Chapter 16: Althea Balir

PERI'S POV:

--

NAKAYUKO lamang ako sa gilid habang pinapakinggan ang paglilitanya ng motherlily ni Celyn na si Tita Lynzi. It's been three days since Celyn got injured and she's not waking up after she admitted at General Hospital kung saan ko siya dinala.

"Magf-file ako ng case against that brat Monique! How dare she did this to my daughter?!" pagtatalak ni Tita Lynzi.

Halos mapaigtad kaming dalawa ni Sherry sa lakas ng boses ni Tita Lynzi, kahit ang nurse at doctor ay hindi nila magawang awatin ang nag aalburutong si Lynzi Bautista.

"T... tita kasama po 'yon sa scene na sinu-shoot nina Celyn. Hindi po kayo pwede basta-bastang magfile ng kaso-"

"No! Scripted or not, she did it on purpose. You know how to work my daughter and she did everything she got. Bakit sila tumanggap ng bayolenteng artista tulad ng Monique na 'yan?"

Putol ni Tita Lynzi sa sinasabi ko. Sa ganitong sitwasyon mahirap paliwanagan si Tita Lynzi lalo na't involve ang kanyang anak. Pansamantala din hininto muna ang shoot dahil nga sa nangyari kay Celyn at hindi rin macontact si Boss Calvin dahil nasa labas ito ng bansa.

"Huwag ka na kasing magsalita! Kita mo nang galit na galit ang reyna dahil nakaratay sa ospital bed ang kanyang prinsesa." saway sa akin ni Sherry at pinandilatan pa ako ng mata.

Inirapan ko na lang si Sherry at sumandal sa pader ng kwarto kung saan naroon si Celyn.

Ayun sa findings ng doctor, nagkaroon ng isang baling buto si Celyn sa may ibabang parte ng kanyang ribs malapit sa tyan dahil sa lakas ng hampas ni Monique ng baseball bat. Hindi ko akalain na nakakabali na pala ng buto nang tao ang plastic na baseball bat.

Kaya naman galit na galit si Tita Lynzi nang malaman nito ang nangyari sa anak.

"Mrs. Bautista please calm down. Itinawag na po namin sa management ang nangyari kay Miss Bautista and makakaasa po kayo na sasagutin namin lahat pati ang hospital bills niya." pigil naman ni Direk Drake kay Tita Lynzi na kahit ito ay hindi pinalagpas ng Ginang.

"Isa ka pa! Direktor ka ba talaga o ano? Bakit hindi mo nidouble check ang mga props na gagamitin niyo? My god! Ilang taon na showbiz ang anak ko, ngayon lang nangyari sa kanya ito!" pagbubunga ni Tita Lynzi.

Napapangiwi at napapairap na lang ako sa gilid habang si Sherry ay pinapalo ako sa braso para awatin sa pag make face ko pero hindi ko siya pinansin.

"P... pasensya na po talaga Mrs. Bautista--"

"Anong pasensya? Kapag hindi nagising ang anak ko bukas, magbalot-balot na kayo!"

Napapikit na lang kaming tatlo nina Direk Drake at Sherry ng pabagsak na isinara ni Tita Lynzi ang pinto ng kwarto kung saan kami naroon.

Alam ko kung saan pupunta si Tita Lynzi, malamang pupuntahan niya ang mga amiga nitong maraming connection para mapatalsik kaming lahat.

Napabuga ako ng hangin at marahang naupo sa sahig. "Ano nang gagawin natin?" usisa ko sa dalawang kasama ko.

"Kailangang paimbestigahan ang nangyari sa set kaso hindi na mahagilap si Monique." malungkot na wika ni Direk Drake.

Bakas sa mukha nito ang pagod at pag-aalala dahil sa sinabi ni Tita Lynzi. Nakasalalay ang propesyon naming lahat dito kapag hindi pa rin nagigising si Celyn.

"Ang bruha na 'yon, sinadya niyang totohanin ang pagpipisikal kay Celyn porket nasasapawan siya." naiiritang wika ko.

