Chapter 10: Calvin De Chavez
CELYN'S POV:
--
NANG matapos mag-audition si Monique, sumunod na isinalang ang mga alipores nito na tila kalalabas pa lamang mula sa isang institusyon ng mga baliw. Bukod sa pagiging maarte at walang talento, pinagtawanan lamang sila ng crew at ibang auditionee na narito sa loob ng hall.
Napapailing na lamang ako at napapabuntong-hininga dahil sa pagiging desperada ng mga alaga ni Tita Moira.
"Seriously, mas bagay sila sa minor role or baka nga gawin silang extra taga benta sa bangketa." humagalpak ng tawa ang isang crew na may suot ng headphone sa kanyang ulo at sa tingin ko ay kasama ito sa technical production. Kausap nito ang isang assistant manager na tumatawa rin habang pinapanuod ang ginagawang kabulastugan ng mga alipores ni Monique.
Halos lahat kaming auditionee ay binigyan ng script na siyang susundin namin bago sumalang sa entablado. Kabisado ko na ang laman ng script na ibinigay sa akin pero sa kinalabasan ng audition ni Monique at mga alipores nito, walang buhay ang bawat linyang binibitawan nila.
Hindi naman ako perpekto tulad ng sinasabi nila ngunit nababase yun sa kung ano ang nakikita ng mga mata ko sa bawat script na binibigay sa akin.
"Ilan pa ba ang sasabak sa audition? Sa tingin ko nawawalan na ng pag-asa si Boss Calvin." rinig kong usisa ng isa sa mga staff na siyang nagma-manage sa amin sa kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin.
Tinignan ng isang babae na kausap nito ang hawak na stationary at binasa. "Aabot pa ng sampu, susunod na si Miss Bautista."
"Si Miss Celyn Alarie Bautista? Bakit siya magu-audition dito kung hawak siya ni Maverick sa S&S talent company?"
Ayoko sanang marinig ang pinag-uusapan ng mga nasa paligid ko ngunit nasa isang sulok ako ng hall at medyo madilim sa pwesto ko at tanging ang stage lamang ang iniilawan nila para makita ng maayos ang ekspresyon ng mukha namin.
"Gaga! Matagal ng pinull-out ang kontrata ni Miss Bautista kay Maverick at isa pa she can do whatever she wants lalo na't free lancer lang naman siya."
"Sabagay, may point ka."
"Ang sabihin mo huli ka lang lagi sa balita. Napapadalas ang pangalan ni Miss Bautista sa mga headlines ngayon dahil sa nangyaring shoot out sa Laguna. Tinambangan raw ng mga di kilalang armadong lalaki ang van na sinasakyan ng grupo ni Miss Alarie papunta sa next destination nito ng photoshoot."
"Ay grabe naman yun? Kailan pa nangyari yan?"
"Noong isang buwan pa."
Napapailing na umalis ako sa pwesto ko at naglakad palapit sa hagdanan kung saan ang exit ng mga auditionee dahil tapos na ang mga alipores ni Monique.
"Wish you a goodluck Celyn. Sana hindi ka matanggap." bungad sa akin ni Monique nang makita ako nitong naghihintay sa gilid ng stage.
"In fairness ang galing mong umarte." papuri ko rito na may halong pang-iinsulto.
Monique flips her hair like she's proud what she's doing earlier. "Hah! Of course. Pinaghandaan ko ba naman ang pagbagsak mo!"
"Abangan mo na lang hanggang sa pumuti ang mga mata mo." iniwan ko na si Monique ng tawagin nang floor director ang pangalan ko bilang susunod na sasalang sa audition.
Nakaramdam ako bigla ng kaba nang makita ko sa harapan ang lalaking nagmamay-ari ng CDC Entertainment na si Calvin De Chavez. Paanong hindi ko makikilala kung may mga bond paper sa harapan nila kung saan nakasulat ang kanilang buong pangalan. Ang mga katabi nito ay si Rent Drake Martin at Trevon Dwayne Blas.
"You are Celyn Alarie Bautista, right? A freelance actress." I was stunned when he asked me that question, nakasulat na sa audition paper ko why ask it again? I never expected that I could meet face to face the high and mighty Calvin De Chavez - the owner of CDC Entertainment.
