when I witness everything in one week while I am staying with them.
Yes, them. Because 99 percent of HuPoFEL's population are all men and they are all good looking. Even Senri and Luther, I met them twice. I also met Gun, Fourth, Thud (or Thunder Clyborne), Cassius, Trev, Cold, Rent, Dezrail and Ernaline together with their daughter named Railene.
"Kamusta ka girl?" nagising ang diwa ko nang umupo si Saviel sa tabi ko hawak ang isang bote ng tubig at naliligo ito sa sariling pawis.
"Ayos lang naman." sagot ko.
"Masanay ka na since Calvin brought you here and you are still recovering from your wound and Kastiel talked with your Mom and assure her that you are alright. Gun's treatment is beyond from what you saw unlike the outside world. Mas high-tech ang gamit namin dito kaysa sa labas." ani ni Saviel.
After that incident, Calvin decided to bring me here and let me heal from what I've suffered. Balita ko dinala nila si Althea sa Iceland and I don't want to know what happened since Sinji told me that their property at Iceland are full of thugs and hyena's. I don't like hyena either but Sinji told me that those animals are Luther's pet.
Sa tuwing naiisip ko kung paano makisalamuha si Luther sa mga hyena niya, kinikilabutan na ako.
"Tanong ko lang, requirements ba dito ang pagiging pogi at englishero? Pansin ko kasi walang tapon ang mga lalaki dito." usisa ko.
Tumawa si Sav. "Luther's taste is weird and I think you're right. Ganyan din ako noong unang tapak ko dito sa teritoryo nila like I am asking myself too if required ba ang pagiging magandang lalaki nilang lahat though they are all men with a three women who fulfill the one percent of their population. Even Sinji asked that question too so hindi ka nag-iisa. Si Kastiel lang talaga ang hindi interesado since she has Reiden too. You will meet him one of these days."
"Kung hindi ko siguro nakilala si Calvin at isa sa kanila ang nakatagpo ko, baka mag-asawa ako bigla--" naputol ang sasabihin ko nang makita ang bulto ni Calvin sa harapan naming dalawa ni Sav. Nakapamulsa ito habang nakatitig sa akin.
"What did you say Miss Perfect?" aniya.
Tumaas ang kilay ko habang nakatingala dito. "Ano na namang problema mo?"
"I heard it."
"O tapos? Ano ngayon kung narinig mo?"
"I don't like it." aniya.
Napairap ako sa kawalan dahil nag aasta siyang parang bata.
"Jelly jelly ang Calbee namin." pang-aasar naman ni Saviel pero hindi ito tinaponan ng tingin ni Calvin. Nakatutok lang ang mata nito sa akin.
"Ano na naman bang problema mo?" usisa ko dito at hindi nagpatinag sa nakakatunaw nitong tingin.
"I brought you here to heal your wounds not the other way around. Don't harvest anything your eyes laid on. Look at me, only me. You got that?"
"Ang panget mo kaya." sagot ko.
Humagalpak ng tawa si Saviel sa tabi ko dahilan para maagaw namin ang atensyon ng iba pero hindi sila sumali sa usapan naming tatlo.
"Mas pogi pa si Thunder kesa sayo." inosenteng dugtong ko pa.
Calvin look dumbfounded because of what I said.
"Teka, nakarinig yata ako ng salitang pogi ako. Narinig niyo din ba?" rinig kong tanong ni Thunder.
"You're imagining things Clyborne." sagot naman ni Rent na nakatitig lang sa hawak nitong tablet.
Nasa training grounds kasi kami ngayon kaya karamihan sa myembro nang HuPoFEL ay natipon dito.
"Delulu ka na naman bro," sagot naman ni Cold.
"What did you say?" tanong ni Calvin nang makabawi ito. Naniningkit ang mga matang tumingin ito sa akin.
"Sabi ko ang panget mo kaya umalis ka dyan sa harapan ko. Namimili pa ako kung sinong pwede kong asawahin sa mga kaibigan mo." pagtataboy ko kay Calvin.
"Ay wala pre. Walang panama ang pagiging De Chavez mo." panggagatong ni Cold.
"Sus, wala kang mapapala dyan kay Calvin Miss Celyn. Akin ka na lang." sabat naman ni Andrew at nagtawanan pa silang tatlo nina Thunder dahilan para lalong mainis si Calvin.
"Ah ganun?"
Napatili ako ng sobrang lakas nang bumaliktad ang paningin ko at tanging ang likuran ni Calvin ang nakikita ko. Sa isang iglap nasa balikat na ako ni Calvin.
"Calvin ibaba mo ako!" utos ko dito dahil naliliyo ako nang biglang napunta ang lahat ng dugo ko sa ulo ko.
"No. I will show you the real handsome men you wanted to see for the rest of your life."