"Hindi lang si Maam Lynzi ang makakaharap natin kundi pati si Boss Calvin. Paano natin ipapaliwanag ang nangyari? Sabi sa akin ni Miss Lea ipapatigil daw ang pag shoot ng movie once na hindi pa rin magising si Celyn." sabat naman ni Sherry.

Sabay-sabay kaming napatingin sa kama ni Celyn na payapang natutulog. Hindi na namin alam ang gagawin kaya naman tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at lumapit sa kinahihigaan ni Celyn.

"Girl bakit hindi ka pa rin nagigising? Nasa langit ka na ba?" panimula ko. Naramdaman kong sinipa ni Sherry ang paa ko pero hindi ko ito pinansin. "Parang awa mo na Celyn, gumising ka na. Kung nagliliwaliw ka man ngayon sa langit o sa impyerno, please lang bumalik ka dito sa mundong ibabaw. Hindi namin alam ang gagawin sa Mommy mo, baka pag gising mo wala na kaming trabaho."

"Yang bibig mo Peri!" saway sa akin ni Sherry.

"Pake mo ba? Kahit tulog naman tu si Celyn naririnig niya pa rin naman tayo, except sa paglilitanya ng Mommy niya. Kung ako 'yon baka bumangon na ako sa unang kataga pa lang na lalabas sa bibig ni Tita Lynzi."

"O bakit di kayo magpalit ni Celyn ng sitwasyon?" ani ni Sherry.

"Gaga! Ayokong maospital. Poging doctor at nurse lang pwedeng mag-alaga sa akin. Kung maadmit lang ako mas gusto ko sa L. A Hospital!" sagot ko naman dito with matching pilantik ng kamay sa ere.

"Gusto mo diba? Palit na lang kayo ni Celyn, babalian din kita! Choosy ka pa ng mag-aalaga sayo, eh dugyot ka naman!"

Napatili ako ng biglang isubsob ni Sherry ang mukha ko palapit sa katawan ni Celyn. "Ano ba!? Baklang tu, ikaw kaya balian ko?"

Lumayo ako ng konti sa ospital bed ni Celyn at baka kung ano pa ang mahawakan ko dahil sa kaartehan ni Sherry bago inayos ang nagusot kong damit.

"Umayos nga kayong dalawa. Samahan niyo na lang ako papuntang CDC." sabat ni Direk Drake kaya naman napatingin ako dito.

"Ano naman ang gagawin natin doon?" taas ang kilay na tanong ko dito.

"Ipapareview ko 'yong CCTV. Diba may CCTV sa bawat sulok ng L. A University?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Direk Drake.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat nito at inalog. "Bakit ngayon mo lang sinabi!? Arat na us bago pa mawala ang footage!" sabi ko kay Direk.

"Bitawan mo ako Peri!" pinalo ni Direk ang kamay ko na siyang ikinanguso ko.

Minsan na nga lang makahawak sa muscles niya, pinagkait niya pa!

"Ang arte mo naman Direk, halikan kita dyan eh."

"May asawa ako." mabilis na sagot naman ng lalaki.

"Aww. Willing akong maging kabit mo. Sa kanya ka sa umaga pero akin ka sa gabi." wika ko kay Direk Drake habang pinalalandas ang hintuturo ko sa kanyang dibdib pababa sa kanyang tyan with kagat labi.

"Kadiri ka Peri!" nandidiring reaksyon naman ni Sherry kaya binalingan ko ito.

"Kesa naman sayo, matandang dalaga at virgin. Kaya walang nagkakagusto sayo kasi masyado kang manang." pang-aasar ko dito.

"Excuse me? May nagkakagusto sa akin no, wala lang nangliligaw."

"Ay wow! Saang banda bi?" pang-aamok ko pa dito.

Nahinto lang ang asaran namin ni Sherry nang magsalita si Direk.

"Tama na yan. Tara na at pupunta na tayo sa university."

Parehong kamay namin ang hinatak ni Direk Drake palabas ng kwarto ni Celyn. Hindi na kami nakapagpaalam dahil masyadong atat si Direk.

Nabangga ko pa ang isang nurse na may dalang tray at buti na lang wala 'yong laman na gamot. Agad akong nag-sorry sa nurse at nagmamadaling sumunod kela Sherry.