Freelance because I don't have a permanent entertainment company who can handle me as an actor. Si Mommy ang manager ko sa bawat commercials, tv-series, and even movies. She will do everything para lang mapasama ako sa project kahit na extra lang.
"Y.. yes." Muntik ko pang makagat ang dulo ng dila ko sa sobrang nerbyos. Sanay naman na ako sa spotlight, but when it comes in front of him feeling ko tumitigil ang oras.
I don't like him, though. Nababasa ko naman sa mga magazine, lahat ng achievements niya but there is something in him I can't figure out.
"You're not qualified to be part of this movie." Laglag ang pangang nanatili akong nakatayo sa stage while staring at him. Hindi pa ako nagsisimula ng script reading but I already failed? Unbelievable!
Narinig ko rin ang malutong na tawa ni Monique na nasa gilid pa rin ng stage. Tila tuwang-tuwa ang gaga sa narinig nito.
"What? But I'm not started yet!" I greeted my teeth out of anger. Kumukulo ang dugo ko! How can he say that I am not qualified even though he hasn't seen how I act?
"You hear me clearly young lady. So, please get out of the stage and leave."
Nanggagalaiting lumabas ako ng audition hall na yun, out of frustation. Paano ko ngayon sasabihin kay Mommy na hindi ako nakapasa? Siguradong abot langit ang parusang matatanggap ko!
"Sisiguraduhin kong babagsak ka Calvin De Chavez. Mark my word!"
Bago pa man ako makapasok sa elevator, someone grabbed me from behind and pinned me at the wall before I realized we're already inside the lift.
Nanlaki ang mga mata ko ng makilala kung sino ang humaklit sa akin. "Challenge accepted. But before that let me reward you,"
Before I could speak...
A lightning bolt struck my whole body when his lips met mine. Nanigas ang buong katawan ko. In my whole life, I never permit those guys who want to kiss me even though it's part of the movie, but darn this guy, he can do whatever he wants!
Naiwan akong tulala sa loob nang elevator when it opens, that guy immediately ran off after he did that to me.
A silent scream let out from my mouth as I pushed the close button.
"Die, Calvin De Chavez! This is not the end where our path crosses. Damn you! I will make you suffer!"
--
CALVIN'S POV:
A smirk formed through my lips when I saw Celyn's face rage by anger when the elevator closed its door.
Hindi ko intensyon na ipahiya siya sa buong crew at auditionee na nasa loob ng hall. It was Sinji and Saviel's plan.
A flashback came into my mind when I saw Celyn's face.
"This is the woman I want you to protect with." nilatag ni Kastiel ang isang litrato sa harapan ko at kinuha yun bago pinakatitigang mabuti.
Celyn Alarie Bautista, a freelance model and an actress. I am not interested at her but Kastiel beg me to be Celyn's bodyguard that's why I am here at HuPoFEL's headquarters because Luther called for me.
Tinignan ko si Kastiel bago ko itinapon sa ere ang litrato ni Celyn.
"I am not interested Kastiel." tinatamad na sagot ko.
Namomroblema na nga ako sa banda ng Blackhand para sa darating na comeback song, dadagdagan pa ni Kastiel ng responsibilidad.
"But Boss Luther said you are available to do this mission Calvin." pamimilit pa ni Kastiel.
Sumandal ako sa sofa na siyang kinauupuan ko dito sa loob ng opisina ni Luther. Kastiel and I is the only people here because Luther has a business trip to attend to with Saviel and Rent.
"Luther knows how much I am busy managing that CDC Entertainment. Hindi ko nga alam kung bakit ako ang ginawa niyang owner sa business na tu gayong wala naman akong background sa pag-aartista." pagmamaktol ko sa harapan ni Kastiel.
CDC Entertainment is not mine.
Luther asked me if I can manage a business and I thought it was just a small business but damn that guy, pumutok agad sa industriya ang business na 'yun in just half a year. Hindi ko naman aakalain na makikilala agad ang CDC Entertainment sa mundo ng mga artista at modelo.
Kung alam ko lang na ganito kahirap mag-manage ng isang tv station hindi ko sana tinanggap ang offer ni Luther!
Dumagdag pa ang binuong banda ni Dezrail kasama si Senri na lalong nagpalago sa business na hawak ko.
"Come on Cal, lahat naman tayo ay abala sa sariling nating misyon eh. Ang sa akin lang ay bantayan mo si Celyn." ani ni Kastiel.