Nakarinig ako ng malakas na hiyawan sa pangunguna ni Saviel at Sinji.
"Shet. May kapalit na yata ang Sa'Luth love team."
"Baka Calvin yern?"
"Nice one pare."
"Tama yan pare. Ipakita mo sa kanya ang tunay na De Chavez."
Humagalpak ng tawanan ang mga tao sa HuPoFEL hanggang sa makalabas kami ng training grounds habang nagpupumiglas ako mula sa pagkakabuhat ni Calvin.
"Ano ba Calvin, ibaba mo sabi ako!" utos ko dito pero tila walang narinig ang binata.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Calvin dahil dumaan siya sa pasikot-sikot na pasilyo at nakasalubong pa namin si Senri, Luther at Gun.
"The hell are you doing dude?" matatawang tanong ni Gun.
"Help me please." sabi ko pero ang gagu tumawa lang.
"Sorry Miss Bautista but I can't do that. Looks like you triggered the high and mighty Calvin De Chavez." sagot ni Gun.
"Pagbabayaran niyo ito!" matapang na sagot ko pero tanging tawa lang ang nakuha ko kay Gun.
"Goodluck with it Miss Bautista." tugon pa ni Senri nang maglakad silang tatlo papunta sa direksyon ng training ground.
Hanggang sa nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at pagsara nito at napaigik ako ng ibagsak ako ni Calvin sa kama.
"Ano bang problema mo?" naiinis na tanong ko dito.
Bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Calvin.
"You will stay here and you are not allowed to go outside until I said so." aniya.
"Bakit? Tatay ba kita?"
"No. But I can be beyond that if I want to. I can make you moan while calling my name and use your mouth in a good way."
Nakaramdam ako ng kaba nang sumampa si Calvin sa kama at gumapang palapit sa akin kaya naman napaatras ako hanggang sa lumapat ang likuran ko sa dulo ng kanyang kama.
"Tigilan mo ako Calvin. Hindi ako nakikipaglaro sayo."
"Who said I was playing around? I only play fire using my own lips and if its with you I don't mind to get burn into ashes." Calvin's eyes landed on my lips.
Napalunok ako.
Hinila ko ang unan na nasa tabi ko at inilagay sa pagitan naming dalawa pero agad yong nawala sa isang iglap. Napatili ako nang hilahin ni Calvin ang paa ko at tuluyan akong napahiga sa kama habang nasa magkabilang gilid ko ang braso nito.
Trapping me and pinned me in his bed.
"Wanna play with me on fire?" aniya na tila paos.
"Tigilan mo ako De Chavez." pagbabanta ko dito pero hindi natinag ang lalaki.
"Playing hard to get? I am also hard as rock."
Nanlaki ang mata ko nang bumaba ang mga mata nito sa gitna ng kanyang pantalon kung saan naroon amg umbok na tumatama sa hita ko.
Namula ang mukha ko dahilan para humagalpak ng tawa si Calvin. Humiga ito sa tabi ko hawak ang sariling tyan habang tumatawa samantalang ako ay tulala lang.
Naramdaman ko na lang na hinila ako ni Calvin gamit ang isang braso niya at niyakap.
"I won't do anything unless you told me. Sleep now and take a rest Alarie."
Lumapat ang labi ni Calvin sa noo ko kaya napatingin ako dito at ganun din siya pero ngumiti lang ang lalaki.
Napapadalas ang pag ngiti ni Calvin sa akin dahilan para lalong matunaw ang yelo na bumabalot sa puso ko. I didn't want to get involve with him pero sa araw-araw na nakikita at nakakasama ko ang isang Calvin De Chavez, unti-unti ko siyang nakikilala.
Hindi ko namalayan na lumapat ang labi ni Calvin sa labi ko hanggang sa pumaibabaw ito sa akin at napahawak ang mga kamay ko sa batok nito to deepen our kiss. Until his kisses down to my jaw, to my cheek, my eyes and my jawline.
Napaungol ako ng hindi sinasadya kaya napatingin si Calvin sa akin. I saw a fire in his eyes and I don't want them to fade away.
"Don't make that sound, it's hard for me to keep myself in check not to touch you beyond kissing." ani ni Calvin na tila lasing sa kaganapan naming dalawa.
I don't mind if we cross the line. We are old enough but I don't know if Calvin would take all the responsibility.
Umalis si Calvin sa ibabaw ko at muli akong niyakap nito at hinalikan sa noo.
"Sleep." utos nito.
Dala ng pagod ay tuluyan akong ginupo ng antok habang yakap-yakap ni Calvin. I feel safe when he's around and I don't want to wake up if I won't see his face as I open my eyes.
"Sleep tight. I am here."
Huling kataga na narinig ko mula sa bibig ni Calvin hanggang sa makatulog ako sa bisig niya.