CELYN'S POV:

--

NANANAKIT na ulo ang bumungad sa akin nang maalimpungatan ako. Napaigik ako sa sakit ng maigalaw ko ang bandang tyan ko kaya napatingin ako dito at ganun na lamang ang pagtataka ko nang nakitang may puting kumot ang nakabalot sa akin at nakasuot ako ng pink na hospital gown na para sa mga pasyente. Balot din ng benda ang tyan ko at ang pakonti-konting kirot na nararamdaman ko sa loob ng kalamnan kom

Dahan-dahan akong humiga ulit at ipinikit ng madiin ang mga mata ko para alalahanin ang mga nanagyari kaso sa kasamaang palad, wala akong maalala. Nauuhaw na rin ako at nagugutom.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pero pag gising ko wala akong nadatnang tao. Kaya naman nagpasya akong bumangon na lang sa kama para uminom ng tubig at kumain na rin.

May nakita akong paper bag sa gilid ng hospital bed ko kaya naman kinuha ko ito at binuksan, sakto merong bottled water kaya naman agad ko 'yong binuksan at uminom. Nakakita din ako ng biscuit kasi baka bawal sa akin ang kumain kaya titiisin ko na lang muna.

Nagpalinga-linga ako sa paligid ng kwarto kung saan ako naroon. Puro puti ang nakikita ko at sa tingin ko dinala ako ni Peri sa ospital.

Akmang babalik na ako sa kama nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang isang nurse at pumasok itong nakayuko.

Hindi ko maaninag masyado ang mukha niya dahil nakayuko ito at natatakpan ng buhok nitong nakalugay na abot hanggang balikat kaya naman dahan-dahan akong bumalik sa kama ko at baka bungangaan ako ng nurse na ito.

"Nurse pwede po bang pakitawag si Doc." sabi ko sa nurse pero ang babae ay nanatili lang itong nakayuko malapit sa dextrose stand sa tabi ng kama ko.

"Nurse?" tanong ko ulit pero nang umangat ang mukha ng nurse ay natulala ako.

"Kamusta Celyn?" bungad ni Althea.

Althea Scythe Balir, kilalang mabait at matulunging artista.

"A.. anong ginagawa mo dito? Bakit nakasuot ka ng uniporme ng nurse?" naguguluhang tanong ko kay Althea.

Hindi kami close ng babaeng ito kaya ano ang ginagawa niya dito sa kwarto ko?

Biglang nanlamig ang kalamnan ko nang maglabas si Althea ng baril at itinutok 'yon sa akin.

"Subukan mong sumigaw, pasasabugin ko ang bungo mo." aniya.

"Gasgas na 'yan Althea. Wala bang mas astig pa dyan? Prank ba tu o ano?" kahit kinakabahan ay nagawa ko pang pilosopohin si Althea.

"Ha! Bobo ka ba? Hindi tu prank." aniya na siyang ikinatikom ng bibig ko.

"The reason why you are here being injured is because of me. Monique is a good toy but she's not worth to keep." dugtong pa ni Althea at tyaka humakbang palapit sa kama ko at tumama ang dulo ng malamig na bakal sa noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?" matapang na tanong ko.

"Before everyone knows, I let her shut her mouth. I killed her." walang atubiling sagot nito.

"Ano bang kailangan mo sa akin?" tinignan ko si Althea sa mga mata niya para ipakita na hindi ako natatakot dito kahit ang totoo pinagpapawisan na ako ng malamig.

"Na saan si Isla?"

Kumunot ang noo ko.

"Bakit kilala mo si Isla?"

Napapikit ako nang ikasa ni Althea ang hawak nitong baril at muling itinutok sa ulo ko. Maling galaw lang ng gatilyo, sabog ang buong katawanf lupa ko.

"Huwag mo akong sagutin ng tanong Celyn Alarie. Anong kinalaman mo kay Isla at na saan siya? Mula nang magkita kayo sa park ay pinapasundan na kita hanggang sa pagdalaw mo sa bata. Isang araw nawala na lang bigla si Isla sa ospital na pinagdalahan namin sa kanya at ang huling pumunta ay ikaw. Na saan si Isla?"