Naisandal ko ang aking batok sa headrest ng sofa at napatitig sa kisame bago ko ipinikit ang aking mga mata.
"I can't do that Kastiel."
Hindi kasi ako pwedeng umalis sa CDC dahil ako rin mismo ang may hawak sa BlackHand bilang manager nila.
"Bakit hindi ka maglaunch nang movie at gawin mong leading lady si Miss Celyn?"
Naidilat ko ang aking mga mata at ganun na lamang ang gulat ko nang bumulaga sa akin ang mukha ni Saviel na nakadungaw sa mukha ko.
"Hi Calvi!" bati nito.
Umayos ako ng upo nang biglang sumampa sa sofa si Saviel at nagslide paupo sa tabi ko.
"Ganito kasi 'yan Calvi since hindi ka makaalis-alis sa CDC dahil nga sa magka-comeback ang BlackHand, mag-launch ka ng movie na ikaw ang bida at si Celyn."
"What?" takang-tanong ko rito. "I don't have any talent like acting or something what you called it."
"Sus! Huwag kang mag-alala kasi ako ang gagawa ng script." ani naman ni Saviel.
Napangiwi kaming dalawa ni Kastiel sa sinabi ni Saviel. Kahit kailan ay walang ginawang matino ang babaeng ito.
"Wait nga Sav bago ka gumawa ng script dyan may tanong ako?" sabat ni Kastiel.
"Shoot."
"Akala ko ba kasama ka ni Boss sa business trip niya, bakit nandito ka?"
"Late ako nagising." mabilis na sagot ni Sav pero hindi kami naniniwala kaya tinignan namin siya ni Kastiel.
"Oo na! Tumakas ako, happy?" nakangusong sagot ni Sav.
Napapailing na lamang ako dahil tiyak na mag-aalburuto na naman si Luther once na malaman nitong tinakbuhan na naman siya ni Saviel.
Mula ng dumating si Saviel sa HuPoFEL hindi na natahimik ang mundo ni Luther dahil sa kaliwa't-kanang kalokohan na binibigay sa kaniya ni Sav. Nagkaroon rin ng buhay ang HuPoFEL ng dumating si Sinji at Kastiel at lalong dumami ang myembro ng HuPoFEL na siyang binuo ni Luther para sa amin.
"Lagot ka." pananakot pa ni Kastiel.
"As if matatakot ako sa pagbabanta mo baby Kasti?" sagot naman ni Sav na may halong sarkasmo.
"Paanong movie ba ang naiisip mo?" putol ko sa asaran ng dalawa.
Saviel look at me. "Ang movie na ila-launch natin ay may titulong Sky Fall."
"Anong setting nun?"
"Ang magiging plot niya is conyo yung babae at yung lalaki naman ay isang mafia boss ngunit hindi alam ni girl na isang mafia boss si guy. Until one day nagtagpo ang landas nila sa isang elevator dahil hindi umano tinanggap ni guy si girl sa trabahong pinag-applyan nito sa loob ng kompanya ni guy kaya naman nanggagalaiting umalis ito pero sinundan ito ni guy at doon nagsimula ang kanilang kwento."
"Parang ang cringe naman nun?" komento ni Kastiel.
"Sus hindi ka lang mahilig sa mga romance eh, kaya ka hindi nagkakajowa!" pang-aasar naman ni Saviel.
"Do you think it will click?" tanong ko na may halong pagdududa.
"Why not? Celyn Alarie ba naman ang leading lady mo at ikaw bilang leading man at may-ari ng CDC Emtertainment ang bibida, pustahan tayo puputok ang mga sinehan." kompyansang wika ni Sav.
"Okay fine. I'll deal with it." pagsukong wika ko.
"Talaga?" sabat naman ni Kastiel.
"Yeah. But in one condition?" sabi ko kay Kastiel.
"Ano 'yun?"
"Don't meddle in my own business."
Natapos ang usapan ang nagkasundo kami ni Kastiel bilang bodyguard ni Celyn kung tatanggapin ko ito bilang leading lady sa nasabing movie.
'Sky Fall? What a brandnew feeling.'
Pagkaalis ni Kastiel, naiwan si Saviel na nakaupo pa rin sa tabi ko habang nakatitig sa litrato ni Celyn nang biglang lumingon ito sa akin at ngumisi.