Muling kong tinignan si Althea sa mga mata nito at wala akong makitang kahit ano kundi blangkong emosyon.

Napabuntong hininga ako at umiwas ng tingin kay Althea. "Wala akong kinalaman sa sinasabi mo. Dumalaw lang ako kay Isla dahil 'yon ang kagustuhan ng bata. Hindi naman ako makatanggi." paliwanag ko rito.

"Paano mo ipapaliwanag ito?" may tinapon na maliit na envelope sa kama ko si Althea na siyang ipinagtaka ko kaya naman tumingin ako dito para tanungin kung ano 'yon kaso sinesyasan lang ako nito na buksan ko ang envelope.

Ganun na lamang ang pamumutla ko nang tumambad ang mga litrato kung saan nasa loob ako ng ICU kasama si Doc Gun at Nurse Joy. Wala sa frame ng pictures si Calvin at tanging kaming tatlo lang nina Doc Gun ang na roon.

Umiiyak at nagmamakaawa kay Doc Gun na gawin ang lahat para gamutin si Isla.

"Tinanong ko ang nurse kung na saan ang doctor na kaharap mo dahil sigurado ako na siya ang kumuha kay Isla pero kahit isa ay walang nakakakilala sa kanya." nanlilisik ang mga mata ni Althea habang nakatingin sa akin at sa picture na hawak ko.

Paanong hindi kilala si Gun kung ito mismo ang resident doctor ng L. A Hospital? Ayun sa pagkakasabi ni Calvin ay head doctor din si Gun.

"W.... wala akong alam sa sinasabi mo. Hindi ko kilala ang doktor na yan. Nagmakaawa lang ako na gamutin si Isla." naiiyak na sagot ko.

Inagaw ni Althea ang picture mula sa kamay ko nang hindi inaalis ang baril sa noo ko.

"Isla is the only heir of De Guzman Enterprises and her father hired me as her gunman but you ruined everything. Bakit hindi na lang ikaw ang ipalit ko kay Isla since isa ka ring peste sa buhay ko?" aniya. "Ginawa ko ang lahat para mapasama sa big project ng CDC at pangarap kong makuha ang main role kaso umeksena ka. Ito pa ang malala, inagaw mo ang atensyon ni Carlson na dapat ay sa akin."

Nakita kong may tumulong luha mula sa mga mata ni Althea.

"Hindi ko intensyon na agawin sayo ang mga bagay na pinapangarap mo dahil pareho lang naman tayong nagtatrabaho!" sigaw ko kay Althea.

Naitaas ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko nang biglang itaas ni Althea ang hawak nitong baril na akmang ihahampas sa akin pero tumigil 'yon sa ere.

"Bakit hindi na lang kita isama sa hukay ko para naman may pakinabang ka!"

Hindi na ako nakapalag nang hatawin ni Althea ang gilid ng sintido ko na naging dahilan para mawalan ako ng malay.

KASTIEL'S POV:

--

BUSANGOT ang mukha ko habang inaalis ang gloves sa kamay ko. Talo na naman kasi ako ni Gun nang ayain ko itong mag-sparring.

Kasalukuyan kaming nasa Iceland na siyang main hide out ng HuPoFEL. Wala na kahit na sino sa Pilipinas ang nakakaalam kung paano kami makakausap ng mga mahal namin sa buhay except kay Rent.

Lahat ng phone numbers namin ay nakanonekta kay Rent kaya kung sino man ang tatawag, si Rent mismo ang unang makaka-recieve nito bago kami.

Magandang hiding spot ang Iceland at ang napiling lugar ni Boss Luther. Kapag na broken nga ako gusto kong manatili dito.

"Why you're face look crumpled?" nagtatakang tanong sa akin ni Rent na kapapasok lang ng training grounds bitbit ang kanyang pinakamamahal na tablet at isang tasa ng kape.

"Paki mo ba? Pahingi nga ako ng kape?" inagaw ko mula sa mga kamay ni Rent ang hawak nitong kape at walang atubiling uminom doon.

Napapailing na umupo si Rent sa bakanteng couch na malapit sa boxing ring at umupo doon.

Matapos kong uminom ay inilapag ko sa tabi ni Rent ang tasa.

"Bakit walang asukal ang kape mo?" kunot-noong tanong ko dito dahilan para mapatingala si Rent sa akin. Nakatayo kasi ako sa harapan niya kung saan siya nakaupo.

"You're just drinking my coffee and then you're going to complain?"

"Mas masarap daw kasi ang may kahati sa kape." sabi ko kahit hindi naman totoo.

Tumaas ang kilay ni Rent bago inilapag ang tablet na hawak nito sa tabi niya at humalukipkip ito habang nakatingala sa akin.

"It doesn't feel good to share things that can be made the same. So many are hurt because of the wrong system of having envy and laziness. It's just like in love, if you can't find someone to love... you'll just share with the people you see happy with each other and you'll destroy it because you're jealous and you want to have someone too."

Napangiwi ako. "Bakit napunta sa love ang kape?"

"It's just the same." kibit-balikat na sagot ni Rent at saka binalingan ang tablet nito.

"Ewan ko sa'yo! Love love ka pang nalalaman, taong bato ka naman."

Inismiran ko si Rent at iniwan ito doon. Lumabas ako ng training ground at tinahak ang pasilyo patungong canteen. Kompleto ang pasilidad ng HuPoFEL. Kung anong meron dito sa Iceland ay meron din sa Pilipinas except sa dungeon na nasa ilalim nitong hideout at hindi ko papangaraping mapunta doon dahil balita ko doon tinatambak ni Boss ang mga taong may atraso sa kanya at inihahain sa hyena na alaga nito.

Pagdating ko sa canteen, ang magulong lugar ang bumungad sa akin. Ang malakas na boses ni Thud ang umalingawngaw sa buong paligid.

"Ace! Talo ka Saviel. Akin na ang pusta!" sigaw ni Thud.

Kunot-noong lumapit ako sa grupo nila at nadatnan kong naglalaro sila ng baraha.

"Wala ka pala Sav eh, talo ka ni Thud pagdating sa baraha." banat ni Cold habang nakaakbay ang kamay nito kay Thud na tuwang-tuwa sa hawak na pera.

"Sus. Tyamba lang 'yon kasi binubulungan mo." masungit na sagot naman ni Sav, dahilan para matawa ang mga lalaki.

Kung gaano karami ang lalaking myembro ng HuPoFEL, mas triple ang myembro dito sa Iceland at iba't-ibang lahi pa.

"Hi baby Kasti." napalingon ako sa bukana ng pinto nang marinig ang boses ni Sinji.

She's wearing a leather jacket, croptop, leather jeans and her boots. Nasa likuran nito si Senri na kumaway lang sa akin.

"Saan ka galing?" usisa ko dito.

"Nag-race lang naman kami ni Calvi." sagot nito.

"Hoy! Bakit hindi mo ako sinama!?"

Napapikit ako ng dinamba ako ng yakap ni Saviel mula sa likod at sumigaw malapit sa tenga ko. Hinawi ko ang mukha ni Sav at napapangiwing inirapan ito.

"Busy ka kaya sa pakikipagpustahan kay Thud." maarteng sagot naman ni Sinji.

Habang tumatagal lalong umaarte si Sinji, though di ko naman siya masisisi dahil spoiled siya sa kapatid niyang isa ring bato.

Makalipas ang ilang minuto, pumasok ang bulto ni Calvin na nakasuot ng tulad ng kay Sinji except sa croptop at fit na leather pants. Kasunod nito si Rent, Gun at Boss Luther na may pinag-uusapan.

"Akala ko ba nasa France ang Kuya mo?" napalingon ako kay Sav nang tanungin nito si Sinji.

"You know how he manage his own activities in his daily life. Kahit nga ang lambingin ka naisisingit pa sa schedule niya."

Umasim ang mukha ni Sav sa sinabi ni Sinji. "Baka ako 'yong naglalambing sa kanya no? Bato 'yang kapatid mo, ang sarap niyang ihagis sa bermuda triangle-"

"I heard that Hyuga."