"Problema mo?" kinakabahang tanong ko rito.
Saviel leans on me while her hands on my thigh as her supports.
"Bakit hindi natin lagyan ng twist?" ani ni Saviel bago ko naiatras ang aking mukha.
"Lumayo ka nga sa akin?" wika ko kay Saviel bago hinawi ang mukha nitong papalapit sa mukha ko.
"Aray ko naman Calvi! Mapanakit ka na!" reklamo naman nito.
"Umayos ka kasi!" naiinis na wika ko naman dito.
"Psh! Ganito gawin mo ha? Once na makita natin ang pangalan ni Celyn sa listahan ng mga auditionee at susunod siyang sasabak sa stage, banatan mo agad ng 'you're not qualified for the said role' ganun!"
"What?"
"Basta gawin mo na lang!"
"What if she'll get mad at me?"
"Edi ayos! Tapos kapag nagwalk-out sa audition hall sundan mo agad tapos nakawan mo ng halik."
"I am not that asshole Sav."
Mukhang hindi ko gusto ang takbo ng utak nitong babaeng ito. Never in my entire life I had a realationship back then. Single ako ever since at wala pa akong nahahalikan kahit na sino!
"Bakla ka ba?" ani ni Sav na seryoso ang mukha.
"What? Of course not!" mariing pagtanggi ko sa paratang ni Saviel.
I am not a gay for fcking sake!
"Then do what I say! Pustahan tayo pasasalamatan mo ako dahil dito. Ano, deal?"
"Tsk! Magkano ba pusta mo?" tanong ko rito bago lumayo ng konti. Mahirap na at baka may CCTV dito edi patay ako kay Luther kahit na hindi naman ako interesado kay Sav.
"Isang milyon!"
"Deal."
Nabalik ako sa huwisyo nang makitang nakangisi si Saviel at Sinji sa isang pasilyo dito sa loob ng kaharian ko - ang CDC Entertainment, nang makabalik ako mula sa elevator. Naghagdan na lang ako since hindi ko pwedeng gamitin ang exclusive lift dahil yun ang nasakyan ni Celyn nang magwalk-out ito.
I don't want to play under their palms but when I accept Saviel's challenge I already moving in their own hands!
That kiss gives me an unknown feeling and I don't want it stole my sanity.
I know Celyn is a gorgeous woman and she's the epitome of every man's dream but I won't allow it if someone barge in inside my territory.
Celyn is my territory!
"What took you so long?" nagtatakang bungad sa akin ni Trev nang makita ako nitong nakabalik na sa audition hall.
"Nothing." sagot ko rito.
Tinawag ko si Melissa na siyang assistant manager ko.
"Yes Sir?" aniya.
"Tell them that the audition is over." utos ko rito na agad sinang-ayunan ni Melissa bago ako nito talikuran para puntahan ang mga auditionee na naiwan sa hall.
"Did something happen? You look sick?" sita naman ni Rent.
"Just a minor problems dude, don't mind me." sagot ko naman dito.
"Are you sure you'll accept Celyn Alarie as your leading lady for the upcoming movie?" Trev asked.
"Yeah! Planado na namin ito ni Saviel lalo na't siya naman ang magsusulat ng script sa movie na ito."
"Saviel is hard to deal with but if you'll trust her that much, I can't do anything about it."
"Hoy Rent! Narinig ko 'yun."
Sabay-sabay kaming napalingon nina Trev at Rent mula sa pintuan nang hall ng sumigaw si Saviel kasama si Sinji.
"Whatever." sagot naman ni Rent bago nilisan ang kinatatayuan nito.
"Hi Sav, Sinji?" bati naman ni Trev sa mga babae at nagbeso pa.
"Hi Trev!" sabay na bati naman ni Sinji at Saviel.
"Anyways, narito ang script na pinaghirapan naming dalawa ni Sinji. Basahin mo ito at once na nakapag-decide ka na, call us and your crews para masimulan agad ang taping natin."
Inabot sa akin ni Sav ang isang makapal na bond paper na naglalaman ng script. In just a day, they already finished a script for this movie? Unbelievable!
"Don't forget to call us Cali." sabat naman ni Sinji.
Wala sa sariling napatango na lamang ako nang lisanin ni Saviel at Sinji ang lugar kasama si Trev.
I think this will be a hell for me...