Napaigtad kaming dalawa ni Sav nang biglang magsalita si Boss Luther sa likuran namin. Seryosong nakatingin lang si Boss Luther kay Sav habang ang babae naman ay tinaasan lang ito ng kilay at hinila ako para akbayan.

"Sinadya kong iparinig sayo para mabawasan ang kamanhidan mo ano?"

"And?" tipid na tanong ni Boss bago isinuksok sa bulsa sa suot na pants ang sariling kamay nito.

"The end."

"Pfft."

Sabay kaming napatakip ng bibig ni Sinji sa pagpipigil ng tawa. Mukhang bata si Sav nang sabihin nito ang katagang the end. Feeling ko end of the world na para sa kanya.

I saw Luther how he heave his sigh before he passed us by at tumungo sa pantry ng mga pagkain. May mga panahon na pinapatulan niya ang kakulitan ni Sav, may panahon din na hindi at minsan sila lang din ang nakakaintindihan.

"Anyway Calvin, may balita ka ba sa taping na nagaganap sa Pinas?" usisa ni Sav nang makaalis si Boss Luther habang si Gun, Rent, Thud at ang iba pang myembro ay may saril ng mundo.

"I let Drake handle it." tipid na sagot naman ni Calvin bago sumunod kay Boss Luther sa pantry.

"Ano bang trip mo at ginawa mong main role si Calvin?" usisa ko kay Sav nang hilahin ako nito paupo sa table na inuukopa nila kanina.

Si Sinji at Senri naman ay abala na rin sa sarili nilang mundo kaya si Saviel na lang ang kinausap ko.

"Experimenting. May plano kasi akong magpublish ulit ng book eh. Meron na nga akong isa, yung ikaw ang bida tapos si Reiden Grei."

Tumaas ang kaliwang kilay ko. "What do you mean by that?"

"On process na ng editor ko yong kwento na ikaw ang bida. Misery Business title nun para aware ka."

Nasapo ko ang sarili kong noo.

Why does she put my name as a fictional character and worst kay Reiden pa ako ipapareha? Oh god I can't accept it!

"Sa lahat ng ipapareha mo si Montenegro pa talaga? Hindi ba pwedeng si Thud na lang or si Rent since fiction lang naman?"

"Excuse me? Hindi bagay sayo na gawing ka love team si Rent or Thud. Si Reiden Grei ang bagay sayo."

"Ewan ko sayo!"

Inirapan ko na lang si Saviel nang biglang makarinig kami ng pagkabasag ng baso. Lahat ng atensyon namin ay napunta kay Calvin nang mabitawan ang hawak nitong tray habang nasa harap nito si Rent na seryosong nakatingin dito at hawak-hawak ang tablet nito na tila may nakaflash sa screen.

"Hoy, anong nangyayari?" usisa ni Saviel at tumayo mula sa kinauupuan nito at pinuntahan si Calvin kaya naman sumunod ako dito maging si Sinji ay sumunod din sa amin at hindi na pinansin pa si Senri.

'Breaking News... Hindi malaman ng awtoridad kung na saan ngayon ang actress na nagngangalang Celyn Alarie Bautista ng bigla itong mawala sa ospital na pinagdalahan sa kanya. Ayon sa management na may hawak kay Miss Celyn ay iniwan nila ito sa kwarto kung saan ito na confine ngunit pagbalik nila ay wala ng tao. Ang Ina nito na si Mrs. Bautista ay hinimatay nang malamang nawawala ang kanyang anak.'

Napasinghap ako ng makita ang isang footage kung saan naroon si Tita Lynzi na pinapaypayan ni Peri at ang mga pulis na nasa loob ng ospital.

"Anong nangyayari?" usisa ko.

Tumingin ako kay Rent at nagtatanong kung anong nangyayari. Bakit may balitang ganun?

"It looks like Miss Bautista gone missing. Calvin's crew is keep on calling at my system. I think there is something he needs to do since Miss Bautista is his responsibility."

Nakita kong lumapit si Boss Luther dala ang fries at walang atubiling kumain sa harap namin.

"That hospital has no CCTV since its a public hospital. If Miss Bautista brought at L. A Hospital we can trace immediately who abducted her--"

Naputol ang sinasabi ni Boss nang biglang lumapat ang daliri ni Sav sa gilid ng labi ni Boss.

"Ang dugyot mong kumain no?" sambit ni Sav nang alisin nito ang ketchup sa gilid ng labi ni Boss na siyang ikinatanga naming lahat.

Tila dumaan ang ilang dekadang katahimikan sa paligid namin dahil kay Saviel at Boss Luther.

Alam kong masyadong papansin si Sav kay Boss, pero yong maging sweet sila sa isa't-isa bakit ang ganda nilang tignan?

Nakarinig ako ng pagtikhim at napalingon ako sa gawi ni Gun.

"We don't know what is going on in the Philippines right now and we have lots of work to do."

Walang kahit isa ang nagsasalita sa amin hanggang sa maglakad si Calvin palabas ng canteen na parang walang nangyari.

Cassius followed Calvin.

"What should we do? Celyn is my bestfriend." nag-aalalang tanong ko.

"Calvin can do the work." Saviel answered. "Trust me, baby Kasti. Calvin knows what he can do to save Celyn if something bad happen."

"Segwey mo mars ah. Tsansing ka na naman sa gwapo kong kapatid." pang-aasar pa ni Sinji sa bestfriend nito habang nakaangkla ang mga kamay nito sa braso ni Senri na tahimik lang.

"Manahimik ka! Parang ayoko nang maligo, nahawakan ko ang labi ni Luther." sagot naman ni Sav na tila nagdi-day dream habang hawak ang daliri nitong ipinangpunas sa labi ni Boss.

"Hindi ka naman talaga naliligo." natatawang sagot naman ni Sinji pero nakatanggap ito ng sabunot mula kay Saviel.

Napahawak na lang ako sa batok ko at tinignan ang pinto kung saan dumaan si Calvin. Marami pa kaming dapat unahin lalo na't nandito kami sa main hide out ng HuPoFEL kaso hindi ko masisisi si Calvin kung umuwi siya ng Pilipinas dahil ang kompanya niya ang nakasalalay dito.

May tiwala ako kay Calvin at ipapaubaya ko sa kanya ang nagaganap sa Pilipinas.

"Gather everyone at the conference room. It's time." utos ni Boss Luther na siyang nakaagaw ng pansin ko.

Boss decided to meet us here at our main hide out to execute our plans on how to get Ernaline dahil yon ang pakiusap ni Dezrail sa amin.

Dezrail can do the work but this case is different from what Boss Luther's order given to us.

Mabigat na tao ang makakalaban namin dito at kailangan naming halughugin ang buong mundo para mahanap si Ernaline.

Ernaline Ashleigh Montenegro is Reiden Grei's younger sister. Dapat nandito din si Reiden pero hindi ito pinayagan ni Boss Luther na umalis ng Pilipinas. Ani ni Boss, okay na si Senri at Dezrail sa tabi niya which is I find it weird.

HuPoFEL is consist of 99% population of men at yung 1% percent ay kaming tatlo nina Sav at Sinji ang umuukopa.

Assassin's work is too dangerous for a women like us but because of dedication and hardwork we already reach what men can do. Nakakasabay kami sa kung anong misyon ang ibinibigay sa amin ni Boss Luther, mapanganib man yan o hindi, buhay o kamatayan man, kapayapaan o pagkakaisa. Iba ang trabaho na meron kami kaysa sa pangkariniwang tao.

We kill for defense, but we reflect on it while living inside the dungeon together with hyena. Pero may isa pang parusa si Boss sa amin. Ang pasukin ang kweba sa Egypt at makipagsapalaran sa mga quest na inilagay nila ni Rent at Gun.

Iwinaglit ko na lamang sa isip ko ang kalagayan ni Celyn at nagfocus sa trabaho.

'Sana okay ka lang Celyn. Please manatili kang ligtas hanggang sa makabalik ako ng Pilipinas.'